33
Last update for today!!!
ALISA'S POV
"I'm just kidding"
Nakahinga ako ng maluwag dahil agad niyang binawi ang sinabi niya kanina. Iba rin itong mommy ni jade napaka-mapagbiro niya di katulad ng mga anak niyang seryoso lang sa buhay.
"N-napaka mapagbiro niyo po ma'am" natatawa kong sambit
"Just call me Tita, Naikwento ka na kase sa akin ni Papa." sabay tingin kay grand primo na bahagyang ngumiti sa akin.
"By the way--- Isasama ko muna si alisa sa labas. Hahayaan ko muna kayong mag-usap" sambit ni Grand Primo.
"Okay papa---mamaya nalang tayo magkwentuhan alisa" tumango lang ako kay tita sirene at sumama palabas kay grandprimo.
"Pag-pasensyahan mo na ang asawa ng anak ko, napaka mabiruin niya talaga simula pa dati. Pero let me tell you this, Mabait si Sirene at mapagmahal that's why mahal na mahal siya ni Vito."
"Okay lang po iyon sa katunayan nga po ay aliw na aliw ako kay tita sirene"
Tumawa lang si grand primo at naglakad papunta sa kung saan. Sumunod lang ako ng sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang café malapit sa banko nila.
Nang makaupo kami ay agad na umorder si grand primo ng dalawang tea at sinamahan ng isang apple pie.
"I hope you won't mind it but maaari ba akong magtanong sayo?"
"Pwede naman po, ano po ba iyon?" tanung ko
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. Itatanong niya ba kung kamusta ang apo niya sa university? Sasabihin ko ba yung mga sinasabi sa akin ni reign tungkol sa kaniya? Pero wala pa namang kasiguraduhan ang sinabi ni reign , hindi oa dapat ako maniwala sa kaniya.
"Mula kase nung dumating ka sa mansyon ay hindi kita natatanong tungkol sa pamilya mo. Maaari ka bang magkwento?"
Yun lang pala! akala ko naman kung ano na.
"Tanging si nanay nalang po ang bumuhay sa aming tatlong magkakapatid. Namatay daw po kase si tatay dahil sa isang aksidente. Pangalawa po ako sa magkakapatid, panganay po si ate alyana at bunso si Art. Wala pong trabaho si nanay dahil may sakit siya kaya si ate alyana nalang po ang nagtratrabaho sa amin pero minsan po ay rumaraket ako para matulungan si nanay sa mga gastusin sa bahay." pagkwekwento ko.
"May nabanggit ba ang nanay mo tungkol sa dahilan kung bakir naaksidente ang tatay mo?"
"W-wala po--bakit niyo po naitanong?"
Simula bata ay laging sinasabi sa akin ni nanay na naaksidente si tatay. Pero kahit kailan hindi niya sinabi sa akin ang dahilan.
"Wala naman."
Napatango lang ako at napatingin sa waiter habang inaabot sa amin ang pagkain. Nagsimula kaming kumain at magkwentuhan hanggang sa dumating sa puntong napag-usapan na namin ang apo niyang si jade.
"Nagbago si jade mula nung laging paalis-alis ang mga magulang niya. Hindi naman siya ganun ng bata---actually ay bunsong-bunso siya ng mag-asawa."
Kaya pala ganun--kaya pala parang kulang sa aruga ang halimaw na iyon. Choss
"Hanggang sa dumating ang point na tuluyan na siyang nagbago, kapag umuuwi ang mga magulang niya ay lagi siyang umaalis at hindi sila kinakausap."
"H-hanggang ngayon po ba?"
"Kinakausap niya pero madalang. Kung magkakausap man sila ay hindi ito humahaba tanging kamustahan lang ang napapagusapan nila dahil umiiwas na si jade. Ewan ko ba sa batang iyon!"
Hindi ko naman masisisi ang halimaw na iyon kung ganun ang maging asta niya kina tita at tito. Matagal na panahon siyang nangulila sa aruga ng mga magulang niya, kaya siguro lumayo na ang loob nito sa kanila.
"But I'm hoping na babalik sa dati ang relasyon nila. Lalo pa't matatagalan sila dito sa pilipinas dahil nga sa problema nang bangko."
Sana nga at matauhan ng ang halimaw na iyon. Buti pa nga siya at kumpleto ang pamilya kaysa sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa din makausap. Ano na kayang balita sa kanila?
"Is there something bothering you?"
"W-wala naman po."
"Alam ko'ng meron, wag kang mahiya."
"H-hindi ko po kase macontact sina nanay mula pa nung isang buwan at nag-aalala na ako sa kanila."
Sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko. Taka naman akong tumingin sa kaniya pero ngumiti lang siya sa akin.
"Don't worry kapag umayos na ulit ang sitwasyon ng kumpanya---sasamahan kitang umuwi sa inyo." nakangiti niyang sabi
"T-talaga po ba?" hindi makapaniwalang tanung ko
Tumango lang siya bilang sagot kaya agad akong pumunta sa kinatatayuan niya at agad siyang niyakap.
"Salamat po nang marami grand primo" masaya kong sambit
"Walang anuman." nakangiti niyang sagot
Napaka swerte ko talaga sa kanila. Hindi ko alam na magkaka-amo ako na katulad nilang ubod ng bait. Sa wakas ay makakauwi na din ako sa probinsiya at excited na akong makitang muli sina nanay!
Ilang minuto pa kaming magkwentuhan ng biglang dumating si jade kaya taka namin siyang tinignan.
