Chapter 4
Alisa's Point of View
KINAUMAGAHAN
Maaga akong nagising,yun kase ang utos ni Manang Esme.
Agad niya akong inutusan na kuhanin ang breakfast ni sir Jade.Agad ko naman itong kinuha at umakyat sa silid ni Sir.
Sa sobrang laki ng bahay nila muntik pa akong naligaw,buti nalang nakasalubong ko si Lovely at itinuro ang daan patungo sa kwarto ni Sir Jade.
Nang matagpuan ito ay agad akong kumatok,nagbukas naman ito at nakita ko itong busy sa laptop niya.
"Mag-umagahan na kayo Sir Jade" sabay lapag ng pagkain niya sa baba ng mesa.
"I don't want." malamig niyang sagot ng hindi ako tinitignan maging ang pagkain na nasa mesa.
"P-pero sir yun po ang uto--"
"I SAID I DON'T WANT IT !"sigaw niya sabay hagis ng pagkain.Nabigla ako at natakot sa inaasta niya.Hindi ako makapag salita dahil binalot ng takot ang katawan ko.
"Clean this mess and leave my room." utos nito kaya mabilis akong kumilos.
Kabado parin ako dahil nasa akin ang mga tingin niya. Parang isang maling galaw ko lang ay mapapahamak ako.
Pero di pa 'man ako natatapos ay may tumalsik sa aking pagkain na alam kong galing sa kaniya.Nagsisimula na akong mainis pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"I thought basurahan ka." mayabang niyang pang iinsulto sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin,sa halip ay ipinagpatuloy maglinis. Nang matapos ako ay lumabas na agad ako ng kwarto. Agad kong pinunasan ang sarili at pilit na ngumiti.
"Kaya mo to Alisa, para kay Nanay , kay Art at kay Ate." sabi ko nalang at mabilis na nagtungo sa kusina para ibalik ang mga ginamit ko.
Habang naglilinis sa may salas ay naalala ko ang tagpo namin nung mayabang na yun. kaya siguro inaayawan siya ng mga maid niya kase dahil sa ugali nitong panghalimaw.
Kaya ba nasabi ng kapatid niya na may kapatid siyang baliw? nako , ang isang yun kulang sa aruga. Pero hindi ako magpapatinag sa lalaking iyo. Hindi niya ako mapapasuko ng dahil sa malahalimaw niyang ugali
"ALISA!!!" napaigtad ako sa malakas na pagtawag sa akin nung halimaw.
Mabilis pa sa alas kwatro ang itinakbo ko mula sa salas hanggang sa kwarto niya.
"B-bakit po?" hingal kong tanung sa kaniya.
"Inuutusan kita na bilhin ang mga ipapabili ko." utos niya sabay abot ng pera.
"A-ano pong bibilhin ko?" tanung ko sa kanya.
May dinukot siya sa bulsa na parang papel,isang mahabang papel ang inabot niya sa akin.
"All of this,I need all of that now!!" utos niya kaya naman dali dali akong tumakbo at nagpasama kay manong driver sa maaring bilhan ko ng mga ito.
Nakadating kami sa isang gusali , unang beses kong makadating dito. Wala kase nito sa probinsya. Agad ko namang tinungo ang bilihan ng mga pinapabili ni sir at mabuti nalang at may alam ako sa ilan sa mga ito.
Nabili ko na ang iba sa mga pinapabili niya at dinala na ito sa kotse,andun naman si manong na nagbabantay.
Pabalik na sana ako ng may nakabunggo sa akin.
"Sorry, hindi ko sinasadya." paumanhin ko sa lakaking nabangga ko sabay pulot sa mga pinamili ko.
"ARGHH!! ..STUPID! GET LOSS !" sigaw niya sa akin na malakas na ikinatakot ko naman.
Nakaramdam ako ng hiya sa mga taong ngayo'y nakatingin narin sa amin. Akala ko ay magsasalita pa ito pasalamat nalang ay nilagpasan niya nalang ako.
—
Halos isang oras akong namili at sa wakas natapos na din ako at nakauwi.
"Napakatanga mo! Hindi mo ba alam na ayaw ko sa mga ganitong design? What should I expect sa mga kagaya mo?! Throw this away!" galit niyang sigaw sa akin ng hindi niya magustuhan ang isang notebook na nabili ko.
"P-pero sayang naman po sir" angal ko,mahal kaya yun tsaka maganda naman yung design.
"I DON'T CARE AND YOU DON'T CARE ! " wala na akong nagawa kundi itapon yun at mabilis na bumalik sa silid ng halimaw.
"Keep the change,alam kong pera lang naman habol mo,now get away on my room." mayabang niyang singhal sa akin.
Ang kapal ng mukha nito! pasalamat siya at amo ko siya.Nasaktan ako sa sinabi niya pero wala akong pakialam dun.Mas inalala ko na kapag sumuko ako dito,paano na sina nanay?
Mabilis akong lumabas na kwarto niya at nakasalubong ko pa si Maam Sidney
"How's your day with my brother?" tanung niya.
"Maayos naman po ma'am." pagsisinungaling ko,ayokong nagsisinungaling pero nagawa ko dahil ayokong magalit ang halimaw na yun.
"I see. I'll go now." sabi niya at naunang umalis.
Bakit di nagmana yung halimaw na yun sa ate niya? ampon lang kaya yun?
***
"Magpapasukan na kase kaya ka niya pinabili nun."
Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa kwarto nang maikwento ko kina Venus at Lovely ang ginawa ko kanina.
Hindi na daw sila nabigla ng gawin iyon sa akin ni Sir Jade kase naman ganun naman talaga ang ginagawa niya.
"Ano bang grade na ni sir?" tanung ko kay Venus.
