Chapter 16

Fallen

🔥

Hindi ako nakaalis kaagad ng mansyon dahil maghihinala sila sa akin. Nagkunwari akong walang pakialam sa narinig pero nag-aalala talaga ako kay Andriuz.

Balak ko na sanang umalis ng tanghali pero dahil nagpaluto si Oliver ng pagkain, kumain na muna ako.

Halos hindi ko magawang lunukin ang kinakain ko dahil sa kaba. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung ayos lang ba si Andriuz.

"Aalis na po ako, mommy. May trabaho pa kasi ako," sabi ko pagkatapos naming kumain.

"Sige, Caelan. Bumalik ka na lang sa susunod."

Mabilis akong sumakay sa kotse at dumiretso ako sa opisina ni Andriuz. Agad akong lumapit sa front desk lady para magtanong.

"Miss, nasaan ang opisina ni Attorney Baltazar?" tanong ko.

"Nasa 6th floor..."

Hindi ko na siya pinatapos pa at tumakbo na ako kaagad sa elevator. Pagkalabas ko mula sa elevator ay sinalubong ako ng isang babae.

"Hi, Ma'am. How may I help you?" she asked.

"Nandito ba si Attorney Baltazar?"

Natigilan siya saglit bago umiling. "Wala po si attorney dito. Nasa hospital po siya."

"Saang hospital? Puwede ko bang malaman?"

Pagkatapos niyang banggitin kung saang hospital naroon si Andriuz ay umalis na ako kaagad.

Bakit siya nasa hospital? Nasaktan ba siya? Oh God! Baka napuruhan siya ng tauhan ni Oliver.

As soon as I arrived at the hospital, I immediately ran inside. Tinanong ko sa nurse kung saan ang kuwarto ni Andriuz pero ang sabi nila, wala silang pasyenteng Andriuz Baltazar.

Ibang Baltazar daw ang naka-admit dito sa hospital na 'to. At babae 'yon. Para makasigurado ay pinuntahan ko pa rin ang kuwarto ng taong 'yon. May lalaking nakaupo sa harap ng kuwarto kaya lumapit ako.

Mukhang naramdaman niya ang paglapit ko kaya tumingala siya sa akin.

"Ano 'yon, miss? Bisita ka ba ng manugang ko?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Ahm, itatanong ko lang po sana kung sino po ang naka-confine sa loob? May hinahanap po kasi akong tao at hindi ko po alam kung anong kuwarto niya dito sa hospital."

"You look familiar actually. Anyway, nanganak kasi ang asawa ng anak ko, si Crystal. Ano bang pangalan ng hinahanap mo? Puwede kitang tulungang maghanap," sabi niya.

"Caelan?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Andriuz. Agad kong tinakbo ang distansya namin.

"Andriuz! Okay ka lang ba? May ginawa ba sa 'yo si Oliver?" nag-aalalang tanong ko.

Kumunot ang noo niya at napasulyap sa likuran ko. "Ayos lang ako, Caelan. May nangyari ba?"

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay niyakap ko na siya. Mabuti naman at ligtas siya. Natakot talaga ako na baka tinuluyan na siya ni Oliver.

"I'm so worried about you. Narinig ko ang usapan ni Oliver at ng tauhan niya. Akala ko...akala ko ikaw ang tinutukoy niya."

"Did I hear you right? Nag-alala ka sa akin?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Palagi naman akong nag-aalala. Dahil alam kong gusto ka talagang patahimikin ni Oliver."

He stared at me for awhile then he smiled. I was about to say something when someone approached us.

"Andriuz, natagalan ka yata sa pagbalik. Nag-alala tuloy itong bisita mo," sabi ng lalaking pinagtanungan ko kanina.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

Andriuz nodded. "He's my father."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin na magkahawig nga silang dalawa. Bigla tuloy akong nahiya.

"Now I know why you looked familiar, you're Caelan Suarez, right?" Mr. Baltazar asked.

Kilala niya ako. Hindi naman nakapagtataka. Hindi rin imposibleng galit din ang pamilya ni Andriuz sa akin.

"Ako nga po. Nice to meet you po," sabi ko.

"Andriuz, puwede ka nang pumasok kung gusto mong makita ang pamangkin mo. Isama mo na rin si Caelan," sabi ng daddy ni Andriuz kaya agad akong umiling.

"Hindi na po." Humarap ako kay Andriuz. "Inalam ko lang talaga kung ligtas ka. Uuwi na rin ako kaagad."

Hindi naman makapal ang mukha ko para magpakita pa sa pamilya nila. Kahit naman nakangiti sa akin ang daddy ni Andriuz, hindi ibig sabihin no'n ay talagang puwede na ako dito.

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo. Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito. Umuwi ako sa condo habang iniisip ang ginawa ko kanina.

