28
ALISA'S POV
Dumaretso na ako sa cafeteria at nadatnan dun ang dalawa. Umupo naman ako sa isa sa mga silya kaharap silang dalawa.
"Pumunta ka daw sa bahay kahapon? Sayang at hindi na kita naabutan." malungkot na saad ni alia.
"Oo eh , sayang nga at hindi tayo nagkita." ani ko
"Okay lang---btw ano nga palang balak niyo sa Js prom? sasali ba kayo?" tanung nito sa aming dalawa ni brie
Tumingin ako kay brie at sinenyasan na siya nalang ang sumagot sa tanung ni alia. Tutal siya naman ang nagpresinta na ilibre kami ng sosootin para dun. HEHE
"Sasali kami syempre at ako na bahala sa Gowns na sosootin natin" kuminang naman ang mata dun ni Alia.
"Talaga! magandang ideya yun. Sasali na din ako!" masaya niyang sabi
Nagtawanan kaming tatlo at sari-sari pa ang napagkwentuhan ng biglang may lumapit sa amin kaya naputol ang usapan namin. Walang iba kundi si Fiona at si---elytra?
"Don't worry girls, may sasabihin lang kami sa mga studyante dito." sabi ni fiona sa amin habang nakangiti. Halata namang plastik yun dahil nauwi iyon sa isang masamang ngisi.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Alia habang kami ni brie ay tahimik lang na nakikinig. Kasama niya si Elytra at ang mga alipores nila. Ano naman kayang sasabihin nila?
"Good day Kelton's Students. Siguro ay alam niyo na naman ang tungkol sa JS PROM na gaganapin after ng ating final exams. We,SSG officers are here to announce something para mas lalo kayong mainganyo na sumali sa aming activity." bungad na pananalita ni Fiona.
Bakit dito pa sila sa cafeteria nag announce? Pwede namang sa gymnasium nalang? Tsaka masyadong maunti ang studyante dito kaya mas maganda sana kung sa gym nalang para lahat ay makikinig.
"Puro kabaliwan lang ang sasabihin ng mga iyan, i swear." bulong ni brie kaya napatawa nalang ako
"Makinig nalang kayo sa kabaliwan nila." ani ni alia
Tumingin kaming lahat sa kanila at hinintay ang sasabihin nila.
"First of all , kung sinong sasali dito ay may extra points para sa inyong final grade which is napakalaking tulong sa inyo. Second , Kung sino man ang sasali ay tiyak naming masasayahan kase nagdagdag kami ng iba't-ibang twist kumpara dati. Third, We already talk to Our dean na payagan kaming maglagay ng mini bar kung saan pwedeng uminom ng alak ang lahat. And last , Hindi pwedeng mawala ang Mr.And Ms. JS Prom kung saan ay pipili kami ng mananalo at nag stand out sa Prom kaya everyone is expecting na mag-suot ng magaganda at magagarang damit para sa event na iyon." saad ni elytra
Nag-ingay naman ang lahat at nasiyahan sa mga pwedeng mangyari dun sa Prom. Pwede ang alak? Ibig sabihin ay maaari ding gumulo dahil tiyak akong maraming malalasing at magiging wild sa gabing iyon.
"And to be added, Kung sino man ang mapipiling Mr.and Ms. JS prom ay may special prize na matatanggap doon din mismong event. " dagdag ni fiona
Sobrang ingay sa loob ng cafeteria habang kaming tatlo ay tahimik lang. Hindi ko alam pero may masama akong kutob dito. Siguro ay kinakabahan lang ako dahil unang beses ko itong sasali sa ganitong prom.
