24
JADE'S POV
"Who is she?" tanung sa akin ni kreo habang pinagmamasdan si alisa.
Iniwan ko muna siya doon sa sulok at nagpaalam na may pag-uusapan lang kami saglit. Mukha naman siyang tanga dun na mukhang manghang-mangha sa nakikita.
"She's our maid." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at hindi siya makapaniwala doon.
"Y-your maid? ang magandang babaeng iyon katulong niyo?" di makapaniwalang tanung nito
"You heard it right , wag kang paulit-ulit." inis kong sabi sa kaniya
"I just can't believe" usal nito
"Can't believe what?" iritado kong tanung
"Na isama mo siya dito, as far as i know ay ayaw mo ng may kasama kaya nagulat ako ng isama mo siya...isama mo ang katulong niyo." saad nito kaya inirapan ko siya
"Ano bang pakay mo sa akin? sabihin mo na agad." pag-iiba ko ng usapan
"I already ordered new weapons to Mr.Romualdes at idedeliver daw nila iyon sa inyo bukas." panimula nito
"That's great , yun lang ba ang sinadya mo?" tanung ko sa kaniya.
"And also , he told to me na may umorder din daw ng mga armas sa kaniya kahapon and guess who it is."
"I have no time to guess who it is." bored kong sagot
"It's janver and with his gang"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. It's impossible, bugbog na siya at mukhang baldado na siya kaya imposibleng mabuhay pa ang demonyong iyon.
"It's Impossible." usal ko
"Ako din man ay nagulat ng malaman iyon but i keep myself calm dahil baka mapaghalataan ako ni Mr.Romualdes na may kaugnayan tayo sa grupo nina janver."
"How is he? Buti at nabuhay pa siya." aniya ko kaya napatawa siya
May sa pusa ata ang lalaking iyon! Janver has a gang at nakalaban na namin sila at natalo. And i can't believe na nagawa niya pang mabuhay sa mga sugat na natamo niya ng maglaban kami. He's planning something kaya bumili siya ng mga bagong armas. He's going to take a revenge on us. Gaganti siya at alam kong naghahanda na sila para harapin ang grupo namin.
"Kaya maging maingat kayo." napataas ang kilay ko sa sinabi niya
"Kayo? Bakit ikaw hindi ka sasali?"
"Hanggang ngayon ay ipinapahanap pa din ako ng mga imperial dito as if naman na mahahanap nila ako sa laki ng pilipinas. Kaya hindi rin ako napasok ay dahil may nagbabantay sa akin sa university ayon sa source ko." saad nito
"Bakit ba ayaw mo pang tanggapin ang rensponsibility mo bilang tagapag-mana?" inis niya akong tinignan
"I don't want to, masyado pa akong bata para dun and i hate rensponsibility and obligations!" singhal nito na parang bata
"Hanggang kailan ka makikipag-taguan sa kanila?"
"I don't know " sagot nito at mukhang narealize ang sinabi ko.
Tulad nito ang sitwasyon na nararanasan ng grupo namin ngayon. Patuloy pa din kaming nakikipagtaguan kina kuya, nagtatago pa din kami at walang katiyakan kung hanggang kailan kami makikipag-laro sa kanila.
Dumagdag pa sa problema ko ang promdi girl na iyon! nilibot ko kase ang paningin ko pero hindi ko siya makita! Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon!
ALISA'S POV
Kanina pang nag-uusap sina jade at yung kaibigan niyang kreo ang pangalan. Hindi naman ako naiinip dahil maganda ang nakikita ko sa paligid. Pero napansin ko ang magandang tanawin sa di kalayuan kaya napag-pasyahan kong pumunta roon saglit.
Minsan talaga ay napapaisip ako sa mga nagiging aksyon ng halimaw na iyon. Tulad ngayon, isinama niya ako dito pero wala naman akong ginagawa. Minsan talaga ay iniisip ko nalang na baka inaatake siya ng ka-abormalan o baka wala lang siyang magawa sa buhay at naisipang pagtripan na naman ako.
Maya-maya ay may bigla nalang lumapit sa akin lalaki. Naka jacket siya tas naka sombrelo at ngiting ngiti sa akin.
"Hi Miss!" bati niya sa akin
"H-hello" nag-aalangan kong sagot
"Mag-isa ka lang ba dito?" tanung nito at luminga sa paligid na mukhang naghahanap kung may kasama ako.
"Hindi , may kasama ako." aniya ko
Hindi talaga ako komportable kapag may lumapit sa akin. Lalo na kapag lalaki , pakiramdam ko kase naiilang ako sa kanila.
"Sa Kelton University ka diba pumapasok?" muli niyang tanung.Bakit niya alam na dun ako pumapasok? taga dun din ba siya?
"Paano mo nalalaman?" usisa ko
"Studyante din ako dun at lagi kitang nakikita tuwing uwian." nakangiti niyang saad
Lagi niya akong nakikita pero hindi ko siya napapansin. Kakaiba ang lalaking ito , pero sabagay sa dami ba naman ng studyante sa KU ay hindi mo talaga makakabisado at makikilala ang mga taong nasa paligid mo.
"Pasensya na hindi kita kilala." ani ko at akmang aalis ng tawaging niya ang pangalan ko
"Alisa saglit!" tinawag niya ba ako sa pangalan ko? Kilala niya ako?
"T-teka paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtataka kong tanung
"Lately kase ay kumalat ang balita na nag-away kayo ni fiona at naging laman ngayon ng balita at tsimis at doon kita nakilala."
