Chapter 3
Alisa's Point of View
Grabe!
Kung maganda sa labas, mas maganda sa loob.Ang laki ng bahay nina Ma'am Sidney,mukhang mamahalin ang gamit at napansin ko yung mga katulong at drivers ay mga desenteng tignan sa mga suot nila at mga postura.
Halatang sanay na sanay na sila sa mga trabaho nila dito.
"Manang Esme,kindly assist Alisa to the maid quarters." tawag ni ma'am sa isang matandang babae.
Lumapit naman agad ito sa akin at tinulungan ako sa mga gamit ko.
Naglakad kami papunta sa tutulugan ko,at hiwalay ito sa bahay nina ma'am. Nasa likod ito at kahit mga katulong lang ang nakatira dito ay napaka ganda parin ng kwarto.
"Ikaw siguro ang kapalit ni Lolit,kilala mo ba siya?" tanung sa akin ng matanda.
"Opo. Bakit po ba siya umalis?" nginitian niya lang ako at binuksan ang isa sa mga kwarto.
Alam ko naman na umalis si Aling Lolit dahil daw sa masamang ugali ng amo niya. Ngunit hindi ko naman nakikitaan ng masamang pagkatao si Ma'am Sidney lalo pa't ang bait niya.
"Ito ang magsisilbi mong kwarto , kumpleto na ito sa gamit. Andiyan na din ang sosootin mo,at mamaya kakausapin ka daw ni Ma'am Sidney." tuloy-tuloy niyang sabi sa akin.
"Salamat po!" masaya kong sagot at tanging ngiti lang ang sinagot niya bago umalis.
Siguro ay napakatagal na ni Manang Esme dito sa bahay na ito. Saulado na niya yung mga gagawin at parang siya ang mayordoma dito sa loob.
Ilang oras ako nag-ayos ng gamit at sa wakas ay natapos na din ako.Nilagyan ko na din ng mga cover ang mga unan at kama na tutulugan ko. Bigla kong naalala sina Nanay,kailangan ko silang tawagan.
Agad kong pinindot ang numero nila ng isa-isa dahil hindi ako bihasa sa paggamit ng telepono. Nag ring ito pero walang sumasagot. Siguro ay abala ito sa pag aayos kay Art na papasok na.
Hays,nakakamiss si Art pati narin si nanay. Sige isasama ko na din si Ate Alyana at si Jairus. Sila lang naman ang kakilala ko sa amin. Meron din namang kapitbahay pero iilan lang sa kanila ang kakilala ko. Wala akong kaibigan sa dati kong school buti nalang at kaklase ko si Jairus nun pero ngayon,mukhang di na ako makakapag aral.
Huminga ako ng malalim at ipinatong ang telepono sa may lamesa. Hihiga na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan at agad ko naman itong binuksan,bumungad sa akin ang tatlong babaeng ngiting ngiti sa akin.
"Hi! ikaw ba yung bagong maid?" ani nung isang naka salapid ang makakapal na buhok.
"Boplaks kaba? malamang siya!" pagtatama naman nung isa na mukhang seryoso at tahimik.
"Tumahimik nga kayong dalawa!" sabi naman nung isang mukhang ka edad ko lang.
Napangiti lang ako sa kanila,at ganun din sila.
"Ah,Oo ako si Alisa." pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.
"Pagpasensyahan mo na si Venus at si Lovely. Ako nga pala si Ryah." pakilala nung mukhang kaedad ko.
"Ako naman si Venus." ani nung nakasalapid sabay ngiti sa akin.
"At ako si Lovely." sabi nung mukhang matured.
"Masaya ako na nakilala ko kayo. Ba't pala andito kayo?" tanung ko sa kanila.
"Pinapatawag ka kase ni Maam Sidney. "sagot ni Lovely
"Mukhang sasabihin niya yung mga rules niya dito sa bahay." walang ano ano ay sabi ni Venus
"Halika na at iniintay ka na niya." aya sa akin ni Ryah.
Ngumiti ako sa kanila at sumunod papunta kina Maam Sidney. Mukhang mababait naman lahat ng maids, hindi na ako malulungkot sa pamamalagi ko dito.
SIDNEY'S POV
"Ma'am umalis po si Sir Jade kanina, sabihin ko daw po sa inyo na may pupuntahan siya." tumango lang ako kay Manang Esme.
Pasaway talaga ang isang 'yon. Kung kailan naman kailangan ko siyang ipakilala sa bago niyang maid ay wala naman siya.
"Ma'am nandito na po si Alisa." bungad sa akin ni Venus.
