Chapter 20
Journey
🔥
"Cae, ang sabi ni Sebastian, gising na daw si Andriuz," sabi ni Mario isang umaga pagkapasok niya sa kuwarto ko.
Dalawang araw na akong naka-confine dito sa hospital at palagi kong pinupuntahan si Andriuz sa kuwarto niya. Napatayo ako mula sa kama nang malaman kong gising na siya.
"Talaga ba? Kumusta na siya? Malayo na ba siya sa panganib?" sunod-sunod kong tanong.
"Cae, hindi ako doktor kaya hindi ko din alam. Bakit hindi mo na lang siya puntahan?"
Natahimik ako at muling umupo sa kama. "Ayaw ko. Masaya na akong malaman na ligtas na siya. Uuwi naman na ako mamaya, 'di ba? Pakiayos na lang ng mga gamit ko."
Alam kong may gusto pang sabihin si Mario pero hindi na niya itinuloy. Pagkalabas ko ng hospital, tatapusin ko na lahat ng mga naiwan kong trabaho pagkatapos ay magpapakalayo-layo na ako.
Wala akong balak sabihin kay Andriuz ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi niya naman kailangang malaman. Lalo pa ngayon na matindi ang galit niya sa akin. Hindi ko gustong gamitin ang bata para lang mapilitan siyang tanggapin ako.
"Caelan, naayos ko na ang mga gamit mo. Magbihis ka na at dadalhin ko na ang mga 'to sa kotse. Babalikan kita," sabi ni Mario bago lumabas ng kuwarto ko.
Bumuntonghininga ako at nagbihis na. Inilagay ko sa bulsa ko ang niresetang gamot ng doktor dahil ayaw kong makita ni Mario ang mga gamot na ito.
Wala pa si Mario nang matapos ako kaya naisip kong dumaan na muna sa kuwarto ni Andriuz.
May naririnig akong boses sa loob ng kuwarto kaya sa tingin ko kasama niya ang pamilya niya. Naririnig ko pa lang ang boses niya, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Kahit na nalaman ko ang ginawa niyang panloloko sa akin, mahal ko pa rin siya.
"Miss?"
Napalingon ako sa dumating at nakita ko ang babaeng kasama ng daddy ni Andriuz noong nakaraan. Mukhang siya ang mommy ni Andriuz.
"Ikaw si Caelan, 'di ba?" tanong niya kaya dahandahan akong tumango. "Binibisita mo si Andriuz? Bakit hindi ka pumasok sa loob?"
Lumingon ako sa kuwarto ni Andriuz bago umiling. "Hindi na po. Aalis na rin po ako."
Ngumiti siya. "Kung ayos lang sa 'yo, gusto kitang makausap. Oh, I'm sorry. Let me introduce myself, I'm Franzinne, Andriuz's mom."
Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero hindi ko naman magawang tumanggi. Kahit kinakabahan ako ay sumunod pa rin ako sa kaniya papunta sa dulo ng hallway kung saan may mga mesa at upuan.
"Take a seat," she told me.
Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin? Kung tungkol po sa nangyari kay Andriuz, humihingi po ako ng tawad. Naiintindihan ko po kung galit kayo sa akin."
"No, I'm not mad. Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Napansin ko lang na palihim mong binibisita ang anak ko pero hindi ka pumapasok sa loob. Iniisip mo ba na galit kami kaya hindi ka pumapasok?"
Napayuko ako. "Opo. Atsaka, alam ko pong ayaw akong makita ni Andriuz. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko na po guguluhin ang anak ninyo."
"Mahal mo ba ang anak ko?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi na po importante 'yon. Ako po ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay niya. Ayaw ko na pong mapahamak siya ulit nang dahil sa akin."
"I see. Si Andriuz, nahihirapan siyang mag-express ng nararamdaman niya mula pa noong bata siya. Pero isang bagay ang hindi niya kayang mapigilang ipakita sa iba. Iyon ay kapag nag-aalala siya."
Siguro nga tama siya. Naaalala ko kung paano nag-alala sa akin si Andriuz noong nalunod ako pati na rin noong tinamaan ako ng bala. Kahit kaaway niya ako, nag-aalala pa rin siya.
