44

Sorry for typos , wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!

JADE'S POINT OF VIEW

It was already 3:00 pm , sa wakas ay tumigil na din sa kakaiyak si alisa. Hinayaan ko munang matulog si alisa sa kaniyang silid. She's in too much pain, no wonder na mamaya ay iiyak na naman siya at hahanapin ang kaniyang nanay at mga kapatid.

I sighed..

Iginala ko ang tingin sa kanilang maliit na bahay. It was nice kahit na hindi ito ganung kalaki at kaganda.Kapag lalabas ka naman madadama mo ang preskong hangin na mula sa malalaking puno sa paligid at wala kaseng gaanong sasakyan dito kaya ganon nalang ka-fresh yung hangin. Overall , It was small yet so peaceful place i've ever been.

Umupo ako sa isang bangko sa labas ng bahay nila. Nasa lilim ito ng magabong puno na lalong nagpapalamig sa hangin. Tirik pa din ang araw even it's already afternoon. Pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad at lumalampas sa harapan ko. Yung iba ay binibigyan ko ng makahulugang tingin ang iba naman ay binibigyan ako ng matatamis na ngiti. Maya-maya ay may isang batang lalaki ang lumapit sa akin na waring sinisipat ang mukha ko.

"sino ka? ba't ka nandito sa bahay nina ate alisa?" tanung sa akin ng bata. I think he's just 5years old.

"I'm just a friend of your ate alisa." napataas naman ang kaniyang kilay kaya bahagya akong napangiti.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan." aniya habang kinakamot ang ulo.

"Kaibigan lang ako ng ate alisa mo." pag-uulit ko

"Nandiyan ba siya? gusto ko kase siyang kamustahin."

"Natutulog siya at sa tingin ko ay pagod siya sa biyahe." sagot ko

Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang pagmasdan ang paligid. Napaka-bata pa niya pero the way he act para siyang kaseng edad ko lang.

"What's your name?" tanung ko sa bata.

"Ako si Alfredo Marcelo Ramos Jr." napatawa naman ako at agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Anong nakakatawa?" inis niyang tanung

"Nothing. Ang cute pala ng pangalan mo , alfredo." natatawa kong saad

"Pero tawagin mo nalang akong Alfred , yun ang tawag sa akin ng mga dito." paliwanag niya.

"Okay, alfred."

"Ikaw? why is your name?" HAHAHAHA he's trying to ask what's my name but he uses why? HAHAHA too cute.

"I'm Jade Cyril Villaruel , Tawagin mo nalang akong Kuya Jade." sabay ngiti sa kaniya.

"Ang arte naman ng pangalan mo." puna nito habang kunot ang kaniyang noo.

Napaka-sungit naman ng batang ito. Lahat ba ng bata dito ay kasing sungit niya? Or sa akin lang siya masungit kase hindi niya pa ako kilala.

"Nasaan ang mga magulang mo? Ba't mag-isa ka lang?" usisa ko kay alfred na ngayon ay nilalaro ang hawak niyang laruan.

"Wala may trabaho sila , iniwan nila ako kay Ate Teri" sagot nito ng hindi ako tinatapunan ng tingin.

"I see."

"Ikaw? Ba't ka nandito? tsaka ba't pa english-english ka pa diyan?" pagsusungit nito sa akin.

"Hinatid ko lang siya dito." sagot ko pero tumango lang ito bilang sagot.

He's too busy playing with his toy ng may biglang lumapit sa aming babae.

"Nandito ka lang pala alfredo!" bulyaw nito kay alfred at bahagyang tumingin sa akin.

"Gusto ko kaseng kamustahin si ate alisa--kaya pumunta na ako dito." sagot naman ni Alfred.

"Naku! Pasensya na po kayo sa kapatid ko--kung naabala ka po nito sadyang kwela lang at makulit itong si Alfredo." paghingi nito ng paumanhin sa akin.

"It's okay--hindi naman makulit itong si Alfred." sabay ngiti ko sa babae.

"Ako nga po pala si Teri, maari ko po bang malaman kung bakit kayo naririto sa bahay nina Alisa?" magalang niyang saad

"I'm Jade. Hinatid ko lang siya dito pauwi." sagot ko.

"Nasa loob po ba siya?" muling tanong nito

"Tulog si Ate Alisa" sagot ni alfred.

"Mukhang pagod siya sa biyahe kaya nakatulog siya. It's better kung babalikan niyo nalang siya mamaya." dugtong ko.

"Kung ganun , sige po. Halika na Alfredo maligo ka muna't amoy pawis ka na." pag-anyaya nito kay alfred na agad namang tumayo sa pagkaka-upo.Kumaway pa ito sa akin bago sumama sa kaniyang Ate.

Ilang minuto pa akong umupo sa harap ng bahay nina alisa ng mapag-pasyahan na bumili ng makakain namin ni alisa sa oras na gumising siya.

ALISA'S POINT OF VIEW

Nang magising ako ay ang bigat parin ng pakiramdam ko. Alas kwatro na at nadadama ko na ang lamig na dumadampi sa balat ko. Ganito kase sa probinsiya , kapag sumasapit ang hapon ay nagsisimula na ding lumamig ang hangin.

