Chapter 1
SIDNEY'S POV
Panibagong katulong na naman ang umalis o di kaya ay sabihin na nating lumayas sa mansyon namin.
Sa katunayan ‘pang labing anim na itong katulong na umalis sa loob lang ng isang buwan. At iisa lang ang dahilan nila,ang mga halimaw na nakatira dito sa loob.
Well, that's not me.
Kundi ang kapatid kong ugaling halimaw at demonyo. Sorry for the term,but i think that word fits to him.
"I'm sorry,ako na humihingi ng tawad sa mga ginawa nila sayo." nahihiya kong paghingi ng tawad sa katulong na basang-basa at puro food coloring ang mukha at katawan.
I feel pitty to her.
Gosh!
Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isip ng kapatid ko. Kapag talaga nalaman ni Grand Primo lahat ng kalokohan na ginagawa ni Jade may kalalagyan sya. I'm sure Grand Primo will punish him.
"O-okay lang po ma'am sidney , hayaan niyo po ako nalang hahanap ng bago niyong katulong na papalit sa akin." nauutal at kinakabahan niyang sagot.
Nag-nod lang ako sa kanya at sinenyasan ang ibang katulong na alalayan siya upang makapagbihis at umalis.
Nakakastress, kakabalik ko lang kanina galing sa isang business meeting tapos ito agad ang madadatnan ko. Huwag lang talagang magpapakita ang lalaking iyon kundi malilintikan siya sa akin.
At buti nalang talaga ay wala si kuya Blaise, dahil kung nandito siya at nalaman niya yung ginawa ni Jade sa maid namin ay isang matinding digmaan na naman ang mangyayari dito sa mansyon.
Dali-dali akong umakyat sa kwarto ng halimaw na yun,di na ako kumatok at agad na pinihit ang door knob
"WHAT THE HELL!?" malakas niyang sigaw sa akin. Agad ko siyang kinutusan at napa daing naman siya sa lakas at sakit.
Bagay lang sa kaniya yan.
"Watch your mouth monster! ano na naman bang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yon kay manang!?" inis kong singhal sa kanya
Inirapan niya ako at tinutok ang sarili sa computer na kaharap niyan
I can't believe this man! Napaka walang kwenta talaga nitong si Jade!
Kapag nalaman ito ni kuya , he will blame me again kahit si jade ang may kasalanan.
Kase I'm older than Jade daw.
Our age gap is just 2 years but arghhh!! I Can't take it anymore. Im just 19 pero para na akong may anak dahil kay jade na napaka isip bata.
"Don't you ever say or tell this to kuya blaise for sure he will be mad at you " he chuckled " and that maid,she's nice, I just don't like her." sagot niya sa akin at hindi parin ako tinatapunan ng tingin.
Napairap ako at nakapameywang na tumingin sa kaniya.
"This will be your last Jade Cyril! im so done with you!" banta ko sa kaniya at mabilis lumabas ng mala-impyerno niyang kwarto.
Napahawak nalang ako sa sintido ko at pumikit.Lagot na naman ako kay kuya kapag nalaman niya ‘to.
ALISA'S POV
Pinagtitinginan ngayon si aling lolit na iyak ng iyak habang nag kwe-kwento.
Sabi niya lumayas na daw siya sa bahay ng amo niya dahil sa mga ugali ng mga ito. Kawawa naman siya , nawalan siya ng trabaho edi ngayon namomorblema siya sa kakainin nila dito sa probinsya.
"Kawawa naman si aling lolit" komento ni Art,nakababata kong kapatid.
Ginulo ko ang buhok niya at inaya na umuwi na sa bahay. Nadatnan namin si Nanay na nagsasaing sa aming maliit na kalan.
Bata palang ay ulila na kaming tatlo ng mga kapatid ko. Dating kasambahay si nanay pero dahil sa sakit niya sa puso napilitan siyang huminto sa pagtratrabaho.
