Chapter 1

🔥
Family

"Caelan! Mabuti naman at nandito ka na. Kanina ka pa hinihintay ng mga guests. Pumunta ka na sa dressing room, dali!"

Hindi na ako nagreklamo pa at agad akong nagbihis. I'm wearing a black ball-gown and a pair of gloves. My hair was curled and tied on a high-ponytail. Pagkatapos kong magbihis ay maingat na isinuot sa akin ang limited edition na diamond necklace.

"Ang ganda! Bagay na bagay sa 'yo. Hindi sila nagkamali na kunin ka bilang presenter. Anyway, kailangan makuha mo talaga ang atensyon ng mga guest dahil narinig ko na nandito rin si Jade at isa rin siya sa mga presenter," sabi ni Mario.

I sighed heavily. Jade is one of my biggest rivals in this industry. Mas nauna siyang naging artista kaysa sa akin. Pero mula nang sumikat ako ay madalas na kaming pagtapatin. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na galit siya sa akin dahil pakiramdam niya, inaagaw ko ang trono niya.

"Sige, Mario. I'll do my best. Pakitawagan naman si Macoy kung maayos niya bang nakausap 'yung nabangga ko. Salamat."

"Okay, Cae. Don't worry, ako na ang bahala doon."

The fashion show started and I waited for my turn. Tahimik akong naghihintay sa backstage nang may sumagi sa balikat ko. Nilingon ko 'yon at nakita ko si Jade.

She's wearing a white ball-gown, completely the same as mine except the color.

"Jade, long time no see. I heard you went on a vacation abroad," I told her.

She faked a smile. "That's true. Gano'n talaga kapag sikat na artista. Puwede nang magbakasyon nang hindi nag-aalala kung babagsak ang career. Hindi katulad ng iba diyan, palibhasa sumikat lang dahil sa eskandalo."

I was about to say something but someone interrupted us.

"Miss Jade and Miss Caelan, standby na po tayo. Susunod na kayo," sabi ng isang staff.

Pumuwesto na ako at gano'n din siya. Siniguro kong nakangiti ako bago bumukas ang pinto ng backstage. Ako ang unang naglakad patungo sa gitna at alam kong may binabalak si Jade kaya inunahan ko na siya.

Saktong pag-ikot ko ay ang pagpasok din ni Jade sa stage, nang akmang tatapakan niya ang gown ko ay pasimple kong tinapakan ang gown niya.

Nagsinghapan ang mga tao nang madapa siya sa stage. Nagkunwari rin akong nagulat at tinulungan ko pa siyang tumayo.

"Smile, Jade. Huwag mong ipakita sa kanila na kaawa-awa ka,"  bulong ko bago bumalik sa backstage.

Dumiretso ako sa dressing room at mayamaya lang ay may padabog na pumasok. Alam ko na agad kung sino 'yon.

"How dare you! Bakit mo tinapakan ang gown ko?"

Tumayo ako at hinarap siya. "Para kasing nalalaos ka na, so naisip ko, baka gusto mo ring sumikat sa eskandalo?"

"Bitch!" She was about to slap me but I grabbed her arm.

Matagal na akong nagpipigil dahil iniiwasan kong masangkot sa anumang eskandalo pero talagang pinipilit nila akong gawin ang ayaw ko.

"Tumigil ka! You really think, I don't know what you're doing? Alam kong ikaw ang nagpapakalat ng mga chismis tungkol sa akin. Kung ayaw mong magkaroon ng eskandalo, tigilan mo na ako!"

"Cae, ang galing—Jade? Anong ginagawa mo dito sa dressing room ni Caelan? Nag-aaway ba kayo?" gulat na tanong ni Mario.

Binitawan ko ang braso ni Jade bago nginitian si Mario. "Hindi naman. Halika na, Mario. Gusto ko nang umuwi dahil marami pa akong trabaho bukas."

Lumabas na ako ng dressing room at sumunod naman sa akin si Mario. Pagkarating sa tapat ng kotse ay tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si mommy iyon.

"Hello," I said.

Mario opened the car door for me and I went inside the car. Hindi agad binuhay ni Mario ang makina at hinintay na matapos ang pag-uusap namin ni mommy.

"Cae, I want to invite you for dinner. Nasabi sa akin ni Mario na pauwi ka na kaya dito ka na dumiretso sa bahay."

I shot a death glare to Mario and he apologetically smiled.

"Hindi na, mom. Kumain na po ako ng dinner—"

"Huwag mo sana akong tanggihan. At saka, gusto ka ring makita ng step-dad mo. We want to congratulate you for your new series. Alam ko namang hindi pa kayo nag-ce-celebrate ng dad mo dahil busy siya."

