Chapter 2

🔥
Truth

"You killed me! Mamamatay tao ka! Dapat mamatay ka na rin!"

"No!"

I was catching my breath the moment I woke up. My heart was beating fast as I look around to where I am. It was like I just ran on a marathon because I was soaking with sweat.

"Thank God, it's just a nightmare. Akala ko talaga totoo na," bulong ko sa sarili.

Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Camill. It's a normal routine for her to enter my room every morning to check on me. She is not only a personal assistant but also like a sister for me.

"Good morning, Cae! How do you feel? Masakit ba ang ulo mo?" tanong niya bago binuksan ang blinds ng bintana.

"Now that you mentioned it, my head feels heavy. Medyo masakit din ang katawan ko at pakiramdam ko nakipag-wrestling ako kagabi," natatawang sagot ko.

"Ang mabuti pa, bumangon ka na diyan para makakain ka ng almusal at makainom ka ng gamot. Halika na."

Tumango ako at sumama sa kaniya palabas ng kuwarto. Nakita ko kaagad si Mario na may kausap sa phone pero agad niya rin iyong ibinaba nang makita akong papalapit.

"Good morning, Cae," he greeted me.

"Good morning, Mario. You look stressed. Hindi ka ba natulog magdamag?" tanong ko bago maupo sa harap ng hapagkainan.

"Talaga ba? Why don't you ask yourself, Cae? Sa dami ng kalokohan mo, talagang ma-s-stress ako! Hay, kaloka! Paano na ako magkakaro'n ng love life nito."

I can't help but laughed on his reaction. "Mario, you're not allowed to have a love life. Ibinigay mo na sa akin ang buhay mo, 'di ba?"

"Ewan ko sa 'yo! Kumain ka na nga lang!"

Napailing na lang ako at nagsimula nang kumain. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi. Parang totoong-totoo 'yon. Ramdam na ramdam ko ang takot nang makabangga ako.

At kitang-kita ko ang itsura ng babaeng nabangga ko. Galit na galit siya sa akin at parang gusto niya akong patayin.

"Cae, may problema ba? Hindi ba masarap ang pagkain?" nag-aalalang tanong ni Camill.

I sighed. "I had a dream. Nakabangga daw ako. Imposibleng mangyari dahil ang naaalala ko, hinatid ako ni Mario pauwi," sabi ko.

Napansin kong nagkatinginan sila Camill at Mario.

"Wala kang naaalala sa nangyari?" marahang tanong ni Camill.

Kumunot ang noo ko bago umiling. "Wala. May ginawa na naman ba akong kalokohan kagabi?"

"Wala! Nalasing ka lang naman kagabi at inaway mo si Jade!" mabilis na sagot ni Mario.

"Inaway ko si Jade?" nagtatakang tanong ko.

"Oo! 'Di ba, Camill? Mabuti na lang at walang media doon kaya hindi na naibalita ang nangyari."

Nalasing ako kagabi at inaway ko pa si Jade? Bakit wala akong maalala? Gano'n ba karami ang nainom ko?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at nang matapos ay si Camill na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Bumalik ako sa kuwarto at humiga ulit sa kama. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero wala talaga.

"Cae." Nilingon ko si Mario na may dalang gamot. "Uminom ka muna ng gamot tapos magpahinga ka na ulit."

"Wala ba akong trabaho ngayong araw?" tanong ko.

"I cancelled your schedule for this week. Naisip ko kasi na baka kailangan mong magbakasyon muna para mabawasan ang mga iniisip mo."

Napaayos ako ng upo at kunot-noong tinitigan siya. "You cancelled everything? Para lang makapagbakasyon ako? Pero bakit? Hindi ko naman sinabing gusto ko ng bakasyon."

"Relax, Cae. Si Madam Clara ang nag-request nito. Pati na rin si Sir Anton pumayag na magbakasyon ka na muna. Saan mo ba gustong pumunta?"