"Uuwi na kami ni Alisa." kaswal niyang sabi kaya taka pa kaming nagkatinginan ni grand primo.
"Nag-uusap pa kami apo." sabat naman ni lolo
Hindi sumagot ang hari at marahas akong hinaltak palabas ng café. Napatingin pa ako kay grand primo bago lumisan sa café.
"Ano na naman ba'ng problema mo?" tanung ko sa hari na patuloy parin sa paghaltak sa akin.
"Wala gusto ko lang hilahin ka, masama ba?" sabay ngisi
Sabi na nga ba eh! Dinidemonyo na naman siya at pinagtritripan na naman niya ako.
"EWAN SAYO!" sigaw ko sa kaniya kaya napadaing naman siya sa lakas nun. Hmp!buti nga sa kaniya!
"Bakit kailangan mo pang sumigaw?" inis niyang tanung habang hawak ang isang teynga.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad na sumakay ng kotse niya. Bahala siya uunahan ko na siyang sumakay ng kotse niya. Mwehehehe
"Ang kapal naman sadya ng mukha mo ano?" sarkastikong tanung ng hari ng makasakay sa loob.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong magkaroon na naman kami ng pagtatalo ng halimaw na ito. Nagmaneho nalang ang hari hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Bakit kaya umuwi na ang hari? Bakit hindi muna siya nanatili gayo'ng nandun naman ang mommy at daddy niya?
BLAISE POV
Iniwan ko muna sa office sina mom and dad kasama si Grand Primo at Sidney. Kailangan ko kaseng makausap ang isang importanteng tao na makakatulong sa amin ngayon.
"Handa na ang sasakyan." salubong sa akin ni Blair.
"Are you going with me?" tanung ko na ikinataas naman niya ng kilay.
"I'm not that stupid para paheramin ka ng kotse habang hindi ako kasama, i will drive you to your destination."
I just rolled my eyes to him at nagmadaling sumakay sa kotse ni blair. Agad siyang sumakay at mabilis na pinaandar ang sasakyan patungo sa kinaroroonan ng isang mahalagang tao.
"Sana ay magkaroon kayo ng maayos na pag-uusap ng isang iyon." ani niya habang nagmamaneho
"I hope so ayokong dumagdag pa siya sa mga problema ko." sagot ko
We're going to meet Frial Corpuz , He's a friend of mine. Maasahan ko siya pagdating sa mga pagresulba ng kaso , sa pag-iimbistiga at pakikipag-laban. But unfortunately baliw siya at hindi matinong kausap and i don't like that attitude baka kung hindi ko lang siya kaibigan ay napatay ko na siya.
"Nasabi sa akin ni Frial na sinisimulan na niyang sanayin muli ang mga bataan natin, isn't it a good idea right?"
"I don't see any problem about that , as long as tutulungan tayo ng isang yun ay makakaya nating labanan ang JDF" sagot ko
"Aside from that, Frial said that he's holding a important information na makakatulong sayo and i'm too curious about that."
Sana ay makakatulong ang mga hawak niyang impormasyon.Wala na akong balak pang mangalap ng impormasyon dahil alam ko na naman kung sino ang utak sa likod ng mga nangyayari sa kumpanya.
Huminto ang sasakyan sa isang lumang pabrika, actually this is our secret place and hide out. Konti lang na tauhan namin ang nagbabantay rito upang hindi mahalata ng mga awtoridad ang mga nangyayari sa loob nito.
Mukhang kilala naman ng mga bantay ang sasakyan ni blair kaya agad nila kaming pinagbuksan.
"Mukhang nandito na siya." sambit ni blair
Agad akong bumaba mula sa kotse at hinarap ang asungot na yun. Matagal tagal din kaming di nagkita at inaamin ko na namimiss ko ang kakulitan niya.
"What's up brothers!" masiglang bati ni frial ng makita kaming dalawa ni blair.
"Buhay ka pa pala" bati sa kaniya ni blair kaya sinuklian siya ng masamang tingin ni frial
"What now? hindi ako pumunta dito para makipag daldalan sayo." inip kong sabi
Napangiwi naman siya dito at agad na may kinuha mula sa table malapit sa kaniya. Isang envelope at mabilis na iniabot sa akin.
"Thankyou for this." sagot ko na tinutukoy ang envelope na hawak ko.
"I also found out na may pinaghandaan ang grupong JDF ASSASSINS kase kaliwa't kanan ang mga transactions nila. Nakakabahala ang muli nilang paglitaw, i think they're going to take a revenge on us." saad ni frial
"Don't worry about it , lagi naman tayong handa in case of emergency." nakangising sabi ni blair
Sana lang ay wag munang umatake ang grupo nina janver ngayon naririto pa sina mom and dad. Malaking problema yun para sa akin , I don't want to disappoint them kaya hangga't maaari ay lalayo muna kami sa JDF o sa anumang uri ng gulo.
"Hindi pa talaga tayo sigurado kung may balak talaga sila sa atin pero malakas ang kutob na hindi sila magpaparamdam ulit kung wala silang binabalak."
Tama si Frial , masyadong matalino ang grupong JDF ASSASSINS. Kumikilos sila ng tahimik at hindi namin alam at basta basta nalang umaatake.
"Hindi pa siguro nakakamove-on ang lalaking iyon sa nangyari 3yrs ago." ani ni blair
It happened 3years ago pero sariwa pa din sa akin ang mga nangyari. Ang isang malaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko. I tried to forget it but it always end up as my worst nightmare...and i hate it...
to be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top