Natigilan ako sa sinabi niya. This is one of the reasons why I don't want to see my parents. Dahil may kaniya-kaniya na silang mga asawa. Hindi na kami isang pamilya. At isa pa sa mga rason ay ang bagong asawa ni mommy.

"Okay, fine."

Pinutol ko na agad ang tawag bago ko hinilot ang aking sentido. Hinatid ako ni Mario sa bahay ni mommy at ng asawa niya.

"Mauuna na ako, Caelan. Magpapasundo na lang ako kay Macoy at iiwan ko dito ang kotse para makauwi ka kung gusto mo. Mag-iingat ka."

Tumango ako. "Take care, Mario. See you tomorrow."

Nang makaalis siya ay 'tsaka ko nilingon ang mansyon.

I smiled bitterly. Mas malaki pa dito ang mansyon namin noon. Hindi hamak na mas mayaman si dad kaysa sa bagong asawa ni mommy, kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Pero wala nang halaga para balikan ang mga masasakit na alaalang 'yon. Masaya na sila sa bago nilang pamilya, kaya anong karapatan ko para masaktan?

"Caelan!" She ran to me and hugged me. Hindi ko siya gustong yakapin pabalik pero na-mi-miss ko siya kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na yakapin siya.

"Caelan, it's good to see you. Akala ko ay hindi ka darating. Pumasok na tayo sa loob," sabi ng asawa ni mommy na si Oliver.

He is a famous business tycoon, the same level as my dad. Pero si dad, sa malinis na paraan yumaman, ang taong 'to, pakiramdam ko may mga illegal siyang gawain.

"I cooked your favorite food, Cae. Alam kong hindi ka madalas kumain nito dahil may sinusunod kang diet, huwag kang mag-alala, sinabi ko kay Mario na bubusugin kita ngayon," saad ni mommy.

Pinagmasdan ko ang mga nakahain sa mesa. Kung ako pa ang dating Caelan, paniguradong matutuwa ako dahil mga paborito ko ang mga ito.

"It's not my favorite food anymore. Pero kakainin ko pa rin dahil nasa ibang bahay ako at nakakahiyang magsayang," sambit ko.

"Huwag mong isiping ibang bahay 'to, iha. Feel at home. Your mother is my wife so that makes you my daughter."

"No. I only have one father and that's my dad," I told him.

I will never treat him as my father because he never treated me as her daughter. Kung anak ang turing niya sa akin, hindi niya ako gagawan ng masama.

"Caelan! Huwag kang bastos kay Oliver. Tama siya, asawa niya na ako kaya siya na rin ang step-dad mo. Hindi ako papayag na bastusin mo siya. Mag-sorry ka sa kaniya."

Hinawakan ni Tito Oliver ang braso ni mommy. "Ayos lang. Naiintindihan ko siya."

I laughed sarcastically. I laughed then the tears in my eyes started falling. Para na akong baliw.

"You know what? I still don't understand. Why did you leave us? Bakit ipinagpalit mo ang pamilya natin para dito? Ano bang meron dito na wala sa pamilya natin?" Suminghap ako at pinunasan ang mga luhang walang awat sa pagtulo.

"Mas masaya ako kay Oliver. Mas mabait siya kaysa sa daddy mo. Look, nagawa ka bang ipagluto ng daddy mo? Nagawa n'yo bang i-celebrate ang mga achievement mo? Hindi, 'di ba? Dahil palagi siyang nasa trabaho!"

"Atleast, hindi niya ako iniwan," mariing sabi ko. "Kahit na palagi siyang nagtatrabaho, hindi siya sumama sa iba! Pinilit niyang buuhin ang pamilya natin pero umalis ka! 'Yon ang lamang sa 'yo ni daddy. Hinintay niyang magkaroon ako nang maayos na buhay bago siya nagpakasal ulit. At kahit hindi ako tanggap ng bago niyang asawa, ayos lang, basta masaya si dad! Hindi katulad mo! Naisip mo man lang ba ang naramdaman ko noong iniwan mo ako? Hindi!"

Napaigik ako sa sakit nang bigla niya akong sampalin. Normal naman sa akin ang masampal lalo na kapag nasa taping pero iba pa rin talaga kapag may kasamang hinanakit ang sampal. At kapag nanggaling sa sarili kong ina.

"Can you hear youself? Baka nakakalimutan mong ako ang nagpasok sa 'yo sa showbiz! Ako ang nagbigay ng manager, driver at pati na rin ang P.A. mo! Nang dahil sa asawa ko, madali kang nakakatanggap ng mga projects! Wala ka sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sa akin!"

