Chapter 12

Traitor

🔥

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may mga kabayong naghahabulan sa didbib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Habol ko ang hininga nang magawa ko siyang itulak palayo.

Napahiga siya sa buhangin na parang lantang gulay.

"Nagpapakalasing ka tapos hindi mo naman pala kaya. Nanghahalik ka pa ng iba! Bahala ka nga diyan!" iritadong sabi ko bago siya iniwan.

Padabog akong naglakad pabalik sa bahay pero agad ding napahinto. Nilingon ko si Andriuz at talagang hindi na siya bumangon.

"Diyan niya ba balak matulog? Aish! Kung kasingsama niya lang ako, iiwan ko siya diyan. Bahala siyang pagiyestahan ng mga tao bukas. Pero dahil may konsensya pa rin naman ako, tutulungan ko na lang siya."

Huminga ako nang malalim bago siya binalikan. Tinapik ko ang balikat niya para magising siya.

"Andriuz, bumangon ka nga diyan. Bawal matulog dito ang lasing. Huy!"

Hindi siya gumalaw man lang. Wala nang pag-asa 'to. Lasing na lasing talaga siya. Kahit yata ipaanod ko siya sa dagat, hindi niya malalaman dahil sa kalasingan.

Lumingon ako sa bahay ni Mrs. Riques at nakapatay na ang ilaw doon. Baka mahimbing na ang tulog niya. Nakakahiya namang mang-abala. Kaya rin siguro dito nag-inom si Andriuz sa labas ng bahay para hindi siya maistorbo.

Bumalik ako sa bahay at ginising ko si Robin.

"Robin, gumising ka muna." Inalog ko nang malakas ang balikat niya hanggang sa magising siya.

"Ano ba 'yon, Cae? Natutulog na 'yung tao, e!" reklamo niya habang kinukusot ang mata.

"Kaya nga kita ginigising kasi tulog ka. Bilisan mo, tumayo ka diyan. Doon ka matulog sa tabi ng idol mong attorney," utos ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Tinitigan niya ako na parang tinubuan ako ng sungay.

"Cae, naman. Ano bang sinasabi mo?" napipikon niyang tanong.

"Lumabas ka do'n. Lasing na lasing si Andriuz at nakatulog sa tabing-dagat kaya tabihan mo siya! 'Di ba grabe kung ipagtanggol mo siya? Kaya sige na, samahan mo siya do'n."

"Nakakainis ka, Cae. Bakit ko naman siya tatabihan? Bakit ba kasi lumabas ka pa? Nakita mo pa tuloy siya. Nadamay pa ako," reklamo niya.

"Bilisan mo na. Lalabas ka do'n o sisipain kita?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Naiinis na ginulo niya ang buhok niya bago kinuha ang unan. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Takot talaga siyang masipa ko siya kaya kahit ayaw niya, susunod pa rin siya.

Tinanaw ko siyang maglakad palapit kay Andriuz at nahiga sa tabi nito. 'Tsaka lang ako tuluyang natawa. Napakaarte pa kasi ni Robin. Nagkumot pa talaga siya sa buhanginan.

Bumalik na ako sa kuwarto at pinilit kong matulog. Kinabukasan ay nagising ako dahil naamoy ko ang mabangong niluluto ni lola. Nag-ayos na muna ako bago ako dumiretso sa kusina.

"Cae, gising ka na pala. Maupo ka na para makapag-almusal na tayo," sabi ni lola.

"Sige po. Salamat po, lola," sambit ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako doon. Pumasok si Robin bitbit ang unan at kumot niya. Mukhang kagigising niya lang pero masama na agad ang loob niya.

"O Robin, saan ka natulog?" tanong ni lola.

Sinamaan niya ako ng tingin pero nilakihan ko siya ng mata.

"Sa labas po. Mas presko po kasi doon, 'la," sagot niya.

Hanggang sa matapos kaming mag-almusal ay nakabusangot pa rin ang mukha ni Robin. Hindi naman ako nakokonsensya sa ginawa ko, mas natatawa pa nga ako sa itsura niya.

