Chapter 9
ALISA'S POV
"Ano ba!Bitawan mo na nga ako!" inis kong singhal sa halimaw na patuloy parin akong hinihila.Konti nalang talaga at masasapak ko na ang halimaw na ito.
"Pwede ba tumahimik ka!" bulyaw nito.
Nakakahiya na sa mga estudyanteng nadadaanan namin, lahat sila ay nakatingin sa akin at sa hari.
"Nasasaktan na ako! ano ba!?" pagrereklamo ko sa kaniya.
"Sadyang masasaktan ka sa akin!" sigaw nito.
Hindi na ako muling nagsalita at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan. Wala na naman kase akong magagawa.
Hanggang sa huminto kami sa isang malaking pinto.Teka? Nasa university pa din ba kami? Bakit may ganito?
Napatingin naman ako sa braso ko na pulang pula na, kasalanan to ng halimaw na kasama ko.
"Bakit mo ba ako dinala dito?" singhal ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin ng nakakamatay at mukhang may mali sa sinabi ko.
"Where is your manners? Hindi mo ba naaalala yung deal nating dalawa?Slave kita at amo mo ako." mariin niyang paalala sa akin.
Igagalang ko pa din ba itong lalaking ito? eh napaka bastos niya nga, basta nalang nanghihila.
Pumasok siya sa loob ng silid kaya sumunod ako. Bumungad sa pagpasok ko ang isang kwarto na parang isang bahay, napansin ko din ang dalawang lalaki na prenteng naka upo sa isang sofa.
Siya yung Alistair at yung isa ay hindi ko kilala. Napatingin sila sa aming dalawa,marahil ay nagtataka sila kung bakit niya ako kasama dito sa tambayan nila.
"Who's that?" tanung ng isa kay Sir Jade.
"I want you to meet my Promdi Slave." pakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya.
napatingin naman ako ng masama sa kaniya
"Iba ka talaga Jade." papuri nung isa.
"Then i remember you now " napatingin naman kami kay Alistair. mukhang natatandaan niya na ako.
"Nagkita na kayo?" tanung ni Sir Jade.
"Sinong hindi matatandaan ang pagmumukha ng babae na iyan! walang manners at napaka bastos!" asik ni Alistair.
"Excuse me huh! ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" sabat ko naman.
"Teka nga lang? ano bang nangyari sa inyo at ganyan nalang ang galit niyo sa isa't isa." tanung nung lalaki sa amin
"Can you please shut your fvcking mouth Kobe? Napaka ingay mo!" suway ni Alistair sa kaniya.
Kobe pala ang pangalan niya.
"Don't talk to them like that sa harap ng mga kaibigan ko at dapat na igalang mo parin sila." singhal naman sa akin ni Sir Jade.
Hindi nalang ako umimik baka mapaaway na naman ako. Napatingin pa ako sa bastos na si Alistair na ang sama sama ng tingin sa akin.
"Since Slave naman kita, lahat ng gusto at utos ko ay susundin mo.Walang reklamo at walang aangal kung ayaw mong maparusahan,do you understand?"
Tumango nalang ako sa halimaw , ayoko siyang kausapin. Napaka yabang niya kase akala mo naman kung sinong mayaman.
"So, pwede namin siyang utusan?" tanung ni Kobe. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin ngunit kinindatan niya lang ako.
"Ofcourse yes,marami siyang utang sa akin at sa mga kapatid ko at kung wala sila,wala ka din siya dito sa KU." saad ng mayabang na halimaw.
"Yes master!" sarkastiko kong sagot.
"Good,mabuti ng malinaw ang lahat."
"Pwede na ba akong umalis?" pagpapaalam ko ngunit mabilis niya akong pinigilan.
"Hindi!,hindi ka dapat mawawala sa paningin ko dahil kada segundo , minuto, at oras ay may ipapagawa ako."
Ano!? grabe naman ang halimaw na ito! wala man lang awa.
"Syempre,hindi na kita papakialaman sa pag-aaral mo. Malaya ka sa tuwing may klase at bibigyan lang kita ng panahon para makipag-usap sa mga kaibigan mo,kung meron man." dugtong nito.
"That's great!makakaganti na din ako sa babaeng yan." komento naman ni Alistair.
Inirapan ko siya at muling tumingin kay Sir Jade,hinihintay ko kase na mag utos siya para makaalis na ako dito.
"What!?" tanung ng halimaw ng mapansing nakatingin ako sa kanya.
"May sasabihin pa ba kayo?" magalang kong tanong.
"Wala na,pwede ka ng umalis." masungit nitong utos.
Agad akong lumabas sa impyernong lugar na iyon. Habang naglalakad ako ay pansin ko ang matatalim na titig ng nga kababaihan sa akin. Siguro sa isip nila ay pinapatay na nila ako hindi ko nalang sila pinansin at agad na dumaretso sa room.
Nadatnan ko dun si Brie na naka upo at busy sa pagsusulat. Napansin niya naman ako at agad na lumapit sa akin.
"Anong nangyari? usap-usapan kanina sa cafeteria na kasama mo daw si Jade?" nag aalalang tanung niya.
"W-wala. Kinausap niya lang ako." pagsisinungaling ko.
"Pero bakit ka pumasok sa tambayan nila? anong ginawa mo dun?" usisa niya
"Mamaya nalang ako magpapaliwanag, mahabang storya."
Tumango lang siya at muling bumalik sa upuan niya. Hindi pa rin naaalis ang masasamang titig sa akin ng mga kaklase kong babae. Ibig sabihin ay kalat na nga yung nangyari kanina. Tsk! kasalanan to ng halimaw na iyon kapag napa away ako.
