Chapter 26
Surprise
🔥
"You want to go home already?" Andriuz whispered.
Ilang minuto palang kaming nakaupo dito sa mesa nila pero mukhang naiinip na rin siya. Kahit naman maganda ang pakikitungo sa akin ng pamilya ni Andriuz, gusto ko na ring umuwi. At saka inaalala ko si Kristine, iniwan ko siya sa table namin. Ang sama kong kaibigan.
Tumango ako kay Andriuz. "Puwede na ba?"
He smiled then he stood up. "Happy birthday, kuya. We have to go. Sa susunod na lang ang regalo ko sa 'yo," sabi ni Andriuz sa kuya niya.
"Aalis na kayo kaagad? Gusto mo talagang masolo si Caelan," sabi ni Aireen.
Uminit ang pisngi ko dahil natawa rin pati ang parents nila. Sa sobrang seryoso ng mukha nila kanina, akala ko ay hindi sila marunong tumawa.
"Okay, ihatid mo na si Caelan, Andriuz. Pero kailangan mong bumalik. Mag-uusap pa tayo," sabi ng mommy niya.
"Yes, mom."
Nagpaalam na rin ako sa kanilang lahat pagkatapos ay pinuntahan ko na si Kristine sa table namin kanina. May kausap siya doon na mukhang kakilala niya kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Atleast na-entertain pa rin siya kahit papaano.
"Kristine," tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at kaagad na nagpaalam sa kausap.
"Uuwi na tayo?" tanong niya.
Tumango ako at nilingon si Andriuz na nasa likuran ko na pala.
"Ihahatid tayo ni Andriuz. Halika na," sabi ko.
Kumapit sa braso ko si Kristine at alam ko na kaagad na may sasabihin siya.
"Puwede naman akong mag-tricycle pauwi. Baka makaistorbo pa ako—ouch," reklamo niya dahil kinurot ko siya sa tagiliran.
Paniguradong hindi na naman niya ako titigilan sa pang-aasar. Natatakot lang ako na baka may masabi siyang hindi dapat. Katulad na lang ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Hindi pa ako handang sabihin kay Andriuz ang bagay na 'yon. Gusto kong masigurado muna nang husto ang relasyon namin bago ko sabihin sa kaniya. Ayaw ko naman siyang biglain.
Sumakay kami sa kotse ni Andriuz at ilang minuto lang naman ang papunta sa amin. Nagpaalam kaagad si Kristine na uuwi na kaya naiwan kaming dalawa ni Andriuz sa labas ng kotse niya.
He is staring at me. No. He's actually staring to my soul. Wala siyang sinasabi pero punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.
"Sige na, bumalik ka na sa mansyon. Hinihintay ka ng mommy mo," sabi ko.
He sighed. "Can you wait for me? Mabilis lang ako pagkatapos mag-uusap pa tayo."
Tumango ako. "Hihintayin kita."
Hinaplos niya ang pisngi ko bago siya sumakay ulit sa kotse. Nang makaalis siya ay 'tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si mommy na nakaupo sa harap ng mesa at mukhang malalim ang iniisip.
"Caelan, maupo ka muna," sabi ni mommy.
Umupo ako sa tapat niya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Bakit po, mommy? May problema po ba?" tanong ko.
Ngumiti si mommy bago umiling. "Wala naman. Naisip ko lang na ilang linggo na mula nang lumipat tayo dito. Masaya ka ba? Dito mo na ba gustong tumira?"
"Masaya naman po ako dito, mommy. Nandito po kasi kayo sa tabi ko. Bakit n'yo po natanong? Nalulungkot po ba kayo dito? Na-mi-miss n'yo na po bang tumira sa syudad?"
"Minsan. Pero masaya din ako dito, Caelan. Dahil naaalagaan kita hindi katulad noon."
Lumipat ako sa tabi ni mommy at niyakap siya. "Thank you, mommy. Sa pagsama sa akin dito."
Pumunta ako sa kuwarto ko at dito tinanaw ang bahay ni Andriuz. Hihintayin ko siyang makauwi. Seven pa lang naman ng gabi kaya hindi pa ako inaantok.
The clock strikes at eight o'clock in the evening and Andriuz hasn't come back yet. I'm still waiting for him.
Ang sabi niya saglit lang siya pero mukhang hindi pa siya pinayagang bumalik ng pamilya niya. Inaantok na rin ako kaya bukas ko na lang siguro siya kakausapin.
Aalis na sana ako sa tapat ng bintana nang may makita akong sasakyan na huminto sa harap ng bahay ni Andriuz. May dalawang lalaking bumaba.
Pamilyar sa akin ang suot nilang damit. Parang gano'n ang suot ni Andriuz noong nasa isla kami. Natatandaan kong gano'n din ang uniform noong mga lalaking sumundo sa amin.
