37

Sorry for typos and wrong grammars ! aayusin ko nalang pooo♥️


KOBE'S POV

"Are you sure about it? Sinabi talaga yon sayo ni Jade?"

Kung bibilangin ko ang tanong ni yago , baka hanggang ngayon nagbibilang parin ako. Sa dami ng sinasabi niya iisa lang naman ang patungkol nito , it was all about jade's decision last night.


Hindi naman siya mukhang lasing at nasa tino pa siyang pag-iiisip sa kabilang linya. Sinabi niya na lalabanan namin ulit ang grupo nina Janver , bagay na ikinagulat ko.

"Ang kulit mo , sinabi ko lang ang sinabi sa akin ni Jade kagabi at i think he was really serious about it." sagot ko sa mga kaharap kong sina Yago , Wilbert , Jiro , at sa kadadating lang na si Alistair.

"He must be out of his mind. Nababaliw na ba siya?" komento ni Jiro

"I know he has a reason kung bakit biglang nagbago ang isip niya. At kung ano man yun , malalaman natin yun sa pagdating niya." singit naman ni Wilbert.

"But in some point , hindi ba kayo nababahala? Malakas na ang grupo nina Janver at hindi sila maghahamon ulit kung hindi sila handa." Lahat kami ay napatingin kay Yago , may punto siya. Pero hindi dapat kami matakot kina Janver , natalo na namin sila dati at alam kong magagawa namin ulit yun.

Kung tutuusin , dapat sina Janver pa ang matakot sa amin. Madami kaming source at alam ko na alam nila na marami kaming kayang gawin bukod sa mga nagawa namin noon. But I can't help na matakot at the sametime , wala kaming alam kung ano naman ang kayang gawin ngayon ng grupo nila.

"Nasaan na ba kase ang tatlong bugok? Nasaan na sina Drei , Warren at Kreo?!" inis na tanong ni wilbert.

Ang tatlong iyon , hindi na ulit sila nagpapakita sa amin. Buhay pa kaya ang mga iyon? Kailangan namin sila lalo pa't agresibo ang mga kalaban.

" I ask redge to pick them up. Nagpapasundo ang mga hudas kaya wala na akong nagawa kundi ang ipasundo sila kay redge." Bored na sagot ni Jiro.

"Magkakasama sila? " halos sabay naming tanong ni Wilbert.

"Nope , Si Kreo at Warren lang ang magkasama. Habang si Drei nasa business niya sa Cebu." sagot ni jiro.

Ang mga iyon talaga , mas hudas pa kay hudas. Napakapa importante nila kahit kailan.

"Ayos ka lang Alistair? Bakit hindi ka umiimik?" bumaling ang tingin namin kay alistair. Tama si yago , napapansin ko din na tila malalim ang iniisip nito.


"I'm just thinking---we all know ang mga pinagdadaanan ng company nina jade. Do you think may kinalaman dito ang grupo nina janver?" aniya na animo'y nag-iisip.

Tama siya , kasabay kase ng nangyaring pagsulpot ni janver ay ang nangyari sa kumpanya nina jade. Hindi malabo na tama si Alistair pero hindi parin makakasiguro dahil walang sapat na ebidensya laban doon.

"Kung may kinalaman dun sina janver , we shouldn't fight them back. Nagawa niyang kalabanin ang isa sa mga mayayamang pamilya dito, Hindi na ako magtataka kung matalo nila tayo this time." ani ni Jiro.

"Don't think negative thoughts, maaaring tinatakot lang ni Janver si Jade kaya gumawa siya ng ganung plano." suway naman sa kaniya ni Yago.

"Just get straight to the point! Blina-blackmail niya si jade para muli tayong kalabanin. Don't you remember? Madaming sikreto si jade at lahat ng iyon ay ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya. I think that's the one reason kung bakit nagbago ang desisyon niya." Paliwanag ni Alistair

Kung ganon , hindi magiging madali sa amin ang kalabanin at talunin sila. Maaaring kumikilos na sila ngayon at naghahanda sa nalalapit naming paghaharap.

"Kaya kailangan mas maging alerto tayo ngayon. Hindi natin alam kung sino ba ang mga kalaban at sino ang hindi." paalala ni wilbert

"and let's all make sure na ligtas si Alisa. Janver can use Alisa against us."

Lahat kami ay tumingin kay alistair. Seryosong-seryoso siya sa mga sinabi niya. Bakit parang napaka importante na agad sa kaniya si Alisa? May gusto na ba siya dun?

"Why are you guys looking at me like that?" inis na tanong ni alistair.

"Umamin ka nga! May gusto ka na ba kay Alisa?" prankang tanong ni yago na ikinabigla naman ni alistair.

"I'm just concern to her , hindi dapat siya madamay sa ganitong kaguluhan."

May punto siya , hindi dapat involve dito si alisa kung hindi dahil kay jade. Sa tingin ko , sa oras na makuha siya ni janver gagamitin niya si alisa laban sa amin.

"Bakit ako madadamay? tsaka anong gulo ang sinasabi niyo?"



Lahat kami ay napatingin sa may pinto. Patay na! Sana hindi niya narinig lahat ng usapan namin.

