54
Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!
BLAISE POINT OF VIEW
Nandito ako ngayon sa sarili kong opesina sa bangko. Tinatapos ko ang ilan sa mga paperworks at mga documents na kailangan nina mommy bago sila bumalik ng Paris. Our company is already fine, but the investigation are not yet done. Sinisiguro namin na mapapagbayad ang gumawa nito at hindi na mauulit pa ang ganitong klaseng insidente.
Babalik na sila sa paris bukas ng hapon, napilitan lang sila umuwi dahil nga sa nangyari. Hindi ko alam magpapaiwan si Grand Primo para bantayan kami. Wala kase siyang tiwala lalo na kay jade. Except kung nandito si sidney na kaaalis lang din kahapon.
I have my own office here. Sabi kase ni mommy at daddy dapat sanayin ko na ang sarili ko sa ganitong bagay at lugar. Balang araw daw ay ako ang papalit sa kanila bilang tagapamahala ng bangko. I know its a big responsibility kaya ngayon pa lang ay todo trabaho na ako na sinasamahan ko ng sipag at tiyaga.
Inunat ko ang aking katawan matapos pirmahan at basahin ang lahat ng papel sa aking lamesa. Nakapatas narin ito ng ayos para madaling makuha ng sekretarya nina mommy. Bahagya akong gumalaw sa Swivel Chair ko hanggang sa bigla nalang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Blair na hingal na hingal sa pagtakbo.
"What's happening?" nagtataka kong tanong sa halos mawalan ng hiningang si blair.
"Y-your brother." hingal niyang sambit habang hawak hawak ang dibdib. Tsss sa tingin ba niya ay makakapagsalita siya at maiintindihan ko siya ng ganyan ang itsura niya?
"What about my brother?" huminga muna na siya ng malalim bago magsalita.
"He's here. He's looking for you---sabi ko naman ay busy ka pera napakakulit niya. Para siyang lasing na walang pakialam sa nakakakita sa kaniya." saad niya na agad ko namang ipinagtaka. Ano naman kayang kailangan niya sa akin?
"Let him in." utos ko kay blair pero agad sumeryoso ang mukha nito. Tinaasan ko pa siya ng kilay bago siya lumabas ng office ko. Tss susunod din naman pala.
Habang hinihintay ang pagdating ni jade ay kumuha muna ako ng isang wine sa fridge. Kumuha din ako ng dalawang wine glass para sa pag-uusapan namin. I'm about to put some wine on my glass ng bigla nalang magbukas ng malakas ang pinto.
"What the hell!?" iritado kong tanong sa galit na galit na si jade. May kakaiba sa mata niya, puno ito ng galit na mas lalo kong ikinabahala.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay dare-daretso akong kinuwelyuhan. I can smell the scent of alcohol on him, tama si blair mukhang lasing nga siya.
"Stay away from me, crazy!" i said with authority pero isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan niya.
"Why would i do that? Bakit pa ako susunod sayo kuya!?" ngayon niya lang ako pinagtaasan ng boses kaya medyo nabigla ako dun.
"I said let go of me! Ano na naman bang problema mo?!" hindi ko na napigilan at agad siyang tinulak palayo sa akin. Natumba naman siya at napaupo sa couch at galit na tumingin sa akin.
"All this time kuya! Buong akala ko ay napakalinis mong tao! You almost praise by everybody, kahit sina mommy ay halos sambahin ka na sa tuwa nila sayo. But they doesn't know what really you are."
I'm clueless. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nadadala lang siya dahil lasing siya?
"What are you trying to say?" Kalmado ngunit naguguluhan kong tanong. Tumayo naman siya at isang ngisi ang ipinakita sa akin.
I have a bad feeling about this.
"Stop playing like an angel. Wag kang umastang mabait kang tao. Hindi bagay sayo." aniya
Naaasar na ako sa kaniya, hindi na ako natutuwa sa mga inaasta niya. Agad ko siyang kinuwelyuhan at isinandal sa pader.
"I'm so done with you jade! Ano bang problema mo!?" inis kong tanong sa kaniya.
"Bakit? Papatayin mo din ako? Are you going to shoot me like on how you shoot janver's father?" nabitawan ko siya sa mga sinabi niya. Nakakaloko naman siyang tumingin sa akin na animo'y nagwagi sa away naming dalawa.
He knows it. He fvcking know my secret!
"H-how did you know?" balot parin ng kaba ang buo kong katawan. Nagsisimula na din akong matakot sa isiping alam na niya ang kasalanan ko noon.