Naguguluhan ako. Sila mom at dad? Nag-request kay Mario na magbakasyon muna ako? Ano bang nangyayari? Bakit biglaan naman yata?

"Where's Macoy? He usually eats breakfast here. Bakit wala siya?" pag-iiba ko ng usapan.

Mario sighed. "Naka-leave si Macoy. Dahil wala ka namang trabaho ngayong linggo, hinayaan ko na rin siyang mag-leave para maalagaan niya ang mga anak niya."

"Mukhang planado n'yo na nga ang lahat. Ano pa bang magagawa ko?"

Ininom ko ang gamot at agad na humiga. Pakiramdam ko kinokontrol na naman nila ako. Nalasing lang ako buong magdamag, kinabukasan kanselado na lahat ng trabaho ko.

Kinabukasan ay halos buong araw lang akong nakatambay sa kuwarto ko. Wala akong magawa at wala rin akong mapuntahan dahil kahit saan ako magpunta, palaging may nakasunod na paparazzi.

Bumuntonghininga ako at kinuha ang remote ng T.V para buksan 'yon.

"Cae!"

Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Camill sa kuwarto kaya nabitawan ko ang remote.

"Camill! I almost have a heart attack! Bakit ka naman sumisigaw?"

Hilaw siyang tumawa bago lumapit at kinuha ang remote. "Sira kasi ang T.V mo. Ipapaayos ko na lang mamaya o bukas."

"Sira? Anong sira? Hindi ko naman madalas gamitin 'yan. Kabibili ko lang niyan last year, 'di ba?"

Tumango-tango siya. "Ah, oo nga. Hindi kasi makasagap ng channels. Ipapatingin ko pa kung ano bang problema. Huwag ka nang manood, wala namang magandang palabas."

Mataman ko siyang tinitigan dahil parang may kakaiba sa kaniya ngayon.

She's being suspicious. Actually, kahapon ko pa napapansin ang kakaibang ikinikilos nila ni Mario. I'm pretty sure that there's something going on here.

Hinayaan ko siyang bumalik sa kusina atsaka ko kinuha ang Ipad ko sa ilalim ng kama. Hindi nila alam na may personal Ipad ako. Sa tuwing kinukuha ni Camill ang gadgets ko, dito ako palihim na nag-s-scroll sa social media.

As soon as I connected to the internet, several news popped up on the screen. Pero may isang pumukaw sa atensyon ko.

'Personal driver ng kilalang actress na si Caelan Suarez, sumuko sa mga pulis matapos makabangga ng isang babae.'

Si Macoy. Hindi totoong naka-leave siya, dahil ang totoo inaresto siya ng mga pulis. Pero bakit inilihim sa akin nila Mario ito?

Binasa ko ang buong article nang may mag-popup na bagong article sa screen ko. Galing ito sa isang website na madalas mag-post ng mga blind item tungkol sa mga sikat na personalidad.

Blind Item: Sinong artista ang nakabangga at pinaako sa driver niya ang kasalanan? Clue, may initials siyang CAS.

My hands trembled when I saw the blurred picture on the article. I know that it's me. Ako ang tinutukoy sa blind item.

Just like that, images started flashing into my mind.

"Cae, I want to invite you for dinner. Nasabi sa akin ni Mario na pauwi ka na kaya dito ka na dumiretso sa bahay."

"Can you hear yourself? Baka nakakalimutan mong ako ang nagpasok sa 'yo sa showbiz! Ako ang nagbigay ng manager, driver at pa rin ang P.A. mo! Nang dahil sa asawa ko, madali kang nakakatanggap ng mga projects! Wala ka sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sa akin!"

"Pero hindi ko naman hiniling 'yon! At lahat ng mga sinasabi mong itinulong ng asawa mo, lahat 'yon may kapalit! Hindi mo alam kung gaano kasama ang taong pinakasalan mo—"

"Tama na, Caelan! Sumosobra ka na! Umalis ka sa pamamahay ko, nagsisisi na akong inimbita pa kita dito!"