"K-kanina ka pa ba diyan?" utal na tanong ni yago.

"Hindi , napadaan lang ako. Saktong narinig ko ang pangalan ko kaya sumilip ako dito." inosenteng sagot niya. Takte! Muntik na kami dun. Hindi niya dapat malaman lahat , malalagot kami kay jade kapag nagkataon.

"Wala ba'ng sasagot sa tanong ko? Bakit ako madadamay?"

Nabalot ng katahimikan ang lahat. Napatingin ako kay alistair pero seryoso lang siyang nakatingin kay alisa.

"Bakit di mo kasama si jade? " lahat kami ay napatingin kay jiro ng magtanong siya. Medyo nakahinga kami ng maluwag don.

"Tulog pa siya ng umalis ako. Bakit may problema ba?" sagot nito

"Wala naman , nanibago lang ako dahil hindi mo siya kasabay ngayon." sagot naman ni Jiro.


"Mabuti pa pumasok na tayo sa mga klase natin." pag-iiba ko ng usapan at mabilis na hinaltak si alisa.

"H-hoy t-teka maglilinis pa ako!" asik nito habang hinahaltak ko.

"M-malinis pa naman yon." Sagot ko habang hindi siya nilingon. Baka kase kapag nanatili kami sa ganun ay mangulit lang si alisa kaya mas mabuti kung hindi na niya maaalala yung mga narinig niya.

"Teka nga lang! May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" inis na tanong ni alisa at agad na hinaltak ang kamay niya mula sa akin.

"Ha? ano ba'ng sinasabi mo?" tanong ko na kunwaring walang alam at pilit na umiiwas sa mga tingin niya.

"Kapag hindi mo sinasabi sa akin , hindi kita kakakausapin hanggang mamaya." pananakot niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Hinihintay niya ang sasabihin ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Fine! I will tell you. But in one condition."

"Kailangan pa ba ng kondisyon?" inis niyang tanong kaya tumango lang ako.

"Ano? anong kondisyon mo?" tanong nito


"Let's have a date." nanlaki ang mata nya sa sinabi ko at bahagyang namula ang pisngi niya.


Pvta?! ano bang nasabi ko!!

I don't want to do this but this is the only thing that comes up to my mind. Wala na akong pwedeng ipalusot at sa tingin ko naman ay hindi naman siya papayag dun dahi-----

"Sige payag ako basta sabihin mo sa akin ang sikreto niyo."

O_O



Fvck!? Sinabi niya yon? papayag siya dahil lang dun? Pero bakit parang masaya pa ako? Fvck this is really weird!



"That would never be happen. Walang date na magaganap between you and kobe." sabay kaming tumingin sa demonyong nasa harap namin. It was Jade na masamang nakatingin sa aming dalawa.

Kanina pa ba siya dun?


"At bakit? Sino ka ba para pigilan ako?" inis na singhal sa kaniya ni alisa.

Saglit na tumingin sa akin si Jade at muling ibinaling ang tingin kay alisa. This is really insane!! Malalagot ako nito kay jade.

"Don't you forget you're my slave? Anything about you is under my control even your fvcking date with this guy!" inis na sabat ni jade habang dinuduro ako.


Teka nga lang? Bakit ba nagagalit siya?

Nagseselos ba siya?


"Why are you so mad? Hindi ko naman---"

"Shut the fvck up kobe!! " putol niya sa akin kaya napatikom nalang ang bibig ko. Nakakatawa siyang pagmasdan with that emotions.

"Ewan sayo! Nababaliw ka na naman." inirapan niya muna si jade bago umalis at dumaretso sa room.

"Hey! I'm not done yet! kinakausap pa kita! Bumalik ka rito!" inis na sigaw ni Jade pero mukhang walang balak si Alisa kaya ganon nalang ang inis ni jade.

"You're being too possessive sa kaniya." komento ko kaya sinamaan ako ng tingin ni jade.

"You! asshole! you don't have a right para yakagin siya sa isang stupid date!" singhal niya sa akin.

"I'm just joking hindi ko alam na seseryosohin niya yun! and besides i save our secrets from her. Gusto niyang malaman kung bakit kailangan natin siyang protektahan." paliwanag ko sa kaniya

"Then thankyou for your concern , don't you ever fvcking do that again or else? I will burn you alive." Banta niya sa akin at nilagpasan ako.



Napakamot nalang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang hari. Madaming nagbago sa kaniya mula ng dumating si alisa sa buhay niya and i admit maganda ang naging resulta nito para kaya jade.


Sinundan ko siya papasok at nadatnan dun ang dalwa na pawang naka cross arm at kunot na kunot ang noo. Tsss ang tataas ng pride nila. Napansin ko din ang pagitan nilang dalawa , isang upuan ang walang nakaupo sa gitna nila kaya mas pinili kong umupo nalang dun.


"Are you okay both?" tanong ko sa dalawa ng makaupo ako sa gitna nila. Pero walang sumagot , hayst ang tataaas talaga ng mga tama nila sa ulo.


Dumating na ang teacher at nagsimulang magklase. Wala paring umiimik sa dalawa at tahimik lang silang nakikinig.


LQ pa nga HAHAHAHAHA



To be continued.....




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top