Chapter 11

ALISA'S POV

Araw ng lunes at may pasok na naman ako. Kagaya ng nakasanayan  ay naglalakad na ako kapag papasok sa Kelton University. Hindi na kase ako sumasabay kay Ate Sidney, nakakahiya narin kase sa kaniya. Mabuti nalang at pinayagan niya ako na maglakad nalang. Tutal malapit lang din naman ng KU.

Maaga akong nagpaalam kina manang esme na papasok na,ayoko kaseng mapagalitan na naman ng halimaw kapag tinatanghali ako ng punta sa tambayan nila. Gusto daw niya na nauuna ako sa tambayan nila para daw makapag linis.

Napaka sama talaga ng ugali niya.

Habang naglalakad papasok sa university ay bigla nalang may humintong sasakyan sa harap ko. Hinintay ko itong umalis pero mukhang nanadya ang may ari ng sasakyan na ito at tila sinasabayan ako sa paglalakad.

Nagsisimula na akong mainis buti nalang bumaba na agad ang damuhong sakay nito.

"Hop in. Sumabay ka na sa akin." sabi na nga ba eh! ang damuhong si Alistair na naman.

Panira talaga siya lagi ng umaga ko dahil bukod sa halimaw na si Sir jade ay isa pa ito sa mga nanggugulo sa buhay ko!

Isama mo na din yung mga kaibigan nila.

"Wag ka ng maarte! Sumakay ka na!" iritado niyang utos.

Alam ko namang di ako mananalo sa isang ito kaya agad akong sumakay sa mamahalin niyang sasakyan. Tahimik lang ang naging byahe at mukhang malapit na kami sa university ng sinabi ko na ihinto ang sasakyan.

"D-dito nalang ako." paalam ko sa kaniya ngunit matalim niya akong tinignan.

"No! you'll stay here." matigas niyang sabi at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari kapag nakita nila ako na kasama ka? nag iisip ka ba?" inis kong singhal sa kaniya.

Ayokong pag-initan ako ng mga taga-suporta at may gusto sa kaniya. Ayokong saktan na naman nila ako dahil minsan na nila iyong nagawa nung nakita nila akong kasama ni Sir Jade.

Ayoko ng maulit 'yun.

"And so?Hindi naman ako ang masasaktan." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya,hindi ko na siya pinansin at agad na bumaba ng sasakyan niya.

Akala niya siguro madadala ako sa mga sinasabi niya,alam kong pinasakay niya ako sa kotse niya pero hindi tamang hayaan niya nalang akong saktan ng mga fans niya.

Pagkababa ko ay agad namang humarurot paalis ang kotse ni Alistair.

Nakahinga naman ako ng maluwag at muling naglakad dahil natatanaw ko na ang gate pero hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad ay isa na namang sasakyan ang tumigil sa harap ko.

Bumaba ang salamin nito sa tapat ko at isang magandang babae ang bumungad sa akin. Pero may mali, salubong ang kilay niya at galit na nakatingin sa akin.

"You must be Alisa." tinignan niya ako na parang nangingilatis."The famewhore slut!" galit niyang sabi sa akin.

Ano tinawag niya ba akong slut? eh hindi ko naman siya inaano at hindi ko siya kilala.

"S-Sorry Miss, hindi ko alam ang sinasabi mo." sagot ko at akma ng aalis ng biglang may bumuhos sa akin ng malamig na juice.

"I'm not done talking to you wag kang bastos!" sabi ng babae at bumaba ng kotse.Wala gaanong tao sa lugar kaya walang nakakakita sa amin.

"Eh sa hindi kita kilala eh at di ko alam ang mga sinasabi mo!" nagsisimula na akong mapikon sa babaeng ito!

Imbis na sagutin niya ako ay bigla nalang niya akong tinulak. Kaya napabagsak ako sa daan.

"Ano bang problema mo!?" galit kong tanung sa kaniya.

"Ikaw ang problema ko!Bakit ka kasama ni Alistair!? Don't you know na ako ang girlfriend niya?" maarte niyang sabi sa akin.

