Chapter 22
Care
🔥
"Aalis na po ako, mommy," sabi ko pagkakuha ng wallet ko.
"Sige, mag-iingat ka!"
Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa may sakayan ng tricycle. Pupuntahan ko kasi si Crystal sa mansyon katulad ng sinabi niya sa akin noong nakaraan. Gusto ko rin siyang makausap lalo na tungkol sa pagbubuntis.
Pagdating sa mansyon ay pinapasok na ako kaagad ng isang kasambahay. Hinatid niya ako sa garden dahil nandoon daw si Crystal kasama ang baby niya.
"Cae! Halika maupo ka," masiglang bungad ni Crystal sa akin.
Umupo ako sa kaharap niyang upuan. Napansin kong nagbabasa pala siya ng libro habang natutulog na naman sa stroller ang baby niya.
"Mahilig ka rin palang magbasa ng libro. Pareho tayo," sabi ko.
Ngumiti siya. "Oo, nare-relax kasi ako habang nagbabasa. By the way, itong ibang libro tungkol sa pagbubuntis. Ibibigay ko na lang sa 'yo. First baby mo ba 'yan?"
Tumango ako. "Oo."
"I see. Dapat masanay ka na sa changes sa katawan mo. May morning sickness ka ba?" tanong niya at tumango ako ulit. "Naku grabe 'yun, 'no? Mabuti na lang talaga napaka-caring ng asawa ko kaya nalampasan ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. Masaya siguro kapag may kasamang asawa habang nagbubuntis pero kaya ko namang mag-isa. Besides, nandiyan naman si mommy.
"Alagang-alaga ka siguro ng asawa mo, 'no?" nakangiting tanong ko.
"Sinabi mo pa. Sobrang caring niya 'yung tipong bawat kilos ko nakaalalay siya. Ikaw ba? Kasama mo ba ang daddy ng baby mo?"
Hindi ako nakasagot kaagad pero kalaunan ay umiling din ako. Wala naman akong dapat na ikahiya kung single mother ako. Nakaka-proud kaya ang mga single moms.
"Hindi, e. Complicated kasi ang relasyon namin noon kaya hindi ko na sinabi sa kaniya na buntis ako," sabi ko.
"Gano'n ba? Pero malay mo naman gusto niyang makilala ang baby n'yo. Pero kung may malalim ka talagang dahilan para itago ang anak ninyo, isu-support na lang kita."
Ngumiti ako. "Salamat. Napansin ko lang, ikaw lang palagi ang nandito. Kayo lang ba ang nakatira dito ngayon?" tanong ko.
Umiling siya. "Kasama ko naman ang asawa ko pati na rin ang in-laws ko. Sa kanila nga itong bahay, e. Noong nakaraang araw, dumating naman ang kapatid ng asawa ko pero hindi naman siya dito nag-s-stay. May sarili siyang bahay na malapit sa dagat."
Marami pa kaming napag-usapan ni Crystal at nagpakuha pa siya ng meryenda sa loob. Natutuwa talaga ako sa kaniya. Ang dami ko ring nalalaman tungkol sa pagiging buntis.
"Crystal,"
Napalingon ako sa dumating at agad namang lumapit sa lalaki si Crystal. Siya siguro ang asawa niya.
"Mahal, nandito ka na pala. Halika, ipapakilala kita sa bagong kaibigan ko," sabi ni Crystal at iginiya palapit sa akin ang asawa niya. "Love, this is Cae. Cae, siya naman si Art, ang asawa ko."
Pansin ko ang paninitig ng asawa niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Para kasing binabasa niya ang isip ko.
"You look familiar. Have we met before?" he asked.
Umiling ako kaagad. Samantalang natawa naman si Crystal.
"'Yan din ang sabi ko sa kaniya. Mukha siyang model o artista, 'di ba?" sabi ni Crystal.
"Sa tingin ko alam ko na kung saan kita nakita. But nevermind, baka kamukha mo lang."
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na sila nag-usisa pa. Mabuti na lang noong lumipat ako dito ay nagpagupit ako ng buhok. Hindi man masiyadong nagbago ang mukha ko pero atleast hindi ako madaling makikilala ng iba.
"Pumayag bang mag-dinner dito ang kapatid mo?" tanong ni Crystal sa asawa niya.
"Yup. Hindi naman siya makakatanggi dahil hihilain ko siya papunta dito kapag hindi siya pumayag," sabi ni Art. Napasulyap siya bigla sa mga libro na nasa mesa. "You're talking about pregnancy?"
Tumango si Crystal. "Oo. Nag-sh-share lang ako kay Cae ng mga alam ko tungkol sa pagbubuntis. First time mom kasi siya."
