41

Sorry for wrong grammars , typos and wrong spellings. Aayusin ko nalang po!!

JADE'S POINT OF VIEW

Babalik na sana ako sa aking mahimbing na pagtulog ng muling may umistorbo sa akin. Biglang nag-ring ang telepono ko at nagflash sa screen ang pangalan ni kobe. Napairap nalang ako at agad na sinagot ang tawag. kagaya ng nakagawian , Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya.

[Where are you asshole??] asik ng isang baritonong boses sa kabilang linya. Hindi ito si kobe , pamilyar ito ngunit hindi ko matukoy kung sino nga ba ang kausap ko.

Dinig ko ang magulong paligid dahil sa ingay sa kinaroroonan nina kobe. I know where they are , nasa bar na naman sila ni yago.

[Hey!? Are you even listening to me?] muling asik ng lalaking masyadong mainitin ang ulo. Doon palang ay nasagot na ang katanungan kung sino ang lalaking kausap ko. It was kreo.

"What do you want? Agang-aga ay nasa bar ka na agad---and nasa na ba si kobe?" tanong ko habang nagsisimulang bumangon mula sa pagkakahiga. Napaka ingay sa lugar na kinaroroonan niya. Tsss this asshole is a mess.

[Paano mo nalaman na kasama ko si kobe?] i rolled my eyes at bahagyang umupo sa aking study table.

"Phone niya ang gamit mo idiot! are you already drunk!?" inis kong sagot sa kaniya dinig ko ang bahagya niyang pagtawa na ikinairap ko naman.

[The hell no! You know me , I'm kreo Imperial at walang makakatalo sa akin pagdating sa inuman.] pagmamalaki ng mokong

"Find my care. Ano bang kailangan mo?" pag-iiba ko sa usapan.

[How is it? Naikwento sa akin ni warren na may ibinigay daw siya sayong envelope noon sa tagaytay.]

Napatingin ako sa drawer na pinaglagyan ko ng envelope na tinutukoy niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin ito binubuksan. I'm just waiting for the right time , alam kong may pag-gagamitan ako nito sa tamang panahon.

"Hindi ko pa' to nabubuksan." sagot ko

[I see. Anyway--hindi ka ba pupunta dito? magkakasama kame but we're not complete.] aniya

"Sino-sino ba nandiyan?" usisa ko

[Ako , Kobe , Warren , Drei , Yago at Alistair."] sagot niya

"I'll check my schedule , marami akong kailangan tapusing school works and projects so---"

[Cut it! Alam kong hindi pupunta ang isang masipag at matalinong estudyanteng si Jade Cyril Villaruel.] sarkastiko niyang putol sa akin.

"Okay fine , dadaan ako diyan saglit." matapos yun ay agad kong pinatay ang tawag. Mabilis akong kumilos at nagbihis upang pumunta sa bar nina yago.

[YAGO'S BAR]

Entrance pa lang ng bar ay dinig ko na ang napakaingay na paligid. Pinaghalong ingay mula sa sound system ng bar at ingay mula sa mga lasing at high-high na tao sa loob.

Dumaretso ako sa VIP room na lagi naming tinatambayan upang magkwentuhan at mag-inuman. Nang nakarating ako ay bumungad sa akin sina Kreo , Warren , Drei at ang iba pa.

"What's up dude!" maligayang pagbati sa akin ni kreo. Inirapan ko siya at umupo sa tabi ni Kobe.

"Kreo said you won't join us. " ani ni warren at masamang nakatingin kay kreo.

"Kase alam naman talaga natin ugali nitong si jade , napaka pa-VIP di naman gwapo." inambaan ko ng suntok si kreo sa pang-aasar niya at agad naman itong umiwas.

"I'm almost done to my projects. Palibhasa kase kayong tatlo hindi kayo namomoblema kase hindi naman kayo pumapasok!" napangiwi naman silang tatlo at napakamot ng ulo.

"And that's our advantage." napatingin naman kaming lahat kay drei na busy sa kaniyang tablet.

"Anong advantage dun?" natatawang tanong ni kobe.