Kasalukuyan akong mag-grade 10 sa susunod na pasukan (4rthyear highschool) at scholar.Hindi ko masasabing matalino ako pero hindi ako nagkakaproblema sa mga grades ko.Hindi din ako maluhong tao,wala nga akong cellphone. Hindi ko na hinangad na magkameron nun dahil sa hirap ng buhay.
Kasalukuyan din akong working student. Kung saan-saan ako nagtrarabaho para lang matulungan sina nanay. At sa kabutihang palad naman ay nababawasan ko ang mga gastusin ni nanay dito sa bahay.
"Oh andiyan na pala kayo." agad na lumapit sa kanya si art at agad nitong niyakap.
"Nay, kailangan daw ng picture ng buong pamilya sa school. Assignment kase yun ni teacher." ani ni art , napatingin naman sa akin si nanay.
Agad kong hinila palayo at binuhat si art,kita ko sa mga mata ni nanay ang sakit.Namatay si Tatay nung Grade Six ako,dipa buhay si Art at tanging kami lang ni Ate Alyana ang anak nina nanay. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari sa kanya pero sabi ni nanay,naaksidente daw ito habang papauwi.
"Ah, kase ano art. wala kase tayong picture kasama si tatay,okay lang ba kung idrawing ko nalang sa notebook mo mamaya?" tumango lang siya at bumaba upang magbihis.
"Wala pa ba si ate?" tanong ko kay nanay na busy sa pagsasaing
"Wala pa,kagabi pa yun di umuuwi." tugon nito
Hays,minabuti kong umupo sa may salas upang makapag pahinga. Ngunit bigla nalang bumukas ang pinto kasabay nito ang malakas na pagkalabog.
andito na si ate.
"A-ate alyana" bati ko sa kanya. hindi niya ako tinapunan ng tingin bagkus dumaretso siya sa kwarto. Napatingin naman ako kay nanay na nakatingin din pala sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya.
Bata palang kami ay hindi na kami magkasundo ni ate. Hindi ko alam kung bakit pero napaka tindi ng inis niya sa akin. Isang beses nga ay napagbuhatan niya ako ng kamay ng masira ko ang laruan niya.
Napabuntong hininga nalang ako inisip na magiging ayos din kaming magkapatid. May trabaho nga pala si ate,isa siyang kahera sa isang tindahan sa palengke. Malaki din ang naitutulong niya dito pero kalahati ng kita niya ay sa mga luho niya nadadala.
"Hinanahanap nga pala kayo ni aling Lolit nay!" sigaw ni ate mula sa kwarto.
napatingin naman ako kay nanay
"Ako na po ang bahala dito nay , umuna na po kayo." tugon ko at mabilis naman siyang lumabas upang harapin si aling lolit
Ano kayang pag uusapan nila?
Hinango ko ang sinaing at nilagay ito sa lamesa. Hindi ko namalayan na nasa salas pala si ate , tahimik lang niyang kinakalikot ang kaniyang telepono.
"Imbis na mag-aral ka , bakit hindi ka nalang magtrabaho. Para naman magkasilbi ka." napatingin ako kay ate ng magsalita siya
"Malapit na akong matapos sa pag-aaral ate , hindi na ako magkokolehiyo at matutulungan ko na din--"
"Hanggang kailan? hanggang mabaon si nanay sa utang?!" inis niyang putol sa pagsasalita ko
"Ate,nagtratrabaho naman ako at yung sweldo ko? yun ang kinukuhanan ko ng projects at baon" dipensa ko at napairap siya sabay lapit sa akin
"Wag mong ipamukha sa akin yang trabaho mo at yang pag-aaral mo alisa! dahil kahit pagbalibaliktarin ang mundo ,ako pa din ang nagtratrabaho at bumubuhay sa inyo!" galit niyang sigaw at muling lumabas ng bahay.
Napa-upo nalang ako sa may sulok at inisip ang mga sinabi ni ate. Pabigat lang ba ako?Naaawa din naman ako kay nanay, pero hindi ako susuko, magtatapos ako para naman may maipagmalaki ako sa kaniya at makatulong ako kay nanay.
"Nag-away na naman ba kayo ni Alyana?"
napatingin ako kay nanay na bagong dating ,kasama pala niya si art.