Tumingin sa akin si Art kaya ngumiti ako. "Totoo 'yon. Marami ngang nai-share sa akin si Crystal."
"That's good to hear. Congratulations on your pregnancy," he said. Bumaling siya ulit sa asawa. "Papasok na ako sa loob. Huwag ka na masiyadong magpagod."
Pagkatapos sabihin 'yon ay pumasok na nga sa loob ng mansyon si Art. Kami naman ni Crystal ay bumalik sa pag-uusap.
Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala. Kailangan ko nang umuwi dahil baka hinahanap na ako ni mommy.
"Aalis ka na? Bakit hindi ka na lang maghapunan dito?" tanong ni Crystal.
"Hindi na. Hinihintay na kasi ako ni mommy sa bahay. Siguro, next time na lang," sabi ko.
"Sige. Nag-enjoy ako sa pagkukuwentuhan natin."
"Ako rin. Don't worry, babalik ako dito. Salamat dito sa books."
Hinatid niya ako hanggang sa may gate at saktong may paparating na tricycle kaya agad ko iyong pinara. Kumaway ako kay Crystal bago umandar ang tricycle.
Pagkauwi ko sa bahay ay napakunot ang noo nang makakita ng iba't ibang prutas sa mesa namin. Mukhang bagong pitas ang mga ito at masasarap. Bigla tuloy akong natakam.
"Cae, nandito ka na pala."
Nilingon ko si mommy na kalalabas lang mula sa kuwarto. Isinenyas ko sa kaniya ang mga prutas bago ako nagsalita.
"Saan galing 'to, mommy? Pinamili n'yo po ba?" tanong ko.
Natawa si mommy bago umiling. "Hindi ko binili 'yan. Galing 'yan doon sa matandang may taniman ng mga prutas. Nag-ani daw kasi siya ngayon."
"Pero ang dami nito tapos libre pa?"
"'Yun nga ang sabi ko. Babayaran ko sana pero tumanggi siya. Para daw talaga sa atin 'yan," paliwanag ni mommy. "Akin na, ipagbabalat kita. Ano bang gusto mo?"
"'Yang mangga po," sagot ko.
Ipinagbalat niya ako ng mangga at buti na lang may bagoong kaming naka-stock dito sa bahay. Dinala ko ang mangga sa terrace at kinain ko ito habang nakatanaw sa dagat. Papalubog na ang araw at talagang napakagandang pagmasdan no'n.
May dumating na sasakyan sa tapat ng kabilang bahay kaya napatingin ako doon. Ang alam ko walang nakatira sa bahay na 'yan , ah. May nakabili na pala?
Inilapag ko ang platito sa mesa bago ako nagtungo sa kabilang bahay. Gusto ko lang makita kung sino ba ang lumipat. Baka maging kaibigan ko pa kapag nagkataon. Babae ang bumaba mula sa kotse.
So, babae pala ang nakatira doon? Mabuti naman.
Nilapitan ko siya at napansin niya naman ako kaagad. Babatiin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas doon si Andriuz.
Mas lalong lumapad ang ngiti ng babae bago lumapit sa kaniya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at parang biglang sumama ang loob ko.
So, hindi pala sa babae ang bahay? Kundi kay Andriuz?
Tumalikod na ako at mabilis na naglakad pabalik sa bahay. Padabog kong kinuha ang platito bago pumasok sa loob.
"Ano namang pakialam ko kung may kasama siyang ibang babae sa bahay? Mabuti nga dahil mukhang naka-move on na siya," sabi ko sa sarili.
Pagkatapos kong ubusin ang mangga ay bigla kong naalala ang libro ko. Naiwan ko pala sa terrace kaya lumabas ako ulit. Na sana hindi ko na ginawa dahil nakita ko pa tuloy ulit si Andriuz. Nasa harap siya ng bahay namin.
"Anong kailangan mo?" masungit kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot pero nakita ko kung paano niya ako pasadahan ng tingin. "Kung wala kang kailangan, bumalik ka na sa bahay mo. Hindi porke't magkalapit ang bahay natin ay puwede ka nang pumunta dito."
Bumuntonghininga siya. "Wala pa akong sinasabi, ang sungit mo na kaagad."
"Ano ba kasing kailangan mo? Don't tell me, tungkol na naman ito sa kaso?"
He shook his head. "No, it's not about that. That case is already closed. Hindi ko na rin pinabuksan pa kahit ibinigay sa akin ni Oliver ang mga ebidensya."
Hindi ako nakakibo. Gusto kong magtanong kung bakit hindi niya ginamit ang mga ebidensya pero hindi ko na itinuloy. Wala rin namang sense para malaman ko pa.
