Chapter 13

Proposal

🔥


"May dapat tayong pag-usapan."

Binuhay niya ang makina at basta na lang nagmaneho. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nai-lock niya na kaagad ito. Inis ko siyang nilingon.

"Stop this car! Hindi mo ba alam na kidnapping itong ginagawa mo? Itigil mo ang kotse!" sigaw ko.

Hindi siya nakinig at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Lumiko siya sa kung saan hanggang sa tuluyan niyang inihinto ang kotse sa tapat ng bakanteng lote.

Ipinagkrus ko ang braso ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy, Caelan, minsan ko lang sasabihin 'to, tigilan mo si Sebastian. Ayaw kong nasasaktan ang kapatid dahil lang sa nagseselos siya sa inyo," sabi niya kaya natawa ako.

"Hindi ko kasalanan kung gano'n mag-isip si Aireen. Anong gusto mong gawin ko? Layuan si Sebastian? Duh! Magkatrabaho kami at magkaibigan kaya imposible 'yang sinasabi mo!"

"Hindi ako naniniwala. Don't play innocent, Caelan. Gusto mo bang magkaroon ulit ng bagong series kaya hindi mo matigilan si Sebastian?"

I stared at him. This man is crazy. Paulit-ulit na lang ang sinasabi niya.

I smiled teasingly. "I'm so tired with all of these. Kaya sige na nga, aaminin ko na. Magaling talaga akong mang-akit. Hindi mo ba napapansin, pati ikaw..." I glanced on his lips before I leaned closer. "naaakit ko. Kaya nga kahit anong galit mo sa akin, hindi mo ako magawang patayin."

His jaw clenched but I remained smiling. We were so close that I could almost feel his breath. Bigla kong naalala 'yong nangyari sa Zambales kaya balak ko na sanang lumayo. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Stop what you're doing, Caelan. Hindi ko hahayaang pati buhay ng kapatid ko ay masira nang dahil sa 'yo."

Kahit anong sabihin ko, kabaliktaran ang iniisip niya kaya sasang-ayon na lang ako.

Biglang bumukas ang pinto sa gilid ko kaya napalingon ako doon.

"Caelan," nag-aalalang sabi ni Sebastian bago ako pinalabas ng kotse. "Anong ginawa ni Andriuz sa 'yo?"

Bumaba rin ng sasakyan si Andriuz kaya agad siyang nilapitan ni Sebastian. Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa dahil baka magkasakitan pa sila.

"Andriuz naman, bakit bigla mong itinakas si Caelan? Hindi naman porke't galit ka sa kaniya ay puwede mo na siyang dukutin basta-basta," sabi ni Sebastian.

"Tama na 'yan, Seb. May sinabi lang siyang importante," pag-awat ko sa kaniya.

"Masiyado kang nag-aalala sa babaeng 'yan, Sebastian. Nakalimutan mo na bang siya ang nakapatay sa fiancee ko? Masiyado kang nagpapadala sa mga pang-uuto niya," sabi ni Andriuz.

"Andriuz! Hindi na talaga ako natutuwa—"

"Sebastian, tama na sabi! Umalis na lang tayo."

Pilit kong hinila si Sebastian pabalik sa sasakyan niya. Sinulyapan ko pa si Andriuz bago ako sumakay sa front seat. Inutusan kong magmaneho si Sebastian kahit pa labag sa loob niya. Ipinasundo ko na sa driver ko ang kotse ko.

"Sabihin mo nga Caelan, palagi ka bang hina-harass ni Andriuz? Bakit naman hinahayaan mo siya?" tanong ni Sebastian habang papasok kami sa building.

Hindi ko siya sinagot pero hinarangan niya ang dinadaanan ko.

"Puwede ba, Sebastian, huwag ka nang makulit. Hindi niya ako hina-harass, okay? May sinabi lang siya sa akin."

"At ano naman 'yon?"

"It's none of your business, okay? Gusto ko nang umuwi. Bumalik ka na sa set," seryosong saad ko bago ko siya tinalikuran.

