Chapter 16

JADE'S POV

Nadatnan ko sa tambayan sina Alistair at Redge na prenteng nakaupo sa sofa. Napansin ko din na maayos at malinis na ang loob nito kumpara kahapon. Sinadya kong dumihan ang loob nito para naman mahirapan yung Slave na yun.

Speaking of that Slave,nasaan na kaya iyon? Bakit parang umalis na siya agad? Hindi 'man lang siya nagpakita sa akin. Napaka-kapal talaga ng mukha niya.

"She left us after she clean this room." mukhang napansin ni Redge na hinahanap ko ang Alisa na iyon

"I'm not looking for her." pagtanggi ko at umiwas ng tingin.

"Don't deny it,halos tatlong buwan na siyang nandito at sa tuwing dadating ka ay paulit ulit lang ang ginagawa mo." sabat ni Alistair at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Hindi ko nalang sila pinansin at umupo sa isa sa mga sofa. Bigla kong naalala ang napag-usapan namin ni Wilbert kagabi.

"Where's Wilbert? Bakit wala pa siya?" tanung ko sa dalawa.

"Magkasama silang dalawa ni Kobe sa office,maya-maya ay babalik  na din sila." ani ni Redge.

Sana naman ay gumagawa na sila ng paraan para tumigil na ang grupo ni Kuya na hanapin kami. Ayoko ng dumami ang problema at iisipin ko gayo'ng magtatapos na ako sa pag-aaral at panigurado akong busy ako sa mga susunod na araw.

"I heard na umuwi pala ang lolo mo." napatingin ako kay Alistair nang magsalita siya pero tanging malalamig lang na titig ang sinagot ko sa kaniya.

"You should be happy. " mapang-asar niyang dugtong at umiwas  ng tingin sa akin.

Anong masaya sa pag-uwi niya? lalo lang ako masasakal at hindi makakakilos ngayong umuwi na siya. Alam kong pababantayan niya ako sa ilan niyang guards at kung may napapansin siyang kakaiba sa ikinikilos ko ay tiyak na paiimbestigahan niya ako sa mga kilalang investigators sa pilipinas.

"Alam mo naman siguro ang nalaman nina wilbert? Dapat hindi lang ako yung nag-aalala dapat ikaw din!" napatingin siya
sa akin at makahulugang ngumisi.

"I already working to that but I think It's imposible na tumigil ang mga Kuya mo kung lalo lang tayong magtatago at matatakot sa kanila." sagot nito.

"Hindi tayo habang buhay makikipag-taguan sa mga kuya mo." singit naman ni Redge.

May punto silang parehas pero hindi ganun kadali ang sinasabi nila.

Hindi nila alam ang mga maaring consequence kapag nagpakita kami kina Kuya. Bukod sa malalaman niyang kasali ako sa gang hindi malayong sabihin nila ito kina Grand Primo at ipadala ako sa Paris habang buhay!

Umiwas ako ng tingin sa dalawa at hindi sila sinagot. Bumaling ang tingin ko sa kadadating lang na sina Wilbert at Kobe.

"May plano na kami." bungad ni Wilbert at umupo. Kasunod niya si Kobe na nanatiling nakatayo sa may sulok.

"What it is?" tanung ni Alistair.

Hinihintay namin ang sagot niya pero sinenyasan niya si Kobe upang magpaliwanag sa amin ng gusto nilang mangyari. Ngumisi si Kobe at nagsimulang magpaliwanag.

Napakahaba ng sinabi niya at seryoso siya habang nagpapaliwanag. Sa sobrang haba ng sinabi niya ay naintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari. Maganda ito pero hindi ko alam kung epektibo,He really used his brain at sadyang namangha ako sa likot ng utak ni Kobe pagdating sa pagplaplano.

"That's great!pag-usapan nalang natin ito mamaya sa opisina. Kailangan na nating pumasok." nagsimula ng tumayo ang lahat.

"Don't worry hindi pumasok si Jiro at Yago para gawin na agad yung una nating hakbang. Pinadaan ko na din dito kanina si Jiro para kuhanin yung ibang information." paliwanag ni Wilbert.

