38

Sorry for typos and wrong grammars

ALISA'S POV

Matapos ang klase ay dumaretso na ako sa Cafeteria. Hindi pumasok si brie at jairus kaya kaming dalawa nalang ni Alia ang magkasabay na kakain. Habang hinihintay si alia na nasa counter , natanaw ko ang hari na mukhang may hinahanap dahil palinga-linga siya sa paligid. Kasama niya sina Kobe at Alistair na pawang kunot na kunot ang noo. Ano na naman kayang nangyari?

Hindi na naman ba nakainom ng gamot ang baliw na iyon? Tsk.



Naiinis ako sa kaniya , lahat nalang ay pinapakealaman niya. Alam kong may tinatago sila sa akin at hindi magtatagal malalaman ko din yun.

"Okay ka lang alisa?" tanong ni alia ng makaupo sa harap ko.

"Mabuti pa alia , sa may garden nalang tayo tumambay." anyaya ko sa kaniya

"Huh? Bakit may problema ba?" nag-aalalang tanung nito.

"W-wala naman. Gusto ko lang ng fresh air." palusot ko kaya napangiwi siya dun.

Ang totoo kase niyan , ayaw ko lang na makasalamuha pa ang hari ng mga baliw. Lalo pa't baka kapag nakita kami ni Fiona at Elytra na magkasama ay baka pag-initan na naman nila ako. Pangalawa , umiinit lang ang ulo ko sa dalawang iyon. Mas mabuti pa kung si kobe nalang ang makasama ko kaysa sa dalawang baliw na iyon.

"Kung ganon , tara na para maka-kain na tayo." aniya

Tatayo na sana kami ng may naglapag ng isang tray ng pagkain sa lamesa namin. Sabay kaming tumingin dun at laking gulat ko na ang hari pala yun kabuntot si Alistair at Kobe.

"Stay here." matigas na utos ng hari

"Hindi , aalis kami ni alia." pagmamatigas ko at akmang hahawakan si alia ng pilit akonh pinaupo ng hari.

"Ano na naman ba'ng problema mo?!" inis kong tanung sa kaniya.

"Nothing , wala ng extrang table kaya no choice kami na makisalo sa inyo ng lamesa." napatingin naman ako sa buong cafeteria at tama nga siya , napakadaming tao dito at wala ng bakanteng upuan.

Napapikit nalang ako upang pigilan ang inis at bahagyang tumingin kay alia na napangiwi nalang. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid.

Pawang masasama ang titig nila sa akin at mukhang pinapatay na nila ako sa mga isip nila. Nakakailang at hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.

"Can i join you?" sabay sabay kaming tumingin kay elytra kasama ang mga alipores niya.

"Sorry , pero iisang chair nalang ang available." mabilis na sagot ni Alia.

"It's okay. Ako lang naman ang uupo." sambit ni elytra habang nakangiti.

Sa isang table kase may anim na upuan. Tig-tatlo sa bawat gilid , magkakatabi sina Alia , Kobe at Alistair habang kaming dalawa lang ng hari ang nakaupo sa isang side at may isang upuan pa'ng walang nakaupo.

"Girls, maghanap na kayo ng mga upuan niyo sa kanila muna ako sasabay." utos niya sa mga alipores niya na bakas ang pagkainis sa kanila.

Umupo si elytra sa tabi ni jade kaya ngayon ay pinag-gigitnaan namin ang hari. Walang nagsasalita habang kumakain na siya namang agad binasag ni elytra.

"Are you guys ready for the js prom? i guess lahat kayo ay mga may sosootin na." nakangiti niyang saad.

"Wala kaming balak sumali." napatingin ako sa hari ng bigla siyang magsalita ng hindi tumitingin kay elytra.

"What!? You should join , last year na to at we will make sure na magiging memorable ang isang magandang gabing iyon."

"May mas mahalaga pa kaming gagawin kaysa doon sa party na sinasabi mo." muling tugon ng hari

"Bakit may problema ba?" nag-aalalang tanung ni Elytra. Siguro ay inaatake na naman ng sakit itong hari ng mga may saltik.

"Ayaw ko lang sumali." tipid na sagot ng hari.

"How about you Alisa? kasali ka ba?" baling na tanong sa akin ni elytra.

Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita ang hari.

"No." Napatingin ako sa kaniya na ngayo'y nakatingin na din sa akin.

"Oo , sasali ako. Actually , meron na kaming damit nina Brie at Alia." nakangiti kong sagot kay elytra.

Wala na akong pakialam kay jade , lagi nalang siyang umeepal sa mga gusto kong gawin. Alam kong slave niya ako pero sana man lang ay hayaan niya akong gawin yung mga gusto kong gawin lalo pa't first time kong sumali sa ganitong party.

"That's good. Masisiyahan kayo sa gabi---"

"Hindi ka sasali dun and that's an order." putol ni jade kay elytra

Nanatiling tahimik ang lahat habang ako ay masamang nakatingin sa hari. Heto na naman siya , pinapakealaman na naman niya ako. At inaamin ko hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa niya.