JADE'S POV
"Ano ba talagang plano mo sa kaniya?" tanung sa akin ni Kobe.
"Nothing,I'm just bored kaya napagtripan ko siya." walang gana kong sagot.
"Siya ba yung maid na sinasabi mo sa akin?" tanung naman ni Alistair at tanging tango lang ang sagot ko.
"Well, cute naman siya tsaka mukhang mabait." papuri ni Kobe kay Alisa.
Sinamaan ko siya ng tingin,seryoso? Cute yung Promdi Girl na yun? Eww
"What if nalaman niya na may gang tayo? Paano kapag nagsumbong siya sa kuya mo?"napatingin ako kay Alistair at ngumis.
"She wouldn't know It. And besides Promdi girl siya. Wala siyang alam sa mga ganung bagay dahil tanga-tanga ang mga katulad niya." sagot ko.
"Sana nga hindi niya malaman kase kapag nagkataon malilintikan ka kay Blaise." pananakot ni Kobe.
"Kaya dapat tayong maging maingat at alerto sa mga nasa paligid natin and one more thing,if that promdi girl ask where I am just lie to her. Alam kong inutusan siya ni kuya para bantayan ako." paalala ko.
Akala ba ni Kuya ay hindi ko yun alam? Alam ko kung paano siya mag-isip. Nagawa na din niya ito dati sa akin pero hindi umubra.
Tanging tango lang ang sagot nila at nag yaya ng pumunta sa classroom. Nang makadating kami dun ay agad kong napansin si Promdi girl , sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang umiwas.
Umupo na ako sa aking upuan. Maya maya lang ay dumating na ang sunod naming teacher at nagklase
ALISA'S POV
Uwian na agad,kakapagod ang araw na ito para sa akin. Ang dami ko na kase agad nagawa sa buong maghapon.Kasabay ko sa paglalakad si Brie at Alia.
"So? saan pala bahay mo? para maihatid ka namin?" tanung sa akin ni Brie.
Hindi nila pwedeng malaman na kina Sir Jade ako nakatira kase kapag nagkataon baka pagmulan na naman ito ng tsismis at inutusan ako ng hari ng iyon na wag na wag sasabihin na sa kanila ako nakatira.
"Ah..eh.. wag nalang tsaka may pupuntahan din ako." palusot ko.
"Ah ganun ba ? I'll go ahead may pupuntahan pa kase kami." paalam ni Alia.
Yumakap siya sa amin at kumaway bago umalis. Nagpaalam na din si Brie at naiwan akong mag-isa sa may parking lot. Maglalakad nalang ako malapit lang din naman ang mansyon dito.
Nang makauwi ako sa mansyon ay agad akong dumaretso sa kwarto upang magpalit ng damit. Biglang may kumatok kaya agad ko itong pinagbuksan.
"Kamusta naman ang first day?" bungad sa akin ni Venus.
"Madami bang gwapo dun?" tanung naman ni Lovely.
"May umaaway sayo?" sunod na tanung ni Ryah.
"Isa-isa lang mahina ang kalaban" napatawa naman silang tatlo at umupo sa tabi ko.
"Okay lang unang araw ko , wala akong napansing gwapo kase nga wala naman akong pake sa kanila tas maswerte pa naman ako na wala pang umaaway sa akin." sagot ko sa mga tanung ng mga ito.
"Wala pa? ibig sabihin ay nag eexpect ka na may umaway sayo?" si Venus.
"Hindi naman,pero sigurado na kapag nalaman nilang dito ako nakatira sa mansyon ng mga Villaruel baka sugudin nila ako." giit ko sa kanila.
"Tama ka diyan,sikat kaya sina sir Jade at Ma'am sidney sa mga pinapasukan nila." komento ni Lovely.
"Lalo na si sir Blaise , baka nakakalimutan niyo na madami siyang tinatanggihang agency kahit taga ibang bansa pa man yun." sabi naman ni Ryah.
Sabagay, napaka gwapo naman talaga ni sir blaise hindi na ako magtataka kung madaming agency ang kumuha sa kaniya para maging artista.
"Sana nga lang ay walang makaalam nito ayoko kaseng gumulo ang buhay ko." wala sa sariling saad ko.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nagkakagulo na sa bahay ng mga auberon,bigla kaseng dumating ang isang lalaki at hinahanap si Alisa.
"Nay? anong gagawin natin? gusto niyang makita si Alisa." tarantang tanung ni Alyana sa kaniyang ina na nagsisimula ng kabahan.
"H-hindi ko alam , hindi niya pwedeng makita si Alisa. Hindi pwede..."
"Nay sino po ba siya?" sabi ng musmos na si art habang kaharap ang ina.
Tumingin si Persia sa kaniyang anak na panganay at may naisip na ideya, mukhang alam na niya kung anong gagawin niya.
kahit alam niyang labag ito sa kalooban niya at kailangan niya itong gawin , kailangan niyang isakripisyo ang kung anong meron siya ngayon para sa kapakanan ng mga anak niya , lalong lalo na ni alisa.
Lumabas na sila ng kwarto at hinarap muli ang lalaki. Base sa soot ng lalaki ay masasabing may kaya ito sa buhay. Nagtataka nga lang si Aling Persia kung bakit kailangan niya pang bumalik at hanapin si Alisa.
"Ariando,ito si Alisa ang anak mo sa akin."
Gulat na napatingin si Alyana sa kaniyang ina. Hindi niya lubos maisip na magsisinungaling ang kaniyang ina sa harap ng lakaki. Hindi niya kaya na magsinunggaling kay alisa.
"Anak? ikaw na ba yan?"
to be continued....
[Revised and Edited]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top