Chapter 10

ALISA'S POV

Lumipas ang mga araw at hindi ko napapansin na tatlong buwan na pala ako dito sa mansyon ng mga Villaruel. Nakakapagpadala na din ako kina nanay at yung sobra sa sahod ko ay iniipon ko para sa maari kong pagka-gastusan sa mga dadating na araw.

Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay lalong pahirap ng pahirap ang trabaho ko sa halimaw. Grabe kung maka-utos pero lahat ng iyon ay tinitiis ko at iniisip nalang na matatapos din ang mga paghihirap ko sa halimaw na iyon.

Araw ng linggo ngayon at pahinga ako sa mga trabaho dito sa mansyon. Yun kase ang kasunduan namin nina Ma'am Sidney,tuwing sabado at linggo ang pahinga ko sa kanila bagay na sinang-ayunan ko.

Kanina ko pa tinatawagan si Nanay pero hindi niya ito sinasagot. Naging madalang din ang pag-uusap namin nung mga nagdaang araw at hindi ko alam kung bakit. Sobrang namimiss ko na sila lalo na si Art. Kumusta na kaya siya? Bakit ayaw nilang saguting ang tawag ko?

Sinubukan ko din na tawagan si ate Alyana pero maging siya ay hindi sinasagot ang tawag ko. Ayokong mag isip ng masama pero hindi ko mapigilan na mag-alala pero gayunpaman inisip ko nalang na baka  busy lang sila sa trabaho nila sa probinsya.

Napagdesisyunan ko na libangin ang sarili ko,linggo naman at wala dito sina Ma'am sidney at Sir Blaise.

Si Sir Jade naman ay hindi ko pa napapansin mula pa kaninang umaga. Nag-paalam ako kay manang esme na aalis lang saglit,pinayagan niya naman ako at sinabihang umuwi agad ng maaga.

Nagtungo ako sa isang parke malapit dito sa village na di naman kalayuan at kayang lakarin. Umupo ako sa isa sa mga upuan at pinagmasdan ang mga taong dumadaan sa harapan ko.

Siguro kung nandito si Art ay matutuwa siya at buong araw na maglalaro.

Hayst, nakakamiss siya!

"Meow...meow.."

Nabigla ako sa isang pusa na lumapit sa akin. Ikinikiskis niya ang katawan niya sa paa ko na tila nagpapaawa sa akin. Dinampot ko ang pusa at inilagay sa kandungan ko. Mukhang nawawala ito at pagmamay-ari ng isang mayamang tao.

"Nawawala ka ba?" kahit nagmumukha akong baliw ay kinakausap ko pa din itong pusa.

Luminga linga ako sa paligid at tinignan kung may naghahanap sa kawawang pusa na dala ko. Mukhang wala naman.

Saan ko naman dadalhin ang pusang ito?

"Hoy! bakit mo hawak si gulp!?"

napalundag ako sa gulat dahil sa isang malakas at pamilyar na boses mula sa taong nasa harap ko.

Sabi ko na nga ba eh si Alistair ang damuhong sumigaw sa akin. Teka? tinutukoy niya ba yung pusa na hawak ko?

"Sa'yo itong pusa?" naninigurado kong tanong.

Hindi niya ako pinansin bagkus lumapit siya sa akin at agad na kinuha ang alaga niyang pusa. Hinimas niya ang balat nito at galit na tumingin sa akin.

"Anong ginawa mo kay gulp? ba't mo siya hawak hawak? siguro balak mo siyang ipagbenta no?" bintang niya sa akin.

Tinaasan ko muna siya ng kilay bago magsalita.

"Hoy wala akong ginagawa diyan sa alaga mong pusa! Siya nga ang unang ng istorbo sa akin,siya ang unang lumapit sa akin at pasalamat ka dahil nakita ko siya kung hindi baka nakuha na siya ng iba!" hingal kong singhal sa kaniya.

Inirapan niya lang ako at mukhang nairita pa siya sa sinabi ko.