"Ano sasali pa ba tayo?" tanung ni alia
"It's not because may alak sa gabing iyon ay hindi na tayo sasali, Hindi naman tayo iinom at mag eenjoy lang tayo buong gabing iyon.Sayang din naman kase last year na natin dito sa KU" may punto si brie dun
"Sang-ayon ako dun. Isa pa ay isang gabi lang yun." tumango naman si alia
"Mag-papaalam ako kina mom and dad , sana lang ay payagan niya ako." ani ni alia
"Aasahan kita alisa , suportahan mo sana ang activity namin." napatingin kami kay elytra
"T-titignan ko pa." sagot ko
"You should be there." aniya at lumakad na palayo sa amin kasama ang mga alipores niya at si fiona
Nagkatinginan pa kaming tatlo habang pinagmamasdan ang pag-alis nila. Mahaba pa ang napagkwentuhan namin at napag-pasyahan na pumunta na ulit sa room. Grade 9 si Alia pero mukha na siyang grade 10 nakakatuwa HAHAHA. Maswerte naman ako at hindi namin kaklase sina Elytra at Fiona na parehas Grade 10 student pero Section B sila.
__________
Sobrang nakakabagot dito sa room. Wala kaseng klase kaya heto kami ngayon at walang magawa sa loob ng room. Wala dito ang magkakaibigan na halimaw siguro ay nasa tambayan sila. Si Brie naman ay abala sa pag-babasa ng libro.
"Alisa, tawag ka ni Ms Fatima nasa Dean's Office siya." napatingin kami kay Kean kaklase ko siya.
"Bakit daw?" tanung ko
"Hindi ko alam eh." sagot nito napatingin naman ako kay brie at sinenyasan niya akong pumunta na.
Agad akong pumunta sa Dean's Office at nadtnan dun si Ms Fatima na nakaupo sa lamesa niya.Mukhang napansin niya ako kaya kinawayan niya ako na lumapit.
"Bakit niyo po ako tinawag?" tanung ko dito
"Malapit na kase ang Moving Up niyo , Kailangan ko kase ng Birthcertificate mo para maasikaso ko ang requirements mo, maibibigay mo ba yun?" tanung nito
Nasa Probinsiya ang BC ko , nasabi din sa akin dati ni ate sidney na kailangan ko raw makuha yun para tuluyan na akong maenroll.
"O-opo , baka po sa isang linggo. Kukuhanin ko pa po iyon sa probinsya eh." sagot ko
"Sige hihintayin ko. Makakaalis ka na."
Naglakad na ako palabas ng Dean's Office nang may nakita akong lalaking may dalang kahon. Mukhang may hinahanap siya kaya nilapitan ko siya para tulungan.
"Excuse me po, may kailangan po ba kayo?" tanung ko sa lalaki.
"Oo eh , kilala mo ba si Jade Cyril Villaruel?" tanung nito
Bakit niya hinahanap ang halimaw na iyon? Para sa kaniya ba ang kahon na hawak nang lalaking ito?
"Opo." tipid kong sagot
"Makikibigay naman nito , padala sa kaniya yan." iniabot sa akin ng lalaki ang kahon kaya tinanggap ko ito.
"Salamat po." agad namang umalis ang lalaki.
Ano naman kayang laman ng kahon na ito?
Agad akong nagpunta sa tambayan ng mga halimaw at nadatnan dun sina jade , alistair, kobe , yago , jiro , wilbert at redge. Himala at kumpleto sila...
"Kaninong regalo yan?" usisa ni kobe
"May nagpapabigay kay jade." sagot ko napatingin naman si jade
"Ayieee sino kaya?" pangaasar ni wilbert
"Throw that thing away." utos ng halimaw
Sayang naman kung itatapon ko! Wala talagang kwenta ang hari ng mga halimaw!
"Sayang naman, sino bang nagpapabigay niyan?" tanung ni redge
"Yung lalaki kanina." biglang tumahimik ang mga loko at nagkatinginan na parang may sinasabi.
"Kilala mo ba yung lalaki?" tanung ni jiro kaya umiling ako.
"Hindi ko na naitanong ang pangalan niya. Bigla kase siyang umalis." sabi ko
"Namukhaan mo ba siya?" tanung naman ni alistair kaya umiling ulit ako.
Teka? Ba't ba ganun ang mga tanung nila?
