32



ALISA'S POV

"Pasensya na kung basta nalang kita nahila kanina."


Halos atakihin ako sa puso ng may bigla nalang humaltak sa akin papunta sa gym ng university. Si Reign lang pala at napansin ko na hindi siya nakauniform muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Brie. Gusto sanang itanong yung tungkol sa kompanya nila pero nahihiya ako tsaka baka isipin ni Reign na napaka tsimosa ko.



"O-okay lang. Wag mo nalang uulitin." napangiwi siya sa sinabi ko. Namumugto ang mata niya at kita ko ang sakit sa mga mata niya. Siguro nga ay totoo ang sinabi sa akin ni brie,nakakaawa naman pala siya at ang pamilya niya.



"Pasensya na at hindi ako nakasali sa debate kanina." hingi niya ng paumanhin

"Ayos lang yun---naiintindihan kita."

"A-alam mo ang nangayari sa amin?"

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko , hindi ko na dapat sinabi ang salitang iyon.

"Pasensya na hindi ko kase sinasadyang--"

"It's okay! H-hindi na ako magtataka kung makakarating at mabilis na kakalat ang balita." putol niya sa akin

Nakaramdam naman ako ng awa kaniya , dama ko kase ang bigat ng mga nararamdaman niya kahit hindi niya sinasabi.

"Kailan mo balak pumasok?" tanung ko sa kaniya

"Hindi ko alam--hindi ko alam kung makakapasok pa ako." malungkot niyang saad

"P-pero paano ang pag-aaral mo?"


"Masyado pang magulo ang sitwasyon namin---lahat sila ay abala sa mga ginagawa nila para lang maisalba ang kompanya.Kaya mas mabuti siguro kung tutulong nalang muna ako sa kanila." paliwananag niya

Hindi ko naman siya masisisi eh, lahat namab siguro ay mas pipiliing tumulong sa pamilya kapag may problema kaysa gawin ang ibang bagay.


"May gusto nga pala akong itanong sayo." napatingin ako sa kaniya

"A-ano yun?"

"Napapansin ko kase na madalas kang kabuntot ni jade, ano ba talagang koneksiyon mo sa kaniya?"


Sasabihin ko ba? Hindi naman siguro masama na ikwento sa kaniya iyon. Tsaka isa pa , wala namang mawawala sa akin kapag kinuwento ko diba? Kaysa naman mag-isip sila ng iba sa akin ,mas mabuti nang alam niya yung tunay na dahilan.

"Slave ako ni jade---kasalukuyan din akong nakikitira sa bahay nila"

"I-ibigsabihin ay sagot nila ang mga pangangailangan mo araw-araw?" tanung niya kaya umiling ako.

"Hindi lahat---tanging pag-aaral ko lang ang sagot nila." sagot ko

"Pero sa mansyon ka nila nakatira---that means na sagot nila ang pagkain at shelter mo hindi ba?"

"P-parang ganun na nga." nag-aalangan kong sagot

"You should stay away from him." taka akong tumingin sa kaniya.

"W-wala namang rason para layuan ko sila." sagot ko

Ngumisi siya kaya bigla nalang ako kinabahan at natakot. Hindi ako sanay sa mga ganitong aksyon ni reign.

"Stay away from them---mga mamamatay tao sila alisa. Balang araw ay malalaman mo din ang katotohan sa likod ng maaamo nilang mukha."

Gulo pa din ang utak ko sa sinasabi ni reign. Ayaw pumasok ng mga mensahe niya sa akin dahil tanging kaba ang nararamdaman ko.

"Hindi mo dapat sila hinuhusgahan reign! hindi sila ganung klaseng tao!" depensa ko

Mababait sila jade kahit na lagi nila akong pinagtritripan.Hindi nila magagawang pumatay at naniniwala ako dun!

Bigla nalang hinawakan ni reign ang kamay ko nang mahigpit at hindi ko alam kung bakit puno ng galit ang tingin niya sa akin.

"You don't know them a lot. Bago ka lang dito kaya di hamak na mas marami akong alam kaysa sayo. Kung ako sayo sisimulan ko na silang layuan, they are monsters." binitawan niya ang kamay ko at mabilis na umalis ng gym.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya ganun?

Hinimas ko ang kamay ko na namula sa pagkakahawak ni reign. Muli kong naalala ang sinabi niya sa akin tungkol kina jade. Ang hirap maniwala sa kaniya, lalo pa't hindi ko naman talaga siya kilala ng lubos. Pero kung tunay man o hindi ay sa iisang tao ko lang yun mapapatunayan---kay jade.


Lumabas na ako ng gym at napansin ko ang panyo ko. Kinapa ko pa ang mga bulsa ko pero hindi ko makita. Doon ko lang naaalala na baka naiwan ko yun sa may garden kaya minabuti kong bumalik dun.

Malapit na ako sa garden nang mapansin ang mga pamilyar na tao na nag-uumpukan malapit dun. Hindi lang sila basta nakatayo dun---teka? nagtatalo ba sila?

"Bakit ba kase hindi mo siya binantayan!" singhal ng hari kay alistair

Teka? ano bang nangyayari at ginagawa nila dito?

Hindi muna ako nagpakita bagkus ay pinakinggan ko ang pinagtatalunan ng dalawa.


"Hindi ko naman kase alam na may balak pala sa kaniya si Janver!" sigaw naman ni alistair sa hari na mukhang naiinis na

Teka sino ba ang tinutukoy nila? Tsaka sino si janver?




"You should be the one to watch her! Diba ikaw na nga ang may sabi na ikaw ang may mas karapatan sa kaniya!" sisi'ng muli ni alistair kaya mukhang nag-init na talaga ang ulo ng halimaw. Nagulat nalang ako nang biglang kinuwelyuhan ng hari si alistair

Wala ba'ng may balak na umawat sa kanila?