"Kumusta ang pagtulog mo sa dalampasigan? Masaya ba?" natatawang tanong ko nang kaming dalawa na lang ni Robin sa hapag.

"Huwag mo akong kausapin," sabi niya bago tumayo.

"Sure ka? Hindi talaga kita kakausapin, bahala ka."

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang. Babalik din naman siya sa dati mamaya.

"Caelan, gusto mo bang sumama sa palengke?" tanong ni lola.

"Hindi na po, lola. Si Robin na lang po ang isama n'yo. Maglilinis na lang po ako dito sa bahay," sabi ko.

"O siya sige. Robin, halika na."

Umalis silang dalawa at sinimulan ko na kaagad maglinis. Hindi ako marunong magluto pero magaling naman akong maglinis ng bahay. Hindi kasi ako nakakapagtrabaho nang maayos kapag marumi ang paligid.

Kinuha ko na muna ang phone ko at nagpatugtog para mas masayang maglinis.

I was having fun cleaning the house then I just found myself dancing and singing out loud. Pinagpapawisan na ako pero nag-e-enjoy naman ako. Atleast para na rin akong nag-exercise.

Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang may kumatok. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki na may dalang bilao. Mukhang nagulat siya na makita ako at napakamot pa sa batok.

"Pasensiya sa istorbo. Pinabibigay ni nanay itong pansit para kay Lola Carla," sabi niya at iniabot sa akin ang bilao.

"Salamat. Sasabihin ko na lang kay lola na galing sa inyo 'to," sabi ko.

Kinuha ko ang bilao at mukhang may sasabihin pa siya kaya hindi muna ako tumalikod.

"Ikaw si Caelan, 'di ba?" nahihiyang tanong niya. Tumango naman ako. "Ang...ganda mo pala. Sige, aalis na ako."

Bigla siyang kumaripas ng takbo paalis kaya natawa ako. Siguro nahiya talaga siya sa sinabi niya. Napailing na lang ako at babalik na sana ako sa loob ng bahay nang matanaw ko si Andriuz.

Nakatayo siya sa 'di kalayuan at nakatingin sa akin. Bigla ko tuloy naalala 'yung nangyari kagabi. Nagkunwari akong hindi siya nakita at pumasok na ako sa loob.

Inilapag ko sa mesa ang bilao at uminom ako ng tubig. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Siguro napagod lang ako sa paglilinis.

Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang halik niya. Bahagya kong tinapik ang pisngi ko para bumalik ako sa katinuan.

"Ano ba, Caelan. Huwag mo ngang isipin 'yon. Akala niya ikaw si Melanie kaya ka niya hinalikan," sabi ko sa sarili. Napatayo ako nang tuwid. "Teka...naaalala niya kaya? Baka isipin na naman niya inakit ko siya kaya nangyari 'yon! Kasalanan niya naman kasi. Bakit niya ba ako hinalikan!"

"Sinong humalik sa 'yo?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko si Robin. Nilingon ko siya at  nagsasalin na siya ngayon ng tubig.

"Bakit ka ba nanggugulat, ha?" tanong ko.

"Hindi kita ginulat. Ang ingay na nga ng paglalakad ko tapos hindi mo pa narinig. Kinakausap mo kasi ang sarili mo," sabi niya.

"Hindi 'no. Ano ako baliw para kausapin ang sarili? Diyan ka na nga," sabi ko at iniwan na siya sa kusina.

Bumalik ako sa kuwarto at saka ako nakahinga nang maluwag. Muntik na 'ko do'n. Walang ibang dapat na makaalam sa nangyari kagabi. Kung nakalimutan man ni Andriuz 'yon, mas mabuti.

Monday came and it's time to go back to Manila already. I was at the set for our last week of taping.

"Action!"