Kasamahan ba sila ni Andriuz sa isa pa niyang trabaho? Pero bakit basta na lang silang pumasok sa bahay ni Andriuz? May nangyayari ba?
Because of curiosity, I went out of the house to check what's going on.
Saktong palabas na sila ng bahay nang makalapit ako. Sinarado ng isa ang pinto habang ang isa naman ay napatingin sa akin. Base sa reaksyon niya, mukhang kilala na niya ako.
"Sino kayo? Anong kinuha n'yo sa bahay ni Andriuz?" tanong ko.
Nagkatinginan sila bago nagsalita ang isa. "Wala kaming kinuha pero meron kaming iniwan para kay Attorney."
Kumunot ang noo ko. "Okay lang ba na basta kayong pumasok sa loob? Atsaka, alam n'yo ba kung bakit hindi pa siya umuuwi?"
"Miss, si attorney mismo ang nagsabi na iwan na lang namin sa loob ang bagay na 'yon. Tungkol sa pangalawa mong tanong, may inaasikaso pa siya kaya siguro hindi pa siya bumabalik. Mauuna na kami."
Hinayaan ko na silang makaalis at naupo na lang ako sa terrace ng bahay ni Andriuz. Ang dami ko pang hindi alam tungkol kay Andriuz. Samantalang siya, alam niya ang halos lahat ng tungkol sa akin.
Yumuko ako sa mesa habang nag-iisip. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa papalapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin at napangiti nang makita si Andriuz.
"Ang sabi ko, huwag kang natutulog kung saan-saan," bungad niya sa akin.
"Hindi naman ako natutulog. Hinihintay kita," sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko at bigla kong naalala iyong dalawang lalaki na nagpunta dito. Humarap ako kay Andriuz bago ako nagsalita.
"May dalawang lalaking pumunta dito kanina, may iniwan daw sila para sa 'yo," sabi ko.
Tumango lang siya at hindi nagsalita. Nakatitig siya sa akin kaya hindi ko mapigilang mailang. Nag-iwas ako ng tingin.
"Andriuz," bulong ko bago sumandal sa balikat niya.
"Hmmm?"
"Ang sabi mo, nandito ka para sa trabaho. Anong klaseng trabaho ba 'yon? May bagong kaso ka bang hawak? Tagarito ba sa isla ang client mo?" tanong ko.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Akala ko ay hindi na siya sasagot pero narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"It's just some unsolved case. At oo, nandito sa isla ang client ko," sagot niya.
There is something on his answer that I couldn't figure out. It seems like he's hiding something.
"Hindi ko ba puwedeng malaman?" tanong ko ulit.
"Confidential ang bagay na 'yon."
Umayos ako ng pagkakaupo at hinarap siya. "Hindi naman siguro delikado 'yan, 'di ba?"
He shook his head and smiled. "You don't have to worry about it. Malapit nang matapos ang kasong 'yon kaya magiging busy ako sa mga susunod na araw."
Tinitigan ko ang mga mata niya at sinubukang alamin kung nagsisinungaling ba siya. Pero mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Kung ano man ang tinatrabaho niya, sana hindi siya mapahamak.
Kagaya ng sinabi niya ay naging busy nga siya sa mga sumunod na araw. Hindi ko na siya inabala pa at ibinaling ko na lang sa ibang bagay ang atensyon ko. Katulad ngayon, tinutulungan ko si Kristine na ayusin ang mga damit na ititinda niya sa ukay-ukay.
"Cae, 'di ba, doon sa kabilang bahay nakatira ang boyfriend mo?" tanong ni Kristine.
Tumango ako. "Oo, bakit?"
"Wala lang. Pansin ko lang, bakit palaging may babaeng pumupunta doon? Hindi naman sa binibigyan ko ng malisya ah, curious lang ako."
Ngumiti ako. "Katrabaho niya 'yon."
"Ah, katrabaho. Pero huwag kang pakampante, Cae. Iyang mga katrabaho na 'yan ang unang umaahas sa mga boyfriend—Aray!" reklamo niya dahil hinila ko ang buhok niya.
"Ang sama mo mag-isip, Kristine. May tiwala naman ako kay Andriuz," sabi ko.
"May tiwala ka ba talaga? E, bakit hindi mo pa sinasabi sa kaniya na buntis ka?"
Hindi ako nakakibo. Ang totoo, plano kong sabihin na kay Andriuz ang tungkol sa pagbubuntis kapag natapos na niya ang tinatrabaho niya. Ayaw kong sabihin ngayon dahil baka mawala siya sa focus at hindi niya matapos nang maayos ang trabaho.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako at lalabas na sana ng kuwarto nang tumunog ang cellphone ko.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko madalas ginagamit ang phone ko dahil nagpalit na ako ng number at wala rin namang nag-te-text o tumatawag sa akin. Kahit kila Mario ay hindi ko sinabi ang bagong number ko. Kaya sino ang mag-te-text sa akin at hatinggabi pa?
