Chapter 11
Curious
🔥
It has been three days since I woke up and I'm still here at the hospital. My dad visited me yesterday with Tita Angelou. While my mom...she only gave me flowers through delivery.
The doctor said that I should take a rest for how many days. Kaya naman hindi pa ako pinapayagang umuwi.
Napalingon ako nang biglang pumasok si Mario sa pinto. Pabagsak siyang naupo sa sofa na para bang pagod na pagod.
"Nakakaloka talaga ang mga paparazzi na 'yon! Hindi na ako tinigilan. Lahat sila gustong malaman kung anong nangyari at kung bakit ka daw naospital, Cae! Sinabi ko nang hindi muna ako magpapa-interview pero ayaw nilang tumigil," mahabang reklamo niya.
Mas lalo tuloy akong naawa kay Mario. Siya ang sumasalo ng mga problema ko.
Kinuha niya ang tablet niya at may ginawa. Bigla siyang napatayo at halatang gulat na gulat sa nabasa kaya nagtaka ako.
"Bakit, Mario?" tanong ko.
"Nakakainis talaga!" nanggigigil na sigaw niya. "Walang'yang post 'to! Sinabi ba namang kaya ka daw nasa ospital ay dahil buntis ka! Ito pang isa, ang sabi, hindi daw totoong may sakit ka at gusto mo lang daw magpasikat!"
Bumuntonghininga ako. "Hayaan mo na sila, Mario. Huwag mo nang patulan—"
"Hindi! Magpapatawag ako ng presscon ngayon din! Ipapakita ko ang lahat ng patunay na nasa ospital ka para mapahiya sila! Kainis!"
"Mario!" Tinawag ko siya pero lumabas pa rin siya ng kuwarto ko. Mukhang hindi na talaga siya mapipigilan.
Humiga na lang ako ulit at humarap sa bintana. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napangiti ako.
"Oh, bakit ka bumalik? Sabi ko na hindi mo itutuloy," sabi ko pero wala akong narinig na tugon mula kay Mario. "Bakit hindi ka nagsasalita?"
Humarap ako at natigilan nang hindi si Mario ang nakita ko. Kundi si Andriuz.
"A-Andriuz, anong... ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin ako sa pintuan at mukhang wala sila Camill at Mario doon. Dahil kung nandiyan sila, paniguradong hindi makakapasok dito si Andriuz.
Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. Sanay ako na parating pagalit ang tingin niya kapag kaharap ako.
"You really want to sacrifice your life, huh?" he muttered. "You want my forgiveness, right?"
Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin.
"If you really want to pay for what you did, stay alive. Paano mo pagbabayaran ang kasalanan mo kung patay ka na?"
Suminghap ako. "Ikaw na rin ang nagsabi na nabuhay lang ako para manira ng buhay ng iba. At sana mawala na lang ako. Bakit nagbago yata ang isip mo?"
"I said that because I was blinded with madness—"
"At ngayon hindi ka na galit?" putol ko sa sinasabi niya.
He laughed without humor. "Don't assume, Caelan. I'm still mad at you."
Pilit akong ngumiti at tumango. Wala nang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko. Pero siya mukhang may gusto pa siyang sabihin.
"But still, I want to thank you—"
"Hindi na kailangan. Hindi kita tinulungan kagaya ng sinabi mong hindi mo ako tinulungan. Isipin mo na lang na bayad ko 'to sa pagligtas mo sa akin noong nalunod ako. Interes pa lang 'to ng utang ko sa 'yo." Narinig ko ang pagbuntonghininga niya pero hindi ko siya nilingon. "Umalis ka na, baka maabutan ka pa nila Mario."
'Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas na siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro dahil sa pinagsamang takot at kaba.
Pagkalipas ng tatlong araw ay nakalabas na rin ako ng hospital. Sunod-sunod ang mga bulaklak at regalong natanggap ko mula sa fans ko kaya kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"Caelan, how are you? Sorry hindi na ako nakapunta sa hospital, ang sabi kasi ni Mario huwag na daw akong pumunta," sabi ni Sebastian.
Ngumiti ako at naupo sa harap ng vanity mirror. Balik trabaho na ako ulit dahil magaling na ako. Basta huwag ko lang daw puwersahin ang sarili ko para hindi bumuka ang sugat.
"I'm fine, Seb. Ako nga dapat ang nag-so-sorry dahil na-delay na naman ang taping ng dahil sa akin," sagot ko.
"It's okay. Hindi naman natin maiiwasan na magkasakit. Anyway, bumili ako ng favorite coffee mo. Naisip ko na baka gusto mong magkape habang inaaral ang script."
"Woah, you're so sweet! Kaya lang baka magselos na naman sa akin si Aireen kapag nalaman niyang binibilhan mo ako ng coffee."