The scene for today is breakup. Habang binabasa ko ang script, hindi ko maiwasang masaktan para sa mga bida. Umiikot ang istorya sa away sa pagitan ng dalawang bida. Umpisa pa lang hindi na sila puwede dahil ang babae ay isang espiya. Ginamit niya lang ang lalaki para makakuha ng impormasyon pero hindi niya inaasahang mapapamahal siya dito.

Natuklasan ng lalaki ang totoo pero pinilit niyang itago 'yon dahil ayaw niyang lumayo ang babae. Handa siyang isakripisyo ang lahat maprotektahan lang siya.

Pero ang babae na mismo ang gustong makipaghiwalay. Hindi niya kayang mag-stay sa tabi ng lalaki dahil isa siyang espiya at dapat lang siyang mamatay.

"Let's stop this, William. Just let them give me the punishment that I deserve. Hindi mo ako kailangang protektahan," sambit ko.

He shook his head. "No! I will never surrender you, Alyana. Hindi ko kayang makitang pinaparusahan ka nila—"

"I'm a traitor, William!" I cut him off. "I'm a spy! Hindi mo pa rin ba naiintindihan. Kaya ako nandito dahil ipinadala ako ng kalaban. I fooled you and everyone else here."

A tear fell from my left eye. My lips were trembling due to so much emotions.

"Wala akong pakialam! Alam kong napilitan ka lang gawin ang bagay na 'yon. Ipapaliwanag ko sa kanila. Maiintindihan nila 'yon."

I gasped and looked away. This is so hard. Ganito kahirap makipaghiwalay sa mga palabas, ano pa kaya sa totoong buhay?

"I love you, Alyana." He reached for my arms and cupped my face. "Don't leave."

This scene. Alam ko ang kasunod nito dahil ilang beses kong binasa nang paulit-ulit ang script.

"I don't deserve your love," I whispered.

He leaned closer and I closed my eyes tightly. This is not my first time doing this but it feels so wrong.

Bumalik sa isip ko ang nangyari sa Zambales. Ano ba, Cae! Nasa gitna ka ng trabaho, mag-focus ka!

It was just a light kiss. Pero para akong nagtaksil.

"Cut!"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Sebastian. Mabilis na lumapit sa akin si Camill at sabay kaming nagtungo sa dressing room.

"Are you okay, Cae? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Camill.

I smiled. "I'm fine, Camill. Nailang lang siguro ako kanina."

Huminga ako nang malalim bago kinuha ang phone ko. Ramdam ko ang paninitig ni Camill sa akin kaya nilingon ko siya.

"May kakaiba sa 'yo, Caelan. Mula nang bumalik ka galing sa Zambales, parang may nagbago sa 'yo. May nangyari ba?"

Mabilis akong umiling. "Wala ah. Ano namang mangyayari? 'Tsaka ano bang nagbago sa 'kin?"

"Parang ang blooming mo lalo. May nabasa ako dati na kapag blooming daw ang girls, it means in love sila. In love ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Tumigil ka nga, Camill! Lagi naman akong blooming. Lalabas nga muna ako para magpahangin. Ang init dito sa loob," sabi ko at iniwan na siya.

Bumalik ako sa shooting area at nakita ko kaagad si Sebastian. Nang makita ako ay agad siyang lumapit sa 'kin.

"Cae, ang galing mo kanina. Pero napansin ko na parang uncomfortable ka sa kissing scene n'yo. Naiilang ka ba?" tanong niya.

I sighed. "Hindi naman sa naiilang ako. May iniisip lang."

"I see. Anyway, about kay Andriuz, ginugulo ka pa ba niya?"

Pinanliitan ko ng mata si Seb. Bakit naman bigla niyang napasok sa usapan si Andriuz? Nitong mga nakaraan naman hindi niya nababanggit ang pangalan ng lalaking 'yon.

"Hindi naman. Pero nagkakasagutan pa rin kami sa tuwing magkikita kami."

Bumuntonghininga siya. "Actually, namomroblema nga rin sina Tita Franz at Tito Glenn. Masiyadong delikado ang tinatrabaho ni Andriuz ngayon. Alam mo naman siguro na kinakalaban niya ang step-father mo, 'di ba?"

