Chapter 14

ALISTAIR'S POV

Salamat naman at walang natamong sugat si Alia. Kasalukuyan kaming sakay ng sasakyan pauwi ng bahay. Buti nalang talaga at walang nangyaring masama sa kaniya dahil kung meron malalagot ako kay Blair at kina Mommy and Daddy.

"Bakit ba ayaw mo na isumbong ko siya kina Daddy? Sinaktan niya ako sa harap ng maraming tao." tanung sa akin ni Alia habang nasa byahe.

Nagtatanong pa siya kahit alam na naman niya ang sagot.

"Kahit naman sabihin mo sa kanila ay gagawin lang nilang excuse ang nangyari. Alam kong papatawarin parin nina mommy ang babaeng iyon." sagot ko

"Pero kuya? ako naman kase yung sinaktan niya at di ikaw." sabat niya

"Do you think mababago 'nun ang isip nina mommy na ipakasal ako dun sa babaeng iyon? diba hindi? one more thing, Malapit na akong mag-18 wala na akong magagawa sa gusto nilang mangyari." saad ko na ikinalungkot niya.

Alam ko na ayaw niya kay Fiona ganun din naman ako. She hates her kahit hindi pa sila nagkikita o nagkakausap. Maybe because of her attitude,her toxic and plastic attitude na pati ang kapatid ko ay naiinis sa kaniya.

"You will marry the girl you don't love." napatingin ako sa kaniya na ngayon ay seryoso na.

"Ganun na nga ang mangyayari, konting panahon nalang at magsasama na kami.Hindi na ako malaya, kaya hangga't maaga I'll  enjoy mylife at hindi ko muna iisipin ang mga bagay na iyon. Sana ikaw din, okay?" nginitian ako ni Alia at bigla akong  niyakap.

I can feel that anytime she will cry  but I know her,pipigilan niya iyon kase sabi niya ng mga bata pa kami. Ayaw niya na nakikita ko siyang umiiyak.

"As long as you're happy kuya,masaya na din ako. Basta you'll promise na gagawa ka ng paraan para di matuloy yun." sagot niya kaya hiniwalay ko siya mula sa mga yakap ko.

"Aliatar,wag ka nang makulit." nagpout naman siya kaya ginulo ko ang mga buhok niya.

"Hindi naman eh." parang bata niyang sabi at inayos ang buhok

"Okay fine,basta mangako ka din sa akin na lalayo ka na sa gulo maliwanag ba?"

"I'll promise kuya tsaka di ko naman hahayaang apihin lang ako. I am pure blooded Kelton and being one of them symbolizes that no one can bring us down." sagot nito at yumakap sa akin.

Alam ko naman na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Nag aalala lang ako sa mga nakakasalamuha niya. Baka kase Bad Influence lang ito sa kaniya.

Lalo na yung Alisa na yun!

"And one more thing," napatingin siya sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko."I want you to stay away from Alisa." mabilis siyang kumalas sa mga yakap niya at naguguluhang tumingin sa akin

"Bakit naman Kuya? Mabait si Alisa!" pagtatanggol niya sa babaeng iyon.

Ganyan na ba talaga sila ka-close dalawa? bakit parang nilason na nung babaeng iyon ang utak ng kapatid ko? As far as I remember, ayaw niya talaga ng kaibigan bakit parang nabago ito nung makilala niya ang babaeng iyon?

"Did you forgot na siya ang may kasalanan kung bakit ka sinugod ni Fiona?"

Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana masasaktan ang kapatid ko.

"No!Wala siyang kasalanan. In fact, si Fiona lang talaga ang nanguna at sinugod si Alisa." kwento niya na ikinataas ng kilay ko.

Sinugod ni fiona ang babaeng iyon? at bakit naman?

"She's accusing Alisa na inagaw daw ni Alisa ikaw mula sa kaniya." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kapatid ko pero hindi ako nagpakaapekto ng husto at seryosong tumingin sa kaniya.

"I just want you to be safe kaya hangga't maaari lumayo ka muna kay Alisa." payo ko pero sinamaan niya ako ng tingin.