"How can you do that? Paano nakaya na konsenya mo na pumatay ng isang tao ha!?" inis niyang tanong ngunit napaatras lang ako. I hate this feeling, naguguilty na naman ako.
"I-i-i never intended to kill him." nauutal kong sagot.
"BUT YOU KILLED HIM KUYA! "
Doon na ako napaupo at napahawak sa ulo ko. Ayoko ng maalala lahat, natatakot na ako. Feeling ko nasa dilim na naman ako, walang kasama at pinagsisihan ang mg nagawa ko.
"H-h-hindi ko siya pinatay. I was an accident." mahinang bulong ko at hindi ko namalayan ang sariling umiiyak na.
Ramdam ko ang paglapit sa akin ni jade ngunit hindi ko siya nagawang lingunin. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
"W-why are you crying?" nag-aaala niyang tanong ngunit umiling lang ako at hindi siya hinarap.
"You can tell me the whole story kuya-- i'll listen." Doon na ako unti-unting humarap sa kaniya at baka sa mukha niya ang pag-aaalala. Pinunasan ko ang mga luha ko at inaayos ang pwesto.
"It's all started with a fight."
[Flashback]
"Ihanda niyo na ang mga armas niyo." utos ko sa kanila bago kami umalis sa hide out namin.
Mapapalaban kase kami ngayon sa grupong JDF ASSASSINS. Ayon sa impormasyon na nakalap namin ay armado sila at bihasa sa paggamit ng baril. Ngunit, hindi sila ganung kalakas kumpara sa mga dati na naming nakalaban.
"Sana naman pagkatapos nito ay wala nang susunod pa. Gusto ko na ng maayos na buhay." ani ni Frial habang inihahanda ang sarili.
"Ikaw? Gugustuhin ang maayos na buhay? Malabo, mas gusto mo pa ngang makipagbakbakan kaysa mag-aral." pang-aasar sa kaniya ni Blair na agad namang nakatikim ng batok kay frial.
"Puro kayo kalokohan, ipangako niyo nalang sa mga sarili niyo na hindi kayo magpapapatay mamaya." singit naman ni George sa usapan nila.
"Baka ikaw diyan mamatay!" halos sabay na sabi ng dalawa kaya napatawa nalang si George.
Ilan lang sila sa mga makakasama namin sa laban mamaya. Alas-10 ang nakatakdang oras ng aming paghaharap sa lumang pabrika malapit sa may Bataan. Sila ang pumili ng lugar, pinabayaan na namin sila dahil sa huli ay mapapabagsak din naman namin sila.
"Sisiw lang naman 'yang JDF. Masyado pa silang mahina at sadyang matapang lang ang Leader nila." saad naman ni ethan habang kinakasa ang hawak niyang baril.
"Hindi dapat tayo magpakampante, madumi raw makipaglaban ang mga 'yan. Baka mamaya ay hinihintay nalang pala nila tayo na kumagat sa patibong nila." si blair.
"That's why we should be aware all the time. I don't see any problem about the route. Maraming bahayan na madaraanan, imposibleng tambangan nila tayo diyan." sabi ko naman sa kanila.
Ilang oras pa kaming naghanda hanggang sa nagtungo na kami sa lumang pabrika. Kagaya ng inaasahan ay walang naging problema sa daan, hindi din ito gaanong kalayuan at agad namin itong narating.
Nadatnan namin ang grupo nina janver, ang gang leader ng JDF sa kabilang Dako. Mukhang handang-handa na din sila na labanan kami. Ang ilan sa kanila ay may hawak na mga batuta at baril.
"Dumating nga kayo, buong akala ko ay naduwag na kayo at umatras." mayabang na bati sa amin ni janver.
"Hindi ba pwedeng pinagisipan lang namin kung lalabanan pa namin kayo? Kase mukha kayong mahina baka hindi niyo kayanin ang pwersa namin." pang-aasar ni blair sa kanila.
"Wag kang masyadong mayabang bata. Hindi mo pa kami kilala." bwelta sa kaniya ni janver.
"Stop that nonsense. Tapusin na natin 'to para magkaalaman tayo kung sino ba talaga ang tunay na magaling." sabat ko
Kating-kati na ako mapabagsak sila, lalong-lalo na ang mayabang nilang leader. Isa pa, baka hanapin na ako sa bahay. Tiyak malilintikan ako kina mommy kapag nalaman nila 'to.