Binuksan ko ang text at binasa ang message mula sa unknown number.
Unknown number:
Caelan, still awake?
Muling tumunog ang phone ko at may panibagong message na naman.
Unknown number:
This is Andriuz. I got your number from your mother.
Nakahinga ako nang maluwag nang malamang si Andriuz pala ang nag-te-text. Tumunog ang phone ko at this time, tumatawag na siya. Huminga ako nang malalim bago ito sinagot.
"Hello?"
Hindi siya kaagad nagsalita pero narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. Nasa labas ba siya? May naririnig din kasi akong kuliglig.
"Hello," I smiled when I heard his husky voice.
"Napatawag ka?" tanong ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
Ito ang unang beses na nagkausap kami sa phone. At hindi ko maawat ang ngiti ko.
"I just want to check on you. It's past eight-thirty already, you should be asleep by now."
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. "Hindi pa ako inaantok. Ikaw? Nasaan ka ba? Okay ka lang ba?"
He sighed on the other line. "I'm fine. Nasa trabaho ako ngayon. Baka bukas, matapos na rin 'to."
"I understand. Mag-iingat ka."
"I will. Goodnight, Cae."
"Goodnight."
Hindi ko alam kung kailan ako huling natulog nang matiwasay. Pero ang alam ko, pagkatapos naming mag-usap ni Andriuz kagabi ay naging mahimbing ang tulog ko.
Kaya naman maganda ang gising ko kinabukasan. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti.
Matatapos na ang trabaho ni Andriuz ngayon, baka puwede ko nang sabihin sa kaniya mamayang gabi ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sana ligtas siyang makauwi.
Bigla akong nakaisip nang magandang ideya. Magluluto ako para kay Andriuz.
"Mommy, pupunta po muna ako sa palengke. May ipapabili po ba kayo?" tanong ko pagkalabas ko ng kuwarto.
"Kumpleto pa naman ang supplies natin dito. Ano bang bibilhin mo?"
"Gusto ko pong ipagluto si Andriuz. Ngayon daw po kasi matatapos ang trabaho niya," sagot ko.
Napangiti si mommy. "Sige, sasamahan na kita."
Pumayag ako at dalawa kami ni mommy na nagpunta sa palengke. Simpleng putahe lang naman ang lulutuin ko dahil hindi naman ako pro pagdating sa pagluluto. Iyong kayang-kaya lang lutuin ng beginner na katulad ko.
Kinahapunan ay inihanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Panghapunan na kasi ang iluluto ko dahil mukhang gabi pa makakauwi si Andriuz.
Halos isang oras ang inilaan ko sa pagluluto at palubog na ang araw. Tinanaw ko ang bahay ni Andriuz pero wala pa rin ang kotse niya at nakapatay pa rin ang mga ilaw ng bahay. Hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon.
Tumunog ang phone ko at agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang nag-text. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Andriuz.
Andriuz:
I want to see you. Let's meet at the Pier. I have a surprise for you.
I changed my outfit into a dress then I put a light makeup. Hindi ko alam kung date ba ito pero gusto kong maging presentable sa paningin ni Andriuz.
Nasa sala si mommy pagkalabas ko ng kuwarto.
"Mommy, magkikita po kami ni Andriuz. Uuwi din po kami kaagad para dito maghapunan," sabi ko.
Tumango si mommy. "Mag-iingat ka, Cae. Sabihin mo na rin ang dapat mong sabihin sa kaniya."
"Opo, mommy. Aalis na po ako."
Lumabas ako ng bahay at sumakay ng tricycle patungo sa Pier. Hindi ko alam kung bakit doon gustong makipagkita ni Andriuz. Hindi kaya, sasakay kami ng bangka? O barko? Imposible naman.
Halos sampung minuto ang biyahe papunta doon kaya tuluyan nang dumilim. Mabuti na lang at may mga poste pa rin ng ilaw dito. Pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Andriuz.
Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako dito. May text si Andriuz. Ang sabi niya, sumakay daw ako sa yate. Inilibot ko ang paningin at iisang yate lang naman ang nakikita ko dito. Lumapit ako doon at umakyat.
Alam kong mayaman talaga si Andriuz, pero hindi ko naisip na may pagmamay-ari pala siyang yate. Hindi na dapat ako nagulat, nasa isla ang bahay niya kaya malamang may ganitong pag-aari siya. Baka nga may mga bangka rin siya, e.
Pumasok ako sa loob ng yate at sinubukang hanapin si Andriuz.
"Long time no see, Caelan."
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ako nakakilos hanggang sa tuluyan ko nang makaharap ang lalaking nagsalita.
My eyes widened in shock when I saw his face. My hands trembled in fear when realization hit me.
"I-Imposible...Oliver. P-Paano...bakit buhay ka pa?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top