26


ALISA'S POV

Hapon na ng matapos ang group study namin nina alistair at jairus. Nagpaalam na kaming uuwi pero pinigilan kami ni tita alexie , dito na daw kami maghapunan. Pumayag naman kami ni jairus kaya heto kami ngayon at nakaupo sa mahabang lamesa na puno ng masasarap ng pagkain.





"Tumawag sa akin si froi at matatagalan daw silang umuwi dahil traffic. Sayang lang at hindi ka makikita ni Alia." saad ni tita habang kumakain. Katabi niya si Alistair na tahimik lang na kumakain at nakikinig.



"Oo nga po eh." aniya ko



Kanina pa ako naiilang pero hindi ko nalang pinapansin ang titig ni alistair habang kumakain ako. Hindi ko alam kung iniis lang ba ako ng damuhong ito o sadyang inaatake na naman siya ng sakit niya.




"Kaano-ano mo nga pala itong kasama mo?" tanung ni tita habang nakatingin kay jairus.

"Kababata ko po siya." sagot ko

"He look too familiar to me---parang nakita ko na siya." aniya habang nakatingin pa din kay jairus.

Nakakapagtaka naman? Hindi naman dito lumaki si jairus kaya imposibleng nagkita na sila ni tita alexie.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang nakakatandang kapatid ni Alistair--si blair.


"Mukhang may bisita tayo." aniya habang nakatingin sa amin

"Halika at samahan mo kaming kumain." anyaya ni tita alexie sa anak.Umupo naman ito sa tabi ni tita at tumingin sa aming dalawa ni jairus.

"Alisa right?" tanung nito kaya tumango ako. Nagkita na kami nung dinner at hanggang ngayon ay naiilang pa din ako sa kaniya.

Tumingin naman ito kay jairus na walang emosyong kumakain.

"He's jairus , kaklase ko sila parehas." si alistair na ang sumagot kaya napatingin kami sa kaniya.

" I see." sagot nito at nagsimulang kumuha ng pagkain upang kumain.

"At saan ka naman galing? Hindi ka nagpaalam sa akin o sa daddy mo." tanung ni tita kay blair

"Nag hang-out kami nina blaise kasama ang mga dati naming kaklase." sagot nito habang kumakain


"At inabot kayo ng magdamag para lang dun?" ani ni tita habang naka-taas ang kilay.


Napaka-strikto niyang ina pero mabait. Naalala ko sa kaniya si Nanay , parehas sila ng ugali. Bakit kaya hindi ko sila matawagan ni ate? Ayaw kong mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala.

"We missed each other , natural lang yun." sagot ni blair

"Dapat nagpaalam ka pa din." singit ni alistair

"Look who's talking" sabat ni blair

Mukhang mag-aaway pa ang dalawa dito sa harap namin,mabuti nalang at sinuway agad sila ni tita.


"Nasa harap tayo ng pagkain---may bisita rin tayo! mahiya naman kayo." suway ni tita sa dalawa

Nag-samaan lang sila ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Pasensya na kayo sa dalawa kong anak." ngumiti ako sa kaniya

"Okay lang po tita." sagot ko

Matapos nun ay hindi na muling umimik ang dalawa. Halos buong oras ay kami ni tita alexie ang nagkwentuhan hanggang sa matapos na ang pagkain namin. Niligpit ng mga katulong ang aming pinagkainan kaya tumayo na kami'ng dalawa ni jairus upang magpaalam. Gabi na din kase baka mapagalitan na ako sa mansyon.


"Aalis na po kami tita alexie--salamat po sa hapunan" ngumiti siya sa akin at ikinabigla ko ang pagyakap niya sa akin

"Sa uulitin, sana ay dumalaw ka ulit dito." pinakawalan niya ako sa yakap.

"Thankyou for the dinner Mrs.Kelton." ngumiti kay jairus si tita alexie bilang sagot

"Uuna na po kami." paalam ko

"Sige. Mag-iingat kayo." inihatid kami ni tita alexie sa labas. Ngumiti pa ako sa kaniya bago sumakay ng sasakyan.


Nang makasakay kami ay agad na pinaandar ni jairus ang sasakyan. Tahimik lang ang naging byahe at mabilis kaming nakarating sa mansyon.