"Syempre , habang kayo busy sa mga schoolworks niyo kaming tatlo naman ay busy sa paghahanap ng impormasyon tungkol kina janver." mabilis niyang sagot

"Whatever." nasagot nalang ni kobe at lumagok ng alak.

"And speaking of that demon , alam na ba niya na lalabanan natin ulit sila?" tanong ni yago

Lahat sila ay napatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko. Inagaw ko ang noo'y iinuming alak ni kreo at mabilisan itong nilagok

"I will ask wilbert about it. Kinausap niya ang sekretarya ni janver para magset ng schedule para mapag-usapan yon." sagot ko

"May sekretarya pala ang bugok na yun." ani ni kreo

"He owned a company , ang kompanyang pinabagsak ng pamilya ko. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit biglang nagkaproblema ang bangko namin." seryosong sagot ko.

But i know hindi lang yun ang dahilan niya , It's either may kailangan siya sa akin or may kailangan siya sa kuya ko , kay blaise.

"It was planned. Balak niya din kaming pabagsakin pero hindi natuloy yun kase mabilis na naagapan ng mga stock holders and investors ang pang-gugulo nila." pagpapatuloy ko.

"Kung ayos na pala , ba't kailangan pa natin silang labanan?" inis kong tinignan si drei dahil mukhang hindi siya nag-iisip.

"Don't you think na maaaring gamitin ni janver ang sitwasyon na'to para ilabas ang mga kalokohan ni jade. Hindi lang siya pero pwede rin tayong madamay , bagay na alam nating ayaw nating mangyari at malaman ng mga pamilya natin." sagot sa kaniya ni kobe.

Mukha namang naintindihan na ni drei kaya muli niyang tinutok ang sarili sa tablet niya.

"Hindi dapat tayo magpapadalos-dalos. Hindi niyo ba naiisip na pwedeng isa itong trap sa atin? We should think more wisely than before. Malakas na ang pwersa nila at walang nakakaalam kung ano pa ang pwede nilang magawa." saad naman ni warren.

"That's why we need a full force. " sabat ni alistair .

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nagsimula ng magpaalam ang iba tulad ni kreo at drei na may kailangan daw kausaping tao para sa mga armas namin. Si Alistair at kobe na may kailangan daw tapusing gawain. Kami nalang tatlo nina yago at Warren ang natira sa loob ng VIP room namin.

"It seems na hindi mo pa talaga nababasa ang laman ng envelope na ibinigay ko sayo." napatingin ako kay warren ng bigla siyang nagsalita.

Ano ba kaseng laman nun? Bakit ba parang napakaimportante na mabasa ko ang laman ng envelope nayun.

"Ano bang nilalaman nun?" tanong ko

"Gusto ko ikaw mismo ang makabasa nun. It's not only about our group, it's better na basahin mo agad ito." Aniya at nagsimula ng tumayo upang umalis.

"Where are you going?" tanong ko ng makatayo ito.

"I need to take some rest." aniya at lumabas ng VIP room.

Napabuntong hininga nalang ako at nilagok ang huling basong alak sa harap ko. Hinilot ko ang aking sintido sa dami ng isipin at problema ko. Maya-maya lang ay bigla na namang nagring ang phone ko , agad ko itong tinignan at pangalan ni grand primo ang lumabas sa screen at mabilis itong sinagot.

[Where are you jade?] agad na tanong ni grand primo

"Why do you call me? may problema ba?" imbis na sagutin ay tinanong ko na siya kung anong pakay niya.

[Pumunta ka dito sa bangko , may ipag-uutos ako sayo.] utos nito napairap nalang ako at agad na ibinaba ang tawag.

Kailan ba ako sumuway sa matandang iyon? tsss

ALISA'S POINT OF VIEW

"Ano kamo? Uuwi ka sa probinsiya ng mag-isa lang?" pag-uulit na tanong ni Grand Primo.

"Opo , kaya ko naman po ang aking sarili. Tsaka mabili lang po ako dun , may kailangan lang po akong kuhanin." sabay ngiti sa kaniya , sana ay pumayag siya.

"Hold on , may kailangan lang akong tawagan." bahagya siyang lumayo sa akin at may kinausap na kung sino sa telepono niya.

