Chapter 18

Date

🔥



"Caelan naman! Hindi ako nakikipagbiruan dito," sabi niya at sinundan ako papunta sa kuwarto.

Hinarap ko siya. "Hindi rin ako nagbibiro."

Nasapo niya ang noo at parang nanghihinang umupo sa kama ko. Nagiging overreacting na naman siya.

"Don't tell me...may nangyari sa inyo?" tanong niya.

Hindi ako kumibo at kumuha na lang ng concealer para takpan ang kiss marks sa leeg ko. Lumapit sa akin si Mario at hinarap ako sa kaniya.

"Meron nga?" tanong niya ulit. Nang hindi pa rin ako sumagot ay nasapo niya ulit ang noo niya. "Bakit, Cae? Pinilit ka ba niya? 'Yan ba ang gusto niyang kapalit para hindi ka na niya awayin?"

Kumunot ang noo ko. "Mario, hindi gano'n ang nangyari. Kusa kong... isinuko ang lahat. Hindi niya ako pinilit dahil gusto ko."

Pinakatitigan niya ako at pakiramdam ko naaawa siya sa akin. Humarap ako ulit sa salamin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng concealer.

"Gano'n mo na ba siya kamahal?" tanong niya.

Napahinto ako. Gano'n ko ba siya kamahal? Gaano kalalim na nga ba ang nararamdaman ko para kay Andriuz? May pag-asa pa ba akong makabangon?

"Oo, gano'n ko siya kamahal."

Bumuntonghininga si Mario. "Mahal ka rin ba niya? Baka naman masiyado kang nagpapadala sa feelings mo, Cae. Baka...masaktan ka lang."

Ngumiti ako. "Matagal na akong nasasaktan, Mario. Magiging okay lang ako."

"Ano nang gagawin mo? Ibinigay mo na sa kaniya ang lahat, may plano ka ba?"

Tinitigan ko si Mario bago ako natawa. "Ano bang gagawin ko, Mario? It's just a one-night stand. Babalik lang ako sa dati kong ginagawa."

Kagaya ng sinabi ko, bumalik ako sa pagtatrabaho. Isang linggo kaagad ang lumipas at hindi ko na nakita si Andriuz. Medyo na-disappoint ako pero ayos lang.

Kauuwi lang namin ni Mario sa condo nang biglang dumating si mommy.

"Caelan, kailan ka ba gagawa ng tama?" bungad niya sa akin.

Napatingin ako kay Mario at umiling lang siya dahil hindi niya rin alam kung bakit nandito si mommy. Huminga ako nang malalim at hinarap si mommy.

"Ano ba 'yon, mommy?"

"Sinabi ko na sa 'yong huwag ka nang makipagkita sa lalaking 'yon! Hindi ka dapat nagtiwala sa kaniya dahil siya mismo ang magpapahamak sa 'yo!"

Mas lalo lang akong naguluhan sa sinasabi niya. "Mommy, hindi kita maintindihan."

"Hindi mo maintindihan dahil wala kang kuwenta! Ginawa ko ang lahat para protektahan ka pero sinira mo lang dahil pinili mong mahulog sa lalaking 'yon! Ngayon, hindi mo na siya mapipigilan dahil ibinigay na sa kaniya ni Oliver ang lahat ng ebidensya ng pagkabangga mo sa fiancee niya!"

Para akong sinabugan ng bomba dahil sa nalaman ko. Hawak na ni Andriuz ang lahat ng ebidensya?

"Imposible...p-paano naman nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Umismid si mommy. "Hindi mo talaga alam? Ginamit ka lang ng abogadong 'yon para ibigay sa kaniya ni Oliver ang mga ebidensya! Pinaikot ka lang niya! At dahil tanga ka, basta ka na lang naniwala!"

"Tama na!" sigaw ko. "Hindi ako naniniwala. Tigilan n'yo na ang paninira kay Andriuz! Sinasabi n'yo lang 'yan dahil ayaw n'yo akong maging masaya!"

"Sa tingin mo ba, mamahalin ka niya? Hindi siya tanga para magkagusto sa taong pumatay sa fiancee niya!"

Umiling ako. "Hindi..."

"Sinasabi ko sa 'yo, Caelan! Ipapahamak ka ng matinding pagmamahal mo sa lalaking 'yon! Siya ang magiging dahilan ng pagbagsak mo! Tandaan mo 'yan!"

Nanghina ang tuhod ko kaya napaluhod ako sa sahig.

"Cae." Mabilis akong dinaluhan ni Mario at inalalayan papuntang sofa.

Bumagsak ang mga luha ko at halos hindi ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko.

Hindi totoo ang sinabi ni mommy. Hindi magagawa ni Andriuz ang gano'ng bagay. Kailangan kong makausap si Oliver. Paniguradong may pinaplano na naman siyang masama.

Tumayo ako kaya naalerto si Mario. "Cae! Saan ka pupunta? Cae!"

