Chapter 2

ALISA'S POV

Maaga akong bumangon dahil ngayon  ako luluwas patungong maynila.

Naikwento ko na din kay Art na kailangan 'kong umalis para magtrabaho pero nalungkot ako nung ayaw niya akong payagan mabuti nalang at sa huli ay hinayaan niya ako.

Sinabi pa niya na bumalik ako agad dahil wala daw siyang katulong para awayin si Ate Alyana.

Si Jairus ang maghahatid sa akin sa maynila. Kababata ko siya at anak siya ng mayor dito sa bayan namin.

Alas tres y media ng madaling araw ang alis ko para daw maaga kaming makadating dun. Buti nalang at tulog pa si Art , baka kung gising yun humabol pa 'yon at umiyak sa harapan ko.

Katulong ko si Nanay sa pag-iimpake , madami siyang bilin sa akin. Pero sinabi ko sa kanya na ayos lang ako at kakayanin ko mag-isa sa maynila. Bagamat nalulungkok,inisip ko nalang na para din ito sa kanila.

"Oh ito, cellphone para matawagan ka ni nanay sa oras na makarating ka na sa Maynila." walang ano-ano ay abot ni ate sa akin

napatingin naman ako sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Bumalik na ulit ito sa kwarto niya at nahiga.

"S-Salamat ate." sigaw ko pa ngunit di na ito sumagot.

Napangiti naman ako sa inasal niya dahil ito ang unang beses na mag usap  kami ng di nag-aaway. At ito yung unang beses na binigyan niya ako ng gamit.

"Mag iingat ka dun anak,ang mga bilin ko ha?" Naiiyak na paalam ni nanay at yumakap sa akin.

"Opo nay,mag-iingat din kayo dito. Kayo nalang po ang bahalang magsabi kay art na nakaalis na ako." kumalas ako sa pagkakayakap ng may madinig na busina ng kotse mula sa labas ng bahay.

"Nandiyan na si Jairus,sige na.Mag iingat ka anak ha!" tumango lang ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Nasa labas na si Jairus na nakasandal sa sasakyan niya.

"Ikaw ang magdridrive?" tanung ko ng  mapansin kong wala siyang kasamang driver

"Oo,wala ka bang tiwala sa akin?" sagot niya at inalalayan akong magbitbit ng gamit ko

"Meron naman, pero bakit? " napangiti siya sa akin

"Anong bakit?hindi lang kita ihahatid dun may aasikasuhin din ako dun sa maynila,mabuti nga at masasamahan kita sa amo mo." sagot niya

Napa-ahh nalang ako at sumakay na ng sasakyan.Muli kong tinignan ang bahay namin,saglit lang akong aalis at sa pagbalik ko magiging ayos na din ang buhay namin.

Sana lang talaga....

Nakita ko pa ang text ni aling lolit sa di pindot kong telepono,sabi niya na sa terminal daw ako susunduin ng amo ko. Nagtaka ako kung bakit yung mismo ko pang amo yung susunod sa akin pero mabuti na din yun baka maligaw pa ako.

"Anong iniisip mo ali?" tanung ni Jairus habang nagmamaneho

"Wala naman,naisip ko lang si nanay at mga kapatid ko."

"It's okay,ako na bahala. You don't have to worry about them. And besides you can call me anytime kapag kailangan mo ng kausap as well as kapag kailangan mo ng balita sa kanila." nakangiting saad niya habang nasa harap ang tingin niya.

Ngumiti ako pabalik at naisip na napaka swerte ko sa kaniya.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"

"Wala, mamimiss kita. Sabihin mo nalang kina tito na nagpapasalamat ako sa kanila. "

"Mamimiss din kita,lagi naman kitang tatawagan." sagot niya at muling tumingin sa akin at ngumiti.

Naging mabilis ang byahe namin , nakatulog pa ako saglit at pag mulat ko ng mata ko nasa isang malaking gusali na kame. Nandito na kami sa maynila at ito na ang simula ng bago kong buhay dito sa maynila.

Ito na yung pakikipagsapalaran ko na mag-isa dito sa bagong mundo na tatahakin ko.