"Edi salamat sayo!" singhal niya at lumakad na palayo sa akin.

Napaka bastos talaga ng lalaking iyon,hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob.

Pero namangha ako sa kaniya,nag aalaga pala siya ng pusa, wala sa itsura.

Muli akong naglakad lakad sa park para makalimutan ang eksena kanina namin ni Alistair. Nakaka-inis talaga ang lalaking iyon,napakayabang pa! akala mo naman kung sinong mayaman.

"Are you stalking me?"

Ang malas ko naman ngayong araw , bakit sa lahat pa ng taong makikita ko dito sa park eh eto na namang mayabang at masungit na lalaking ito? Ano bang kasalanan ko at lagi ko nalang nakikita at nakakasalubong si Alistair?

Iniwasan ko siya at tinalikuran alam ko kaseng aawayin niya na naman ako.Narinig ko pa nga na tinatawag niya ako pero hindi ko iyon pinansin. Bahala siyang mapaos dun nakakapagod din namang makipagtalo sa kaniya.

Napagpasiyahan kong umuwi nalang, hindi ko pala kayang magtagal sa parkeng iyon ng mag-isa.

At isa pa ay baka makita ko na naman dun si Alistair.

Teka nga lang? ba't nga pala siya nandun? malapit lang ba dito ang bahay nila?

SIDNEY'S POV

Maaga kaming umalis sa mansyon , may pupuntahan kase kaming charity event at niyaya ako ni kuya blaise. He also invited Jade pero ano bang aasahan mo dun? malamang ay hindi siya sasama at magdamag na namang tatambay sa kwarto niya.

"What's the goal of that event ba kuya? Bakit isinama mo pa ako? " tanung ko kay kuya habang nasa byahe.

Napatingin naman siya sa akin at muling ibinaling ang tingin sa labas ng kotse.

"Para yun sa mga bata na may sakit. Lahat ng pera na malilikom ay idodonate sa kanila. Wala naman akong pwedeng isama kundi ikaw lang."

Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

I'm so proud of him ,Simula pa nung mga bata kami ay hilig na niya ang tumulong sa iba lalo na sa mga mahihirap, bagay na ikinatuwa sa kaniya nina Mommy and Daddy.

"Is something bothering you?" Kuya Blaise ask.

I smiled at him "Nothing kuya, naalala ko lang sina mommy and daddy.Kumusta  na ba sila?" i ask

"Ayos naman sila and last time that i talk to them sinabi nila na konting panahon nalang ay matatapos na din nila ang ginagawa nila. Kaya don't be sad,they will be here soon." sagot nito sabay tapik sa balikat ko.

Sa aming tatlo, siya yung pinakamaswerte.

Swerte si kuya kase half of his life ay kasama niya sina Mommy and Daddy at his side. Lagi niyang nahahawakan, nakakausap at nayayakap sina mommy at daddy. Habang kami ni Jade? Tanging sa videocall lang sila nakakausap,minsan lang sila umuwi at kadalasan ay trabaho pa din ang dahilan ng pag-uwi nila.Pero kahit minsan ay hindi ako nagalit sa kanila because i understand them. Alam kong ginagawa nila ito para sa aming magkakapatid.

Ilang oras pa ang naging byahe at nakadating din kami sa event. Sinalubong agad kami ni Blair, kapatid siya ni alistair at Kaibigan siya ni kuya mula pa nung bata.

"Kanina ka pang hinahanap ng mga board members buti nalang at hindi sila naiinip." bungad sa amin ni Blair,ngumiti lang ako sa kaniya ng magtama ang aming paningin.

Humarap sa akin si kuya "Just wait a little bit, I need to entertain some guest." tumango lang ako sa kaniya at pinagmasdan ang paglayo niya sa akin.

Habang pinagmamasdan ang mga tao ay agad kong napansin ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako magkakamali dahil nakita ko na siya minsan sa terminal. If I'm not mistaken kaibigan siya ni Alisa at siya ang kasama nito sa terminal.

Why is he here? Anong kinalaman at ginagawa niya sa charity event na ito?