"Can you both stop! Hindi makakatulong ang pag-aaway niyong dalawa!" Mabuti nalang at inawat sila ni jiro.

Humiwalay naman agad ang hari kay alistair at masama niyang itong tinignan.

"Para kayong mga bata! Tumigil na kayo at simulan nating hanapin si alisa." ani ni yago

Teka? Ba't ba nila ako hahanapin? hindi ko sila maintindihan!



"Kay alisa ba to?" napatingin ako kay kobe habang hawak niya ang panyo ko! Teka akin nga yun panyo! sabi na dito ko yun naiwan!

"Kay alisa yan." halos sabay pang sumagot si jade at alistair.

"We need to find her! nanganganib ang buhay niya!" utos ni alistair

Nanganganib? Nababaliw na ba sila!?


"Ano pa nga ba!?" inis na sigaw ng hari kay alistair



"Bakit kailangan niyo akong hanapin?" Hindi ko na talaga kayabng tumayo nalang dito kaya agad akong lumabas at nagpakita sa kanila.

Sabay-sabay tumingin sa akin ang mga loko at gulat akong tinignan

"Alisa!" halos sabay-sabay pa nilang tawag sa akin


Mas lalo akong nabigla nang may bigla nalang yumakap sa akin. T-teka? ba't nakayakap sa akin si alistair.

Ang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y sasabog anumang oras. Halata naman sa mukha ng magkakaibigan ang pagkabigla.

"I thought you're missing." ani niya habang nakayakap.

Ano bang ginagawa niya? Bakit ba niya ako niyakap. Nasa kalagitnaan ako ng pagkalito ng may bigla nalang humaltak sa akin palayo kay alistair. Walang iba kundi ang hari---pero bakit parang galit siya.

"I-im sorry alisa. hindi ko sinasadya na--"

"Uuwi na kami!" putol ni jade kay alistair at mabilis akong hinaltak ng hari palayo sa kanila.


Teka nga lang! ba't ba ang gulo nila? hindi ko na talaga sila maintindihan. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay hawak pa din ng hari ang braso ko. Buti nalang binitawan niya iyon, hinimas ko pa ito dahil sa sobrang sakit.

"Ano bang problema mo?!" inis kong tanung habang hawak ang braso ko

"Saan ka galing?" nararamdaman ko na pinipigil niya lang ang sarili niya na magalit.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanung ko kanina, Bakit niyo ako hinahanap? Sino si janver!? Bakit sabi nila na nanganganib ang buhay ko!" hindi ko mapigilang mainis sa kanila, may tinatago sila sa akin at karapatan kong malaman yun.

Hinilamos niya ang mukha niya at inis na tumingin sa akin.

"Sagutin mo ang tanung ko! Wag mo akong inisin!" utos niya pero inirapan ko lang siya

"Hindi ako sasagot hangga't hindi mo sinasagot ang tanung ko!" matigas kong sabi kaya lalong nainis ang hari.

Hmp! Bahala siyang mamatay sa inis. Bigla niya nalang hinampas ang manubela ng kotse kaya nagulat ako napatingin ako sa kamay niyang naka-kuyom. Ano bang nangyayari sa kaniya.

Imbis na sumagot ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at wala na akong balak pang magtanong dahil baka masinghalan lang ako ng halimaw.


Ilang minuto pa ay tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking gusali. May logo iyon ng V tapos may maliit na nakaukit na salita na Villaruel Bank. Mukhang nasa bangko nila kami pero bakit dito niya ako dinala? anong gagawin namin dito.

"Hindi ka ba magsasalita?" tanung nito

Wala akong balak na kausapin siya. Hangga't hindi niya sinasagot ang tanung ko ay bahala na siyang kumausap sa hangin. Peste siya!

Bigla nalang siyang bumaba nang sasakyan kaya sinundan ko siya. Pumasok kami sa loob ng gusali at sumalubong sa amin ang mga empliyado ng VBANK.

"Where's Grand Primo?" tanung ni jade sa isa sa mga empliyado

"Nasa taas po sila , kasama sina Mr. Vito at Mrs. Sirene." sagot nito pero tumango lang ang hari.

Nandiyan na sa taas ang mga magulang niya? Siguro ay pribado ang pag-uusapan nila kaya minabuti kong wag nalang sumunod.

Buong akala ko ay nakaalis na ang hari pero nung lumingon ako sa kaniya ay inis siyang nakatingin sa akin. Mukhang pinapasama niya ako sa taas kaya agad akong tumayo at muling sumunod sa mga lakad niya.


Sumakay kami ng elevator at may kung anong pinindot dun ang hari at agad itong umandar.

"We're going to see my mom and dad , at kung wala kang balak magsalita at kausapin ako ay panindigan mo. Wag kang gagawa ng katangahan don , maliwanag ba?" pagsasalita ng hari

Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Wala naman talaga akong balak magsalita sa harap ng mommy at daddy niya.

Bumukas ang pinto ng elevator at agad kaming lumabas roon. Nakailang lakad pa kami bago makarating sa isang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob nito.


Bumungad sa amin si Grand primo , kuya blaise , Ate sidney at ang mommy at daddy nila. Take ang gaganda at gwagwapo nila huh! Hindi na ako magtataka kung saan nagmana ang anak nila.

"Is that your girlfriend anak?" nanlaki ang mata ko sa tanung ng mommy ni jade habang nakangiti sa akin

Napaubo naman si jade at napangiwi akong tinignan.

"She's our maid." kaswal niyang sagot sa mommy niya


"Mas bagay siguro kung magiging girlfriend mo siya."


ANUDAW!!!!!

to be continued.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top