Umakyat na ako sa condo ko at mayamaya lang ay dumating sila Camill at Mario. Nagkunwari akong tulog na para hindi na sila magtanong pa tungkol sa nangyari.

"Cae, after this, didiretso tayo sa foundation. Nasabi ko na 'to sa 'yo noong nakaraan," sabi ni Mario habang inaayusan ako ni Camill.

Nasa photoshoot ako ngayon kasama ang ibang models. Mabilis lang itong natapos kaya isang oras lang ang nakalipas ay papunta na kami sa foundation.

The foundation is located at Pampanga. Taon-taon akong nagpupunta sa mga foundation para mag-donate. Personal din akong dumadalaw dahil natutuwa ako sa mga bata. Kahit kasi wala na silang mga magulang, lumaki pa rin silang mabubuting bata at masaya.

"Miss Caelan, we're glad to see you again," Miss Chua said, the chairperson of this foundation.

"Nice to see you again, Miss Chua."

"Let's get inside. Excited na ang mga bata na makita ka."

Sumunod ako sa kaniya papunta sa assembly hall at sinalubong ako ng magagandang ngiti ng mga bata.

"Nandiyan na rin daw ang isa pa nating bisita. Oh, Attorney Baltazar, nice to see you again."

Kumunot ang noo ko bago lumingon sa dumating. Hindi ako makapaniwalang nagkita na naman kaming dalawa. Sinasadya niya ba ang lahat ng 'to?

Lumapit siya sa puwesto ko at naglahad ng kamay na para bang hindi kami magkakilala.

"It's nice to see you here, Miss Caelan Suarez," he said while smiling from ear-to-ear.

I faked a smile. "Likewise, Attorney Andriuz Baltazar."

Kahit pa hindi ako natutuwa na nandito siya, sinubukan ko pa ring maging kasuwal dahil maraming bata sa paligid. Gano'n din naman ang ginawa niya.

Nakipaglaro kami sa mga bata pagkatapos ay sinabayan namin silang kumain. Pinagmamasdan ko pa lang silang masaya, gumagaan ang pakiramdam ko.

"Attorney, paglaki ko, gusto ko rin pong maging lawyer. Para ipapakulong ko po ang mga kriminal," sabi ng isang bata kay Andriuz.

"Talaga?" Binuhat niya ang bata at pinaupo sa lap niya. "Kung gano'n, dapat palagi kang susunod sa batas. Ang mga abogado, hindi lang basta nagpapakulong ng kriminal, dapat kaya mo ring malaman kung sino ba ang inosente o hindi."

Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon. Inirapan ko siya at itinuon ko na lang ang atensyon sa batang katabi ko.

Biglang may lumapit sa aking batang lalaki at inabutan ako ng papel na bulaklak.

"Miss Caelan, ang ganda mo po. Paglaki ko, pakakasalan po kita," sabi niya kaya napamaang ako.

Pati ang mga ibang staff na nandito ay natawa sa sinabi ng bata. Tinanggap ko ang bulaklak na papel at nginitian siya.

"Halika nga rito," sabi ko at pinaupo siya sa tabi ko. "Anong pangalan mo?"

"Miguel po."

Tumango ako. "Miguel. Alam mo, Miguel, kapag malaki ka na, matanda na ako no'n. Baka hindi na ako maganda. At saka, dapat ang pakakasalan mo ay 'yung babaeng mamahalin mo balang araw. Masiyado ka pang bata para doon."

Mukha naman naiintindihan niya ang sinabi ko. Pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"Sige po, Miss Caelan. Kung hindi po kita puwedeng pakasalan, si Attorney Andriuz na lang po ang pakasalan n'yo."

Nasamid ako kahit hindi naman ako umiinom ng tubig. Ang batang 'to, bakit ba puro kasal ang sinasabi niya? Kanino niya ba nalalaman ang mga bagay na 'yon?