"Aalis talaga ako! At hindi na ako babalik dito!"

"Masakit ba ang masampal ng sariling ina? Gusto mo bang iganti kita?"

"Caelan, masiyado kang matapang. Tingnan natin kung makapalag ka sa gagawin ko."

"Mario...I'm scared. Nahihilo ako... Mario! Tulungan mo ako!"

"I'm sorry...I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako."

Nabitawan ko ang Ipad nang tuluyan kong maalala ang lahat. Hindi panaginip ang mga 'yon. Totoong nagmaneho ako mag-isa. Totoong hinahabol ako nila Oliver. At totoong...nakabangga ako.

"Cae, ano 'yong bumagsak..." Napatingin ako kay Camill at nakita ko siyang natigilan nang makita ang Ipad ko at ang article na binabasa ko. "Cae! Saan galing 'yang Ipad mo? Bakit nagbukas ka ng gadget, 'di ba sinabi ko sa 'yong hindi puwede?"

"Camill, totoo ang lahat ng 'yon. Hindi 'yon panaginip, 'di ba? Totoong nakabangga ako!"

Her eyes widened and I already knew that it's true.

"Caelan, anong sinasabi mo?"

Umiling ako. "Huwag mo nang itago ang katotohanan sa akin, Camill! Naaalala ko na ang lahat! I was driving that night! Then...I bumped to someone. Naaalala ko ang itsura ng taong nabangga ko. Punong-puno siya ng dugo! Ako ang nakabangga, Camill! Pero bakit si Macoy ang inaresto nila?"

"Kumalma ka muna, Cae. Papunta na dito si Mario kaya huwag ka na munang mag-panic."

"Paano ako kakalma! Nakabangga ako, Camill! Narinig mo ba ako? Nakabangga ako! Ako dapat ang hinuli ng mga pulis at hindi si Macoy!"

Kinuha ko kaagad ang bag ko at lalabas na sana ng kuwarto pero hinarangan ako ni Camill.

"Saan ka pupunta, Cae? Hindi ka puwedeng umalis!"

"Pupunta ako sa presinto. Susuko ako! Haharapin ko ang parusa sa kasalanan ko! Sasabihin ko sa kanilang aksidente 'yon! Huwag mo akong pigilan, Camill, pakiusap. Susuko ako sa mga pulis."

Humikbi ako at agad akong niyakap ni Camill. Natatakot akong makulong pero hindi ko hahayaang akuhin ng driver ko ang kasalanan ko.

"Sige, susuko ka sa pulis? Sumuko ka!" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at nakita ko si mommy.

"Madam Clara," gulat na sambit ni Camill.

"Kung wala ka talagang utak, sumuko ka! Hindi mo ba naisip, mas lalo mo lang ipapahamak si Macoy sa gagawin mo? Pati sila Mario at Camill puwedeng makulong dahil pinagtakpan nila ang katotohanan!"

Pagak akong natawa bago nilapitan si mommy. "At ano namang ginagawa mo dito? Kung sumuko nga ako sa mga pulis, wala ka na dapat pakialam doon!"

"May pakialam ako dahil ako pa rin ang ina mo! Hindi mo ba nakikita, ginawan namin ni Oliver ng paraan para lang matakasan mo ang eskandalong kinahaharap mo ngayon! Wala ka pa ring utang na loob!"

"Sinabi ko bang gawin n'yo 'yon? Pinabayaan mo na ako mula pa noong walong taon pa lang ako! Sana pinabayaan mo na lang din ako ngayon! Mas lalo mo lang pinalala ang lahat!"

"Bastos ka!" sigaw ni mommy bago ako sinampal.

"Madam Clara! Tama na, huwag n'yo pong saktan si Cae," sabi ni Mario bago ako inilayo kay mommy.