Halos paliparin ko ang sasakyan para lang makita si Andriuz dahil nag-aalala ako sa kaniya. Hindi naman ako ganito noon. Pakiramdam ko ang laki na ng pinagbago ko.

Hindi kaya... tama si Mario? Have I fallen to Andriuz?

This is not good. I can't fall in love with him. Kailangan ko nang pigilan 'to hangga't kaya ko pa.

"Merry Christmas!"

Ang bilis lumipas ng mga araw, pasko na kaagad. Pero kahit papaano, masaya ako dahil kasama ko ulit si lola ngayong pasko.

"Caelan, nasaan na ang regalo ko?" tanong ni Robin kaya natawa ako.

"Mamaya na. Ibibigay ko muna ang regalo ko kay lola," sabi ko at nilapitan si lola. "Lola, alam kong ayaw n'yong binibilhan ko kayo ng mamahaling regalo kaya naghanap po ako ng hindi masiyadong mahal. Binilhan ko po kayo ng scarf, lola. Para po hindi kayo lamigin."

"Salamat, apo. Ako rin may ibibigay akong regalo sa 'yo. Nasa kuwarto 'yon kaya halika."

"Ano 'yon, lola? Puwede ba akong sumama?" pang-uusisa ni Robin.

"Magtigil ka, Robin. Maghintay ka dito," sabi ni lola.

Napasimangot si Robin kaya tinawanan ko siya. Sumunod ako kay lola sa kuwarto at may kinuha siyang maliit na box sa kaniyang cabinet. Binuksan niya ito bago kinuha ang hair clip na gawa sa perlas.

"Halika, Caelan." Lumapit ako sa kaniya at pinaupo niya ako sa harap ng salamin. "Regalo ito sa akin ng lolo mo noong nililigawan niya pa lang ako. Siya mismo ang gumawa ng ipit na 'to. Simple lang pero alam mo kung bakit espesyal 'to?"

Ngumiti ako. "Bakit po?"

"Dahil ginawa niya ito nang may pagmamahal. Ibinibigay ko ito sa 'yo, Caelan. Sana, makahanap ka ng pag-ibig na tunay. Iyong mamahalin ang buong ikaw at hindi ka iiwan."

"Salamat po, lola. Iingatan ko po ito."

"Alam mo ba, noong bata ka pa, ang hilig mong gamitin ang mga ipit ko. At ang clip na 'to ang suot mo noong nangyari ang aksidente."

Hindi ko na maalala ang sinasabi ni lola. Noong na-kidnap ako at nalunod, nagising na lang ako sa hospital. Ang sabi may nakakita raw sa akin sa dalampasigan. Pero wala na akong ibang naaalala.

Bumalik kami sa hapag at nakita ko ang isa pang paperbag na dinala ko. Kinuha ko 'yon at nagpaalam ako kila lola na aalis ako saglit.

Nagtungo ako sa kabilang bahay. Huminga ako nang malalim bago kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mrs. Riques.

"Caelan, hindi ko inaasahan ang pagpunta mo," nakangiting sabi niya.

"Merry Christmas po. Sana tanggapin n'yo po itong regalo ko," nahihiyang sabi ko.

"Naku, nag-abala ka pa. Pumasok ka na muna sa loob."

Tumango ako at pumasok sa loob ng bahay nila. Napansin ko na maraming picture na naka-display sa pader. At karamihan, mga litrato ni Melanie.

"Halika, Caelan. Niluto ko ang paboritong pagkain ni Melanie. Naalala ko kasi na tuwing pasko, ito ang nire-request niya," sambit niya at kahit nakangiti siya, ramdam ko ang kalungkutan niya.

Tiningnan ko ang mga pagkain sa mesa. Marami siyang niluto pero mukhang mag-isa lang siya dito.

"Mrs. Riques, may bisita po ba kayo?" tanong ko.

Natawa siya. "Wala naman. Itong mga niluto ko, ipamimigay ko sa mga batang palaboy. Huwag mo na akong tawaging Mrs. Riques, Tita Linda na lang. Gusto mo bang ipaghain kita?"

Hindi ko magawang tumanggi kaya pumayag na ako. Masarap magluto si Tita Linda. Bata pa ako noong huli akong ipinagluto ni mommy. Kailan kaya ulit mauulit 'yon?

"Tita, nandito na po ako."

Napatingin ako sa taong dumating at nakita ko si Andriuz. May bitbit siyang dalawang plastic. Natigilan din siya nang makita ako.

"Andriuz, nabili mo ba lahat?" tanong ni Tita Linda.

Saglit pa siyang tumingin sa akin bago sumagot kay Tita. "Opo. Ibabalot na po ba ang mga pagkain?"

"Mamaya na. Sabayan mo munang kumain si Caelan."

Bigla akong nataranta sa sinabi ni Tita Linda kaya binilisan ko ang pagkain ko. Mabuti na lang at kaunti lang ang sinandok ko kaya mabilis ko itong naubos.

