55
Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!
ALISA'S POINT OF VIEW
Araw ng lunes at kinakailangan ko ng pumasok. Halos isang linggo din akong wala at panigurado ay madami akong nakaligtaan na lesson. Aish! Maghahabol na naman ako, alam kong mahihirapan ako pero iniisip ko nalang na matatapos din ito.
Mula kahapon ay hindi ko na muling nakausap ang hari. Hindi naman sa hinahanap ko siya ngunit mula kagabi ay hindi ko siya nakita sa loob ng mansyon.
Siguro mabuti na din yun? Mabuti nang hindi ko muna siya makita. Nagiging baliw din naman ako kapag andiyan siya! Yung parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok na ito. Hindi na maganda 'to baka mamaya may sakit na pala ako sa puso.
chos!
Maaga akong pumulas upang pumasok sa Kelton University. Ganito naman talaga ako dati, minsan nga lang ay kasabay ko ang hari. Pero siguro naman ngayon na wala na akong kontrata sa kaniya ay malaya na ako diba?
Hindi na ako pupunta sa tambayan nila para maglinis. Hindi na ako susunod sa sandamakmak niyang mga utos. Hindi narin ako parating lalapit o sasama sa kaniya. Tapos na ang paninilbihan ko sa hari ng mga halimaw.
Napabuntong hininga ako sa isiping mamimiss ko din naman lahat ng 'yon. Syempre, halos kalahati ng buhay ko dito sa Kelton University ay lagi akong kabuntot ng hari. Pero dapat maging masaya pa ako, ngayon makakagalaw na ako ng ayos at siguro naman ay mawawala na yung masasamang tingin sa akin ng mga kababaihan.
Malapit na ako sa university ng may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko. Hindi naman agad ako kumibo bagkus ay hinintay na bumaba ang sakay nito. Unti-unting nagbukas ang pinto ng sasakyan hanggang sa inuluwa nito si Alistair na ngiting-ngiti sa akin.
"Goodmorning." Bati niya sa akin samantalang ako ay hindi parin gumagalaw.
Ewan ko ba, para akong nakakita ng sobrang gwapong nilalang ngayong umaga.
Oo na! Pinupuri ko si alistair kase totoo naman!
"Aray!" reklamo ko ng bigla niya akong pitikin sa ulo.
"Are you out of your mind? Alam ko namang gwapo ako at lahat sila natitigilan kapag nakikita ng malapitan ang mukha ko." pagmamayabang niya kaya agad siyang binatukan.
"Puro ka kayabangan kahit kailan!" saad ko habang pinagmamasdan ang paghimas niya sa bandang ulo niya.
"I'm just kidding-matagal-tagali din nung huli kitang naasar." aniya habang inaayos ang sarili.
Sabagay, namiss ko rin naman siya. Nakalimutan ko na nga yung mga nangyari bago kami pumunta sa batangas. Ang tanda ko lang ay bigla niya nalang akong niyapos sa may garden ng university.
"Maaga ka 'yata ngayon?" puna ko sa kaniya dahil kalimitan ay tanghali na siyang pumapasok.
"Sinadya ko talaga dahil gusto talaga kitang makausap." sinsero niyang sagot habang nakatingin sa akin.
Gusto niya daw akong makausap? Para saan naman?
"A-ako? B-bakit naman?" nauutal kong tanong ngunit ginulo niya lang ang buhok ko.
"Malalaman mo din mamaya-anyways, nakapagbreakfast ka na ba? Yayayain sana kita diyan malapit na cafe shop. Libre ko." nakangiti niyang anyaya.
Gutom narin ako! Hindi nga pala ako nag-almusal. Tsaka maaga pa naman at wala pa akong gagawin sa loob kaya tumango ako sa kaniya at sinundan siya sa paglalakad.
Nung mga nakaraang araw din ay napapansin ko ang pag-iiba nitong si alistair. Lagi na siyang tumatawa at hindi na nakasimangot. Halos parehas lang sila ng kinikilos ng hari...
Ano kayang nakain nila at parehas silang bumait sa akin?
Agad kaming nakarating sa Cafe Shop, hindi ito kalayuan sa University halos katapatan lang ito nito. May-kakaunting mga estudanyenteng kumakain dito at ang ilan sa kanila ay binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin.
Ano pa nga bang aasahan? Basta kasama mo ang ilan sa mga kaibigan ni jade ay hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. Medyo sanay na nga din ako eh, swerte pa sila at tinatamad akong gantihan sila.
Nang makaupo kami ay agad namang lumapit sa amin ang waiter para itanong kung anong order namin. Hinayaan ko lang siya kung anong order namin, tutal libre naman niya eh. HIHIHI
Basta libre! Gora lang!
"It's been one week, many students , especially elytra wondering kung bakit parehas kayong wala. Iniisip ng iba na baka magkasama kayo, ano ba talagang ginawa niyo sa Batangas?" panimulang pagkwekwento ni alistair.
Alam din ni elytra? Hindi na ako magtataka mamaya kung bigla niya nalang ako sugurin. Pero anong mapapala niya sa akin? Sinasayang niya lang ang oras niya.
.
"Sinamahan lang ako ni jade at utos yun ng lolo niya." hindi ko ikwinento sa kaniya ang buong nangyari. Ayoko munang magsabi sa mga nalaman ko, gusto ko munang lumayo sa kalungkutan.