Habang hinihintay si grand primo ay inayos ko ang aking sarili at ang maliit na bag na bitbit ko. Sana ay pumayag siya na makauwi ako,pero alam ko naman na papayag siya hihi.


"Anong ginagawa mo dito!?" napatalon ako sa gulat ng may bigla nalang magsalita sa harapan ko.

"Ikaw!? Anong ginagawa mo dito?" balik tanong ko sa hari na masamang nakatingin sa akin.

"Tinawagan ako ni Grand Primo, ikaw? anong ginagawa mo dito? Akala ko ba aalis ka?" Taas kilay niyang tanong

"Magpapaalam ako kay grand primo malamang!" pagtataray ko sa kaniya

"As if naman na papayagan ka niya." natatawang sabat ng halimaw.

"Syempre papayagan ko si alisa , dahil kasama ka niya pag-uwi."

Sabay kaming napatingin sa gulat sa aming narinig kay grand primo. Ano daw sabi niya? kasama ko ang mokong na'to pag-uwi?


"What!?"

"Ano po!?"

Halos sabay naming sigaw dahil hindi ako makapaniwala na papasamahin niya sa akin ang halimaw na ito. Oo , kanina niyaya ko siya pero dahil sa inis at galit ko sa halimaw na iyon ay mas pipiliin ko nalang na mag-isa kaysa pakisamahan ang lalaking ito.

"Is there any problem? Ba't ba kayo sumisigaw?" puna sa amin ni grand primo

"Ayoko po kaseng makasama ang apo ninyo!" sagot ko habang masamang nakatingin kay jade na masama rin ang timpla.

"Bakit sa tingin mo gusto rin kitang kasama?" sabat niya sabay irap sa akin.

Bakla ba siya? Bakit ba ang hilig niyang umirap!?


"Calm down! Hindi ko pwedeng hayaan si alisa na mag-isang byabyahe pauwi sa probinsiya. Its better kung may kasama siya papunta at pabalik." suhestiyon ni grand primo

"I'm busy lo, madami akong kailangang gawin na school works and projects." pag-alma ni jade

"Hindi niyo naman po ako kailangan pasamahan kay jade. Kaya ko na po ang sarili ko." saad ko naman kay grand primo pero mukhang hindi siya natutuwa.


"My decision is final , sasama sayo si jade at ikaw jade , sasamahan mo si alisa. I'll go ahead."

Wala na kaming nagawa , umalis na si grand primo. Takte! Parang hindi ko yata kayang pakisamahan ang isang to! akala ko makakalibre na ako ng isang araw na hindi ginugulo ng halimaw na'to

"What now? ano pa'ng tinatayo-tayo mo diyan?" inis na tanong ng hari

Inirapan ko nalang siya at nagsimulang maglakad palabas ng bangko.

"Hey!? Where are you going?" tawag niya sa akin

"Saan pa ba? Ihanda mo na sasakyan mo para makaalis na tayo!" sagot ko at muli siyang tinalikuran.

Dinig ko pa ang kaniyang pagmumura kaya napatawa ako. Sabi ko na eh , pagdating talaga kay grand primo ay hindi siya makakatanggi.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" iritadong tanong ng hari ng makasakay kami sa kotse niya.

"Tumatawa ba ako? Nababaliw ka na." sagot ko at tumingin na sa harapan ng simulan niyang paandarin ang sasakyan.

"What's your province?" tanong niya bago kami makalabas sa parking lot ng bangko.

"Batangas." tipid kong sagot

Tumango lang siya at nagsimulang magmaneho. Habang nasa biyahe ay iniisip ko na agad ang gagawin ko sa oras na makita ko sina nanay. Siguro dapat ay isorpresa ko sila! Tama! Alam kong matutuwa sila kapag nakita nila ako , lalong-lalo na si art.

"Ahm---jade?" tawag ko rito

Hindi siya sumagot , senyales na hinihintay niya ang sasabihin ko.

"Pwede ba tayong dumaan mamaya sa supermarket? Gusto ko sanang bilhan ng pasalubong sina nanay." saad ko

"Tamang-tama , hindi pa ako nakakapag-breakfast." aniya habang nakatingin sa daan.