Kahit naman magkaibigan lang kami ni Seb, hindi maiwasan ang mga tsismis na kumakalat tungkol sa aming dalawa. Ayaw ko lang na mag-isip nang masama sa amin si Aireen.
I love Sebastian as a friend only. Nothing will change that.
Dahil maraming araw ang nasayang namin sa taping, sinubukan kong mag-focus talaga muna sa series na 'to. Nakakahiya na kay Seb na palaging nauudlot ang shooting nang dahil sa akin. Kahit naman magkaibigan kami at ayos lang sa kaniya, ayaw ko namang sabihin ng ibang artista na may favoritism siya.
Although, gano'n talaga siya minsan. Hindi ko alam kung dahil ba sa magkaibigan kami o dahil ako ang lead actress kaya ako ang madalas na asikasuhin ng staff niya. Ang dressing room ko, mas malaki kaysa sa iba. Kaya nga naiinis si Jade sa akin kahit hindi ko naman nirequest 'yon.
After more than a month of non-stop working, from taping to photoshoots, contract signing, presenting, finally, I was able to visit my grandmother again at Zambales.
"Lola! Robin! Guess, who's back?" I shouted as soon as I entered the house.
Walang sumalubong sa akin kaya napakunot ang noo ko. Inilapag ko na muna sa mesa ang pinamili ko sa grocery bago ako naglibot sa buong bahay.
"Weird. Saan naman sila pupunta ng ganitong oras?" tanong ko sa sarili.
Lumabas ako ng bahay para hanapin sila pero natigilan ako sa nakita. Pabalik na sila lola at Robin dito sa bahay, kasama si...Andriuz.
I approached them and they saw me immediately.
"Cae! Hindi ka nagsabi na dadalaw ka," masayang sabi ni lola pero nanatiling nakakunot ang noo ko.
I crossed my arms. "What are you doing here, Andriuz? At bakit kasama mo sila lola?"
Hinawakan ni lola ang braso ko. "Apo, pumasok muna tayo sa loob."
"Pumasok na kayo sa loob, lola. Gusto kong makausap si Andriuz."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nagtungo na ako sa tabing-dagat. Naramdaman kong papalapit na si Andriuz kaya galit ko siyang nilingon.
"Bakit kasama mo ang lola ko? Parte na rin ba 'to ng paghihiganti mo?" mariin kong tanong.
Bumuntonghininga siya. "Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo."
"Meron, Andriuz! Kung ginagawa mo 'to dahil galit ka sa akin, tumigil ka na. Ano, dahil hindi ako bumabagsak sa ginagawa mo kaya ginagamit mo pati ang lola ko? Gan'yan ka na ba kadesperado?"
He sarcastically laughed. "Now I know, you love your grandmother so much. Hanggang saan ba ang kaya mong gawin maprotektahan lang siya? Natatakot ka na baka saktan ko ang lola mo katulad ng ginawa mo kay Melanie."
"I told you, don't hurt my family! Sa akin ka may galit kaya sa akin ka lang maghiganti! Huwag mo silang idamay, please. Huwag si lola."
I sobbed. I couldn't stop the tears from falling. Kahit ayaw kong umiyak sa harapan niya, hindi ko mapigilan. Natatakot ako na baka saktan niya talaga si lola.
"Wala pa akong ginagawa, Caelan. At hindi ako gagawa ng gano'ng kasamang bagay dahil lang sa paghihiganti. Ikaw ang may kasalanan, kaya ikaw ang magdurusa. Bigla tuloy akong na-curious, kung paano magiging miserable ang buhay mo sa oras na mawalan ka rin ng taong mahalaga sa 'yo."
Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya sasaktan si lola pero gusto niyang makitang magdusa ako at mawalan taong mahalaga sa akin? Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.
"Andriuz."
Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita ko si Mrs. Riques. Seryoso ang tingin niya kay Andriuz.
"Tita Merlinda," ani Andriuz.
"Mag-usap tayo." Iyon lang at tumalikod na si Mrs. Riques.
Agad ding sumunod si Andriuz sa kaniya kaya naiwan ako. Nagpakalma muna ako saglit bago ako bumalik sa bahay. Sinalubong ako kaagad ni lola.
"Cae, anong nangyari? Inaway mo ba si attorney?" tanong ni lola. Hindi ako kumibo. Pinaupo ako ni lola sa silya at tumabi siya sa akin. "Caelan, ang totoo niyan, mayroon akong utang at hindi ko mabayaran. Tinakot nila ako na ipakukulong daw ako kapag hindi ako nakabayad. Mabuti na lang nandiyan si attorney, siya ang tumulong sa akin."
Kumunot ang noo ko sa nalaman. "Lola naman, bakit hindi kayo humingi ng tulong sa akin? Bakit sa kaniya pa?"
"Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang problema mo. Atsaka, siya rin naman ang nagpresintang tumulong."