"Salamat sa inyo,mabuti pa ay bumalik na kayo sa mga trabaho niyo." agad naman silang sumunod at naiwan sa harap ko si Alisa.
Ngumiti ako sa kaniya gayundin siya sa akin.
"Maupo ka Alisa,I just need to tell you my rules on this house kagaya ng mga nakasanayan ko ng gawin sa mga bagong katulong na dumadating sa mansyon." Litanya ko sa kaniya.
Kahit nag aalinlangan ay umupo pa din si Alisa.
"First of All,you need to do your job here in the mansion. Iyon ay ang maglinis, maghugas or whatever it is na maaari mong gawin dito sa loob. Be responsible and do your assigned job properly. Kapag nandito sina Grand Primo,you need to be polite infront him dahil siya ang may-ari ng bahay na ito.Sa nakikita ko naman ay hindi ako magkakaproblema sa'yo. It is just a simple reminders bago ka magsimula magtrabaho. Do you understand it?" tanung ko ng matapos ako sa pagsasalita.
"Opo maam."nakangiti niyang sagot.
"How old are you?" tanong ko sa kaniya.
Mukhang bata pa si Alisa tapos nagtratrabaho na siya. Nakakamangha na tinanggap niya ang rensponsibility na ito in a young age. Kase in this generation yung iba ay nabubuntis,nagpapakalasing at nakikipag away. Unlike her, she's starting to earn money for her family.
Bakit ko alam? Dahil halos naman ng mga naghahanap buhay ay nagtratrabaho para sa kanilang pamilya.
"17 po ."
17?! She's too young for this job.
"Oh ,you have the same age!" masaya kong sagot sa di ko malamang dahilan.
"N-nino po?" naguguluhang tanung ni Alisa.
"Nang nakakabata kong kapatid na lalaki. His name is Jade, at sa tingin ko naman ay magiging tino siya kapag ikaw yung naging personal maid niya dito sa mansyon. Since parehas lang kayo ng age, maiintindihan niyo naman siguro ang isa't-isa."
Nag nod lang siya bilang sagot.
This girl,
may kakaiba sa kaniya.
At alam ko malaki ang maitutulong niya sa kapatid ko. There is something I can't explain na nararamdaman ko kay Alisa.Maybe in a few days or weeks malalaman ko din yun.
Sana lang,
Sana siya na yung huling maid na makakapagtino sa kapatid ko.
JADE'S POV
Umalis ako ng bahay nang di nagpaalam kay Ate Sidney. Alam ko namang sasabihin din yun ng ibang maids lalo pa't nakita nila ako ng umalis ako.
Tsaka nagsabi nga pala ako kay Manang Esme na paalis ako at sabihin sa bruha kong kapatid.
"Finally! You're here!" sarkastikong sabi ni Kobe.
Napairap nalang ako at sumagot.
"No, I'm not.I'm just a hologram." pilosopo kong sagot sa kaniya.
"Malaki ata problema mo boss ah?" It's Wilbert ang pinaka playboy dito sa grupo.
"Oo,sa katunayan nga ay kasama na dun ang mga naging babae mo." napangiwi siya sa sagot ko.
"What now? Hindi ka pa nagdedecide kung sasali ba tayo or hindi." si Alistair na atat na atat sa sagot ko.
"Let him decide for a week ." ani ni kobe na tutok sa laptop niya.
"For a damn whole week?!" sabat naman ni Alistair.
"Bakit ba napaka excited mo sa sagot ni jade?" inis namang tanung ni Wilbert.
Nagsisimula narin akong mainis kay Alistair ngunit mas pinili ko na kumalma.
"As if naman na makakapag decide siya kapag andiyan na si Blaise." tugon naman ni Alistair
"Kobe is right, kailangan ko munang makapag-isip at desisyon. And besides hindi pa naman uuwi sina Kuya. Sa isang linggo pa uwi nila, this week is perfect time to think about it." I said while looking at him ngunit inirapan niya ako.
"That's impossible! Kuya Blair told me na uuwi sila ni Blaise this week and nakakabigla lang na magkasama sila dun sa Paris we don't know kung anong ginawa nila dun."uuwi siya this week? at kasama niya pa talaga si Blair.
Tumingin agad ako kay kobe at mukhang alam na niya kung anong gagawin niya.
mayamaya lang ay hinarap niya ang kaniyang computer ay may pinindot na kung ano-ano.
"There is no important information about them.Wala din na event sa Paris na dinaluhan nila ng magkasama or solo. I think they're doing something in private." Agad niyang sagot na nagpakunot ng noo ko.
