23
ALISA'S POV
Maaga akong gumising para makapaglinis sa loob ng mansyon at tumulong sa mga gawain dito. Pero hindi pa man ako nakakapagsimula ng harangin ako ng halimaw sa daan.
"Hindi ka muna maglilinis ngayon." maayos ang soot niya at mukhang may pupuntahan.
"Huh? Kailangan kong maglinis ngayon." sabat ko at akmang lalampasan siya pero agad niyang hinawakan ang braso ko.
"Do you forget na slave kita? Aalis ako ngayon at sasama ka sa akin." ma-awtoridad niyang utos kaya napakunot ang noo ko
"S-sasama? saan naman?" tanung ko
Binitawan niya ang braso ko at taas kilay na tinignan ako.
"Prepare yourself kase pupunta tayong tagaytay kaya bilisan mo ang kilos mo."
T-tagaytay? teka? ba't kami pupunta dun.
"Ayoko! baka mapagalitan ako ni lolo." napatawa naman siya sa sinabi ko.
"You're calling him lolo kahit na hindi ka naman namin kadugo , how gross. Don't you worry ako na bahalang magpaalam sa kaniya." aniya at iniwan akong mag-isa.
Hindi ako makapaniwala! Bakit kailangan niya pa akong isama dun? Hindi niya ba kaya ang sarili niya? Tsaka teka? siguro ay may binabalak siya sa akin at gusto niyang gumanti dahil sa nangyari sa amin kahapon.
Inis akong bumalik sa kwarto at agad na nagbihis. Nahirapan pa akong pumili ng sosootin kaya minabuti kong mag soot nalang ng isang jeans at isang white shirt kahit hindi bagay sa soot ng halimaw na iyon.
Tsaka ano bang pake kung babagay yung soot ko sa soot ng halimaw na iyon? Slave niya lang ako, Alalay sa tagalog na handang sumunod sa mga utos niyang walang katapusan.
Agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng halimaw at nadatnan ko siya kasama si lolo na nasa salas.
"Okay fine---siguraduhin mo lang na hindi mo papahirapan doon si alisa." mukhang pumayag si lolo sa gusto ng halimaw. Tsk!
"Don't you worry , igagala ko din naman siya para malibang niya din ang sarili niya. " napairap ako sa sinabi ng halimaw dahil alam kong taliwas ang gagawin niya sa sinabi niya sa harap ng lolo niya.
"There she is----alisa , wag mong hahayaan ang sarili mo sa kagustuhan ng apo ko ha? " tipid na tango lang ang naging sagot ko at muling bumaling ang tingin niya kay jade.
"Pag-uwi mo ay kailangan nating mag-usap. Sige na umalis na kayo."
Tumalikod na kami kay grand primo at pumunta sa kotse ng halimaw , sasakay na sana ako sa back seat ng pigilan niya ako.
"Balak mo ba akong gawing driver?" inis niyang singhal
"H-huh?" naguguluhan kong tanung
"Sa unahan ka sumakay, stupid." sagot nito at nauna nang sumakay ng kotse. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at sumakay na dun.
Isang minuto ang lumipas pero hindi pa din pinapaandar ng halimaw ang sasakyan kaya taka ko siyang tinignan.
"H-hindi pa ba tayo aalis?"
"Wala ka bang balak mag seatbelt? o sadyang hinihintay mo lang na ako ang gumawa nun para sayo?" inis niyang tanung
Natauhan naman ako sa kaniya kaya nagmadali akong magsoot ng seatbelt kaya ng matapos ako ay agad akong tumingin sa kaniya para simulan na niyang paandarin ang sasakyan.
Wala kaming imik buong byahe. Naging mabilis naman ang naging byahe namin at agad na nakarating sa tagaytay. Mukhang napakalamig ng klima sa labas dahil kita ko ang hamog o fog sa paligid.
Tumigil ang sasakyan sa isang malaking mall , siguro ay dito niya tatagpuin ang kaibigan niya. Bumaba siya sa sasakyan kaya sumunod ako sa kaniya.