I glared at my mother. "You don't really care about me. You only care about your reputation! Takot kang madungisan ang pangalan mo at ng asawa mo! Handa kang pagtakpan ang katotohanan dahil natatakot kang pati si Oliver madamay sa kasong 'to!"

"Puwede ba, Cae! Tigilan mo na ang paninira kay Oliver!"

"Puwede ba, mommy! Tigilan mo na rin ang pagtatanggol sa asawa mo! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako makakabangga! Kung hindi niya ako pinahabol sa mga tauhan niya at kung hindi niya ako tinurukan ng drugs, hindi mangyayari ang aksidenteng 'yon!"

There was a moment of silence after I shouted the truth. Maging si mommy ay nagulat sa narinig pero agad ding nakabawi. Hindi ko naman iniisip na maniniwala siya kaagad dahil mahal na mahal niya ang Oliver na 'yon.

"What did you say, Cae?" Mario asked. "Tinurukan ka ng drugs?"

Hinawi ko si Mario sa harapan ko at matapang na tinitigan si mommy.

"Hindi mo ba alam, mommy? Gusto akong gahasain ng asawa mo! Sa tuwing tinutulungan niya ako, ang gusto niyang kapalit ay ang katawan ko!" sigaw ko at muling napahikbi.

"Don't fool me, Caelan. Hindi gano'ng tao si Oliver—"

"At ako, mommy? Anong klaseng tao ba ako? Ako ba 'yung tipong gagawa ng kuwento para lang siraan ang iba? Iniisip mo bang sinungaling ako?" Suminghap ako. "Sabagay, lahat naman ng tao ang tingin sa akin, sinungaling, malandi, at masamang babae. Wala namang totoong nagmamahal at naniniwala sa akin! Kaya sige, paniwalaan n'yo na kung anong gusto n'yong paniwalaan, pagod na akong patunayan ang sarili ko."

I walked out of my condo unit without looking back. Kahit pa tinatawag ako nila Mario ay hindi ako huminto at dumiretso ako sa elevator. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa hospital kung saan dinala ang babaeng nabangga ko.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ng hospital ay nakita ko kaagad ang mga reporters. Mabuti na lang at naisipan kong magsuot ng shades pero kailangan ko pa ring mag-ingat para hindi ako makaagaw ng eksena.

Nagtago ako sa isang poste habang nag-iisip ng paraan kung paano makakalampas sa mga reporters.

I was about to turn left when I bumped to someone. My phone slipped from my hand and I almost cussed.

"Caelan?"

I looked up and saw Sebastian. He looked shock to see me here.

"What are you doing here? Hindi ka na dapat nagpunta, ang daming reporters na nag-aabang dito," panenermon niya sa akin gamit ang mahinang boses.

"Ikaw, Sebastian, anong ginagawa mo dito?" balik-tanong ko rin sa kaniya.

"Sinamahan ko si Aireen. At hindi maganda kung makikita ka niya dito. Alam kong pupuntahan mo si Melanie, pero huwag na muna ngayon."

My forehead creased. "Nandito si Aireen? Pero bakit? At sino si Melanie?"

He massaged the bridge of his nose then he sighed. "You don't know anything? Si Melanie ang nabangga ng driver mo at siya rin ang fiancee ng kapatid ni Aireen."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Talaga bang napakaliit ng mundo?

"Halika na, itatawag na kita ng taxi para makauwi ka na. Please lang, Cae, huwag nang matigas ang ulo. Kung gusto mong makita si Melanie, sasamahan kita bukas. Sisiguruhin ko munang walang reporters bago ka pumunta."

Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. At hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang pagtakpan ang kasalanang nagawa ko. Ayaw kong may ibang magdusa nang dahil sa akin. Ayaw kong may ibang madamay.

Gustuhin ko mang sumuko na, hindi pa rin puwede. Hindi ko na alam ang gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top