Tumayo ako mula sa kama at dumaretso sa salas. Wala si Jade , sinubukan ko ding hanapin siya sa labas pero maging ang kotse niya ay wala din. Iniwan niya na ba ako? Umalis na ba siya ng hindi nagpapaalam sa akin? Nagsisimula na naman akong malungkot ng bigla nalang may bumusina mula sa labas ng bahay. Bumaba sa kotse ang hari na may dala-dalang mga supot ng pagkain.

"You're already awake. Bumili ako ng pagkain para makakain na tayo." bungad nito sa akin.

"Akala ko umalis ka na." saad ko habang inaalalayan siya sa mga pinamili niya.

"I'll never leave you." napatingin naman ako sa kaniya sa mga sinabi niya. Maging siya ay nagulat din sa lumabas sa mga bibig niya.

"K-kase i promise to grand primo. Baka mamura niya ako kapag iniwan kita mag-isa dito." mabilis niyang dugtong.

"Kaya ko naman ang sarili ko." sabi ko sabay upo sa isang upuan. Umupo din siya at inayos ang mga pinamili niya. Napakadami nito at parang hindi namin ito mauubos.

"Just eat all you can. Alam kong gutom ka kase maghapon ka nang umiyak at natulog." aniya habang inaabutan ako ng plato.

Teka nga lang!? ano bang nakain ng haring ito at bigla siyang bumait?

"Okay ka lang ba? Ba't parang bumait ka bigla?" pagbibiro ko pero inirapan niya lang ako.

Habang kumakain ay bigla nalang nag ring ang cellphone ng hari. Sinenyasan niya ako na lalabas lang siya upang sagutin ito. Siguro ay importanteng tao ang tumawag sa kaniya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga ng maiwan mag-isa. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay, at pilit ko paring iniisip na sana ay nagbibiro lang sina nanay. Na baka alam nilang uuwi ako kaya tinaguan nila ako.

Pero hindi--- iniwan na talaga nila ako. Umalis ako ng walang sakit si Art kaya imposibleng bigla nalang siyang nagkasakit sa puso.

Dapat ba'ng mangyari sa akin 'to? ang iwanan at saktan ng mga taong minahal ko? yung mga taong naging inspirasyon ko at naging dahilan kung ba't ako nakipagsapalaran sa maynila?

Dumagdag pa sa isipin ko yung sinasabi ni aling lolit, na alam ni jairus ang lahat ng ito. Pero bakit? Bakit pati si jairus ay nagawa akong paglihiman? Ilang beses akong nagtanong sa kaniya pero sabi niya okay lang daw sina nanay pero yung totoo , iniwan na pala nila ako.

"You're overthinking again." bumalik ako sa sarili ng biglang magsalita ang hari. Nakaupo na agad ito sa kaniyang upuan matapos makipag-usap sa kung sino sa kaniyang telepono.

"Sinong tumawag sayo?" usisa ko

"It was grand primo. He ask kung kailan daw tayo uuwi sa manila." aniya habang kumakain.

Uuwi? Parang ayoko pa. Parang gusto ko nalang na nandito ako. Baka kase bumalik sina nanay tapos hanapin nila ako.

"Ikaw nalang ang bumalik---magpapaiwan ako dito." pagkasabi ko nun ay agad siyang napatingin sa akin.

"Hindi papayag si grand primo kapag umuwi akong mag-isa at maiwan ka dito." mabilis niyang tutol

"Paano kapag bumalik sina nanay? Paano kung maisipan nila na balikan ako--"

"Iniwan ka na nila Alisa. At kung may balak pa silang balikan ka ba't hindi agad nila ginawa nung una pa lang?" putol nito sa akin

"Hindi mo kase ako naiintindihan jade! Hindi mo kase naiintindihan ang sitwasyon ko." nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko. Naiinis na naman ako! Bakit ba lagi nalang ganito?

"I understand you. Kaya nga hindi ako umaalis sa tabi mo kase alam kong nasasaktan ka ngayon."

"Kung naiintindihan mo talaga ako , hahayaan mo ako kahit ngayon lang" giit ko sa kaniya pero mukhang hindi siya sang-ayon.

"I will never leave you. Kung magpapaiwan ka dito , sasamahan kita. I'll never break my promises to grand primo. I'll stay here with you no matter what happen." matigas niyang saad na nagpatigil sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin yun. Kaya ko na ang sarili ko , kinaya ko nga pakisamahan ka diba?"

"Mas kakayanin mo kung kasama mo ako."

Potek! Ano bang nangyayari sa halimaw na'to. Ba't bigla nalang siyang kumulit? Hindi naman siya ganito dati.

Tsaka anong nangyayari sa akin? Bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko? Hindi naman ako ganito dati sa kaniya!

"From now on , you're not my slave anymore---- l-let's be friends." dugtong pa nito na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa hari ng mga halimaw? Anong nangyayari kay Jade Cyril Villaruel?

To be continued......

A/N:
I'll try to update 1 chapter a day. Hindi kase kakayanin ng powers ko if nag dalawa ako. HAHAHAHA Hirap mag-imagine. Pero kapag sinipag naman , I'll update 2-3 chapters a day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top