"Anyway, kung nakapagdesisyon ka na, hindi kita pipigilan. Salamat sa oras mo," sabi ni Miss Franzinne.
Tumango ako at tumayo na. "Salamat din po. Aalis na po ako."
Naglakad na ako palayo at nasalubong ko naman si Mario. Naintindihan niya kaagad na nagpunta ako sa kuwarto ni Andriuz kaya hindi na siya nagsalita pa.
"Mario, ako na ang bibili ng mga gamot ko. Susunod na lang ako sa kotse," sabi ko.
"Ako na lang, Cae. Akin na ang reseta—"
"Huwag na, Mario. Ako na ang bibili. Sige na, mauna ka na sa sasakyan."
"Sigurado ka?" tanong niya ulit kaya tumango ako. "Okay, bilisan mo ah. Baka kung saan ka na naman magpunta."
Pinanood ko siyang maglakad palayo bago ako nagtungo sa counter kung saan mabibili ang gamot. Pero nang dudukutin ko na ang reseta sa bulsa ko ay napansin kong wala na ito.
Kinapa ko lahat ng bulsa ko pero wala talaga. Sumulyap ako sa labas ng hospital bago bumalik sa kuwarto ko. Hinanap ko ang reseta pero wala akong nakita.
"Dito lang naman ako nagpunta..." Natigilan ako nang maalalang nag-usap nga pala kami ni Miss Franzinne.
Nahulog ko kaya ang reseta?
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at nagtungo kaagad ako sa kung saan kami nag-usap. Nandoon pa si Miss Franzinne pero nakatanaw na siya sa labas ng bintana.
Inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala naman dito ang reseta ko. Saan ko naman kaya nahulog 'yon?
"You're looking for this?"
Napatingin ako kay Miss Franzinne nang magsalita siya. Iniabot niya sa akin ang nakatuping papel. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung ito ba ang reseta ko.
"Familiar sa akin ang mga vitamins na nireseta sa 'yo ng doktor." Hindi ako nakakibo at nakita ko ang pagsulyap niya sa tiyan ko. "Gan'yan din kasi ang vitamins ko noong...buntis ako."
Suminghap ako at nanlamig bigla ang kamay. Nabasa niya ang reseta. At ngayon iniisip niyang buntis ako. Ano nang sunod niyang iisipin? Kung anak niya ba ang nakabuntis sa akin?
"I...I have to go," I told her then I walked away.
Mabilis kong binili ang mga vitamins bago dumiretso sa kotse. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ano naman ngayon kung alam niyang buntis ako? Hindi naman porke't nakita niya akong dumadalaw sa anak niya nang palihim ay siya na ang nakabuntis sa akin.
Days have passed and I made sure to finish all of my pending works for this month. Ayaw kong iwanan nang malaking problema si Mario kapag umalis na ako.
"Cae, na-discharge na nga pala si Andriuz. Pero magpapahinga pa rin siya sa bahay," sabi ni Sebastian kaya kinunutan ko siya ng noo.
"At bakit mo naman sinasabi sa akin 'yan? I don't want to hear anything about him," I said.
He shrugged. "Really? Pero si Mario tanong nang tanong tungkol kay Andriuz dahil pinapatanong mo daw. So, sino bang nagsisinungaling sa inyo?"
Minasahe ko ang sentido ko. Si Mario talaga napakadaldal.
"Anyway, let's have some coffee," Seb told me.
I shook my head. "No, thanks."
Gulat niya akong tinitigan at bigla niyang kinapa ang noo ko.
"May sakit ka ba? First time mong tinanggihan ang coffee, ah. Bagong buhay?" pang-aasar niya.
Hindi ko pa sinasabi sa kanila na buntis ako. Alam kong hindi dapat ako naglilihim sa mga kaibigan ko pero ibang usapan naman 'to. Mamaya, kay Mario ko sasabihin ang tungkol sa plano ko. Sa kaniya na lang muna dahil bilang manager ko, importanteng malaman niya ang totoo.
Nasa van na kami ngayon dahil katatapos lang ng trabaho. Wala pa ang driver namin kaya sa tingin ko ito na ang tamang oras para sabihin kay Mario ang lahat.