"Tapos na po akong kumain," sabi ko at napatingin naman sa akin si Andriuz. Hindi pa niya nakakalahati ang kinakain niya. "Salamat po, Tita Linda. Babalik na po ako sa bahay. Baka po kasi hinahanap na ako ni lola."

"Sige, Caelan. Puwede kang bumalik dito anumang oras. Salamat," sabi ni Tita Linda.

Hindi ko na nilingon pa si Andriuz at basta na lang akong lumabas ng bahay. Napabuga ako ng malalim na hininga. Sobrang bilis na naman ng heartbeat ko.

"Saan ka galing, Cae? Nakikain ka ba sa kapitbahay?" tanong ni Robin sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo. "Paano mo nalaman?"

"May sauce ka pa sa gilid ng labi mo, e. Ang dungis mo namang kumain. Hindi ka na nahiya, may pagkain dito tapos nakikain ka pa sa iba."

Kinapa ko ang labi ko bago ako nagtungo sa salamin. Tama nga si Robin, may sauce pa ako. Ano ba naman 'to! Nakita kaya ni Andriuz?

Aish! Nakakahiya! Bakit hindi man lang sinabi ni Tita Linda na may sauce ako sa bibig? Sana hindi nakita ni Andriuz dahil paniguradong aasarin lang ako no'n.

Biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan 'yon ni Robin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Andriuz.

"Attorney, napadaan ka yata? Merry Christmas!" bati ni Robin sa kaniya.

"Merry Christmas, Andriuz. Pinuntahan mo ba si Merlinda?" tanong naman ni lola.

Ngumiti si Andriuz bago nagsalita. "Opo. Ahm, ibabalik ko lang po itong phone ni Caelan. Naiwan niya po kasi."

"Ah, akin na! Salamat," sabi ko at agad na kinuha ang phone ko.

"Caelan, kila Aling Merlinda ka pala nakikain?" pang-aasar ni Robin kaya pasimple ko siyang siniko.

Lumabas ako ng bahay dahil hindi ko na kinakaya ang kahihiyan doon. Ang lakas kasing mang-asar ni Robin, e!

Sa likod-bahay ako dumiretso para hindi nila ako makita. Pinanood ko ang fireworks sa 'di kalayuan.

Ang ganda talaga. Pinakagusto ko talaga ang manood ng fireworks display mula pagkabata. Kasama sila mommy at daddy. Pero malabo nang mangyari 'yon ulit.

"Bakit bigla kang umalis?"

Halos atakihin ako sa puso sa gulat nang biglang tumabi sa akin si Andriuz.

"Ano ka ba? Bakit mo ako ginugulat? Hayst," tanong ko habang humihinga nang malalim.

Tumingin siya sa akin at biglang natigilan.

"Kanino galing 'yang hair clip mo?" tanong niya.

Kinapa ko ang clip sa buhok ko at nagtatakang tiningnan siya.

"Bakit? Gusto mo rin? Bigay 'to ng lola ko kaya hindi puwedeng hingiin," pang-aasar ko sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit ba?"

"I think, I saw something like that somewhere."

"Ha? Ganito mismo? Imposible 'yon kasi si lolo mismo ang gumawa nito noong nililigawan niya pa lang si lola. Baka ibang design ang nakita mo."

Tumango-tango siya. "Siguro nga. Anyway, kailangan ko nang umalis. See you when I see you."

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo at hindi ko maiwasang bumuntonghininga.

Hindi naman pala masamang mag-celebrate ng pasko kasama ang taong matindi ang galit sa akin. Ang sabi nga nila, dapat tuwing pasko, pag-ibig lang ang nasa puso natin. Kaya siguro hindi niya ako inaway ngayon.

Sinalubong ko ang bagong taon kasama ang mga taong mahahalaga sa akin. Kumain kami sa labas nila Camill at Mario. Pagkatapos ay nagpunta ako sa bahay ni daddy. Si mommy, binati ko siya sa text dahil nagbakasyon sila ni Oliver sa ibang bansa.

Panibagong taon na naman ang dumating. Sana maging mabuti sa akin ang taon na 'to. Ayos lang kung may problema pa rin, pero sana, kayanin ko ang lahat ng 'yon.

"Caelan, look at your left. That's great! Okay, smile!"

I did what the photographer said. This is the first good news that I received this year. I'll be the cover girl of the Gold Times Magazine for this year.

Pagkatapos ng bakasyon ko ay balik trabaho na ako kaagad. Hindi ako puwedeng mag-relax dahil baka mawalan pa ako ng career. Mabuti na lang at mayroon akong napakasipag na manager. Idagdag pa ang napakabait kong personal assistant.

Sila ang itinuturing kong pinakamahalagang blessing na dumating sa akin. Hindi ko sila ipagpapalit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top