Grabe ang bilis niyang maglakad kaya pahirapan para sa akin ang abutan siya kaya ginawa ko ang lahat para maabutan ang halimaw na iyon.
"You need to buy new clothes."
"T-teka wala akong pera! tsaka bakit?" taka kong tanung sa kaniya habang naglalakad
"Ano pa bang aasahan ko sayo?" inis niyang sabi at huminto sa isang shop , mukhang tindahan ito ng mga damit.
"T-teka nga lang? Bakit ba kailangan pa akong bumili ng damit?" inis niya akong tinignan.
"Look? Ayokong pagtawanan nila dahil may kasama akong maid so i decided to dress you up para magmukha ka namang tao." saad nito at pumasok na sa loob ng shop.
Teka? ayos naman ang damit ko ah? tsaka isa pa kung ayaw niyang pagtawanan siya dahil isinama niya ako dito eh di sana hindi nalang ako sumama sa kaniya. Baliw!
Sumunod ako sa kaniya na ngayo'y ay may kausap na babae. Lumingon ang babae sa akin at ngumiti tapos muling nilingon ang halimaw. Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang sa lumapit na sa akin ang babae.
"Hello Ma'am, Halika po at ipipili kita ng damit." magalang niyang sabi sa akin
Kahit naguguluhan ay sinunod ko siya. Nagpunta kami sa isang hall kung saan puno ng mga dress , wag niyang sabihin na magsosoot akong muli ng dress? Takte! Hindi pwede!!
"Miss--ano kase. Pwede bang wag nalang dress ang ipasoot mo sa akin?" nag-aalangan kong tanung sa kaniya.
"Nako hindi po kase pwede---yun po kase ang utos ni Sir. Ang pagsootin kayo ng dress dahil may pupuntahan daw kayong event." nakangiti niyang sagot
Ang lalaking iyon! Konti nalang talaga ay masasapak ko na siya. Bakit ba kailangan niya pa akong isama dito? Hindi niya ba kaya ang sarili niya?
Hindi na ako nakapalag at hinayaang ang babaeng ito ang magdesisyon kung anong isosoot ko ngayong araw.
BLAISE POV
"Ano ba talagang nangyayari sa inyo?" tanung ko kay grand primo habang nagkakape dito sa garden
"What's on that question?" mukhang naguguluhan niyang tanung
"Bakit ba ganun nalang kayo'ng kabait kay alisa?" bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti
"You always asking that question to me kaya alam mo na siguro ang lagi kong sagot diyan." nakangiti niyang saad at muling humigop ng kape
"And you always says na naaalala mo si mommy sa kaniya , kahit napakalayo nila sa isa't-isa." sabi ko
"That's all , wala ng ibang rason. At isa pa wala naman sigurong masama para maging mabait sa kaniya." he look at me
"I know that,but this is different!and i can't help myself asking you repeatedly that question kase napapansin ko na may iba kayong rason." sambit ko
Hindi niya ako sinagot bagkus at uminom siya ng kape at ibinaling ang tingin sa kawalan.
"What do you know about her?"
"I have nothing to say about it kase wala akong alam tungkol sa kaniya." he answered and walk away
I know it! May alam siya tungkol sa pagkatao ni Alisa. At kung ano man yun ay malalaman ko din iyon. Kung wala siyang balak sabihin sa akin , ako na ang gagawa ng paraan para malaman ko ang tinatago niya.
ALISA'S POV
Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng shop na ito. Halos isang oras din kaming pumili ng sosootin ko at napag-pasyahan na isoot ko ang isang puting dress na hanggang tubod at tinernohan ng isang white sandals.
"You look perfect ma'am." papuri sa akin ni Agatha kaya nginitian ko siya.
"S-salamat." nahihiya kong sagot
"Halika na po at hinihintay na kayo ni sir." tumango ako at lumabas na ng fitting room.
Nadatnan ko si jade na nakatalikod at mukhang may kausap sa telepono. Nang matapos naman ito ay agad itong lumingon sa aking direksyon.