Pilit akong ngumiti at ginulo ang buhok niya. "'Di ba, kasasabi ko lang na dapat mahal mo ang taong pakakasalan mo? Kaya hindi ako puwedeng magpakasal kay Attorney, kasi hindi ko naman siya...mahal."

"Problema ba 'yon? May heart ka naman po at ang heart nandiyan para sa love. Kaya puwedeng-puwede n'yo pong mahalin ang isa't isa."

Hindi ako nakakibo kaagad. Matalino ang batang 'to. Magaling mangatwiran. Para akong nililitis sa korte at wala akong mahanap na magandang alibi para tumigil na siya.

"Ano kasi—"

"Sige, Miguel." Napalingon ako kay Andriuz nang bigla siyang tumabi sa akin. Nakangiti siya sa bata at inakbayan pa ako. "Huwag ka nang malungkot, kapag hindi ka pinakasalan ni Caelan, ako ang pakakasalan niya."

Naestatwa ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Nababaliw na talaga siya. Pati bata niloloko niya.

"Talaga po? Yehey!"

Tumatakbong umalis ang bata at naiwan kami ni Andriuz. Agad kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko. Tumayo ako at nagtungo sa powder room.

Nagpakalma muna ako saglit bago ako lumabas.

"Apektado ka naman yata masiyado."

Napahawak ako sa dibdib nang biglang sumulpot si Andriuz sa gilid. Inis ko siyang tiningnan.

"Bakit mo ba ako sinusundan? Ano na naman bang pinaplano mo, ha? Sa tingin mo may mapapala ka sa kasusunod sa akin? Pati bata niloloko mo. Sabagay, mga sinungaling talaga ang mga abogado," sabi ko.

"White lies ang tawag do'n. Kung hindi ako nagsinungaling, hindi siya titigil sa katatanong. Nakita mo naman ang itsura niya, maiiyak na siya sa sagot mo. Dapat kasi umoo ka na lang sa proposal niya. Sa sobrang sama ng ugali mo, baka siya na lang ang may gustong magpakasal sa 'yo."

Napamaang ako sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang kamao at balak ko na sana siyang suntukin nang may mapansin akong kahinahinalang tao sa dulo ng hallway. Nakaitim siya at wala naman sa itsura niya na staff siya dito. Mukha ring may hinahanap siya at nang makitang nakatingin ako ay mabilis siyang pumasok sa isang pinto.

Hindi naman siguro siya tauhan ni Oliver. Ilang linggo na rin akong walang balita sa kaniya.

Paranoid lang siguro ako.

Tinalikuran ko na si Andriuz at bumalik na ako sa assembly hall. Pagdating ko doon ay wala nang tao. Tumingin ako sa relo ko at naalalang oras na para magpunta sa library ang mga bata.

Balak ko nang magpunta sa library pero nakita ko na naman iyong kahinahinalang tao. Nakatago na siya ngayon sa poste kaya dahandahan akong naglakad palapit sa kaniya. Nakatingin siya sa kung saan at nakita ko doon si Andriuz.

Mukhang si Andriuz ang minamanmanan niya.

Hindi ako nagpahalata na nakita ko siya at naglakad na ako palapit kay Andriuz.

"Huwag kang magpapahalata. Sa tingin ko may nagmamanman sa 'yo," bulong ko habang sinasabayan ang paglalakad niya.

"Nasaan? Sigurado ka ba?"

"Oo naman..." Napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang nasa harapan na namin iyong lalaki. "Siya...siya ang sumusunod sa 'yo."

Naghahanda na ako sa pagtakbo pero mukhang walang balak na tumakas si Andriuz. Humakbang siya papalapit sa lalaki kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Andriuz, tumakas na tayo..."

"Sinong nag-utos sa 'yo? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Andriuz sa lalaki.

Hindi siya sumagot at naglabas na lang bigla ng kutsilyo. "Kailangan kitang...patayin."

Iwinasiwas ng lalaki ang kutsilyo papalapit kay Andriuz na agad naman niyang naiwasan. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Para akong nanonood ng action movie.