Hindi ko siya pinansin at basta na lang akong lumabas ng condo. Hindi siya umabot sa elevator dahil sumarado na ito. Pagkababa ko sa parking lot ay nagmaneho kaagad ako paalis.

"Miss Caelan, biglaan po yata—"

"Nasaan ang amo mo? Kailangan ko siyang makausap!" sigaw ko sa katulong bago ako umakyat sa opisina ni Oliver.

Hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pinto. Mukhang inaasahan niya ang pagdating ko dahil hindi man lang siya nagulat.

"Anong ginawa mo? Bakit ibinigay mo kay Andriuz ang mga ebidensya? Anong kasunduan ang mayro'n kayo?" sunod-sunod kong tanong.

Ngumisi siya. Ikinuyom ko ang palad ko sa sobrang galit.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito nang mag-isa. Hinahanap mo na ba talaga ang kamatayan mo?"

"Wala akong pakialam! Paulit-ulit n'yo na lang sinisira ang buhay ko! Bakit ba ayaw n'yo 'kong tigilan? Ano bang kasalanan ko!"

Sumeryoso ang mukha ni Oliver. "Caelan, hindi ko sinira ang buhay mo. Ako ang nagtago ng ebidensya kaya hanggang ngayon hindi ka pa nakukulong. Pero dahil paulit-ulit mo akong sinusuway, hahayaan ko na lang na ang lalaking mahal mo ang mismong magpakulong sa 'yo."

"Napakasama mo!"

Natawa siya na parang isang demonyo. "Ako pa rin ang masama. Anong tawag mo sa abogadong 'yon? Noong una, tumanggi siya sa in-offer ko. Pero ginawa niya pa rin. Pinaikot ka niya sa mga matatamis niyang salita hanggang sa mahulog ka sa patibong niya."

"Tumigil ka," mariing utos ko.

"Kung hindi totoo ang sinasabi ko, paano ko malalaman na may nangyari sa inyo noong nakaraang linggo?" Natigilan ako. "Iyon ang pinakahuling plano niya para ibigay ko ang ebidensya. Pareho kaming panalo, Caelan. Hindi mo man isinuko ang sarili mo sa 'kin, nagawa ka naman niyang saktan. Ginamit ka lang niya!"

I could feel my nails digging on my palm. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

"Kung hindi ka pa rin naniniwala, siya ang tanungin mo. Umalis ka na bago pa kita masaktan," pambabanta niya.

"Oliver Vicero, tandaan mo 'to. Ako ang magpapabagsak sa 'yo."

Lumabas ako mula sa mansyon ni Oliver at bumalik sa sasakyan.

Napakasama nilang lahat! Mga walanghiya! Tama si mommy, hindi dapat ako nagtiwala kay Andriuz.

Ang tanga ko para umasang hindi niya magagawang traydurin ako. Napakatanga ko!

"Aaahhh!" Hinampas-hampas ko ang manibela sa sobrang galit.

Bakit ganito, Caelan! Bakit ka nagmahal sa katulad niya! Bakit...nagtiwala ka kaagad?

Sobrang sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Gusto kong magwala o piliing umiyak na lang sa isang tabi.

"Caelan, saan ka nanggaling? Nag-alala ako sa 'yo. Akala ko kung saan ka na nagpunta," bungad sa akin ni Mario pagkapasok ko sa condo ko.

"Pagod ako, Mario. Gusto ko nang magpahinga," sambit ko bago dumiretso sa kuwarto.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa nakatulog ako. Kaya tuloy sobrang sakit ng ulo ko pagkagising. Nanunuyo rin ang lalamunan ko.

Lumabas ako ng kuwarto at nandito pa rin si Mario. Umakto akong parang walang nangyari kahit pa ang bigat ng puso ko. Halos hindi ko magawang magsalin ng tubig sa baso sa panghihina.

"Ako na, Cae. Umupo ka muna," sabi ni Mario at inagaw sa akin ang pitsel.

Ipinagsalin niya ako ng tubig at iniabot sa akin 'yon. "Thank you, Mario."

"Cae, kung nasasaktan ka, puwede mo namang iiyak sa akin. Hindi kita huhusgahan. Mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita kitang umaarte na parang walang nangyari," sabi niya.

Huminga ako nang malalim at nginitian siya. "Ayos lang ako, Mario. Wala akong karapatang masaktan. Gusto ko naman talagang makuha ni Andriuz ang ebidensya para maipakulong niya na ako. Kapag nangyari na 'yon, siguro mababawasan na ang galit niya."

Hindi 'yon totoo. Bukod sa natatakot akong makulong, mas natatakot akong tanggapin na talagang nakipagsabwatan siya kay Oliver si Andriuz. Gano'n niya kagustong maghiganti kaya nagawa niyang kumampi kahit sa kaaway niya.

Kung sabagay, ginawa niya rin sa 'kin 'yon. Naging mabait siya sa akin at sa huli, niloko niya ako.

"Miss Caelan, are you okay? Parang matamlay ka yata," tanong ng isa sa mga staff.

I nodded. "Yes, I'm okay."

