Chapter 6

JADE'S POV

Inis akong bumalik sa kwarto at pabagsak na sinarduhan ang pinto.

I can't believe this!

Bakit pumayag si Kuya sa gusto ng bruhang iyon? He let that maid to study in a expensive school,take note! for only elite student na kayang magbayad ng libo para sa tuition.

And that maid?Wala pa siya sa talampakan namin.

Ano bang pumasok sa isip ng bruha at naawa dun sa Alisa na iyon. As far as i know,Hindi ganun si Ate dati. In fact, she hates poor people kase minsan narin siyang niloko ng mga ito.

I Immediately dialled Alistair's number, thanks that he answered it quickly.

[What's the problem?] aniya mula sa kabilang linya.

"I'm here for two fvcking reason!" inis kong singhal sa kaniya.

[Tell me the first one] mahinahon niyang utos

"Any updates? Kinukulit pa ba tayo ng mga organizers ng event na iyon?" tanung ko

[Kanina,pero ngayon hindi na. I don't know kung anong ginawa ni Kobe but I think he probably do something na ikinatigil ng mga organizers na iyon. Then next reason please?] sagot niya

"Why did you let my sister enrolled our maid in your university bastard!" inis kong singhal sa kaniya

[What do you mean?] naguguluhan niyang tanung

"I said,yung ate ko ipinasok sa university niyo ang isa naming maid at bakit mo naman hinayaan nalang!?"

[I have no rights to stop your Ate to enroll your maid. At isa pa,siguro si Ate Monica ang kinausap niya about that matter.] kalmado niyang sagot.

"Then do something!" inis kong utos sa kaniya.

Hindi pwedeng matuloy ang pagpasok ng maid na iyon sa Kelton. Mapapahiya lang ako sa mga kaibigan ko at mga estudyante doon kapag nalaman nila na may kasama akong maid.

[You know that I can't.]

I ended the call. Tinapon ko ang cellphone ko sa kama at humiga.

This is unbelievable!

ALISA'S POV

"Mag-aaral po ako? Tama po ba ang nadinig ko?" ulit kong tanung kay Mam Sidney.

Tanging tango lang at ngiti ang sagot niya,Pumunta kase siya dito sa kwarto dala niya daw ang magandang balita sa akin.

"Yes, you heard it right. " nakangiti niyang sagot.

"Pero po,hindi ko po kaya ang tuition at yung iba pang mga kailangan para makapasok ulit." nag aalinlangan kong sagot

"Don't worry, I already enrolled you and bought all the things you will need for the entire semester." nakangiti niyang sagot

"Talaga po ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes,nasabi ko na din kay kuya. Pumayag siya pero pinaalalahan ka niya na dapat mo pa din gawin ang tungkulin mo dito sa bahay." aniya

"Salamat po Mam Sidney.Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo."

Tiyak ako na matutuwa sina nanay kapag ibinalita ko sa kanila na mag-aaral na ako ulit.

"I told you,nagpapasalamat din ako sayo. I want you to finish your study. Para na din matulungan mo ang mga magulang mo."

Niyakap ko siya na ikinabigla niya.

"Thankyou po talaga, nangangako po ako na mag aaral ng mabuti."

Kumalas siya sa yakap at nakangiting humarap sa akin.

"Walang anuman,and don't worry about your transportation."

"Bakit po? kaya ko naman pong lakarin siguro yun." napatawa siya sa sinabi ko

"Masyadong malayo ang Kelton University,sasabay ka nalang sakin since dadaanan ko din naman yun papasok. I'll go now. Goodnight!"

Nagpasalamat pa ako kay Ma'am Sidney bago siya umalis. Napaka bait niya talaga,hindi ko inaakalang gagawa siya ng paraan para pag-aralin niya ako ulit.

Matutuwa talaga nito sina nanay.

KINABUKASAN

Agang-aga ay inutusan agad ako ni sir Jade. Bumili daw ako ng favorite niyang pancake malapit sa may village dito,buti nalang at sinamahan ako ni kuya Jun.

Sobrang init ng ulo ng lalaking iyon ngayong umaga. Baka napagalitan na naman siya ng mga kapatid niya.

Matapos akong makabili ng Pancake ay dumaretso na ako sa sasakyan dahil kanima pa naghihintay sa akin ang kasama ko.