"Mas mabuti siguro kung maghanap ka ng information about that event. I mean,who's the founder and the committee. Mas mabuti nang alam natin kung sino ang bubungad sa atin pag dumalo tayo. And by that,makakapag decide ako." i said to him and he nodded
"That's great ,I will help him to seek some information." ani ni wilbert
Really? Wilbert will help? nakakapagtaka,as far as i know babae lang pinagkakaabalahan nito.
"Okay fine. I'll go now,kailangan ako sa bahay." paalam ni Alistair.
Matapos makaalis ni alistair , isang tawag ang natanggap ko mula sa bruha kong kapatid. That witch , pinapauwi niya ako at kapag daw di ako umuwi,he will send me in Paris with Grand Primo.
The Hell No!!!
Kaya agad naman akong umuwi,nang nasa mansyon na ako pinadaretso ako sa may salas. At isang babae ang bumungad sa akin kasama si ate Sidney.
"Mabuti naman at umuwi ka na,by the way this is Alisa your new Maid." nakangiting sabi ng bruha kong kapatid
"Magandang gabi po." bati ni alisa
Well, she looks nice and young. mukha din siyang mabait,pero katulad ng iba kong personal maid hindi ito tatagal ng isang linggo I swear.
I smirked at her na ikinabigla niya
"Prepare yourself Maid." I whispered at tumaas sa kwarto.
Dinig ko pa na kinausap siya ni bruha, napairap nalang ako bago tumuloy sa kwarto.
Hindi magiging mahirap sa akin ang bagong katulong na iyon. Maliban nalang kung makisali si Ate Sidney ay sadyang mahihirapan ako. Idagdag mo pa na may dadating pa na tao na mas kinatatakutan ko.
ALISA'S POV
Kinabahan ako sa sinabi nung lalaking iyon. Ngisi palang niya alam kong masama na ang ugali nito.
Siya kaya yung dahilan kung bakit umalis si Aling Lolit dito?
Dumaretso na ako sa kwarto ko upang makapag pahinga.Nasabi sa akin ni Ma'am sidney na bukas daw ay magsisimula ako. Bigla akong kinabahan ng sinabi niya na personal maid daw ako nung lalaking iyon. Tsk. Mukhang mapapasabak ako dun ah.
"Sino iniisip mo?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa may pinto
"Ah wala,ikaw pala Venus." umupo siya sa tabi ko.
"Namimiss mo na mga magulang mo no?" tumango ako at napayuko. Ayokong umiyak sa harap ni Venus.
"Okay lang yan,ako nga iniwan dito ng magulang."napatingin naman ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.
"Iniwan?" nagtataka kong tanong.
"Dating hardinero si papa dito sa mansyon,bata palang ako ay alam ko ng mahirap lang kami. Halos dito na ako lumaki. Hanggang sa namatay si Papa,mabuti nalang at mabait sina Mr.At Mrs Villaruel at dito nila ako pinatira.Sina Manang Esme at sina ate Ryah at ate lovely ang tumayo kong magulang. Kaya wag kang malungkot,mababait ang Villaruel maliban nalang sa isa." napahagikgik siya sa nasabi niya
"Yung lalaki ba kanina yung sinasabi mo?Yung nakakabatang kapatid ni Ma'am Sidney?"
"Oo,siya si Sir Jade ang halimaw dito sa bahay. Kung alam mo lang, sumakit na ulo ni Ma'am Sidney sa kanya. Pero kapag andito si Sir Blaise nako parang maamong tupa 'yang si Sir Jade." kwento niya.
"Si sir blaise ba ang tatay niya." bigla nalang humalakhak si Venus , ano ba to? baliw? Wala naman siguro akong nasabing mali.
"Hindi noh!magkapatid sila! hahaha" sabi niya habang tumatawa.
"Ah,eh nasaan siya ngayon? bakit parang wala?" tanung ko.
"Nasa Paris siya ngayon,pero dinig ko sa usapan nila ni Ma'am Sidney uuwi na daw yun ngayong linggo." sagot ni Venus.
"Bakit siya kinatatakutan ni jade?" nagtataka kong tanung.
"Masungit at strikto si sir Blaise pero mabait siya sa amin. Ewan ko lang kung bakit ganun siya kay Sir Jade." aniya
"VENUS!!!"
"Nako,tawag na ako ni ate ryah. Goodnight na." ngumiti siya bago umalis at sinarduhan ang pinto ko.
Sana tama lang siya na mabait talaga ang magkakapatid.
Sana lang....
to be continued....
[Revised and Edited]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top