"I won't kuya!" sagot nito. "Siya nalang yung nag-iisa at totoong kaibigan ko kaya hindi ko magagawa ang gusto mo."

Saktong nasa may harap na pala kami ng bahay at tumigil ang sasakyan kaya mabilis siyang bumaba ng kotse at nagdaretso sa loob.

"Ano na naman ba ang problema ng Baby Sister ko?" bungad sa akin ni Blair mukhang napansin niya ang pagtakbo ni Alia.

Kapatid ko si Blairtar, Blair for short. He's older than me but I prefer calling him Blair instead of kuya.

"Nothing, Where's Mom? I need to talk to her" tanung ko sa kaniya.

"Umalis siya kanina kasama si Monica,may pupuntahan daw silang event and I don't know where it is." tumango lang ako sa kaniya at lumakad papunta sa kwarto.

"Bakit mo nga pala hinahanap si m
Mom?" pigil sa akin ni Blair,hindi ako lumingon sa kanya bagkus tumigil ako at nanatiling nakatalikod.

"It is all about Fiona." ramdam ko na napangiwi siya sa sinabi ko.

"Ah, your fiancé." pagtatama niya sa akin na halatang may bahid ng pang-iinis.

"I don't care who the hell she is, I need to talk to Mom to discuss some matter about that Freaking Amazona." sagot ko at agad na tumaas ng kwarto bago ko pa masapak ang lalaking iyon.

Dinig ko ang malakas niyang pagtawa na animo'y isang demonyo. He's a real demon anyway.

Madaming utang sa akin si Blair at naiinis ako dun. Hinayaan ko lang na i-claim yung sitwasyon na dapat para sa kaniya. But I won't  let this situation of mine be his success.

Hindi porket magpapakasal na ako ay nanalo na siya.

Hindi pwedeng ako lang ang magdudusa.

JADE'S POV

We're in airport right now at kanina pa kami ditong naghihintay.

Kasama ko sina Ate at Kuya,Dapat kase ay may pupuntahan ako pero dahil hindi ako pinayagan ng mga kapatid ko.

So here I am,bored na bored na sa paghihintay.

Tss

"Is that Elytra?" napatingin naman ako sa tinuro ng bruha kong kapatid

Tama nga siya,ang babaeng palapit sa amin ay ang babaeng kinaiinisan ko. May kasama siyang isang babae na tinitiyak ko na nanay niya dahil minsan ko na itong nakita.

"Goodevening Mrs.Gomez" bati sa kaniya ni kuya

Kilala siya ni Kuya Blaise actually ng buong pamilya ko kase isa siya sa  business partner  nina Mommy and Daddy.

"It's nice seeing you here—with your siblings. Nakakatuwa at magkakasama kayo." bati niya sa amin at nginitian kami.

Lumapit naman si Elytra kina kuya at Ate at nakipag beso-beso pa.Inirapan ko nalang sila kahit halata sa kanilang dalawa na ayaw nila sa mag-inang nasa harap nila.

Matapos humalik at yumakap sa mga kapatid ko ay agad naman itong lumapit sa akin. Akma na siyang hahalik ng pigilan ko siya. Nabigla naman dun ang mga nasa paligid lalong-lalo na ang mama niya.

"D-did you avoid my daughter? Don't you like her?"nagpapanic niyang tanung.

Obviously parang may saltik sa utak ang babaeng ito,hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw namin sa presensya nila?

"Do you want me to answer that question?" sarkastiko kong tanung at nabigla siya dun.

"Jade!" saway sa akin ni Kuya na halatang di natutuwa sa inaasta ko.

"Don't mind him,I'm sorry for his bad attitude hindi lang maganda ang gising niya." singit ni Ate Sidney habang masamang nakatingin sa akin.

"I do understand him,lagi naman siyang ganyan kapag nagagalit or nagtatampo sa akin.Diba babe?" malanding tanung sa akin ni Elytra.

Babe!?

Nakakadiri.