Tumango lang ako at muling tumingin sa aming dinaraanan. Napapansin ko na malapit na kami sa batangas. Dumarami na kase ang mga puno na aming nalalampasan.

Nakakamiss din palang umuwi lalo na kung matagal ka ng hindi nakakabalik. Sadyang nasasabik na akong makita sina nanay , ate at art.


Ilang oras ang naging biyahe at napag-pasyahan namin na huminto muna upang kumain. Habang kumakain si jade ay nagpaalam ako na bibili lang saglit ng pasalubong.

Nagtungo ako sa tindahan ng mga tsokolate , paborito kase ito ni art. Natatandaan ko pa nung sumakit ang tiyan ng dahil sa napulot niyang tsokolate sa daan. Namura ako nun ni nanay pero hetong si art ay tawa lang ng tawa.

Bumili ako ng maraming tsokolate , mga biscuits at napadako ang tingin ko sa mga lipstick na nakahalera sa isang pwesto. Paborito ito ni ate alyana , sa katunayan nung mga bata kami ay lagi niya akong inaayusan.

Nakaramdam ako ng lungkot sa aking sariling isipin. Nakakamiss yung mga panahong sobrang malapit kami sa isa't-isa ni ate. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago at naging masungit sa akin. Pero gayonpaman , hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Bagkus ay intindi ko nalang siya at tinuring paring ate.

Nang matapos sa pamimili ay binalikan ko na ang hari. Mukhang tapos na siyang kumain dahil nakatayo na siya malapit sa pinto.

"Tara na!" aya ko sa kaniya at tumango naman siya.

Inalagay ko sa backseat ang aking pinamili upang hindi sikip ang aking inuupuan. Nagsimula na ulit magmaneho si jade , naging tahimik lang ang buong byahe hanggang sa marating namin ang bayan ng Tuy , Batangas. Ang aking pinagmulang bayan kung saan ako lumaki at nagkaroon ng isip.

Itinuro ko sa hari ang daan patungo sa aming bahay. Muli kong nadaanan ang kalsadang lagi kong nilalakad. Ang dami paring mga puno at tanim na tubo sa paligid. Sadyang nakakamiss ang probinsiya....

Tumigil ang sasakyan namin sa isang munting bahay , ang tahanan ko. Tumingin ako sa hari , pero inarapan niya lang ako.

"Ako nalang ang baba , saglit lang ako." nakangiti kong sabi at binitbit ang mga pasalubong ko. Bumaba ako ng sasakyan at halos lahat ng mga kapitbahay ko dati ay napatingin sa akin.


"Aba! Alisa? Ikaw na ga' iyan?" napatingin ako sa matandang babaeng sumalubong sa akin.

Si Aling lolit!!

"Aling lolit!" masaya ko din siyang sinalubong at niyakap.

"Sumasagana ka na ah , sino ba ang kasama mo? Siya ba ang iyong nobyo?" pang-aasar niya sa akin sabay tingin sa sasakyan ni jade.

"Naku! Hindi po." nahihiya kong sabi

"Bakit ka nga pala umuwi? Kamusta na ang mga nanay mo? Ayos na ba si Art?"

"Ano pong sinasabi niyo? Kaya nga po ako umuwi kase gusto ko silang bisitahin. Andiyan na po ba sila?" nakangiti kong tanong kay aling lolit pero biglang nagiba ang ekspresyon nito.

"May problema po ba? asan na po sina nanay? Tsaka ano pong sinasabi niyong may sakit si art? nagbibiro po ba kayo?" natatawa ngunit kinakabahan kong tanong.

"Ano---kase--- wala na diyan ang mga nanay mo."

Nabitawan ko ang dala kong supot na puno ng mga pasalubong at agad na tumakbo papasok sa aming bahay.

"Nay! Ate! Art! Nandito na ako!" sigaw ko ngunit walang sumasagot mula sa labas ng bahay. Nagsisimula ng mamuo ang luha sa aking mga mata.

Marahas kong binuksan ang pinto pero tulad ng sabi ni aling lolit. Wala ngang tao sa bahay , wala si nanay , si art o maging si ate.

Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Iniwan na ba nila ako?

To be continued......



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top