I was invited for a Valentine's Day Special Date with the stars on one of the programs here in the Philippines. Nagkaroon ng survey ang show na 'to tungkol sa kung sinong mga artista ang gusto nilang maka-date sa Valentine's Day.

My name ranked on the first spot that is why I'm here today. Kung sino man ang mananalo sa mga viewers, magkakaroon ng chance na maka-date ako today at pati na rin ang ibang artista.

The producer picked our outfits for today. Since, it's Valentine's Day, we are all wearing red clothes. Mine is a red cut-out wrap-crossed backless halter top. Since it is a wrap-crossed, it exposed my cleavage on the center. It was matched by a black high-waisted shorts and a pair of red heels.

The program started and I couldn't focus because I feel so irritated. Hindi naman ako ganito sa mga event pero masiyado akong naiingayan ngayon. Pinilit ko na nga lang ngumiti kahit pa naiirita talaga ako.

Nakapili na sila ng mga panalo at dinala na nila ang mga 'yon sa restaurant kung saan nila kami makaka-date. Iba-ibang restaurant ang venue kada date. Nang makaalis sila ay 'tsaka kami sumunod.

We arrived at the restaurant at exactly four in the afternoon. May mga reporters na rin doon at naka-setup na rin ang mga camera na magre-record ng date namin. Pumasok ako sa loob ng restaurant at dumiretso sa reserved table kung nasaan ang makaka-date ko.

Papalapit pa lang ako ay nakangiti na kaagad ang lalaki. At mas lalo siyang nataranta nang maupo na ako sa tapat niya.

"Hello, happy Valentine's day," I told him.

"Happy Valentine's din, Miss Caelan. Alam n'yo po sobrang saya ko ngayon. Makita lang kita, kumpleto na ang Valentine's ko, ang tagal ko na po kasi kayong hinahangaan," sabi niya kaya bahagya akong napangisi.

"Really? Kahit pala hindi na tayo mag-date okay lang, nakita mo na ako, e?" biro ko.

Dinala sa table namin ang mga pagkain na producer mismo ang nag-order. Sagot nila lahat ng gastos dito at ang tanging gagawin ko lang ay makipag-date sa lalaking kaharap ko.

"Ah, Miss Caelan, puwede ba akong magpa-picture?" tanong niya.

Tumango ako kaya lumapit siya kaagad sa akin. Umakbay siya at lumapit pa lalo kaya medyo hindi ako komportable. Nang bumalik siya sa upuan niya ay nakahinga ako nang maluwag.

Isang oras pa, Cae. Kalma lang.

"Napakaganda mo talaga. Para kang isang anghel," sabi niya habang tinititigan ako.

Ngumiti ako. "Salamat. Kumain na tayo."

Marami siyang ikinunwento sa akin at nakinig lang ako sa kaniya. Mukha namang ayos lang 'yon dahil hindi siya nagrereklamo. Nang malapit na kaming matapos ay sumenyas ako sa staff na pupunta muna ako sa powder room.

I took a deep breath while staring at my reflection. Inayos ko saglit ang buhok at nag-retouch na rin. Tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Camill.

"Hello, Camill."

"Cae, matagal ka pa ba?" tanong niya.

"Ahm, medyo. Pero bibilisan ko na. Pabalik na ako diyan."

Pinatay ko ang tawag at lalabas na sana ng powder room nang may pumasok bigla. Nabitawan ko ang hand bag ko nang makita si Andriuz.

"Anong ginagawa mo dito? Aarestuhin mo na ba ako? Sige na, gawin mo. Sa umpisa pa lang 'yan naman ang plano mo, 'di ba? Traydor ka," galit na sabi ko sa kaniya.

"Puwede ba, Caelan. Huwag mo ngang baliktarin ang kuwento. Ikaw ang traydor sa ating dalawa. Akala mo kung sino kang mabait, ang totoo manloloko ka talaga."

Pagak akong natawa. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pinagbibintangan mo na naman ako, Andriuz. Ang mabuti pa, gawin mo na lang ang trabaho mo at ipakulong mo na ako! Bakit ba natatagalan ka? Nakokonsensya ka ba? Dahil ginamit mo ako para makuha ang gusto mo?"

"Ikaw lang naman ang manloloko sa ating dalawa, Caelan. Ninakaw mo ang mga ebidensya tungkol sa mga ilegal na gawain ni Oliver. Ang sabi mo tutulungan mo kaming pabagsakin siya, pero sa huli, siya naman talaga ang tinutulungan mo."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Wala akong ninanakaw. Pero sige, hindi puwedeng ako lang ang matalo sa larong 'to.

"Andriuz, hindi lang ikaw ang marunong magpanggap. Sa ating dalawa, ako ang mas magaling umarte. Nahulog ka nga sa pang-aakit ko, 'di ba?" Magsasalita pa sana siya pero inangat ko ang kamay ko. Ayaw kong marinig ang anumang sasabihin niya. "Gusto ko nang matapos 'to. Dahil ayaw na kitang makita pa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top