Kaya pala hindi ko napansin ang dalawang iyon. Mabuti na din yun para magawa na  agad namin ang plano sa lalong madaling panahon.

Naglalakad na kami sa hallway papunta sa room. As usual hindi na naman mapigilan ang tili ng mga kababaihan sa tuwing naglalakad kami dito. Hindi sa pagmamayabang pero sanay na kaming tatlo nina Alistair at Kobe dito.

Malapit na kami sa room ng biglang tumigil si Alistair kaya napatigil din kami,napatingin kami sa dahilan niya at doon ko lang napagtantong si Promdi slave pala yung tinitignan niya.

Pero may mali sa paglalakad niya , nakayuko siya at parang pagong kung maglakad. Nababaliw na ba siya? o sadyang ganun lang talaga ang mga probinsyanang ngayon lang nakapasok sa mamahaling University?

Tss Stupid Promdi Slave.

"It's payback time." bulong ni Alistair at pumwesto sa gilid ng pinto ng room. Mukhang hindi siya napansin ni Promdi at dire-diretso pa din sa paglalakad papasok ng room.

Isang hakbang nalang papasok ng pintuan ng room ay agad siyang pinatid ni Alistair. Diretso siyang bumagsak sa may harapan sakto naman ay nagkaklase nama pala si Ms.Fatima kaya nagulat ito sa pagbagsak ni Promdi.

Napuno ng tawanan ang buong room maging ako ay natawa na din dun. Malakas namang isinigaw ng kaibigan niyang si Brie ang pangalan nito dahil sa pagkabigla.

Lumingon siya kay Alistair na tawa ng tawa sa ginawa niya. Pagkatapos nun ay ibinaling niya ang tingin sa akin. Para talagang may mali sa kaniya ngayong araw.

Pero ano ba ang pake ko sa kaniya? Napakatanga naman kase niya.

Dahan-dahan siyang tumayo at mukhang nahihirapan siya kahit na hindi naman ganun kalakas ang impact ng pagbagsak niya. Huminto sa pag-tawa ang mga kaklase namin at napalitan iyon ng pagkagulat.

"O-okay l-lan p-po a-ako m-ma'am." nauutal niyang sambit at nagsimulang maglakad papunta sa upuan niya. Nasa kaniya ang atensyon ng lahat pero hindi pa siya nakakahakbang muli ng bigla siyang natumba sa sahig.

"ALISA!!" sigaw ng kaibigan niya at agad na pinuntahan ang kaibigan niyang wala ng malay.

"Oh My God! Help her! dalhin natin siya sa clinic!" tarantang utos ni Ms. Fatima.

Napatingin naman ako kay Alistair na ngayon ay mukhang kinakabahan sa nagawa niya. Agad na binuhat ng mga kaklase kong lalaki si Alisa at dinala sa clinic.

"Mr.Kelton! What you've done is definitely foul! You shouldn't do that kind of prank to Ms. Auberon! I need to talk to your parents now!" galit na sigaw ni Ms.Fatima kay Alistair na mukhang walang pakialam sa sinabi nito bagkus ay lumabas siya. Sinundan ko siya gayundin si Kobe at nagtataka kami ng tahakin niya ang daan papunta sa clinic .

ALISTAIR'S POV

Everything is unexpected!

Hindi ko inaakalang mawawalan ng malay ang babaeng iyon. I didn't meant to harm her that hard pero sino ba anh mag-aakala na mawawalan siya ng malay?

I'm starting to feel guilty on what I did to her. This is really frustrating.

"Ba't mo 'yun ginawa kay Alisa Kuya!?" galit na bungad sa akin ni Aliatar na mukhang may alam na din sa mangyari.

Nasa clinic pa din kami,sumunod ako dito sa hindi ko malamang dahilan. Kasama ko sina Jade at Kobe na nasa sulok lang.

"H-Hindi ko sinasadya who knows na mahihimatay pala siya dahil lang isang simpleng patid." sagot ko pero inirapan niya lang ako.

She's really mad at me

"Kung ginawa mo 'yan dahil ayaw mo akong lumapit sa kaniya bakit kailangang humantong sa ganito kuya!? You hurt her physically!" nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko bagay na ikinabigla ko naman.