"Sino ka ba? Sino ka para pakialaman ako?!" inis kong tanung sa kaniya

Hindi ako sinagot ng halimaw bagkus ay nagpatuloy siya sa pagkain. Naiinis ako at nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa kaniya.

"Mahaba pa naman ang oras at makakapagdesisyon ka pa. I need to go bye guys." pagpapaalam ni elytra kaya naiwan muli kaming lima na tahimik parin.

"Hindi ka ba nag-iisip? Baka nakakalimutan mo na mainit ang ulo sayo nina elytra? Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa gabing iyon." sumbat sa akin ng hari ng makaalis si elytra.

"Tama si jade alisa , baka kung anong gawin sayo ng mga iyon." singit naman ni kobe.

"But we already ordered our gowns , hindi na pwedeng icancel yun." saad naman ni alia

"I will pay for all the gowns , wag lang kayo sumali." napatingin naman kami kay alistair.

"Yon lang ba talaga ang dahilan? o baka kasama na dun yung sikreto niyo na hindi niyo sinasabi sa akin? Hindi na ako natutuwa sa inyo. Hindi na." sabay tayo at umalis nang may sama ng loob.

Bakit ba ganun sila? Bakit ganun nalang kadali sa kanila na harangan ang mga gusto ko? Hindi ko na sila maintindihan.

Mahaba-haba pa ang breaktime kaya napag-pasyahan ko na pumunta muna sa garden. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang paligid.

Maya-maya lang ay may isang lalaki na umupo sa tabi ko na siya ko namang ikinabigla.

"D-denver?"

"Nakikilala mo pa pala ako." nakangiti niyang sagot sa akin.

Soot na naman niya yung jacket niya na may hood , kagaya ng soot niya noon sa tagaytay. Ang nakakapagtaka lang ay bigla bigla nalang siyang sumusulpot.

"Saan ba ang room niyo? Hindi kase kita masyadong nakikita dito sa university." tanong ko

"Bakit hindi mo kasama ngayon si jade?" tanong niya

Napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid.

"Ang isang yon , ewan ko ba sa kaniya. Lagi nalang niya akong hinaharangan sa mga gusto kong gawin." saad ko

"Hinaharangan?" tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Gusto ko kaseng sumali sa JS PROM pero ayaw niya akong payagan. Ang hirap din ng lalaking iyon, laging may saltik sa ulo." inis kong sabi habang inaalala ang tagpo kanina.

"Habang maaga lumayo ka na sa kaniya." taka akong tumingin kay denver na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin.

"B-bakit?" nagtataka lang ako dahil parehas lang sila ng sinabi ni reign. Ano ba kaseng mayroon kay jade at sa mga kaibigan niya? May hindi ba ako alam?

"Kung gusto mo'ng malaman lahat , magkita tayo bukas ng umaga sa may park malapit sa village niyo. Doon ko sasabihin lahat sayo." utos nito at mabilis na umalis sa garden.

Ano ba kaseng mayroon kina jade? Ano ba kaseng sikreto nila. Pero kung ano man yun , kailangan ko yung malaman.

Tumayo na ako sa upuan upang pumasok ng may mapansing panyo na mukhang naiwan ni Denver. May nakasulat na pangalan dun sa panyo.

"Jan Denver Flores" basa ko rito

Teka? Flores? Bakit kaapelyido niya si Reign? Magka-kilala ba sila?

JADE'S POV

We decided na pumunta muna sa tambayan upang makapag-pahangin. Gaano ba kahirap sa babaeng iyon na intindihin lahat? Hindi niya ba alam na pwede siyang mapahamak sa gabing iyon kasama sina elytra? Alam kong hindi matatapos ang gabing iyon ng walang nangyayaring masama sa kaniya.

"Maiba tayo , alam na ba nina janver na lalaban natin ulit sila?" tanung ni yago

About that thing , yun nalang yung tanging paraan para masolusyunan ang mga problema ko. I would take a risk kahit na alam kong malakas na sila ngayon.

"Kapag tumawag ulit siya , don lang natin ipapaalam ang desisyon natin. Kailangan muna nating maghanda." sagot ko

"Bakit ba kase nag-iba bigla ang desisyon mo?" tanong ni jiro at lahat sila ay iniintay ang magiging sagot ko.

"Alam kong may kinalaman sina janver sa nangyayari sa kumpanya namin. At alam ko ding hindi siya titigil hangga't hindi natin ulit siya nilalabanan. Ipapadala kami nina mom sa Paris para daw makalayo sa gulo at alam niyong ayaw ko na pumunta sa bansang iyon , so i decided na labanan natin ulit sila. I don't know the consequence after this , hindi ko alam kung mananalo tayo or matatalo. I will deal janver about this sa oras na magkausap kami. Gagawa ako ng kasunduan sa oras na matalo or manalo tayo." paliwanag ko

"Kung ganon , magsisimula na akong mangalap ng impormasyon." tumango lang ako kay kobe bilang sagot.

Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako muling sasabak sa ganitong laban. Pero i need to do this , ayokong pumunta sa paris , ayokong iwan ang mga kasamahan ko.....ayaw kong iwan ang makulit na promdi girl na iyon....



to be continued.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top