SIDNEY'S POV

Gumising ako ng maaga para sunduin ang bago naming maid.

Ako na ang nagpresinta para gawin yun kase alam ko kapag hindi ako ang sumundo, Jade will do it and syempre he will make a mess again.

Maaring takutin niya ito or iligaw dahil minsan niya na iyong nagawa sa dating naming katulong.

Sa sarili niyang katulong, rather.

Utos ni grand primo na kailangan daw ay may sariling maid si jade.

He knows that demon a lot , alam niyang madami itong kaibigan but some of them are bad influence to him. Si Alistair lang ang kilala niya sa mga kaibigan ni Jade at ang pinaka pinagkakatiwalaan niya sa lahat.

Hindi kase nagdadala na kaibigan si Jade dito maliban nalang kay Alistair na kilala namin ang pamilya at masasabi ko na tino naman.

"Saan ka pupunta?" tanung ni jade

Himala ata at maaaga siyang nagising ngayon,as far as i know walang pasok ngayon dahil sa isang linggo pa ang start ng klase.

"I'm going to a bus terminal , susunduin ko yung bago mong maid ." I said to him that makes his face disappointed

Akala niya siguro di na ako maghahanap ng bagong maid,

Well I am Sidney Villaruel and I can do anything para lang mapatino itong demonyo kong kapatid.

At syempre para di mapagalitan ni kuya dahil uuwi na siya sa isang araw.

"Go on big sister,alam mong hindi yan tatagal sa mga kamay ko."

I smirked,nabigla siya dito at tumingin sa akin kung bakit ako ngumisi.

"I won't make that happen again monster, dito na ako sa  bahay titira para mabantayan ka  as well as ang mga katulong sa mga kalokohan mo at alam na yun ni kuya blaise dahil uuwi narin siya dito dahil tapos na yung business trip niya. " I said with a powerful voice.

This time I won ,and i will make sure na magagawa ko yun.

"Your so--- arghhh! ba't dito ka na titira! at tsaka bakit uuwi na agad si kuya? kainis naman" inis niyang singhal sa akin.

Tumawa nalang ako bilang sagot , ayaw niya kase na nandito si kuya Blaise kase di sya makaagawa ng kalokohan.

Bago pa ako maloka sa kapatid ko ay  naalala ko na kailangan ko pa nga palang sunduin ang bago naming katulong.

JADE'S POV

THE HELL?!

Wala na akong magagawa, sa mansyon na nga titira si Ate Sidney. 

Ang isa pa,kumuha na siya ulit ng bago kong katulong.

And worst,uuwi na si kuya.

Napa-upo nalang ako sa kama sa inis  ng mag ring ang phone ko. Sinagot ko ito at hinintay ko siyang magsalita.

[ Hey dude? what's up?]

It was Alistair ,aga-aga kung tumawag.

"Anong kailangan mo?" bored kong tanong

[Well, tatanungin lang sana kita kung natanggap mo na yung message mula kay Kobe?] 

Napakunot ang noo ko? and what's on that fuck*ng message?

"I don't have any time to read it , maybe later." I said

[ You should read it now , that was important. ]  I ended the call. Inis kong binuksan ko ang Loptop ako at bumungad sa akin ang message ni kobe.

Kobe is my friend, isa siya sa anak ng mga kilalang detective from Paris , and luckily namana niya ang angking talino sa paghahanap ng mga impormasyon at ganun na din sa paglutas ng mga kaso.

Napakunot ako ng makita ang napakahabang mensahe ng lukong iyon. Pero naintindihan ko naman iyon.  he said na may isang malaking event daw na mangyayari and he want us na sumali dun , not just to claim the prize but to be known at para na din lumakas ang grupo namin.

It is not an ordinary event, It's a secret event na dadaluhan ng iba't-ibang Gang , at isa na dun ang amin.

Yes, i have a gang and I'm the gang leader.

At my young age napasali na agad ako sa iba't ibang away.Siguro dahil palaging wala sina Mommy and Daddy na hanggang ngayon ay nasa ibang bansa for business trip.

Dati ay pinamumunuan yun ng kapatid ni Alistair na si Blair at iba pang kalalakihan na may kaya at kilala ang pamilya.