"Nako tiyak na inaway na naman siya ni ate alyana na bruha!" singhal ni art.
"Hindi po nay , hindi lang po kami nag kaunawaan. okay na po kame." sabay ngiti sa kanila
"Talaga ba?" si art
agad kong ginulo ang buhok niya
"Oo nga,kulit mo." inirapan niya nalang ako at pumasok sa kwarto.
"Ano nga palang pinag usapan niyo ni aling lolit?" baling kong tanung kay nanay.
Umupo siya sa maliit na sofa, kaya umupo ako sa tabi niya.
"Inalok niya akong pumunta sa maynila,kailangan daw kase ng bagong katulong ng amo niya." sagot niya sa akin
napakunot ang noo ko sa sinabi niya , matanda na si nanay at may sakit siya. Hindi na niya kaya ang mabibigat na gawain. Isa pa, hindi kinaya ni Aling Lolit na manatili doon dahil sa sama ng ugali ng amo niya, natatakot ako na baka danasin din iyon ni Nanay.
"At pumayag ka nay!?" napatingin kami kay ate alyana na nasa pinto
"Wala nang ibang paraan para makaahon tayo sa hirap mga anak, kaya kahit may sakit ako magtratrabaho ako."
"Hindi nay! bakit hindi nalang si alisa? tutal pabigat lang naman siya!" sigaw ni ate.
Nasaktan ako sa sinabi niya,hindi nalang ako umimik
"Alyana! alam mong nag aaral siya !" suway ni nanay kay ate
"Hindi yun magandang rason para di siya magtrabaho!" sagot naman ni ate.
"Hayaan niyo na nay,ako nalang po ang magtratrabaho." tipid akong ngumiti kay nanay at hinawakan ang kamay niya.Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at pag kalungkot.
"Dapat lang! nang magkasilbi ka naman dito!" singhal ni ate at pumasok sa kwarto.
"Pero anak? paano ang pag-aaral mo? maapektuhan ka nito." malungkot na saad ni nanay
"Ayos lang po,kaya ko naman pong maging kasambahay at marami pang pagkakataon para makapasok ulit ako.Sa ngayon mahalaga na makapag trabaho para sa gamot niyo,kay art at sa atin."
Ngumiti lang siya ng pilit at niyakap ako.Ngayon ko papatunayan kay ate na hindi ako pabigat .
SIDNEY'S POV
"Really Manang? Thank you. I will meet her tommorow!" ibinaba ko na ang telepono at nagpatuloy sa pagkain.
"Sino yun?" tanung sa akin ng magaling kong kapatid
"None of your business " inirapan ko siya
Finally,may papalit na sa umalis naming maid. Sana naman ay tumagal siya dito at matiis ang ugali netong si Jade.I will make sure na wala ng kalokohang gagawin dito si Jade dahil starting today dito na ako titira.
Napangiti naman ako ng matamis pero agad nawala ng magsalita si Jade.
"You look so happy, siguro iniisip mo yung ex mong manloloko." komento ni jade, paepal talaga siya kahit kailan.
"Anong pinagsasabi mo diyan? tumahimik ka kung ayaw mong masapak" singhal ko at inirapan siya.
"I heard that your ex is getting married with her stunning and gorgeous girlfriend, hindi ka ba pupunta?" He is pertaining to Mikael, inaasar na naman ako ng hudas na ito.
"Well,i don't care monster! Why don't you leave this house?" inis kong tanong sa kanya
Tumayo naman siya at ngumiti sa akin ng nakakaloko.
"Grand Primo want to see your boyfriend. Pero mukhang wala ka namang ipapakita sa kaniya, you better find another one." kasabay nito ang malakas na pagtawa ng demonyo.
napairap nalang ako sa sinabi niya
I know, because the last time i said to Grand Primo that i already dating someone— Mikael , he was so happy and excited to see him Pero nakakalungkot, hiniwalayan ko na yung manlolokong iyon.
That pervert crazy mikael !!
To be continued...
Please Vote and Comment! Follow me for more updates!
[Revised and Edited]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top