"You look like a human now." asar ko siyang tinignan dahil halata namang nang-aasar lang siya.
"Ewan sayo!" inis kong singhal
Kinausap niya pa si agatha bago mag-paalam at umalis sa shop nila. Naglakad na muli kami palabas ng mall at naiilang ako sa lalaking habol ang tingin sa akin.
"Wag ka ngang magpacute sa mga lalaking iyon" sambit ng halimaw habang naglalakad
"Excuse me , hindi ako nagpapansin sa mga iyon." depensa ko
"Whatever , bilisan mo na at hinihintay na tayo ni kreo." saad nito at mabilis na naglakad
Agad kaming nakarating sa kotse. Nang makasakay naman kami ay agad niyang pinaandar ang sasakyan papunta sa susunod naming destinasyon.
JADE'S POV
I'm so bored , kanina ko pang hinihintay ang promdi slave na iyon! Ang tagal niya namang magbihis , as if naman na gaganda pa siya. Habang naghihintay ay bigla nalang nag ring ang phone ko. It was Kreo calling...
[Where are you?] aniya sa kabilang linya
"Malapit na kami." sagot ko
[Kami? ibigsabihin may kasama ka?] how stupid he is
"Hulaan mo! sige na napaka abala mo." inis kong singhal sa kaniya.
[Okay then--seeyou.] ibinaba ko ang linya at lumingon sa may pinto ng fitting room.
And woahhh---ba't ang ganda ni alisa? teka sinabi ko bang maganda siya? diba hindi naman? napaka pangit niya nga eh.
"You look like a human now." pang-aasar ko sa kaniya kaya kumunot na naman ang noo niya.
Hindi niya ako pinansin kaya lumapit na ako sa counter para magbayad.
"Thankyou." tipid kong sagot at nagsimula ng maglakad palabas ng shop. Naramdaman ko naman na sumunod na sa akin si promdi slave.
Habanh naglalakad ay may nakakasalubong kaming mga kalalakihan na sunod ang tingin kay alisa. Tsk! Mga manyakis alam ko namang sa legs ni alisa sila nakatingin.
"Wag ka ngang magpacute sa mga lalaking iyon" suway ko sa babaeng ito na mukhang tuwang tuwa pa
"Excuse me , hindi ako nagpapansin sa mga iyon." depensa niya kaya napairap ako
"Whatever, bilisan mo at hinihintay na tayo ni kreo." sambit ko at nagmadaling naglakad papunta sa kotse.
Nang makasakay kami ay agad akong nagmaneho papunta sa lugar kung saan ko tatagpuin si kreo. Tinext niya ang lugar at ganun nalang ang gulat ko nang itext niya ang adress ng amusement park kung saan siya naroroon.
I can't believe this! bakit sa amusement park pa? Sadya bang importante ang sasabihin niya? o gusto niya lang mag-gala ng may kasama dito sa tagaytay?
"Wow! ang ganda dito!" manghang sambit ni promdi girl nang makarating kami sa sky ranch , tsss sano talaga.
Bumaba naman ako ng sasakyan ganun din siya. Parang tanga si Alisa na nilibot ang tingin sa magandang tanawin dito sa tagaytay. Siguro ay first time niya dito.
"Wag ka ngang sano , you look so stupid." ani ko
"Pake mo ba? ngayon lang ako nakapunta dito eh!" singhal niya
Inirapan ko nalang siya at hinanap ang lalaking nagpapunta sa akin dito. Hanggang sa makita ko ang pamilyar na tao na kumakaway sa akin. Sino pa ba? eh di yung isip bata!
"Its nice meeting you here!" bati sa akin ni kreo nang makalapit siya
Napatingin naman siya kay alisa at muling tumingin sa akin.
"Napaka-galing mo talagang pumili ng babae!" binatukan ko siya sa inis kaya napadaing siya dito
Tsk! Buong araw niya na naman akong aasarin!
to be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top