Then the time pass by , nakilala ko si Alistair. He was my best buddy until now. We're in a group but unfortunately some of them  resigned hanggang sa naisip namin na gumawa ng bagong grupo...ng sarili naming grupo.

UNIQUE that was our gang name.  Kinabibilangan ito ng Sampung miyembro. Kabilang na ako , si alistair at si Kobe. Were pretending to be a normal student to protect our identity at para di malaman ni kuya blaise.

Hindi alam ng pamilya ko ang tungkol dito at tahimik lang kami kung kumilos because of kuya blaise. 

Takot ako sa kaniya simula pa ng bata, hanggang ngayon naman. Ngayon lang ulit kami nakaka kilos kase busy si kuya at hindi niya napapansin .

Well kung gusto niyong malaman kung bakit ganun si kuya? Isa siyang halimaw. One of the most dangerous man i've known.

He's in Paris now and i don't know why and uuwi na nga siya bagay na ayaw ko.

Hindi ko alam kung bakit siya andun pero kasama niya dun ang mga parents ko and si Grand Primo.

I turn off my loptop at agad na tinawagan si Alistair.

[what do you think? ] alam niya na agad ang sasabihin ko

"Kuya will be here soon , we should watch our steps carefully" i said in a serious tone.

[what do you mean? hindi tayo sasali?]

halata sa boses niya ang pagkadismiya

"Idiot ! message everyone and we're gonna talk this later."

I said and ended the call

I should think what should i do next

ALISA'S POV

Kanina pa kami naghihintay ni Jairus dito sa terminal , hanggang sa may nakita kaming babaeng palapit sa kinatatyuan namin

"Ms. Auberon? " tanung niya

Grabe!  ba't ang ganda niya? hindi ako makasagot kaya tumango nalang ako.

"Great, i think you should say goodbye  now to your... boyfriend?" nag aalinlangan niyang sabi na ikinabigla ko naman

"I'm not his boyfriend,kaibigan niya ako." naunahan ako ni jairus na kalmado lang na nakatingin sa kanya.

"Oh sorry for my mistake, tara na para makauwi na tayo."  nakangiti niyang sagot.

Hinarap ko naman si Jairus at niyakap siya.

"Salamat Jairus,mag iingat ka pauwi." paalam ko

"Ikaw ang mag iingat,Sige na. Bye." sabi niya at ngumiti sa akin.

Kumaway pa ako sa kanya at binitbit ang mga gamit ko.

"Siguro sa bahay ko nalang sasabihin ang mga rules ko ." sabi niya ng hindi ako lumilingon

"Sige po." tanging sagot ko at sumunod nalang sa kanya.

"At sorry dahil nalate ako , inasikaso ko pa kase ang baliw kong kapatid." aniya

Baliw?!

"M-may baliw kayong kapatid?" nauutal kong tanung , napahalakhak naman siya .

"Just kidding , basta higit pa sa baliw ang ugali nun. But don't worry i will make sure na di ka niya sasaktan."sabi nito at ngumiti.

Mukha namang mabait ito,hindi ko nga pa alam ang pangalan niya,siguro mamaya nalang. Nang makadating kami sa magara niyang sasakyan, sumakay na kami at nagsimulang umandar ang sasakyan. Masasabi kong mayaman ang mga ito,sa kotse palang.

Paano nalang kapag nasa bahay na nila ako?

"I'm sidney by the way , and you are?"

"Alisa, Ali nalang po ang itawag niyo sa akin."  ngumiti siya na parang anghel

Hindi na muli siyang nagsalita hanggang sa makadating kame sa malaking bahay?malaking bahay pa ba ito? Isang mansyon? isang Palasyo?! Sobrang laki ng bahay nila grabeee!!!

"Miss,kailangan mo nang bumaba. Nauna na sayo si Ms. Sidney." bumalik ako sa katinuan ng tinawag ako ng driver.

Nahihiya akong bumaba at iginala ang paningin sa labas ng mansyon. Grabe ang ganda naman dito, ba't kaya umalis si aling lolit dito sa napaka gandang mansyon? mukha namang mabait si Ma'am Sidney.

to be continued...

[Revised and Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top