35
late update!! mwhehehe
ALISA'S POV
"Anyare sayo?"
Bungad sa akin ni brie ng makaupo ako sa may tabi niya. Dumako naman ang tingin ko kay alistair na kasunod ko kaya umiwas ako ng tumingin siya sa akin.
Naiinis talaga ako sa kaniya!
"W-wala naman." agad kong sagot pero mukhang hindi naman siya kumbinsido.
"Yung totoo? Kunot na kunot ang noo mo tapos sasabihin mong wala nangyari?" taas kilay niyang puna sa akin. Agad ko namang pinakiramdaman ang sarili at napagtantong tama siya.
"W-wala , may nakabangga lang ako kanina." pagsisinungaling ko
Hindi na muling nagtanong si brie kaya umayos na ako ng pwesto sa upuan. Hindi talaga tama yung ginawa ni alistair kanina, hindi sa ayokong ipagtanggol niya ako pero alam naman niya yung posibleng mangyari, madaming naka-kita at sa harap pa mismo nina Fiona at Elytra niya ako ipinagtanggol.
Pustahan na ay babalikan ako ni fiona, hindi siya makakapayag na hindi gumanti sa akin. Sanay na ako na lahat ng nagiging kilos ko ay may malisya sila , pero iba yung kapag kasama ko ang isa sa mga kaibigan nina jade. Para akong nasa impyerno dahil sa mga maiinit at masasamang titig nila na animo'y papatayin ako.
"Are you okay? Mukhang ang lalim ng iniisip mo." napatingin ako kay jairus ng magsalita siya.
"Ayos lang ako" mabilis kong sagot.
"Hindi ako makakapasok bukas." taka ko siyang tinignan
Oo, sinabi niya sa akin na siya na ang bahalang kumuha ng Birthcertificate ko sa probinsiya pero hindi sapat na dahilan yun para lumiban siya.
"K-kung dahil yun sa----"
"No! Its okay. May problema sa hacienda at kailangan nina mama ang tulong ko." nakangiti niyang sabi
Yung ngiti niya, hindi ko alam pero kapag nakikita ko yun parang gumagaan ang pakiramdam ko.
"Ayoko ko kaseng makadagdag pa sa mga problema mo, kaya ko naman kuhanin ang kailangan ko ng mag-isa."
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya nalang hawakan ang kamay ko. Agad ko naman siyang tinignan pero nakangiti lang siya.
"Sabi ko naman sayo ay ako na ang bahala tsaka isa pa simpleng pabor lang naman yun galing sayo at alam mong hindi ako makakatiis na tulungan ka." ngumiti ako pabalik sa kaniya.
Napak-swerte ko sa kaniya, nakatagpo ako ng kaibigan na mabait, maaasahan at mapagmahal tulad niya. Sana lang ay hindi siya magbago dahil nasanay na ako sa jairus na nakilala ko.
"Salamat Jairus."
"EHEM!!"
Nagulat kaming lahat sa malakas na ubo ng hari. Ewan ko ba pero bigla nalang akong napatingin sa kaniya at saktong nakatingin din siya sa akin---ay hindi sa kamay namin ni jairus na magkahawak kaya natauhan ako at agad itong binawi mula kay jairus.
"I think he likes you." mahinang bulong ni jairus pero hindi ko iyon naintindihan masyado.
"Huh? may sinasabi ka ba?" tanung ko sa kaniya pero ginulo niya lang ang buhok ko.
"I said you're so ugly." sinamaan ko siya ng tingin kaya napangiwi siya sa akin.
Muli akong tumingin sa bandang likod kung saan ang pwesto ng magkakaibigan. Una akong tumingin kay redge na abala sa mga ginagawa niya, kay kobe na mukhang malalim ang iniisip , kay Alistair na mukhang inaantok at sa hari---na masamang nakatingin sa akin.
Hindi ko nalang iyon pinansin dahil nasanay na ako sa kaniya. Lagi nalang masama ang tingin niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Inaatake na naman siguro siya ng sakit niya.
Ilang minuto pa ay dumating na ang guro para sa susunod naming klase. Halos isang oras siya'ng nagturo hanggang sa matapos ang huling klase namin sa hapon.
Buong akala namin ay uwian na pero bigla nalang nagpatawag ng assembly ang faculty dahil may mahalaga daw silang sasabihin tungkol sa gaganaping JS prom.
"Susunod ka nalang ba?" tanung sa akin ni brie na inaayos ang gamit.
"Oo, aayusin ko lang yung gamit ko." sagot ko habang inalalagay sa bag ang gamit.
"I'll wait for you." napatingin ako kay jairus nang magpresinta siyang samahan ako.
"Hindi na, mabilis lang ako. Sumabay ka na kay brie." sabi ko sa kaniya
"Are you sure?" muling tanung niya at tumango lang ako bilang sagot.
"Uuna na kami alisa , tara na jairus" ngumiti pa ako sa dalawa bago nila lisanin ang room.
Habang inaayos ang mga kalat ay bigla nalang may lumapit sa akin. Ang hari lang pala , pero teka? ba't nandito pa siya? at bakit di niya kasama ang mga kaibigan niya.
"Wag ka nang pumunta sa gymnasium." aniya na ikina-taas ng kilay ko.
"At bakit naman?" walang emosyon ang hari na nakatingin sa akin.
Siguro hindi na naman siya nakainom ng gamot.
"Just do what i said!" inis niyang singal
Aba!Aba! ano ba talagang nangyayari sa kaniya at pinagbabawalan niya akong pumunta dun.