"I see. We're here para sunduin ang asawa ko. We'll go now." paalam ng mag ina. Tumingin pa sa akin si Elytra bago umalis kasama ang ina niya. Finally they leave,I really don't like they're presence here.

"You shouldn't do that Jade! Napaka bastos mo sa harap ni Mrs.Gomez!" pagmumura sa akin ni Kuya.

"Buti nalang talaga at mabait si Mrs.Gomez." komento naman ni Ate.

"Can you please stop doing good things infront of them?Alam kong hindi niyo din sila gusto!" inis kong singhal sa kanilang dalawa.

Napatigil naman sila sa sinabi ko at parehas umiwas ng tingin. I know it , sabi na nga ba at tama ang hinala ko sa kanila.

"Is something wrong here?"ang matandang boses na iyon,napalingon kaming tatlo sa boses na nanggaling sa kung saan.

"Lolo!" agad na tawag ni Ate at niyakap si Grand Primo.

"Aww Apo,you look gorgeous. Sana lang ay makilala ko na ang Boyfriend mo." kumalas sa yakap si Ate at hinarap si Lolo.

"Lolo! wag niyo na po akong asarin! alam niyo pong wala akong boyfriend!"napangiwi naman si Lolo at muling niyakap si Ate.

Sunod namang lumapit sa kaniya si  Kuya at niyakap si Lolo. Kumalas ito sa yakap at humarap kay lolo.

"You also look great today , how's your days here in the Philippines?" tanung niya kay Kuya.

"It's great,mas gusto ko pa din sa Paris kase mas nakakapagtrabaho ako ng maayos dun but that's okay being here anyway,atleast nababantayan ko pa din mga kapatid ko." sagot niya na ikanatawa ni Lolo.

"I know you're talking about jade! Jade apo come here!" tawag sa akin ni Lolo.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.Kumalas ako sa kaniya at humarap.

"I heard na maayos ka na daw ngayon."

"I'm always fine Grand Primo." kaswal kong sagot kaya napangiwi siya.

"Too serious!Sana ay magpatuloy na 'yang kabaitan mo para hindi ka sumama sa akin sa Paris pag-alis ko!" banta niya sa akin kaya napatawa kaming tatlo dun.

Hindi na nagyakag si Grand Primo na mag dinner sa labas.

He said that he was so tired from the trip Kaya minabuti naming iuwi na siya sa mansyon.Ang dami pa niyang kwento sa aming tatlo habang nasa byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon ay patuloy pa din siya sa pagkwekwento.

I admit that I miss him,kahit na laging siya ang panakot sa akin nina Kuya. I miss our bonding together with my Dad and Mom. How I wish na makumpleto kaming buong pamilya ulit.Kahit alam 'kong di mangyayari yun dahil kapag umuuwi sina Mom and Dad wala naman si Grand Primo.

Alas Nuebe y media na ng gabi ng makauwi kami. Feeling ko napagod ako kahit na buong byahe ay nakaupo lang ako at nakikinig sa kwento ni Grand Primo.

I was on my room ng may biglang tumawag sa akin. It's Wilbert , Tsss dis-oras na ng gabi tawag pa ng tawag. Sinagot ko ito at hinintay ko siyang magsalita.

[I have something to tell you.] ani niya mula sa kabilang linya.

"What it is?"

[We have a problem]

"Just get straight to the point Wilbert!" inis kong singhal sa kaniya.

[Do you remember the group we're your kuya belong? The event he organized? Well,They're hunting us. Nagpakalat sila ng isang balita sa ibang gangs and base on what they've said kailangan nila na makilala tayo and to have some conversation with them.This is really Insane Jade! Anong gagawin natin?]

"Give me some time." agad kong binaba ang tawag at napahilamos ng mukha.

Hindi nila kami dapat makilala kase alam ko magiging isang malaking problema ito lalo pa at si Kuya Blaise ang may paka nun. Kapag nalaman nila na sangkot ako dito baka tuluyan na nila akong ipadala sa Paris and punish me as well.

Ayoko nun,ayokong kontrolin na naman nila ako.

to be continued....

[Revised and Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top