"Are you aware?" biglang tanung niya na ikinakunot ng noo ko.
"Aware saan?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti siya bigla pero may kakaiba dun.
"na gusto kita." mahina ngunit parang nabingi ako sa mga sinabi niya.
"gusto kita"
"gusto kita"
"gusto kita"
"gusto kita"
Nagpaulit-ulit yun sa tenga ko at halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"N-nagbibiro ka ba?" naiilang kong tanong at halos hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya.
"I'm not. Totoo ang sinabi ko na gusto kita-matagal na."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, konti nalang ay sasabog na ito sa sobrang kaba.
Sinong hindi mabibigla sa sinabi niya?
Ang isang Alistair Kelton, magkakagusto sa akin? Imposible diba?
" I secretly like you-wala lang akong chance na sabihin sayo kapag kaharap ko si jade. But trust me, I really like you Alisa." sinsero niyang saad.
Ramdam ko ang hirap at sakit sa bawat salitang binibitawan niya at sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi?
"But i know i don't have any chance. You like Jade right?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bigla din akong nataranta na parang baliw. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"A-alistair--kase an--"
"I knew it. May gusto ka nga sa kaniya." mapakla siyang ngumiti sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"Bakit ako pa? Madami namang iba." pinilit kong hindi maging utal sa pagsasalita.
Ngumiti lang siya at biglang hinawakan ang isang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at tuluyang bumuhay sa diwa ko.
"Hindi ko din alam kung bakit ikaw? I never choose you anyway-my heart did." pinilit niyang ngumiti parang ipakita na okay lang siya.
Hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay niya, doon ay bahagya akong ngumiti ng matamis sa kaniya. Hindi siya kailangang masaktan ng ganito, hindi ako yung taong bibigyan siya ng sakit.
"S-salamat alistair. Salamat kase naging mabait ka sa akin, naging mabuti kang kaibigan para sa akin pero hindi mo ako deserve. Hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo, mahal kita alistair, pero hanggang kaibigan lang."
Bahagya niyang hinaplos ang kamay gamit ang malambot niyang kamay. Tumingin din siya sa akin at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
"Hindi mo kailangang magsorry. Wala kang kasalanan, at isa pa okay lang naman ako sa kung anong meron tayo ngayon. I will always be your friend."
Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko na agad namang ikinabahala na alistair.
"Hey! why are you crying?" aniya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Umiling ako kase hindi ko din alam. Hindi ko alam kung bakit ako ang nasasaktan para sa kaniya. Hindi ko naisip na dadating sa puntong magugustuhan niya ako.
Inalayo ko ang kamay ko sa kaniya at muling pinunasan ang luha sa aking mukha.
"Ikaw kase! Napakadrama mo!" pang-aasar ko kaya bahagya siyang napatawa.
Sabay pa kaming tumawa at napatigil ng dumating na ang order namin. Huminga muna ako ng malalim at sabay kaming kumain.
Habang kumakain ay hindi ko parin maiwasang mag-isip. Iniisip ko lang naman kung bakit siya nagkagusto sa akin. Anong nakita niya sa akin at sa ugali ko?
Pero syempre, hindi ko pa din maiwasang maging guilty. Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero wala naman akong magagawa.
Ayoko namang pilitin ang sarili ko na gustuhin ko din siya, hindi maganda yun. Tanging pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya, hanggang dun nalang yun.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina." aniya habang kumakain.
"Wala na akong matandaan sa tanong mo." inosente kong sagot.
"Do you like jade?"
O_O
"H-hindi ko alam Hindi ako sigurado." sagot ko.
"Paanong hindi? pwede ba 'yon?" natatawa niyang saad.
Hindi ko kase masabi ng deretsahan kase naiilang ako. Syempre, sinabi niya sa akin na may gusto siya sa akin tapos ngayon sasabihin ko na may gusto ako sa iba?
Ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya ng dahil sa akin.
"If you're worrying about my feelings, it's okay. Ayos na sa akin na magkaibigan tayo, now i'm asking you again- do you like jade?" seryoso niyang sabi habang ako ay hindi parin makapagsalita.
Gusto ko ba talaga siya? Gusto ko ba talaga ang Hari ng mga Halimaw?
"Ayos lang kung hindi mo sabihin hindi naman kita pinipilit eh." nakangiti niyang sabi.
Ewan ko ba! Para sa akin pinipilit lang talaga ni Alistair na maging masaya kahit sa totoo lang ay hindi naman talaga siya masaya. Lalo tuloy akong nag-iisip ng kung ano-ano
Hindi na ako muling umimik hanggang sa matapos kaming kumain. Napagpasyahan namin na pumasok na sa university dahil malapit narin mag-time.
Hindi mawala-wala ang tinginan nila sa aming dalawa ni alistair. Ano pa nga bang bago? akala ko pa naman sa pagkwala ko ng isang linggo ay makakalimutan na nila ako, yun pala hindi!
Malapit na kami sa room ng mapatigil kaming dahil sa isang lalaking masamang nakatingin sa amin.
Lunok*
Lunok*
Lunok ulit*
"You're dead alistair! your fvcking dead!"
patay na... sinusumpong na naman ang hari!
to be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top