Girlfriend ni Alistair? Ang babaeng ito? Mukhang di naman papatol si Alistair sa ganitong klaseng babae.

Ano namang pakialam ko kung siya ang girlfriend ni Alistair?

"Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?" lalo siyang nainis sa sinabi ko at anumang oras ay sasabog na sa galit.

"I'm not that stupid para di maniwala sa nakita ko! I just saw you inside alistair's car!  at sasabihin mong hindi mo alam ang sinasabi mo?!" napatawa nalang ako at tumayo. Pinagpagan ko ang aking damit at muling tumingin sa galit niyang mukha.

"Pinasakay lang ako ng boyfriend mo! anong malisya dun? at isa pa hindi ko alam na may Gf siya. Hindi ko nga siya kilala at hindi din kita kilala! kung may problema kayong dalawa! wag na kayong mandamay." inirapan ko siya at tumalikod pero bigla nalang niyang hinila ang braso ko.

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin at napakasakit nun. Parang namanhid ang mukha ko sa sampal ng bruhang nasa harap ko.


"Hindi mo ako kilala pero ikaw na malandi ka kilalang-kilala kita! Ikaw lang naman ang sikat na malanding estudyante na nilalandi ang dalawa sa pinaka mayayamang tao sa Kelton University! And based on what I saw right now, tunay yung rumors malandi ka nga at pera lang ang habol mo sa kanila! kaya back off bish!hindi mapapasayo si Alistair kase HE.IS.MINE." galit niyang saad at muli na naman akong sinampal.

Napahawak pa ako sa aking pisngi bago pagmasdan ang papaalis na sasakyan ng babaeng iyon. Gusto ko siyang gantihan pero alam kong masama yun.

Kinalimutan ko ang nangyari kanina at mabilis na pumasok sa loob ng Kelton University.

Nagtungo agad ako sa Tambayan ng mga halimaw at nadatnan dun si Alistair at Kobe. Nang makita ko si Alistair ay muli kong naalala ang nangyari kanina. Siguro ay kulang sa pag-iisip ang babaeng iyon at nadadala lang siya ng kaniyang imahinasyon.

"There she is! ang maarteng promdi slave!" walang ano ano ay sabi ni Alistair.

Hindi ko siya pinansin.

"What happen?Mukhang mainit na naman ang ulo mo." dinig kong tanung ni Kobe.

"Yung isa kase diyan napaka arte siya na nga ang pinasakay siya pa maarte. And take note she doesn't even thank me." sarkastikong saad ni Alistair.

"That's wrong. " komento naman ni Kobe at tumingin sa akin.

"Salamat." tipid kong sabi ng matapos na ang kaingayan niya at nagsimula ng maglinis dito sa napaka kalat na kwartong ito.

Nadinig ko pa ang pagmamaktol ni Alistair na parang bata.

"What happen to your uniform?" napatingin naman ako sa kakadating lang na si Jiro. Nakatingin siya sa uniform kong napakadumi dahil sa babae kanina.

"That's fits to her. Mukha din namn siyang basurahan." komento ni Alistair na ngayon ay nakangisi sa akin. Inirapan ko siya at muling tumingin kay jiro.

"Natapunan lang ng juice kanina." sagot ko at ipinagpatuloy ang paglilinis. Nang matapos ako sa mga kalat dito ay agad naman akong nagtungo sa locker ko upang kuhanin ang extra kong uniform.

Kakahiya naman kase kung napakadumi ng uniform ko,buti nalang ay may extra akong uniform na inihanda ni Ma'am Sidney.

Magpapalit muna ako tutal ay maaga pa naman para sa una kong klase.
Nang makapag palit ako ay agad akong pumunta sa room,nadatnan ko naman dun si Brie.

"Mukhang nalate ka." ngumiti ako sa kaniya at umupo sa upuan ko

"Wala kase akong nasakyan kanina."

"At bakit namumula ang mukha mo? may nang-away ba sayo?" napahawak naman ako sa mainit kong pisngi.