"Salamat ng marami jairus." pasasalamat ko sa kaniya bago bumaba ng sasakyan.

"Sige na , kita nalang tayo bukas sa school." aniya habang nakangiti.


Bumba na ako ng sasakyan niya , bumusina pa siya bago umalis. Pinagmamasdan ko pa ang sasakyan niya ng may natanaw akong pamilyar na mukha. Ipinikit ko ang mga mata ko pero agad naman itong nawala.

Taka akong nag-isip kung tama ba yung nakita ko. Kahit naguguluhan ay lumapit ako sa kinaroonan kanina nung lalaki. Nasa may gilid siya kanina ng puno pero nung tignan ko ay agad naman siyang nawala.

Bakit kaya nandito si denver? Dito rin ba siya nakatira?

JADE'S POV

I'm on my way pauwi sa mansyon. At habang nagmamaneho papasok ng village ay may napansin akong pamilyar na sasakyan. Doon ko lang napagtanto na kay jairus pala iyon---mukhang naihatid na niya si promdi slave.

Ngayon lang sila nakauwi? Ano bang ginawa nila buong maghapon sa bahay nina alistair at ganun sila katagal?

Lagot sa akin mamaya ang promdi slave na yun! Dapat umuwi siya nang maaga dahil maraming naghihintay na gawain sa kaniya sa mansyon. And speaking of that promdi slave, bakit naman siya nandun sa may puno? anong ginagawa niya dun sa ganitong oras?


Inihinto ko ang sasakyan sa may tapat niya at mukhang napansin niya naman ako. Taka pa niyang tinignan ang sasakyan ko na wari'ng sinusuri kung sino ang may-ari at sinong nasa loob nito.

Ibinaba ko ang salamin at ganun nalang ang gulat niya ng makita ako.Tss ano na naman kayang kaweirduhan ang ginagawa ng promdi na ito dito?

"Anong ginagawa mo diyan?" tanung ko sa kaniya

"W-wala nagpapahangin lang." mabilis niyang sagot

Imposible! Wala ngang kahangin-hangin dito. Nababaliw na ba siya?

"Anong ginagawa mo diyan?" kunwaring seryosong tanung ko ulit sa kaniya.

"W-wala nga sabi eh." pagmamatigas niya na ikinainis ko.

Gaank ba kahirap sabihin sa akin kung anong ginagawa niya dito? Tss Stupid promdi girl!

"Sasabihin mo ba o sasabihin mo?"

Mukha naman siyang baliw at iniisip ng mabuti ang tanung ko kahit parehas lang naman ito ng pamimilian.

"Eh kase ano---nakita ko kase si denver dito." sagot nito

Denver? Is she talking to the guy na nakilala niya kahapon?

"Denver?"

"Yung nakilala ko kahapon! Nakita ko siya dito sa may puno."

"Nababaliw ka na! pumasok ka na nga bago pa kita ipatapon sa mars." napanguso nalang siya na parang bata at mabilis na pumasok sa mansyon.

Napailing nalang ako sa kabaliwan ni alisa at agad na ipinarke sa garahe ang sasakyan. Mukhang nagpapahinga ng ang mga tao sa mansyon katulad nina Grand primo.

Umakyat ako sa kwarto upang makapagbihis at makapag-pahinga. Habang nakahiga sa kama ay muli kong naisip ang sinabi ni alisa.

"Siguro ay may gusto yung lalaking iyon kay alisa---T-teka bakit ko ba naiisip ang mga bagay na iyon!? nababaliw na ako!" pagsasalita ko.


Taena feeling ko talaga nababaliw na ako!

_________
KINABUKASAN

Maaga akong nagising , 7am at maaga na iyon para sa akin. Bumaba na ako sa may salas at nadatnan dun si lolo na nagkakape. Napansin niya naman ako pero muli niyang ibinaling ang tingin sa dyaryo na binabasa niya.

"Mag-breakfast ka muna bago pumasok."

Umupo ako at agad na kumuha ng pagkain. Hindi naman ako nagugutom pero pinilit ko ang sarili ko para hindi mamura ni lolo.

