Chapter 8

ALISA'S POV

Nang maramdaman 'kong nakaupo na si Sir Jade ay agad akong tumunghay.

Tama nga ako,ngayon ay nakaupo na siya kasama ang mga kaibigan niya.

Sa dulo sila nakaupo ng mga kaibigan niya at napapansin ko din ang mga kababaihan na pinagbubulungan ang grupo nina Sir Jade.

Sikat ba sila dito?

Sabagay napaka yaman naman talaga ni Sir Jade,hindi malayong hangaan siya ng mga taga Kelton.

Habang pinagmamasdan sila ay may pamilyar na mukha akong napansin.

Nakita ko na siya noon, hindi ako pwedeng magkamali.

Hanggang sa mapagtanto ko na siya yung lalaking nabunggo ko noon sa may mall. Siya yung nanigaw sa akin nung bumili ako ng mga gamit ni Sir Jade.

Bakit parang ang malas ko naman?

Hindi na ako magtataka kung lahat sila ay magkakatulad ng ugali. Sa ugali pa lang ni Sir Jade,malalaman mo na din ang ugali ng nasa paligid niya.

Pero sabi nga nila Don't judge the book by its cover kaya di muna ako magtatamang hinala. Pero malakas talaga ang kutob ko, hindi magiging maganda ang pagpasok ko dito.

Nagsimula ng magdatingan ang iba ko 'pang kaklase,hanggang sa makumpleto na ang lahat at dumating na din ang teacher namin.

Isang matandang babae,tadtad ng kolorete ang mukha niya. Halatang matapang at strikto ito dahil tumigil ang mga nagdadaldalan ng dumating siya.

Maliban na nga lang sa grupo nina sir jade kaya naman napansin sila ng matandang babae.

"Mr.Villaruel and the company!" ma-awtoridad na sigaw nito.

Napatingin naman ang lahat sa grupo nina Sir  Jade na hind man lang naalarma sa malakas na sigaw ng nasa unahan.

"JADE CYRIL VILLARUEL!" napaigtad ang lahat sa malakas na sigaw ni Ma'am. Grabe sobrang lakas nun at nakakatakot.

Sa wakas,nakuha din niya ang atensyon ng mga ito. Poker face lang si Sir Jade at iba pa niyang kasama habang nakatingin sa matanda.

"You don't need to shout." ani ng isang kaibigan ni Sir Jade.Siya yung mayabang na nakabangga sa akin.

"This is our first day,ayokong sirain niyo ang klase ko." sagot ng guro habang inis na nakatingin sa kanila.

Napatingin naman ako sa grupo nina Sir Jade. Grabe,bakit parang wala naman silang pakialam?

"We're not ruining your day,if you don't want to teach us, then leave." ang bastos talaga ng lalaking ito hindi marunong gumalang sa guro!

"WAG KANG BASTOS MR.KELTON!!" inis na sigaw ni Ma'am.

Mr.Kelton? siya ba yung kapatid ni Alia?Bakit parang di naman? napaka bait kaya ni alia tapos siya ubod ng yabang at walang galang.

"If you don't want to listen to me then all of you leave my class. I don't care kung kayo ang may-ari ng university na ito. Hindi lahat ay nadadaan sa kapangyarihan." saad ni Ma'am na ikinatigil ng mokong na iyon.

"Can you please stop arguing? you both disturbing our class." bored na komento ni sir Jade

Aba? may kwenta din naman pala ito. Umayos ng pwesto ang dalawa, mukhang titigil na talaga sila.  Huminga naman ng malalim ang matanda bago nagsalita.

"Welcome to Kelton University. I am Ms.Fatima Aguinaldo,your adviser for the whole school year."  pakilala ni Ms. Fatima,ang dami niya pang sinabi sa amin. Tungkol sa mga rules and regulations ng university at ang mga Do's and Don't niya sa loob ng klase niya.

Mabait naman pala si Ms.Fatima, medyo strikto lang at nakakatakot kapag nagagalit.
Sana lang ay maging mabait din siya sa akin,ayoko pa naman na napapagalitan ng teacher.

"Ms.Auberon!" tawag sa akin ni Ms.Fatima.

Nagsitinginan naman sa akin ang lahat kasama na dun ang nakakamatay na titig ni Sir Jade.

"Y-yes ma'am?" kinakabahan kong tanung

"Can you please introduce yourself in front ?" tumango lang ako at agad na lumapit sa unahan.