"Kahit na." Nasapo ko ang aking noo. "Magkano ba ang utang n'yo? Babayaran ko kahit itriple pa ang interes. Basta huwag na kayong lalapit at makikipag-usap kay Andriuz."
"Caelan naman, para kang bata," sabad ni Robin. "Kung sinong kaaway mo, dapat kaaway din namin?"
Sinamaan ko siya tingin. "Ikaw naman Robin, bakit mo hinayaang sumama-sama sa inyo ang lalaking 'yon? Ang bilis ninyong magtiwala sa iba. Paano kung may masama siyang binabalak?"
"Basta hindi ako naniniwalang masamang tao si Attorney Andriuz. Kung masama siya, edi sana, hindi siya pumayag na dalhin ka sa ospital noong inaapoy ka ng lagnat dito."
Natigilan si Robin na para bang may nasabi siyang hindi dapat. Napailing-iling na lang si lola.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko, hindi siya masamang tao, tapos!"
"Hindi, may sinabi ka pa. Tama ba ang narinig ko? Si Andriuz ang nagdala sa akin sa ospital?"
Hindi na siya nagsalita pa at nagtakip na lang ng bibig. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni lola kaya napatingin ako sa kaniya.
"Caelan, kung ayaw mo talagang makipag-usap kami kay Andriuz, sige gagawin namin. Para hindi na sumama ang loob mo."
Halos hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Robin. Napakaimposible namang mangyari no'n. Baka grabeng pamimilit ang ginawa ni Robin sa kaniya kaya hindi na siya nakatanggi.
Come to think of it, ilang beses niya ng niligtas ang buhay ko. Mas lalo lang tuloy akong nakukumbinsi na talagang may malaking plano siya para maghiganti sa akin. Baka palabas niya lang ang lahat ng pagtulong niya. At sa huli, saka siya kikilos para pabagsakin ako.
Bumalikwas ako ng bangon at bumuntonghininga. Kanina pa ako nakahiga pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Tahimik na ang paligid kaya sa tingin ko tulog na sila lola at Robin.
Dahandahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Nakapatay ang ilaw sa buong bahay pero dahil sa maliwanag na buwan ay nakakakita pa rin ako. Maglalakad-lakad na muna siguro ako para magpa-antok.
Lumabas ako ng bahay at sinalubong ako ng malamig na hangin. Wala na akong nakikitang ibang tao dahil hatinggabi na. Pero kahit na gano'n, hindi naman ako natatakot na baka may masamang tao dito. Ang sabi ni lola, ligtas naman daw dito kahit hatinggabi.
Naglakad ako palapit sa gilid ng dagat nang may makita ako. Kinusot ko ang aking mata para makasigurong siya nga ang nakikita ko.
Si Andriuz, nakaupo sa buhangin at sa tingin ko umiinom siya.
Niyakap ko ang sarili nang muling umihip ang hangin. Napabuntonghininga ako bago dahandahang lumapit sa kinaroroonan ni Andriuz. Mukhang medyo lasing na siya dahil hindi man lang niya naramdaman ang paglapit ko. Nanatili siyang nakatanaw sa dagat.
Nang tuluyan akong makalapit ay doon ko na-realize na umiiyak siya. Hindi siya humihikbi pero dumadaloy ang luha mula sa mga mata niya.
"Melanie...bumalik ka na. Ang tagal mo nang nawala...hindi ko na kaya. Come back to me, please..."
Pakiramdam ko, pati puso ko nasasaktan. Palagi ko siyang nakikitang galit pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
Gabi-gabi ba siyang umiiyak? Siguro palagi niyang...hinahanap si Melanie. Gano'n kasakit ang pinagdaraanan niya ngayon.
"Melanie...bumalik ka na please."
Humihikbi na siya ngayon at mas lalo akong nakokonsensya. Kung may paraan lang para mabawasan ang sakit, gagawin ko.
"Andriuz,"
Hindi ko alam kung magagalit ba siya na nandito ako pero gusto ko lang siyang damayan. Alam ko ang pakiramdam nang mag-isang nagdurusa. Ang pakiramdam na walang masandalan.
Lumingon siya sa akin at hinihintay kong sigawan niya ako pero hindi niya ginawa.
"Melanie... nandito ka na."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tinawag niya ba akong Melanie? Sobrang nalasing na ba siya o tuluyan na siyang nabaliw?
"Melanie," sabi niya pa bago ako niyakap.
Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya pero masiyadong mahigpit ito.
"Andriuz, hindi ako si Melanie—"
"Melanie, don't leave me again, please. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa." Kumalas siya sa pagyakap sa akin at pinakatitigan ako. Pakiramdam ko tumatagos sa kaluluwa ko ang titig niya kahit pa alam kong si Melanie ang nakikita niya ngayon.
"I love you."
Before I could even say something, he already leaned closer and kissed me. My eyes widened and I couldn't move. I tried break the kiss but he put his hand on my nape and kissed me deeper this time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top