Sasakay na sana ako ng may biglang tumawag sa akin.

"ALISA!!" pamilyar sa akin ang boses na iyon kaya mabilis akong lumingon, ikinabigla ko pa noong nakita ko ang taong nasa di kalayuan mula sa pwesto ko.

"Jairus!!" sigaw ko at dali daling tumakbo papalapit sa kaniya.

"Kumusta ka na?" tanung niya sa akin

"Okay lang naman ako, teka di ka pa ba umuwi sa probinsya mula ng ihatid mo ako?" tanung ko naman sa kaniya.

"Umuwi na ako nung isang araw. Bumalik lang ako dito for some important matter." nakangiti niyang sabi

"Gusto ko pa sanang magtagal kaso baka magalit na ang amo ko. Sa susunod nalang!Ikamusta mo pala ako kina Nanay" paalam ko

Niyakap niya ako na ikinabigla ko

"Sige,see you!"

Nilingon ko pa siya saglit bago sumakay ng kotse.

Teka? See you?

"Boyfriend mo ba yun?" tanung sa akin ni Kuya Jun, napangiwi naman ako.

Ito talagang si manong ang galing magbiro.

"Nako,hindi po. Kababata ko po siya." sagot ko

Napatawa nalang siya at sinimulang magmaneho pabalik sa mansyon. Nang makadating ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Sir Jade. Nadatnan ko pa siyang busy sa cellphone, at napatingin naman siya ng mapansin ako.

"I-ito na po ang almusal niyo" magalang kong sabi

"Ilapag mo diyan,tapos umalis ka na." masungit niyang utos.

Agad naman akong tumalikod upang umalis sa kwarto niya,di man marunong mag thankyou? napaka sungit talaga.

"By the way," napatingin ako pabalik ng tawagin niya ako. Hinihintay ko ang sasabihin niya."It's not because mag-aaral ka sa university ay wala ka ng rensponsibility sa akin." dugtong nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam ko naman yun, bakit kailangan niyang pang ulitin?

"Alam ko na po iyon sir , at di ko po yun kakalimutan. Pag-uwi ko sa bahay ay pagsisilbihan ko parin kayo." saad ko sa kaniya.

"Hindi dahil wala tayo sa bahay at nasa university tayo ay hindi muna ako igagalang. You have to respect me and continue your job in the campus." sagot niya na ikinabigla ko

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanung.

Nagulat ako at kinabahan ng bigla siyang naglakad papalapit sa akin

"You'll be my slave for a whole school year." sagot nito

Slave? Alalay?

Pero hindi ito yung usapan namin ni Mam Sidney. Maliban nalang kung siya na mismo ang may gusto na maging alalay niya ako sa School.

"P-pero sir--"

"I let you to study again at importanteng bagay na iyon sa mga katulad mo na mahirap.Pero hindi nun mababago ang katotohanan na you're just a poor little promdi katulong na kailangan ng pera. And speaking of money, don't worry I will pay you and double your salary if you shut your mouth and never tell this to Kuya and Ate. Think of it Alisa. " saad niya na ikinalambot ko.

Nasasaktan ako sa sinabi niya , tama siya.Wala dapat akong karapatan mag aral sa mamahaling eskwelahan na iyon. Para sa mayayaman lang iyon , at hindi para sa akin.

"P-pwede ko kayong pagsilbihan ng walang kasamang pera, dahil yung pinag-aral ako ng mga kapatid mo ay malaking tulong na sa akin." pinilit kong di umiyak at nanatiling matapang sa harap niya."H-Hindi ko kailangan ng bayad mula sa sayo. Tanggapin mo nalang yung paninilbihan ko sayo bilang pasasalamat sa ginagawang tulong ni Mam Sidney."

Hindi ko na hinintay na paalisin niya ako sa kwarto niya,lumabas na agad ako dun. Napakasama talaga ng ugali niya,pero wala dapat akong ikatakot sa kaniya. Si Ma'am Sidney ang nagpaaral sa akin. Siguro ay tatanggapin ko nalang ang alok niya na maging alalay niya,amo ko pa din naman ang halimaw na iyon.