Ilang beses muntik nang atakihin sa puso dahil muntikan na siyang masaksak. Nakahinga lang ako nang maluwag nang napabagsak na niya ang lalaki. Pero hindi pa pala tapos dahil may dumating pang dalawa.

This time, baril na talaga ang bitbit nila.

"Let's go," he said then we started to run.

Dumaan kami sa fire exit ng building. Naririnig ko ang mga yabag nila at alam kong malapit na nila kaming abutan.

Saktong pagbukas namin ng pinto ay siyang pagpapaputok nila ng baril. Naramdaman kong may dumaplis sa braso ko pero kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapadaing.

Mabilis kaming sumakay sa kotse ni Andriuz at nagmaneho na siya kaagad. Kinapa ko ang braso ko at napagtantong nadaplisan nga ako ng bala. Mabuti na lang kulay itim at long-sleeves ang suot kong damit ngayon kaya hindi mahahalata ang dugo.

"Bakit ba sa tuwing magkasama tayo, palagi na lang tayong sinusundan ni kamatayan, ha?" biglang sabi ni Andriuz kaya bahagya akong natawa.

Sumandal ako at pilit na kinalma ang sarili. Hindi naman kailangang malaman ni Andriuz na may sugat ako. Magaling akong artista kaya kayang-kaya kong magpanggap na ayos lang ang lahat.

"Nakasunod pa rin sila."

Tumingin ako sa side mirror at nakitang may sumusunod nga sa aming itim na sasakyan. Hindi ko alam kung saan dumaan si Andriuz pero mayamaya lang ay naiwala niya na ang sumusunod sa amin. Huminto ang sasakyan sa kung saan.

"Ang cellphone ko... Kainis! Nahulog yata ang phone ko habang tumatakbo tayo kanina. Dala mo ba ang phone mo?"

I shook my head weakly. "Na kay Mario ang phone ko."

Unti-unti na yata akong nauubusan ng dugo dahil nag-uumpisa na akong mahilo. Pero pinilit ko pa ring manatiling gising.

"Nasaan ba...tayo?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Basta lumiko lang ako sa puwedeng likuan para makatakas sa kanila. May bahay sa 'di kalayuan, magtatanong muna ako sa kanila."

Bumaba siya ng sasakyan at nagtungo sa maliit na bahay. Ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para i-check ang sugat ko. Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Andriuz.

"Wala siyang cellphone kaya nagtanong na lang ako ng direksyon palabas sa highway."

Binuhay niya ang makina pero namatay ito ulit. Sinubukan niyang buhayin ito pero hindi talaga kaya.

"Aish! Napakamalas naman ng araw na 'to. Hindi ko napansing naubos na pala ang gas. Kailangan makabili muna ako para umandar 'to. Iiwan muna kita doon sa matanda sa maliit na bahay. Halika."

Tumango ako at sinubukang lumabas ng sasakyan. Sinundan ko si Andriuz hanggang sa maliit na bahay kahit pa nanghihina na ako.

"Lola, iiwan ko po muna dito ang kasama ko. Bibili lang ako ng gasolina," sabi ni Andriuz sa matanda.

Napatingin sa akin ang matanda. "Aba'y bakit namumutla ka, iha? May sakit ba ang kasama mo?"

Lumingon sa akin si Andriuz at napakunot ang noo niya. Sinubukan kong ngumiti para hindi na siya magtanong pa.

"Ayos lang po ako. Napagod lang po sa biyahe," sabi ko.

Mukhang naniwala naman si Andriuz kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Nagtungo ako kaagad sa banyo para makita ang sugat ko. Para akong matutumba kaya kumapit ako sa lababo.

Naupo muna ako sa sahig habang hawak-hawak ang braso ko. Hindi ko na kayang tumayo. Nanlalabo na rin ang paningin ko sa sobrang daming dugo na nawala sa akin.

Pumikit ako at sinubukang matulog muna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top