Tumayo ang hari at lumapit sa kinatatayuan ko. Kinuha niya ang kahon na hawak ko at tumingin sa akin.
"Labas." utos nito
Aba! Wala man lang pasasalamat? ano pa nga bang aasahan sa lalaking ito? Kung ano man ang laman nun ay malalaman ko din iyon! Agad akong lumabas ng tambayan at pabagsak na sinarduhan ang pinto. Dinig ko pa ang malakas na sigaw ng hari kaya napatawa ako.
Bagay lang sayo yan!
JADE'S POV
"Buksan mo na!" utos sa akin ni wilbert kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Inilapag ko ang kahon sa lamesa at kumuha ng cutter para ipang-bukas. Para namang mga tsismoso ang mga loko at lumapit sa akin upang makita kung anong laman.
Hinati ko sa gitna ang kahon. Nang mahati ko ito ay agad kong binuksan ang kahon. Walang mabigat na laman ang kahon kundi isang papel na may sulat. Nasa loob din nito ang isang envelope, Isinantabi ko ang envelope at inunang buksan ang sulat at agad itong binasa.
"Its a threat." nasabi ko nalang ng mabasa ang sulat. Hinablot sa akin ni kobe ang sulat at binasa upang marinig ng lahat.
"Good day Unique's. Sana ay naaalala niyo pa ang ganitong uri ng penmanship. Ilang beses na akong nakapag padala ng sulat sa inyo kaya imposibleng di niyo matandaan kung sino ako. Kamusta naman kayo habang ninanamnam ang buhay ng isang tunay na mga demonyo? Sana ay nakatulog pa kayo sa kabila ng mga nagawa niyo. Pare-pareho lang tayong mga demonyo dito, pero magkakaiba ang mga kaya nating gawin. By the way, It's good to be back at ang dami kong nakaligtaan na pangyayari. Madami akong nalaman na mga problema na kinakaharap niyo ngayon and i like seeing you all suffering sa mga karma na dumating at paparating pa lang sa inyo in fact kulang pa iyan at hindi ako satisfied sa mga nangyayari sa inyo. Hindi pa natatapos ang laban natin, Maaaring natalo niyo ako dati pero ibahin niyo ngayon. Marami akong hawak na alas at isa na dun ang babaeng kababago niyo pa lang nakilala, Alisa right? How i wish na malaman niya ang tungkol sa inyo...pero it will happen soon. Naguumpisa pa lang ako para sa mga maaaring kabayaran niyo sa akin--nagmamahal janver"
"She will use alisa against us." ani ni jiro
Dinampot ko ang envelope na naglalaman pala ng mga litrato. Mga litrato namin iyon kasama si alisa. Pero iisang litrato ang pumukaw sa atensyon ko----Si alisa kausap si janver. He is really a demon.
"Ano nang gagawin natin?" tanung ni wilbert
"We don't have any choice kundi ang bantayan si alisa." sagot ni alistair
"Gusto mo talagang ipush yan ano?" inis kong singhal kah alistair.
"I'm just doing it for our sake! Paano kapag lumala ang sitwasyon? Paano kung malaman ni Blaise lahat? May magagawa ka pa ba?" tanung sa akin ni Alistair.
"And now you're pretending na hindi ka nag-aala kay alisa, nakakatawa." nakangisi kong saad
"Nagagawa niyo pang mag-away! This is a serious situation. Walang oras para magaway pa kayo diyan." seryosong suway ni yago
"I will ask for kreo and warren's help about it. Madami silang alam na transaction ng grupo nina janver since marami silang dalawang source." ani ni kobe
"Ako na bahala kay alisa." sabat naman ni jiro kaya napatingin kami sa kaniya.
"She's my slave , ako na bahala sa kaniya." inis kong singhal at lumabas ng tambayan.
Bakit kailangan niya pang makialam? Ako ang may karapatan kay alisa dahil slave ko siya at sa amin siya nakatira----teka ano bang mga sinasabi ko?
"Nababaliw na ako..."
To be continued......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top