JADE'S POV

Wala talagang galang ang katulong na iyon,umalis siya sa kwarto ko ng di hinintay ang utos ko. Hahayaan ko siya ngayon,sa susunod na araw ay sisiguraduhin ko na hindi siya magtatagal at mahihirapan siyang maging slave ko.

Matapos akong makaligo at makapag bihis ay lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako sa may salas at nadatnan dun si Kuya Blaise. He's busy reading a magazine,napansin niya naman ang presensya ko at napatingin sa akin .

"Saan ka pupunta?" tanung niya sa akin

"Somewhere." bored kong sagot

"I won't accept that reason." matigas niyang sagot.

"May lakad kami nina Alistair.I'll go now." paalam ko at mabilis na lumabas ng bahay.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya,Sigurado akong magtatanong lang siya,sana lang ay hindi siya magtaka sa ikinikilos ko.

Pupunta ako sa bar nina Yago. Isa sa mga kagrupo ko. May sarili silang bar and kilala ang pamilya nila sa wine industry sa asia at hindi naman talaga maipagkakaila na napakasarap ng mga wine na ginagawa nila.

I think that's the reason kung bakit ang wine nila ang laging top grossing wine in asia.

Napagkasunduan kase namin nina Alistair na dun mag relax at makapag isip na maaring gawin. Mabilis akong nakadating sa bar at bumungad sa akin si Yago.

"You are finally here,kanina pa dito yung dalawa." aniya

"Dalawa?"

"Si Alistair at si Kobe lang. Yung iba kase ay busy mamili ng gamit,remember?pasukan na bukas." napatango nalang ako at dumaretso sa loob.

Nakita ko sina Alistair at Kobe na prenteng nakaupo sa isa sa mga table. Tahimik na tumutungga na alak,napansin naman nila ako at kinawayan ako na pumunta sa kinatatayuan nila.

"Mukhang stress ka dude?" puna sa akin ni Kobe.

Inirapan ko siya at ininom ang alak na hawak niya.

"Ang dami kong problema at isipin ngayon" saad ko.

"Don't worry nagawan ko na ng paraan ang lahat." sabi ni Kobe , naguguluhan akong napatingin sa kaniya.

"He already do something para tumigil na yung mga Organizers ng event na mag send ng paulit ulit sa atin ng invitations." singit ni alistair

"And that something is?" tanung ko kay Kobe.

"I cut our connection with them. I set our personal information in private. We don't have to worry anymore. Ang kailangan nalang natin na gawin ay manatiling tahimik pansamantala."

"That's great! Nabawasan na ako ng isang problema." sagot ko.

"So you have a lot of problems" napangiwi ako sa sinabi ni Yago.

Oo,nabawasan ng konti. Pero hindi dapat ako maging kampante,lalo at alam kong madaming paraan si Kuya para makapag imbistiga.

"Hindi lang si kuya ang problema ko sa bahay." inis kong singhal

"Are you talking to that promdi maid?" tanung sa akin ni alistair.

I gave him my death glare. Siya may kasalanan nito eh ,kung hindi niya hinayaan si Ate Monica edi sana hindi nakapasok yung maid na yun.

"Promdi maid?" halos sabay na tanung ni Kobe at Yago

Ikwinento ko sa kanila ang lahat. Tungkol sa pag aaral nung maid na yun tsaka dun sa mga tulong na ibinigay ni ate at kuya sa kaniya. Tawa tawa naman ang mga gago sa kwento ko,kabaligtaran ng nararamdaman ko.

Ang pagkainis sa alisa na iyon,she's getting to my nerve!!

"Ang bait naman pala ni Blaise " papuri ni kobe,sinamaan ko siya ng tingin

"Tama ka,he let that maid to continue her study. Take note sa mamahalin pang university." sabat naman ni yago

"You both don't know him a lot. hindi niyo kilala ang ugali ng isang yun. " sagot ko.

"Well,base on your description kilala na namin siya." sagot ni alistair

I just look at him,no you don't.

Hindi siya basta lalaki lang na may masungit at mabigat na awra.

He is dangerous at hindi namamalayan kung kumilos. Ibang-iba siya sa akin,napaka misteryoso niya at kaya niyang gawin ang lahat dahil makapangyarihan siya.

To be continued...

[Revised and Edited.]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top