"Bumalik ka na sa bahay mo, baka hinihintay ka na ng babae mo," sabi ko at bigla siyang natawa. "Ang sabi mo nandito ka para sa trabaho, parte ba ng trabaho mo 'yun? Sabagay, dinadala mo nga noon sa condo mo ang client mo, e."
"Hindi ko babae si Alice," nangingiting sabi niya.
"I don't care," I told him.
"At nandito talaga ako para sa trabaho. Trabaho lang din ang dahilan kung bakit pumunta siya sa bahay."
Umirap ako. "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala naman talaga akong pakialam."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kuwarto ko. I released a heavy sigh before I laid down on my bed.
Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin sa kisame. Hindi naman siguro alam ni Andriuz na buntis ako. Pero kung lilipas ang ilang buwan at magkapitbahay pa rin kami, paniguradong malalaman na niya.
Bahala na. Puwede ko namang sabihin na iba ang nakabuntis sa akin. For sure maniniwala siya dahil...dahil...bahala na nga. Basta dapat siyang maniwala.
Aish! Makatulog na nga!
Kinabukasan ay nagising ako at dumiretso kaagad ako sa banyo dahil bumabaliktad na naman ang sikmura ko. Ilang minuto akong nakaharap sa toilet bowl bago ako tuluyang nahimasmasan.
Morning sickness sucks!
I took a bath then I went out of my room. Hindi ko nakita sa loob ng bahay si mommy kaya lumabas ako. Naabutan ko siyang nakikipag-usap sa nagtitinda ng kakanin. Sumandal ako sa pintuan habang pinagmamasdan sila.
Nakakatuwang makita si mommy na masayang nakikihalubilo sa iba. Alam kong nahihirapan pa si mommy na mag-adjust sa buhay dito sa isla. Pero para sa akin, kinakaya niya ang lahat.
Napatingin ako sa kabilang bahay at saktong bumukas ang pinto no'n. Lumabas iyong babae na nakita ko kagabi. Gano'n pa rin ang suot niya at medyo magulo pa ang buhok.
"Hindi siya umuwi? Magkasama silang natulog sa bahay na 'yan?" bulong ko.
Ano bang tinatrabaho nila at magdamag silang magkasama? Kahit kailan talaga napakasinungaling ni Andriuz. Hindi na lang kasi niya aminin na may relasyon sila.
At kung meron nga, ano bang pakialam ko? Bakit ba ako naiinis?
Buong araw tuloy akong wala sa mood. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Basta para akong naiirita. Siguro dahil lang sa pagbubuntis ko.
"Cae, bukas pala ang fiesta dito sa isla. Gusto mo bang pumunta sa plaza?" tanong ni mommy habang kumakain kami ng hapunan.
Napaisip ako saglit. Fiesta? Hindi pa ako nakakapunta sa fiesta kahit noon pa. Nakakapanood naman ako nito sa online videos at sa tingin ko masaya naman 'yon.
"Sige po, mommy. Ikaw po ba, pupunta ka?" tanong ko.
"Hindi na siguro. Naipangako ko kasi kay Cely na tutulungan ko siyang magluto bukas."
Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kumain ay nagpunta muna ako sa terrace para magpaantok. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakayuko sa mesa.
Nagising na lang ako nang may maramdaman akong naglagay ng kung ano sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino 'yon at nakita ko na naman si Andriuz. Siya pala ang nagpatong ng jacket sa balikat ko.
"Bakit ka nandito? 'Di ba ang sabi ko layuan mo ako?" tanong ko sa kaniya.
Tinanggal ko sa balikat ko ang jacket at hinagis iyon sa kaniya.
"Hindi ka dapat natutulog dito sa labas. Hindi porke't ligtas ang isla na 'to ay wala na talagang masasamang tao dito," seryosong sabi niya.
Ipinagkrus ko ang aking braso. "At ano bang pakialam mo, ha? Don't act as if you really care about me. Huwag mo na akong paikutin ulit, Andriuz. Tama na."
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang magsalita pa siya.
"Nag-aalala talaga ako. Sobrang careless mo kasi. Basta mo na lang ginagawa ang gusto mo nang hindi iniisip na baka mapahamak ka. Nevermind, just lock the doors before you sleep. Goodnight."
Bumuntonghininga ako at nilingon siya. Naglalakad na siya pabalik sa bahay niya kaya pumasok na ako sa loob.
'Tsaka ko lang napansin na sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Tinapik-tapik ko ang aking pisngi.
"Ano ba, Caelan. Kumalma ka. Hindi porke't sinabi niyang nag-aalala siya ay maniniwala ka na. Niloko ka niya dati kaya for sure, niloloko ka na naman niya ngayon."
Pero kahit papaano, may parte sa puso ko na masayang marinig iyon mula sa kaniya. Nababaliw na yata talaga ako. Makatulog na nga lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top