"Grade 10 na siya" sagot niya.
"Ikaw alisa? mukhang nag aaral ka anong grade mo na ba dapat?" tanung sa akin ni Lovely
"Grade 10 nadin sana ako kaso mas pinili ko na tumulong kina Nanay. Tsaka kailangan din namin ng pera para sa mga gamot ni Nanay." sagot ko
"Itinigil mo ang pag aaral mo para makapagtrabaho sa amin?"
napatingin kami sa nagmamay ari ng boses na nanggagaling sa may pinto.
" M-ma'am Sidney" kinakabahan kong sabi magagalit kaya siya?
"Bakit mo ginawa yun?" tanung niya ulit sa akin.
"W-wala na po kaseng ibang paraan para matulungan sina nanay,may sakit po kase siya sa puso at kailangan niya ng gamot.Yung bunso ko naman pong kapatid ay nag-aaral. " nag aalinlangan kong sagot.
Lumapit sa akin si Ma'am sidney , hinawakan niya ang kamay ko.
"Thankyou on what you've done just to be our maid. Nakakahiya sayo , siguro dapat--"
"Hindi po,okay lang po na wag muna ako mag aral,madami pa naman pong nextime."nakangiti kong tugon kay ma'am.
SIDNEY'S POV
Kakalabas ko lang ng maid quarters , balak ko sanang kamustahin si Alisa pero nadinig ko ang pinaguusapan nila.
Naaawa ako sa kaniya at sa kwento niya.Napaka bata pa niya,she even stop her studies just to help her parents.
What a role model.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Monica,she is my bestfriend and i treat her as my real sister.I know matutulungan niya ako.
"Yes monica,enroll Alisa Auberon on your school. I will pay for all her needs as well as the tuition for the whole school year. Thankyou."
Sana matuwa siya..
JADE'S POV
That mai, napaka kulit niya. Pero mukhang wala namang saysay yung ginagawa ko sa kaniya. Naiirita ako sa kanya. Iba siya sa ibang maid ko,pero hindi ako titigil.
Aalis din siya dito and i can't wait for that.
Napatingin ako sa phone ko ng may biglang tumawag. It's Kobe
[You should know what i gather jade , this is fuc* up!] singhal ni kobe sa kabilang linya
"Meet me in our office." agad kong ibinaba ang telepono at mabilis na lumabas ng kwarto pero lalabas na sana ako ng makasalubong ko ang bruha.
"Saan ka na naman pupunta?" suway niya sa akin.
"Magpapalamig , I'll go now." mabilis akong tumalikod sa kanya pero napatigil ako sa sinabi niya.
"Kuya called me,he already arrive in bangkok airport and by tomorrow he's here. You better do whatever you want now,it's your last." I just rolled my eyes and immediately start the engine of my luxury car
Mabilis akong nakadating sa office , and yeah we have our own office. Its a secret place.
"Tell me,what it is?" bungad ko kay kobe na tutok pa din sa laptop niya.
late ko nang narealize na nandito pala sina Alistair at Wilbert.
"That event is too dangerous for us especially for you."
"Just get straight to the point!" inis kong sabi.
"Blaise is involve to this event, well he's not involve for no reason. Blaise is the founder of that event." singit ni Alistair
This can't be! masisira ang plano namin.
"Blair is also involve and I think yun ang pinagusapan nila sa Paris." sagot ni Wilbert.
"I already refused their invitation , i also tell the committee to keep our names in private. Mahirap na baka malaman ng kuya mo." tugon ni Kobe.
That's great at muntikan na kami buti nalang maasahan talaga si Kobe.
"Pero may isa pa tayong problema." ni Alistair.
"What?" tanung ko
"He sends us a message and gusto nila tayong makilala."
really? wtf is going on his brain?!
"Don't worry hindi nila tayo makikilala. Our personal information are now secured." ani ni wilbert
I'm dead kapag nalaman niya na sangkot ako sa isang gang,ang masama pa ay gang leader.Dapat maging maingat kami sa magiging hakbang namin.
"Ipagpaliban muna natin ang event na iyan,madami pang opportunity ang makakatulong upang lumakas tayo."sagot ko na agad naman sinang ayunan ng tatlo.
But one thing caught my ears, kuya blaise is the founder of that event.
Too weird,how come na naging founder siya ng event na iyon ng di namin alam? alam kaya ito ni ate sidney?
"I'll go ahead." paalam ko sa kanila.
Nandito na bukas si Kuya blaise , kailangan kong umakto na walang tinatago. I should be careful sa mga sasabihin ko sa kanya kase anytime pwede akong madulas. Alam ko ang consequence ko kapag nalaman nila ito.
He will send me in paris with my grandparents one thing that i hate..
THIRD PERSON POV
Kasalukuyang ng lilipad ang eroplano ni Blaise pauwi ng pilipinas. Palaisipan pa rin sa kaniya ang pag tanggi ng isang grupo sa event na kinasasangkutan niya.
Kaya agad niyang tinawagan ang sekretarya niyang si Blair,his name sounded like his secretary's name. That's kinda weird but he don't care.
[I'm still looking for their information,wala din binibigay na information ang committee. I think they are hiding something on us. But don't you worry,I will make sure na malalaman natin kung anong gang at kung sinong gang leader ang tumanggi.] he ended the call as he hear what his secretary said. napahawak siya sa baba niya at nag isip-isip.
Tinawagan niya ang secret agent niya upang maka-kalap ng impormasyon tungkol sa grupong iyon pero wala siyang napala.
"They are mysterious,let see how long they can hide their identity on us."anito at muling ipinikit ang mata. Iniisip na malalaman niya din ang totoo.
to be continued....
[Revised and Edited]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top