"Cae, guess what? 'Yung brand na gustong-gusto mong i-endorse, nag-sent sila ng email sa akin at kinukuha ka nilang model!" masayang sabi ni Mario.
Tipid akong ngumiti. "Mario, may sasabihin ako."
"Ano 'yon? Pa-suspense ka naman, kinakabahan tuloy ako," natatawang sabi niya.
"Iiwan ko na ang showbiz," sabi ko.
Napatakip siya ng bibig sa gulat. Hinawakan niya ang balikat ko habang tinititigan ako sa mga mata.
"Nagbibiro ka lang 'di ba? Bakit naman bigla mong naisip na iwanan ang showbiz! Nakakaloka," sabi niya.
"Hindi naman biglaang desisyon 'to, Mario. Pinag-isipan ko ring mabuti. Ilang taon na din akong artista, gusto ko nang magkaroon ng normal na buhay," paliwanag ko.
His face saddened. "Cae, think about it first. Masiyado ba akong maraming nai-line up na trabaho sa 'yo? Napapagod ka ba? Puwede ka namang mag-leave ng ilang buwan pagkatapos bumalik ka."
Ngumiti ako. "Mario, ang totoo, gusto ko nang tumigil dahil...buntis ako."
Napabitaw siya sa balikat ko at muling napatakip ng bibig. Ilang beses siyang huminga nang malalim na para bang aatakihin siya sa puso. Hinayaan ko siyang iproseso ang sinabi ko.
"T-Tama ba ang narinig ko? Buntis ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Oo, Mario."
"Sinong...oh my gosh! Si attorney ang nakabuntis sa 'yo?" gulat niyang tanong. "Para akong kinakapos ng hininga. Cae naman! Bakit hindi kayo gumamit ng proteksyon? Paano kung plano niya talaga 'yon para masira ang career mo?"
Napailing na lang ako. Ni hindi ko naisip na kayang gawin ni Andriuz 'yon. Pero kung sakaling planado niya nga ang lahat, ayos lang. Gusto ko na rin naman talagang iwan ang showbiz.
"Babayaran ko ang lahat ng penalties para pag-terminate ng mga kontrata. Pasensya ka na talaga, Mario. Alam kong marami ka pang plano para sa career ko pero...gusto ko na lang maging ina sa magiging anak ko. Hindi ko siya mabibigyan nang tahimik na buhay kung patuloy ako sa pag-aartista."
Bumuntonghininga si Mario at niyakap ako. "Cae, naiintindihan ko ang desisyon mo. Kahit anong mangyari, nandito lang kami para sa 'yo. Kami ni Camill."
"I know, Mario. Kaya nagpapasalamat ako na kayo ang mga kaibigan ko."
"Okay, huwag na tayong magdrama, masisira ang makeup ko," biro niya kaya natawa ako. "Saan mo pala balak magpunta after mong umalis ng showbiz?"
"Hindi ko pa alam. Naghahanap ako ng tahimik at ligtas na lugar malayo dito. Ayaw ko sa ibang bansa, gusto ko dito lang din sa Pilipinas."
"Paano si Andriuz? Hindi mo ba sasabihin sa kaniya?" tanong ni Mario.
Umiling ako at hinaplos ang tiyan ko. "Magiging maayos na ang buhay niya dahil wala na si Oliver. Kaya lalayo na rin ako para tuluyan na siyang makapagsimula ng bagong buhay."
Pinakiusapan ko si Mario na magpatawag ng press conference para sa pag-alis ko sa showbiz. Ayaw ko namang basta na lang iwanan ang mga taong sumusuporta sa akin.
"As you may all know, I am planning to leave the entertainment industry, soon. I've been in the showbiz for almost nine years and I really enjoyed every part of it. You all know that I came from a broken family and I admit that I entered showbiz to fill the gap in my heart. Noong una, inisip ko na hindi para sa akin ang pag-aartista. Pero dahil sa pagtanggap ninyo sa akin, sa walang sawa ninyong pagsuporta, unti-unti akong naninawala sa sarili ko."
Suminghap ako at pinagmamasdan isa-isa ang mga tao sa harap ko.