Tumango ako.

"Natatakot ang parents nila na baka mapahamak si Andriuz. Ayaw niya kasing magpapigil. Sinasabihan na namin siya na bitiwan ang kasong 'yon pero hindi siya nakikinig."

So, ipinagpapatuloy niya pa rin pala ang pagtugis kay Oliver. Kailangan ko na talagang makahanap ng ebidensya para hindi na malagay sa panganib ang buhay ni Andriuz.

Umihip ang malakas na hangin at biglang may pumasok sa mata ko kaya napapikit ako.

"Aray, napuwing yata ako," sabi ko.

"Ha? Teka huwag mo kusutin. Akin na nga," sabi ni Sebastian at sinubukang ihipan ang puwing sa mata ko. "Ayan wala na ba?"

Dumilat ako pero may puwing pa rin talaga. "Meron pa, e. May eyedrop ka ba diyan?"

"Wala. Akin na, uulitin ko."

Inihipan niya pa ulit ang mata ko.

"Ang sweet n'yo naman. Dito n'yo pa talaga napiling maglandian."

Tumingin kami sa nagsalita at nakita ko na naman ang galit na mukha ni Andriuz. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Sebastian.

"Andriuz, bakit ka napadaan?" tanong ni Sebastian sa kaniya.

Inabot niya ang paperbag kay Sebastian bago sumagot. "Ang sabi ni Aireen idaan ko raw 'to sa 'yo bago ako dumiretso sa opisina dahil baka hindi ka pa nagtatanghalian. My sister loves you. She's so thoughtful, right? Tapos pinagtataksilan mo pa siya sa ibang babae. Kung balak mo palang mambabae, hiwalayan mo na lang ang kapatid ko."

My forehead creased even more. He's doing it again. Acussing someone without knowing the truth.

"Hindi ko pinagtataksilan si Aireen. At mas lalong hindi ko babae si Caelan. Magkaibigan lang kami," paliwanag ni Seb.

He smirked. "Yeah, maybe you only see her as a friend. Pero gano'n din ba si Caelan?"

I inhaled sharply. "Excuse me? Sinasabi mo bang may gusto ako kay Sebastian?"

"Who knows? Lahat naman kaya mong magustuhan basta ba mapapakinabangan mo."

Pumagitna sa amin si Sebastian. "Andriuz, tama na ang pang-iinsulto kay Caelan."

Ngumisi ako kahit na masiyadong nasaktan ang pride ko sa sinabi niya. Pinapalabas niyang kayang-kaya kong akitin ang lalaki para sa sarili kong kapakanan. Sige. Gano'n nga akong babae.

"Tama ka, kumakapit ako sa mga taong may pakinabang sa akin. At 'yung mga walang pakinabang, tinatapon ko," mariin kong pagsang-ayon.

Nasapo ni Sebastian ang noo niya na para bang napipikon na rin siya. Mas lalong nagalit si Andriuz sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya tungkol sa akin.

"Ano ba, dito n'yo ba napiling mag-away? Kung gusto n'yong magsakitan, doon kayo sa labas ng set," sabi ni Sebastian.

"Aalis na ako. Wala na akong sasabihin."

Naglakad na ako palayo sa kanila at pabalik sa dressing room. Naabutan ko si Camill na inaayos ang mga gamit ko.

"Mauuna na ako sa kotse," sabi ko.

"Sige, Caelan. Susunod ako."

Kinuha ko ang bag ko bago nagpunta sa parking lot. Sumakay ako sa front seat dahil si Camill ang magmamaneho ngayon. Sumandal ako sa headrest at pumikit nang maramdaman kong may pumasok sa driver's seat.

Dumilat ako para sana kausapin si Camill pero hindi naman siya ang nasa driver's seat.

"Ano na naman bang kailangan mo, Andriuz? Hindi mo kotse 'to kaya wala kang karapatang sumakay dito!" sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "May dapat tayong pag-usapan."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top