Nagtangka akong lapitan siya pero pinigilan niya ako. Pinunasan niya ang luha sa mukha niya at galit na tumingin sa akin.

"Kapag may nangyaring masama sa kaniya hindi kita mapapatawad! " banta niya at pumasok sa loob ng clinic.

I can't believe this,iniiyakan niya ang babaeng iyon at nagawa akong sigawan ng dahil sa ginawa ko.

Fvck this!

"Feel guilty now?" inis kong tinignan si Jade dahil sa pang-aasar niya.

"The hell no!" pagtanggi ko at umiwas ng tingin.

"Kapag nalaman 'to ni Kuya malalagot ako sa kaniya at baka hindi lang sa kaniya pati kay Ate Sidney." saad nito

"Sa tingin mo ba ako hindi? Bakit ba ako pa ang may kasalanan bumawi lang naman ako sa babaeng iyon!" pagmamaktol ko.

"Hindi naman talaga tama yung ginawa, kahit may kasalanan pa siya sayo dapat tinandaan mo na babae parin siya." singit ni Kobe pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay fine! I admit it kasalanan ko na." inis kong singhal at umupo sa isang bench.

Kapag nalaman to nina Mom and Dad papagalitan na naman nila ako. Eh ano pa si Blair? Siguro ako na pati siya ay sesermunan ako. Ang isa ko 'pang inaalala ay si Aliatar what if may mangyari ngang masama kay Alisa? Baka hindi na niya ako kausapin habang buhay.

"Iniyakan siya ni Alia malamang ay mahal niya talaga si Alisa." ani ni Kobe.

"That's why I want her to stay away from that promdi." sagot ko at taka naman akong tinignan ni kobe

"What do you mean? Alam mo hindi na talaga kita maintindihan." naguguluhan niyang sambit.

"Do you remember the accident happened to my sister last day? It is because of that Promdi and Fiona. Ayokong madamay ang kapatid ko sa gulo nilang dalawa ulit." saad ko.

"I can't blame you kung bakit umiiwas sayo at lumayo ang loob ng kapatid mo sayo,tama lang ang ginawa mo." pagsang-ayon ni Jade na busy sa phone niya.
"Why don't you let her with that girl? mukha namang mabait si Alisa." sabay kaming tumingin ni Jade kay Kobe ng magsalita ito.

"Alam mo konti nalang maniniwala na ako na may gusto ka sa babaeng iyon." puna ni Jade.

Namula si Kobe sa di malamang dahilan at umiwas ng tingin sa amin.

"Y-you guys are so damn idiots! Alam niyong mali ang iniisip niyo." naiinis na sambit ni Kobe.

Napatawa naman ako kase halatang naiilang siya kapag napapag-usapan namin ito.

"Just admit it na may gusto ka kay Alisa." pang-aasar ko sa kaniya.

"W-wala nga sabi eh!" iritado niyang sabat.

"You like her!" patuloy ko at nasisiyahan habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Kobe.

"Stop that nonsense." seryosong pigil sa amin ni Jade kaya napatingin naman kami sa kaniya.

He look serious and Irritated sa pinag-uusapan namin.

Wala nang umimik sa aming tatlo matapos nun. Napag-pasyahan naming bumalik na muli sa room dahil wala naman kaming gagawin doon sa clinic.

Walang klase dahil umalis daw si Ms.Fatima mula kanina. Siguro ay tinatawagan na niya ang parents ko. Napahawak nalang ako sa aking sintido sa pag-iisip.

Maya-maya lang ay isang lalaki ang pumasok sa silid namin. Mukhang may hinahanap siya sa loob at mukhang bago lang dito sa university.

"Do you need something?" tanung ni Jade ng mapansin din ang lalaki. Tumingin ito sa kaniya saglit at tumingin sa akin.

"I'm looking for Alisa Auberon"

Why he is looking for Alisa? Kaano-ano naman niya ang promdi na iyon? Imposible namang boyfriend siya nito dahil halata sa pananamit ng lalaki na mayaman at may dating.

Who the hell is he? teka ba't ba na-curious ako sa lalaking ito?

To be continued....

[Revised and Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top