Hindi na ako nagdalawang isip at lumapit agad sa lalaki. I know it's weird but there is something inside me na  gustong lumapit sa lalaki at itanong kung bakit siya nandito.

"Hey mister!" tawag ko dito agad naman siyang lumingon at mukhang kinikilatis ang aking pagmumukha.

Is there something wrong about my face!?

"I know you." tanging sagot niya at uminom ng alak mula sa table niya.

"Diba ikaw yung kasama ni alisa? ikaw yung kaibigan niya diba?" tanung ko sa kaniya ngumiti siya sa akin at muling uminom ng alak. This man is crazy! hindi 'yata matatapos ang event na ito ng hindi siya nalalasing.

"You got it right. Ikaw yung amo niya diba?" tanung niya naman sa akin. May tama na ba siya ng alak? ba't parang lasing na agad siya.

"Oo,she's doing great." totoo naman na maayos ang ipinapakita ni Alisa sa amin. At sa tingin ko ay malaki ang naging epekto ng pag-aaral niyang muli para mag pursigi sa buhay.

"I'm Jairus by the way ,and you are?" so he is Jairus? hindi ko kase naitanong ang pangalan nung nakaraan.

"I'm Sidney, Sidney Villaruel." pakilala ko at luminga sa paligid dahil baka hinahanap na ako ni kuya.

"So anong ginagawa mo dito?" tanung niya.

Napataas ang kilay ko sa tinanong niya "Ako dapat ang nagtatanung niyan sayo." mataray kong sagot

"Oh c'mon,this is a charity event kahit sino ay pwedeng dumalo dito." sarkastiko niyang sabat.

"Same to your answer mister." napangiwi siya sa sinabi ko at muling tumungga ng alak.

Napatingin kami sa maliit na stage ng may nagsalita doon. Siya siguro ang founder ng event na ito,napansin ko naman si Kuya Blaise at Blair na nasa gilid ng stage.Maya maya pa ay tinawag si Kuya upang magsalita sa unahan.

"So your kuya is one of those founder who has a big contribute to this event,isn't he?" napatingin ako kay jairus ng magsalita siya

Wait? How did he know my brother?

Bakit pa nga pala ako magtataka? Halos lahat siguro ng mga nasa business industry ay kilala siya. Hindi malayo na kilala nga siya ni Jairus.

"Ngayon ko lang nalaman, I mean hindi niya na ikwento sa akin na isa pala siya sa mga may malaking ambag dito sa event." paliwanag ko.

"I see. By the way I need to go. May kailangan pa akong puntahan." pagpapaalam ni jairus,he already turn his back on me ng tawagin ko siya.

"Wait! Wala ka man lang ipapasabi kay Alisa?" tanung ko sa kaniya.

He smiled at me"Just tell to her na magiingat siya palagi." akma na siyang tatalikod ng biglang tumingin ulit sa akin "and thankyou for always taking care of her. Salamat sa mga naitulong mo sa kaniya." he smiled again then walk away.

Wait.

Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Nginitian niya lang naman ako!

"Who's that?" napatingin ako kay kuya na nasa likod ko na pala.

"H-He's a friend of mine." pagsisinungaling ko.

"Napansin ko nga na matagal din kayong nag usap. Can i know his name?" muling tanung ni kuya.

What I'm going to do now!?

"I think that thing is private " he chuckled

"Kailangan na nating umuwi,just go first to our car susunod ako." tumango lang ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad papunta sa kotse.

Bakit ang aga naman 'ata? Nagpunta lang ba siya dito para magsalita sa unahan?

Tss! Whatever.

Muli kong naalala si Jairus,gusto ko sanang itanong kay Kuya kung kilala niya ba ito pero baka naman kapag sinabi ko ito sa kaniya ay mag-isip siya ng kung ano ano.

Gabi na din ng makauwi kami at nakapag-pahinga.

May pasok pa nga pala bukas! kailangan ko ng matulog!!

to be continued....

[Revised and Edited]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top