"Pero hindi ko naman hiniling 'yon! At lahat ng mga sinasabi mong itinulong ng asawa mo, lahat 'yon may kapalit! Hindi mo alam kung gaano kasama ang taong pinakasalan mo—"

"Tama na, Caelan! Sumosobra ka na! Umalis ka sa pamamahay ko, nagsisisi na akong inimbita pa kita dito!"

"Aalis talaga ako! At hindi na ako babalik dito!"

I grabbed my bag and immediately walked out of that house. Hindi ko mapigilang humikbi sa sobrang sama ng loob ko. Gusto kong magwala.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse pero nang bubuksan ko na sana ang pinto ay may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang tauhan ni Oliver.

"Hindi ka pa puwedeng umalis. Utos ni Boss Oliver," sabi ng isa.

Iwinaklit ko ang kamay niya. "Wala akong pakialam. Pakisabi sa kaniya, masunog na sana siya sa impyerno!"

"Your wish is my command. Pero kapag nasunog ako sa impyerno, isasama kita pati na rin ang mommy mo."

Hinarap ko si Oliver at pinukol siya ng masamang tingin. Wala talaga siyang kasingsama!

"Masakit ba ang masampal ng sariling ina? Gusto mo bang iganti kita?" nakangising tanong niya.

I clenched my fist. "Don't hurt my mom. Kundi, ako ang makakalaban mo."

Humalakhak siya at hinablot ang braso ko. "Huwag mo akong pinagbabantaan. Kung susunod ka nang mabuti sa akin, hindi siya masasaktan."

"Over my dead body. Hindi mo ako mapapasunod!" Hinampas ko nang malakas sa mukha niya ang hawak kong bag kaya nabitawan niya ako.

Agad na naalerto ang mga tauhan niya kaya pinalibutan nila kami. Kinuha ko sa bag ang pocket knife na palagi kong dala.

"Sige! Gigilitan ko ng leeg ang sinumang lumapit! Sige!"

Itinutok ko sa kanila ang kutsilyo habang dahandahan akong naglalakad papalapit sa kotse ko. Pero biglang may humampas sa likod ko kaya nabitiwan ko ang kutsilyo.

Muling humalakhak si Oliver. "Caelan, masiyado kang matapang. Tingnan natin kung makapalag ka sa gagawin ko."

Nagpumiglas ako sa mga humahawak sa akin pero masiyado silang malakas. Hanggang sa naramdaman kong may tumusok sa leeg ko.

"Aahh!" Sumigaw ako sa sobrang sakit pero pinilit ko pa ring makawala sa dalawang taong nasa gilid ko.

I kicked the other one on his balls and he grunted in pain. Agad ko namang kinagat ang braso ng isa at nang tuluyan akong makawala ay muli kong dinampot ang kutsilyo at sinaksak sa braso ang lalaking balak akong hawakan.

Hinding-hindi ako papayag na maging biktima ni Oliver. Hindi ako papayag na makuha niya ang gusto niya. Kahit ikamatay ko pa!

Ilang beses niya na akong pinagtatangkaang gahasain mula pa noon. Pero palagi ko siyang natatakasan. At gano'n din ngayon.

"Lumayo ka, Oliver! Hindi ako nagdadalawang-isip na saksakin ka!"

Mabuti naman at hindi na siya nagtangka pang lumapit. Sumakay ako sa kotse at mabilis na pinaandar ito.

Alam kong hindi niya ako titigilan at tama nga ako dahil nakita ko kaagad na hinahabol ako ng mga tauhan niya.

I immediately dialed my manager's number. He answered after three rings.

"Mario! Tulungan mo ako! Hinahabol ako nila Oliver!"

"Ano?! At bakit ka naman hinahabol? Nasaan ka na? Nasaan ang mommy mo? Alam niya ba?"

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil alam kong sa oras na maabutan ako ng mga tauhan ni Oliver, katapusan ko na talaga.

Pumintig ang sentido ko kaya napadaig ako sa sobrang sakit.

"Caelan? Bakit hindi ka na sumasagot? Ano bang nangyayari?"

Huminga ako nang malalim at pilit na inaninag ang kalsada pero lalo lang lumalabo ang paningin ko. Sumisikip din ang dibdib ko at hindi ako makahinga.

"Mario...I'm scared. Nahihilo ako... Mario! Tulungan mo ako!"

Pumikit ako nang mariin at pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng patawid ng kalsada. Tinapakan ko agad ang preno pero huli na ang lahat, nabangga ko na siya.

Oh, God! Nakabangga ako! Anong gagawin ko?

Kahit nahihilo ay bumaba pa rin ako upang tingnan ang babae. Mas lalo akong nawala sa sarili nang makita ko siyang naliligo sa dugo.

"M-Miss? Miss!" Napahikbi ako at hindi ko mapigilang manginig sa takot. "I'm sorry...I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako."

Puminitig ulit ang sentido ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top