"Nauna na si alisa umalis---bakit hindi mo siya kasabay?" tanung nito sa akin

"Maaga po siyang gumising unlike sa akin na alas siyete na bumabangon." sagot ko tsaka isa pa ayaw kong kasabay ang babaeng iyon dahil tiyak akong iba't-ibang kaweirduhan na naman ang sasabihin niya.

"Kung ganun ay ikaw na ang mag-adjust para maisabay mo siya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni loko. Really? Kailan pa ako nag-adjust sa mga ganung bagay?

"What do you mean!?" tanung ko


"Agahan mo ang gising mo para maisabay mo si alisa. Tutal ay parehas lang naman kayo ng university na pinapasukan."


"I don't want to." tumayo na ako para umalis pero muli siyang nagsalita.



"Wag mo akong tinatalikuran dahil kinakakausap pa kita---isasabay mo si alisa papasok at pauwi galing sa school. That's final."


Hindi na ako nagsalita pa at agad na lumabas ng mansyon. Nakakainis! Bakit kailangan pa'ng gawin ni lolo yun?

Sino ba yung promdi girl na yun at bakit nararanasan niya ang special treatment ni lolo kahit na maid lang naman siya. She is nothing but a trash!

Mabilis akong nakarating sa KU. Hindi na ako dumaretso sa tambayan dahil sigurado akong nandun si alisa ayokong nakikita siya dahil umiinit ang ulo ko dumagdag pa ang sinabi at utos ni Lolo. Kainis!


ALISA'S POV

Naglalakad na ako papasok ng KU ng biglang may humarang sa aking grupo ng mga kababaihan. Hindi sila ang grupo nina Fiona.

Lumabas mula sa gitna ang isang pamilyar na mukha. Teka!? si Elytra! siya yung kapatid ni Brie. Pero bakit parang galit siya sa akin?


"I heard na kasama mo si jade nung isang araw." aniya habang masamang nakatingin sa akin

Maglalakad na sana ako palayo ng hawakan ako ng mga kasamahan niya.

"Kinakausap kita! WAG KANG BASTOS!" sigaw niya sa akin

Hindi ako umimik dahil ayokong magsalita. Bumabalik na naman yung alaala nung sinaktan din ako nina Fiona.

"Ano hindi ka man lang magsasalita?" inis niyang tanung

"Wala akong dapat sabihin sayo." sabi ko at akmang tatalikuran siya ng marahas niyang hinila ang buhok ko at agad na iniharap sa kaniya. Isang malakas na sampal ang natamo ko at muli na namang namanhid ang katawan ko.

"Napaka-bastos mo'ng malandi ka! Matapos kay alistair ay si jade nama! Don't you know kung sino ako? at kung anong ginagawa ko sa mga kumakalaban sa akin?" halata sa boses niya ang pagkainis.

Hindi ako sumagot kahit na mas lalo niya pang hinihigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. Masakit iyon pero hindi ko pinapahalata.

"Kung sino man ang humarang at kumalaban sa akin ay ginagawa kong impyerno ang buhay! Kaya ikaw---don't you dare to block my way kung ayaw mo'ng tapakan kita na parang langggam" sabay tulak sa akin kaya natumba ako

"Bagay lang sa kaniya yan!"

"Malandi!"

"Sampalin mo!"

sigawan ng mga alipores niya, nakangisi niyang nakatingin sa akin.

"Kung si fiona ay nagawa mong takasan , ibahin mo ako! Walang makakapigil sa akin." banta niya at binuhusan ako ng mainit na kape.

Nagtawanan pa sila na animo'y mga bruha at iniwan akong mag-isa. Pilit akong tumayo at inayos ang sarili. Dapat masanay na ako sa kanila pero hindi dapat tuluyang mag-paapi sa kanila.

Naglakad ako na parang walang nangyari. Kahit na napakadumi ng uniporme ko at kahit na pinagtatawanan ako dahil sa magulo kong buhok. Agad akong nagderetso sa may locker para kuhanin ang pamalit kong damit. Inayos ko ang sarili ko sa comfort room at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Bahagyang namula ang pisngi ko dahil sa sampal ni elytra. Ano kayang ipapaliwanag ko kapag napansin ito ni Jairus at Brie? Hindi ko alam kung anong gagawin kong palusot.

Bahala na...

To be continued....



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top