"I'm Alisa Auberon,17, from Batangas." pakilala ko.

Nagpalakpakan naman sila at yung iba naman nag bulungan. Napatingin naman ako kina Sir Jade na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

Tsk, ano bang problema ng halimaw na ito?

"Is anyone would like to ask a question?" tanung ni Ms.Fatima , tumingin naman ako sa kanila at nabigla ng may biglang nagtaas ng kamay mula sa grupo nina sir Jade.

Hala!

patay na!!

Siya yung nakabangga ko!!

Natatandaan pa kaya niya ako!?

"Do you remember me?" tanung niya habang nakatingin sa akin.

Patay na! Naaalala pa nga niya ako.

Nag bulungan naman ang mga kaklase ko,marahil ay nagtataka sila kung bakit ganun ang tanung sa akin ng lalaking ito.

"H-hindi." tipid kong sagot.

Mukhang di siya natuwa sa sagot ko, magtatanong pa sana ulit siya ng pigilan siya ni Sir Jade. Napatingin ako sa kaniya ng siya naman yung nagtaas ng kamay.

"Why are you here?" tanung niya.

"Isn't it Obvious Mr. Villaruel?" iritadong sabat ni Ms.Fatima.

"I'm not talking to you Madam." magalang ngunit seryoso niyang sagot at muling tumingin sa akin. Hinihintay niya akong sumagot.

"A-Andito ako para mag-aral." matigas kong sambit.

Halata sa mukha niya ang pagkainis. Tama naman ang sagot ko ah? anong mali dun? tinignan niya pa ako bago umupo sa upuan niya. Lagot ako nito pag-uwi.

Umupo na din ako sa upuan ko , pinag bubulungan ako ng mga kaklase kong babae pero hindi ko na iyon pinansin. Nakinig nalang ako sa teacher na nasa unahan.

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ako mapakali. Baka kase mamaya ay sugudin ako ni Sir Jade dahil sa galit. Siguro kailangan kong umiwas sa kaniya dito sa university.

Pero paano yung kasunduan namin ni Sir Blaise? Sabi niya bantayan ko daw si sir Jade?

Pero may kasunduan din kami ni Sir Jade. Ano ba talagang gagawin ko? Bahala na nga!

"Hi!" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Nasa upuan kase ako at nagliligpit ng mga gamit ko.

"H-hello." nag aalinlangan kong bati

"Ako nga pala si Brie,bago lang din ako dito."pakilala niya.

Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad sa harap ko.

"Ako si Alisa." pakilala ko

"Tara! sabay na tayong mag break!" anyaya niya kaya sumama na ako. Wala din naman akong kasabay kumain eh,Si alia nga pala.
Dadaanan ko nalang siya sa may cafeteria.

"So yung kanina? bakit ganun ang tanung sayo nina Alistair at Jade?" tanung niya habang naglalakad kami

Alistair pala yung pangalan ng lakaking iyon. Katunog niya ang pangalan ni Aliatar,siguro siya nga ang kapatid ni Alia.

"H-hindi ko nga sila kilala. baka pinagtripan lang nila ako kanina." kamot batok kong sabi

"You don't know them?" manghang tanung ni Brie.

Gusto ko sanang sabihin na kilala ko si Sir Jade kaso baka magtanung lang siya ng magtanung kaya tanging tango nalang ang sinagot ko sa kaniya.

"Si Alistair Kelton,anak siya ng may-ari nitong university. Sikat din siya and hinahangaan ng mga kababaihan tulad ko. In fact,kaya ako lumipat dito ay dahil sa kaniya." kinikilig niyang saad.

Seryoso? natatawa ako , alam kaya niya na ganun ang ugali ng isang iyon?

"At si Jade Cyril Villaruel,napaka gwapo niya no? Well lahat naman silang magkakaibigan. Isama mo pa sina Wilbert,Kobe,Redge at Yago, ang aastig kaya nila."

Kilala niya lahat ng kaibigan ni sir Jade? grabe ang babaeng ito , halata na hinahangaan niya ang mga halimaw na iyon.

"Kilala mo sila? " tanung ko.

"Oo naman! lahat silang magkakaibigan dahil minsan na silang nakapunta sa dati kong school. Isang team kase sila ng Basketball at kinatatakutan sila ng ibang university kasama na dun ang dati kong university." saad naman niya

Ang dami pang ikwinento sa akin si Brie,ang daldal niya pero masarap kasama. Ang dami niyang baon na kwento pero lahat ng iyon ay tungkol kina sir jade.