Kagagawan naman kase ito ng walang patawad na babaeng iyon. Sana lang ay di ko na ulit siya makita.

"W-wala ito." pagsisinungaling ko pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"Umamin ka nga? may sumampal ba sayo?"sinsero niyang tanung. Sasagot na sana ako ng bigla nalang dumating si Ms.Fatima buti nalang talaga! nakaligtas ako.

Syempre kasunod na naman niya ang apat na sina Alistair,Kobe,Redge at ang halimaw na masamang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling sa unahan ang tingin. Nasa  likod silang apat nakaupo. Isang row lang ang pagitan namin at buti nalang ay katabi ko si Brie. Kase kung hindi , baka araw araw na wala akong kausap at dinedemonyo ng magkakaibigan.

"So, for your next project in my subject  I will group you into 3 but before that I'll explain to you what you're going to do with your groupmates."

Sana kami nalang ni Brie yung magkagrupo ayoko kaseng kagrupo ang isa sa apat na magkakaibigan na halimaw.

"Magkakaroon tayo ng isang debate and this is one of your performance task this quarter. Inaasahan ko na lahat ay makiki-operate." saad ni ma'am at may kinuhang isang folder sa bag nito.

"Sana tayo ang magkagrupo." bulong sa akin ni Brie.

"Sana nga..." tugon ko at bumaling ang tingin kay Ma'am Fatima.

"Ms.Brieliant Gomez,Mr.Jade Villaruel and Mr.Redge Chua" hindi pwede! bakit hindi ko kagrupo si Brie?

"Sad!hindi tayo magkagrupo" malungkot na komento ni Brie.

"Mr. Alistair Kelton,Ms. Reign Flores and Ms. Alisa Auberon."

Ano!?

Magka-grupo kami ng mayabang na iyon, bakit sa dinami-dami ng kaklase ko ay siya pa?

Malas naman!

Napatingin naman ako sa gawi ni Alistair at napaisip kung tutulong ba siya. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang mayabang na iyon.

"And we will do this activity before our quarterly exam  and the winning group will gain an extra points.You can now go to your groupmates para makapag-usap kung anong mangyayari sa grupo niyo. Goodbye Class!" paalam ni Ms.Fatima

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nagsipunta na sa kaniya kaniyang grupo. Habang ako? eto nakanganga pa din. Eh kase naman kagrupo ko si Alistair.

"Alisa right?" ani sa akin ng isang magandang babae.

"A-ako nga" nag-aalinlangan kong sagot sa kaniya.

"I'm Reign,ako yung isa sa mga kagrupo mo." nginitian ko siya at napatingin kay Alistair na mukhang walang pakialam sa mundo.

"Sa tingin mo?sasali kaya siya?" tanung ko kay Reign,napatingin naman siya kay Alistair at napangiwi.

"Itanong kaya natin?" tumango ako sa kaniya at niyaya siyang lumapit kay Alistair. Napansin niya naman agad kame at blankong tumingin sa amin

"What do you want?" bagot niyang tanung.

"Groupmates ka kase namin at nandito kami para tanungin ka kung interasado ka ba na sumali." matapang kong tanung sa kaniya.

Napakunot ang noo niya at tumayo mula sa upuan niya. Napalunok naman ng magtama ang paningin namin.

"On sunday,8am at my house."
sagot nito at lumabas na ng room. napatingin naman ako kay Reign na mukhang naguguluhan.

"M-mukhang sasali nga siya." aniya

"Kitakits nalang sa linggo. Bye Reign!" paalam ko sa kaniya at lumabas na ng room.

Dumaretso na ako sa Cafeteria at nakita dun si Alia na mag isang nakaupo sa may bench.

"Sorry kung natagalan ako." paghingi ko ng paumanhin dito.

"Okey lang , nasaan nga pala si Brie?" tanung niya.

"Susunod na siguro yun , may ginawa kase kami kanina at mukhang natagalan siya." paliwanag ko.

Tumango lang siya at niyaya akong umorder nang pagkain.  Akma na akong tatayo nang matigilan sa babaeng nasa harap ko.

"Then we meet again."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top