"Ah kaya pala---bakit ka nga pala nandito?" walang ano ano ay tanung ko
"Nagpapahangin lang ako diyan---pero nung makita kita nilapitan na kita kase dati palang ay gusto na kitang makilala." bahagya akong namula sa sinabi niya. May tao pa palang interesado na kilalanin ako.
"It's nice meeting you--ano nga palang pangalan mo?" tanung ko dito at nilahad ang kamay sa harapan niya
"Denver , denver ang pangalan ko." tinanggap niya ang kamay ko at ngumiti. Pero binawi niya iyon kaagad at nagmamadaling umalis sa harap ko
"Teka! hoy bakit ka umalis?" nagtataka kong tanung sa kaniya pero agad din siyang nawala
"Who's that guy?" napatingin ako kay jade na hindi maipinta ang mukha
"S-si denver , nakilala ko siya dito kanina" sagot ko pero hindi pa din nagbabago ang galit na ekspresyon ng halimaw
"Diba sabi ko sayo ay wag kang lalayo!" inis niyang sigaw kaya nagtitinginan na ang mga tao sa amin
"P-pasensya na , hindi ko sinasadya." nakayuko kong paumanhin
"Ano pa bang aasahan ko sayo? sano ka nga pala sa mga nakikita mo ngayon." aniya at naglakad palayo sa akin
Agad ko siyang hinabol at mabuti nalang at naubutan ko siya. Nakarating kami sa kotse niya at naghihintay na dun si Kreo. Nagdaretso na ang halimaw sa kotse at pabalibag na sinarduhan ang sasakyan.
"What happen to him?" nagtatakang tanung ni kreo
Kibit-balikat lang ako at sumakay na ng kotse. Mukhang si kreo ang magmamaneho dahil sa back seat umupo ang halimaw. Kaya minabuti kong manatili sa unahan katabi ni kreo baka kase mag-init ang ulo sa akin ni jade.
Nagmaneho si Kreo sa kung saan hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Bumaba ang halimaw at sinundan naman ito ni Kreo. Buong akala ko ay nauna na sila pero hinihintay pala nila ang pagbaba ko.
Pumasok na kami sa loob at di gaanong karami ang tao. Napaka-lamig ng klima dito sa tagaytay , sa katunayan ay kanina pa akong nilalamig dahil sa soot ko.
Umupo kami sa isang table at hinayaang umorder si kreo. Nang matapos ito ay nakangiti siyang tumingin sa akin.
"I'm Kreo Imperial by the way kaibigan ako ni jade." pakilala niya sa kaniyang sarili
"I'm Alisa." ngitian niya ako at bahagya siyang sumulyap kay jade na abala sa kaniyang telepono.
"I heard na kina jade ka pala nakatira, kamusta naman ang pamamalagi mo dun?" usisa nito
"M-maayos naman." tipid kong sagot
"Hindi ka ba inaaway nitong si jade?" napatingin naman si jade sa tanung ni kreo
"H-hindi naman." pagsisinungaling ko
"Really? Mukhang nagsisinungaling ka." natatawang sambit ni kreo
Napaka-kwela niya at bibo. Mukha din siyang mabait hindi tulad ni jade na napaka sungit umpisa pa lang nung magkita at mag-usap kami.
"Stop asking her a question kung hindi ka din naman maniniwala sa sagot niya." singit ng halimaw
"I can't blame her kung magsisinungaling siya" sabi nito sabay tawa
Mukhang naiirita naman dun si jade at napansin iyon ni kreo kaya tumigil siya sa pag-tawa. Napangiti naman ako sa asal nito , siya lang ang kilala kong kaibigan ni jade na kayang biruin ng ganun ang hari ng mga masusungit na halimaw.
Madami pa'ng pang-aasar ang ginawa nito kay jade. Hanggang sa dumating na ang inorder naming pagkain. Tila nasa handaan kami sa dami ng inorder ni kreo. Hindi nga namin ito naubos dahil sa kabusugan.
"Thankyou for the meal, binusog mo kami." pasasalamat ni jade kay kreo
"It's my pleasure." nakangiting sagot nito
"Salamat kreo" nakangiti kong sabi
"Walang anuman---i hope na makasama kita sa mga susunod kong gala." aniya
"Sige ba!" masigla kong sagot
"So much for that , umuna ka na sa kotse susunod ako." utos ng halimaw kaya agad akong lumabas ng restaurant.
Naglalakad na ako palapit sa kotse ng may nakabunggo sa akin.
"Ay sorry " sabay pa naming sabi
Nang humarap ako sa kaniya ay ganun nalang ang pagkabigla ko.
"Teka? Denver? Bakit ka nandito?" nagtataka kong tanung
"Napadaan lang ako dito." nakangiti niyang sagot
"Ah ganun ba , nakakatuwa naman at nakita ulit kita."
"Marami pang pagkakataon na magkikita tayo." sabi nito at iniwan na naman akong mag-isa. Ang gulo niya grabe!
"And who the hell is that guy?" taas kilay na tanung ni jade
"W-wala , nabangga ko lang siya kanina."
Hindi na sumagot ang halimaw at dumaretso na sasakyan. Mukhang uuwi na kami at sa wakas makakapag-pahinga na ako.
Ilang oras ang naging byahe at nakauwi na kami sa mansyon. Alas-Kwatro na nang makauwi kami kaya minabuti kong magpahinga nalang muna bago tumulong dito sa gawain sa mansyon....
to be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top