Nasa cafeteria na kami at humanap kami ng bakanteng upuan. Si Brie na yung nagpresinta na bumili dahil libre niya daw. Nahihiya pa ako ng una pero pinilit niya ako,napaka kulit talaga.

Habang hinihintay si brie, pinagmasdan ko ang mga estudyante na pumapasok at lumalabas ng cafeteria. Mapapansin na bawat isa sa kanila ay may kaya sa buhay. Hindi tulad ko na isang katulong lang na nabiyayaan ng mababait na amo.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." napatingin ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko

"Alia!" tawag ko dito

Ngumiti siya sa akin tapos ay umupo sa harapan ko.

"Kanina ka pa ba dito?" tanung niya sa akin

"Hindi naman,kakadating ko lang kasama si Brie." sagot ko

"Brie? Is that your new friend here?" aniya

"Ngayon lang ako nagka-kaibigan ulit."

Totoo yun,kase nung nag aaral ako sa probinsiya ang daming lumalapit sa akin para makipag kaibigan. Syempre hindi dahil gusto nila talaga ako para maging kaibigan dahil lahat ng iyon ay kaplastikan lang nila sa akin.

Close friend ko kase si Jairus , gwapo yun at mayaman. Kaya madaming lumapit sa akin para tulungan sila kay jairus. Pero eto namang si jairus ay hindi din sila pinapansin kaya ang ending ako ang pinagtritripan nila at pinagseselosan.

"Andito na ako-- teka? Aliatar Kelton?" napatingin kami kay Brie na manghang mangha dahil kasama ko si Alia.

"Yeah. Bakit?" mala-anghel na tanung ni Alia.

Napatingin naman sa akin si Brie na parang nagtatanong

"B-bakit kasama mo siya?" naguguluhan niyang tanung.

"Tinulungan niya kase ako kanina." sagot ko

"May problema ba miss?" tanung naman ni alia

Umupo siya sa tabi ko at muling tinignan si brie

"D-diba kapatid ka ni Alistair?" naniniguradong tanung nito

"Oo eh , bakit mo natanung?" mukhang naguguluhan na din si Alia kay Brie

"Ang swerte mo naman!hindi mo ba alam na bihira lang magka-kaibigan 'yang si Aliatar!" masigla nitong saad

napangiwi naman dito si Alia,napaka jolly talaga nitong si Brie.

"Hindi naman,tsaka tawagin mo nalang akong Alia."

"Ibig sabihin ba nito magkakaibigan na tayong tatlo?" tanung ni brie. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na tumawa

"Since friend ko naman si Alisa tapos friend ka niya wala akong nakikitang problema dun." sagot ni alia

Napatango naman si Brie at ngumiti, napaka swerte ko naman. Nagkaroon na agad ako ng kaibigan, mabuti na din yun para naman may makausap ako dito ayoko kayang mag isa nalang at walang kasama.Lalo na nandito ang halimaw baka maya't maya ay utusan niya ako.

Ilang minuto pa kaming nag kwentuhan ng mag bell. Ibigsabihin ay kailangan nang pumasok sa sunod na klase. Nauna ng umalis si Alia kase hindi naman namin kaklase si Alia,Sabay naman kaming umalis ni Brie.

Napag desisyunan din namin kanina na magsabay sabay ulit mamayang lunch. Mabilis kaming bumalik sa room,nandun na din sina sir at ang sama agad ng tingin niya sa akin.

Umupo na sa tabi ko si brie at maya maya lang ay dumating na ang sunod naming subject teacher.

Hindi muna daw siya magklaklase kase first day palang,madami siyang sinabi tungkol sa mga rules niya at kung ano-ano pa.

Hanggang matapos ang klase niya at lunch na naman. Pinauna ko na si Brie sa may cafeteria upang tapusin ang sinusulat ko,sinabi ko nalang na susunod ako.

Nang matapos ako ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at handa na sanang umalis ng may biglang humarang sa harapan ko.

"At saan ka naman pupunta?"napatingin ako sa lalaking nasa harap ko

"S-sir jade." nasabi ko nalang dahil sa sobrang kaba.

Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko. Nagsisitinginan na din ang mga estudyante sa amin ang iba sa kanila ay nagbubulungan at tinitignan ako ng masama. 

Patay na....

to be continued...

[Revised and Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top