"Masyado na kayong namamayagpag, panahon na para pabagsakin kayo." ani ni janver habang nakangisi. Handa na kaming sumugod ng isang sirena mula sa police mobile ang nagpatigil sa amin.
Mabilis itong humarang sa tapat namin at bumaba dun ang isang pulis at dalawa pa nitong kasamahan.
"Ibaba niyo ang mga armas niyo at itaas ang mga kamay!" utos ng mga ito sa amin. Kita ko kung paano itinago nina janver ang armas nila at mala-demonyong tumingin sa akin.
Tama si blair! Masyado silang maruming lumaro.
"Sino kayo? Bakit kayo naririto sa dis-oras ng gabi.?" tanung ng pulis sa amin.
"Hindi niyo ba tatanungin kung sino din sila?" balik tanong ko sa pulis na kumunot naman ang noo.
I can smell something here. Sa tingin ko ay planado lahat ng 'to. At ang mga pulis na ito ay kasabwat nina janver.
"We're supposed to have some fight to Janver's Group." kaswal kong sagot naikinabigla niya.
"Wag mo akong idamay diyan. Wala akong alam sa mga sinasabi mo." biglang sabat ni janver.
"It seems na hindi pala kayang lumaban ni janver ng patas kaya nagpadala siya ng pulis ngayon." ani naman ni frial.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Pinagloloko niyo ba ako? Sila ang nagturo sa amin na may drug transaction ngayon dito." ani ng pulis sa amin.
I knew it. Set-up lang lahat ng ito, napatingin ako kay janver na ngayo'y ngiting-ngiti. I will never be called the dangerous demon for nothing kaya sinuklian ko siya ng isang nakakalokong ngisi. Hindi ako magpapatalo sa larong inumpisahan niya.
"You're wrong mister. Mukhang hindi kami ang nagloloko sa inyo, baka sila." turo ni George sa grupo nina janver na ngayo'y kinakabahan na.
"Tunay ba anak? Tunay ba na may laban kayo ngayon?"
Anak niya si janver?
"H-hindi papa." nauutal na sambit ni janver ngunit mukhang hindi kumbinsido ang ama niya.
Agad nilang nilapitan ang pwesto nina janver. Sinaliksik nila ang pwesto nila at nadampot ang mga baril at batuta na inihagis nila kanina.
Janver is smart. He used his father power para maisuplong kami sa pulis. Sa ganun nga namang bagay ay mananalo sila laban sa amin. But i won't make it happen, hindi kami sa ganitong paraan matatalo.
Dinig namin ang pagtatalo ng mag-ama. Mukhang hindi alam ng papa niya na kasali si janver sa ganitong klaseng gulo at kasali sa isang grupo ng masasamang tao.
Yes, if kasali ka sa isang gang. You're considered as a bad person, at tinatanggap ko 'yun.
Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang sa parehas na silang kumalma. Lumapit sa amin ang tatay niya at si janver para humingi ng paumanhin, nakakagulat ang ginawa niya dahil siya na mismo ang humingi ng tawad para sa kaniyang anak.
Inayos na namin ang gulong nagawa namin ngayong gabi. Nangako din kami na hindi na muling gagawa pa ng kahit na anong gulo.
I thought okay na ang lahat, ready na kaming umalis ng muling humarap sa akin si Janver at tinutok sa akin mismo ang hawak niyang baril.
"Hindi ko hahayaan na manalo kayo sa laban natin!" sabi niya bago iputok ang baril sa akin.
Akala ko katapusan ko na, pero agad na hinarang ni george ang katawan niya para masalo ang bala na para sa akin. Agad siyang humandusay at hindi ko na napigilang gantihan sina janver.
Nagpalitan kami ng putok hanggang sa bigla nalang bumagsak sa lupa ang tatay ni janver. Agad namang lumapit si Janver sa tatay niya, but it's too late.
Napatingin naman ako sa wala ng malay na si george na naliligo sa sarili niyang dugo.
Hindi ako makagalaw
Nanginginig ako sa takot
"Ikaw ang may kasalanan nito blaise! Ikaw ang bumaril sa papa ko!" malakas na sigaw ni janver at akmang babarilin niya naman ako pero agad akong iniiwas nina Blair para isakay sa kotse at madaling nakaalis sa pabrika.
Maituturing kong isa iyon sa mga masasamang bangungot ko sa buhay ko.
Ayoko na ulit mangyari yon.
[End of Flashback]
"I didn't shoot him. Walang nagpapatunay na bala ko ang tumama sa tatay niya."
to be continued......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top