"My journey as an actress is not an easy one but a rollercoaster ride. Pinag-isipan ko nang mabuti ang pag-alis ko. Naisip ko na, panahon na para iwanan ko ang showbiz. Gusto kong bumalik sa pagiging ordinaryong tao. I know that some of you may not understand this, but I'm doing this for myself. And I will use this opportunity to thank everyone who helped me throughout this journey. Especially, my fans. I will always treasure you in my heart. I love you."
I wiped the tears and smiled to them. This is hard but worth it decision. Kahit naman hindi ako nabuntis, iiwan ko pa rin ang pag-aartista.
Kagaya ng sinabi ko, gusto ko nang bumalik sa pagiging ordinaryong tao. Iyong malaya akong makakapunta sa iba't ibang lugar nang hindi inaalala kung may sumusunod ba sa aking paparazzi.
Isinarado ko ang zipper ng maleta ko at saktong pumasok sila Mario at Camill sa kuwarto.
"Cae, bakit ba ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta? Ayaw mo bang dalawin ka namin?" nagtatampong tanong ni Camill.
"Sasabihin ko naman sa inyo pero sa susunod na. Kapag nakapag-adjust na ako sa lugar na 'yon," nakangiting sagot ko.
"Magiging maayos ka lang ba doon? Kahit hindi mo na ako manager, nag-aalala pa rin ako sa 'yo dahil para na kitang kapatid," sabi naman ni Mario.
Biglang dumating si mommy kaya gulat na napatingin sa akin sila Mario at Camill. Nginitian ko lang sila.
"Huwag na kayong mag-alala kay Cae. Kasama niya naman ako doon sa pupuntahan niyang lugar," sabi ni mommy.
Halatang nagulat silang dalawa pero pinilit nilang itago 'yon. Hindi pa nila alam na nagkaayos na kami ni mommy. Alam na rin ni mommy ang tungkol sa pagbubuntis ko at siya nga mismo ang humanap ng lugar na puwede naming lipatan.
"Mabuti naman po nagkaayos na kayong dalawa ni Cae, Madam Clara. Mag-iingat po kayo sa biyahe," sabi ni Mario.
"Ma-mi-miss ka namin, Cae. Basta sabihan mo kami kaagad kung nasaan ka, ha? Hihintayin namin ang tawag mo," sabi naman ni Camill.
Pagkatapos naming magpaalaman ay hinatid na nila kami sa van. Niyakap ko pa silang dalawa bago ako sumakay.
"Gusto mo bang dumaan muna sa daddy mo?" tanong ni mommy habang nasa biyahe kami.
Tumango ako. Nasabi ko na kay daddy ang plano ko at talagang nalungkot siya. Alam niya naman kung saan kami pupunta ni mommy para kapag nami-miss niya kami ay puwede siyang dumalaw.
"Cae, anak ko. Mag-iingat kayo sa biyahe, okay? Kapag kailangan mo nang tulong, tawagan mo lang ako," sabi ni daddy habang niyayakap ako.
"Opo, dad. I will miss you. Dalawin n'yo po kami doon, ha?"
"S'yempre naman. Alagaan mo ang sarili mo pati na rin ang magiging apo ko. Huwag mo nang isipin ang lalaking 'yon, ako na ang bahala sa kaniya."
Kunot-noo kong tiningnan si dad. "Dad, ano pong ibig n'yong sabihin? Huwag n'yo pong sasaktan si Andriuz, okay?"
Tumawa naman siya. "Hindi ko naman siya sasaktan. Basta, ako nang bahala. O baka mahuli na kayo sa flight n'yo."
Muli kong niyakap si daddy. "I love you, dad. Mag-iingat ka rin po. Huwag po masiyadong magpapagod sa work."
"I love you, too, Caelan. I'll visit you there soon."
Kumaway pa ako kay daddy pagkasakay ko ng van at gano'n din siya. Nang tuluyan kaming makalayo ay 'tsaka ko isinara ang bintana.
Hinawakan ni mommy ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sumandal ako sa balikat niya at bumuntonghininga.
"Are you okay?" she asked.
I nodded. "I'm just happy and sad at the same time."
Magsisimula na kami ng bagong buhay. Kailangan ko nang turuan ang puso ko na kalimutan siya. At maging masaya dahil sa wakas, magagawa niya na ring maging masaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top