"Ewan sayo! nababaliw ka na naman." nasabi ko nalang at akmang lalakad na paalis ng muli siyang magsalita.
"I heard what happened between you and fiona."
Siguro ay sinasabi sa kaniya ni alistair ang nangyari. Tsk! Ang isang yun napaka pakialamero niya talaga!
"Oh tapos?" tanung ko nang hindi parin lumilingon sa kaniya.
"Hindi ka ba nag-iisip? Sina Fiona ang nagpatawag ng assembly ngayon, for sure ay pag-iinitan ka nila dun."
Doon na ako humarap sa kaniya. Bakit niya ginagawa to? Ayokong mag-isip ng iba sa mgaaksyon niya pero para sa akin , Iniligtas niya ako at tama siya...baka pag-initan lang ako nina fiona sa harap ng maraming tao.
"E-edi uuwi nalang ako."
"Hindi ka uuwi! Sasama ka sa akin." hindi na ako nakapalag nang mabilis niyang hinila ang braso ko at hilahin palabas ng room.
Heto na naman tayo! Hilahan na naman at tiyak panibagong sakit ng braso na naman ang matatamo ko sa mga hari ng halimaw. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya akong pinasakay. Hindi na ako nakapagtanung pa dahil bigla nalang niyang pinaandar ang sasakyan at hinayaan ko nalang siya kung saan niya na naman ako dadalhin.
"Where's your phone?" tanung ni jade habang nagmamaneho.
Patay na!
"Ah---ehhhh---naiwan ko kase." kamot ulo kong sagot.
"Naiwan o sadyang iniwan?"
"A-ayoko ko kaseng may dalang cellphone sa school." sagot ko
"Nextime , you should always have it on your pocket para matawagan kita if ever man na may utos ako sayo---understand?"
"Opo master."
Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang disensyong tsina , mukhang gawa ito at pinapatakbo ng mga intsik.
"Redge owned this resto." ani ng hari
Kay redge to? Bata pa siya pero may ganito na siyang uri ng negosyo, nakakamangha siya. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay magiging matagumpay siya.
"What's your order sir?" tanung na isang waiter ng makaupo kami sa isang lamesa. Nilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at napansing kokonti lang ang kumakain dito.
"Two order of Szechwan Chilli Chicken please." ani ng hari
"And for your dessert sir?" saglit na tumingin ang hari sa menu at muling hinarap ang waiter.
"Two Almond Jelly." tumango naman ang waiter at umalis na mula sa harapan namin.
"Bakit ba tayo nandito?" agad kong tanung sa kaniya nang makaalis ang waiter.
"Isn't it obvious? malamang kakain." sabay irap niyang sabi
"Kakain lang?"
"Are you expecting something?" nakangisi niyang tanung kaya agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.
"Baliw! Malay ko ba baka may tatagpuin ka dito." sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya
"What did you say? am i crazy?" taas kilay niyang tanung at mukhang napipikon na.
"H-hindi sa ganon---kung kakain ka lang pala edi sana hindi mo nalang ako isinama."
"Paano gusto mo na walang sasagabal sa paglalandian niyo nung jairus na yun!" sarkastiko niyang sabi
"Aba! Teka!? Ba't nadamay dito si jairus? tsaka ano bang mga sinasabi mo?" naguguluhan kong tanung
"Whatever!" sagot niya at ibinaling ang tingin sa screen ng cellphone niya.
Minsan talaga ay hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ng halimaw. Nababaliw na kaya siya? Siguro nga ay tama si ma'am sidney noon na may kapatid nga siyang baliw.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga waiter dala-dala ang mga inorder ng hari. Inilapag nila ito sa lamesa at agad namang nagpasalamat ang hari.
Nagsisimula ng kumain ang hari pero ako nakatunganga parin sa harap ng pagkain. May problema kase....hindi ako marunong gumamit nh chop sticks kumpara sa kaniya na bihasa na sa pag-gamit nun!
"Is there any problema? don't you like the food?" tanung niya ng mapansing hindi ako kumakain.
"H-hindi kase ako marunong gumamit ng chop sticks, pwede bang mag kutsara't tinidor nalang ako?" nagaalilangan kong sabi
"Tsss. Idiot"
Taka ko siyang tinignan ng bahagya siyang lumapit sa akin at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang kamay ko. Teka! anong gagawin niya?
"I will teach you on how to use chop stick"
Nakailangan lunok ako kase sobrang lapit ng katawan niya sa akin at naamoy ko ang bango ng katawan niya. Sinunod ko lang ang mga sinasabi niya at noong medyo marunong na ako ay hinayaan na ako ng hari.
Habang kumakain ay nararamdaman ko ang titig ng hari pero sa tuwing tumingin naman ako sa kaniya ay sa pagkain siya nakatingin. Nababaliw na ba ako? Lumapit lang sa akin ang hari pero bakit parang iba ang epekto nito sa akin?
Kain lang ako ng kain dahil nasasarapan ako sa pagkain. Hanggang sa bigla nalang kumuha ang hari ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa yun. Takte! ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay namumula na ako. Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit ako nagkakaganito!?
"Bie zai ke aile. Baichi!"
Ano daw!? anong sabi niya? Nagsalita siya gamit ang salita ng mga Chinese at hindi ko yun maintindihan pero isang bagay lang ang nagpatigil sa akin.
Ngumiti siya!!!!!
Hindi ako nagkamali dahil totoong nakita ko---ngumiti siya at may kakaiba sa mga ngiti niya...
to be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top