22

maagang pag-uupdate mwehehehe

ALISA'S POV

Natapos ang maghapong klase at oras na para umuwi. Kasalukuyan akong naglilinis ng room at tanging si Jairus nalang ang kasama ko dito dahil umalis na ang iba tulad nina brie na nagpaalam na may pupuntahan pa daw. Kailangan ko ding umuwi ng maaga para makatulong sa mga gawain sa mansyo

"Ihahatid na kita pauwi sa bahay ng amo mo." napatingin naman ako kay jairus na prenteng nakaupo sa isang upuan.

"Wag na, kahit sa may paradahan nalang." sagot ko habang nagwawalis

Naramdaman ko ang pag-tayo niya kaya napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa kaniya na ngayo'y papalapit na sa akin.

"Wala naman akong gagawin kaya hayaan mo'ng ihatid na kita."sambit nito at agad na hinila ang braso ko.

Buti nalang at naabot ko ang aking bag bago pa niya ako mahila palabas ng room. Wala ng tao sa mga room at kokonti nalang ang mga studyanteng nasa may quadrangle kaya walang nakakakita sa amin.

Hila-hila pa din ako ng hudas at sa wakas ay binitawan niya ako ng makarating kami sa Parking lot ng University.

"Hindi mo naman kase ako kailangang hilahin!" singhal ko habang hinihimas ang namumulang braso

"I have to dahil alam kong hindi ka sasama sa akin." usal nito at binuksan ang kaniyang sasakyan.

Sasakay na sana ako ng biglang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Ang halimaw....

"Where do you think you're going ?" pasigaw na tanung nito.

Napatingin kami sa gawi niya at napansin ko si kobe at redge sa may gilid niya.

"U-uuwi na din kami." sagot ko , muli namang bumaba sa sasakyan si jairus at taka akong tinignan

"At bakit sa kaniya ka sasabay?" taas kilay niyang tanung

"I'll send her home." tipid na sabi ni jairus at hinawakan ang kamay ko

Mukhang nainis naman dun si jade kaya bahagya siyang lumapit sa amin.

"Ipinakilala mo ba ako diyan sa kaibigan mo?" mayabang na tanung ng hari habang pinagmamasdan ang katabi ko.

"Sino ka ba?" hinigpitan ko naman ang kapit ko sa kamay ni jairus upang kumalma siya

"I'm her boss---and that girl? she's my slave." sabi ng halimaw at marahas na hinila ako palapit sa kaniya. Pero hinila'ng muli ako ni Jairus kaya nagmukha akong tali na pinag-aagawan.

"T-teka nga lang! ano bang nangyayari sa inyo?!" inis kong singhal sa kanilang dalawa

"I don't care who you are basta ako ang maghahatid kay alisa." ani ni jairus

"You don't have a right kaya back off!" singhal naman ng halimaw

"That's enough nasasaktan na si alisa!" singit naman ni kobe kaya mukhang natauhan ang dalwa at agad akong binitawa.

"you both acting like a child hindi bagay sa inyo mga pare!" natatawang sambit ni redge

Masama namang nagtitigan ang dalawa na animo'y mga batang nag-aaway. Tsk! sabi na eh, hindi talaga tamang pagtagpuin ang dalawang ito.

"Hindi pa tayo tapos promdi slave!" inis na sigaw ni jade at bumalik na sa kotse niya. Sumunod naman sa kaniya ang dalawa na kamot ulo'ng naglakad.

Nang makaalis na ang sasakyan ng tatlo ay agad akong tumingin kay jairus na blangko lang ang mukha.

"Pasensya ka na sa kaniya." usal ko

"Hop in." tipid niyang sagot kaya agad akong sumakay sa loob nito.

Buong byahe kaming walang imik , nagsasalita naman ako pero nung tinanong niya lang kung saan ang direksyon at street ng mansyon ng mga villaruel. Matapos nun ay hindi na muli kaming nagsalitang dalawa

Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay hindi umiimik si jairus kaya nagsalita na ako para mabasag ang katahimikan.

"Galit ka ba sa akin?" blangko niya akong tinignan

"Bumaba ka na sa sasakyan." utos nito pero hindi ako sumunod

"Hindi ako aalis hangga't ganyan ka."

"I'm fine kaya wag kang mag-alala." sabi nito at ibinaling ang tingin sa unahan.

"Amo ko si jade kaya hindi ko nagawang kumampi sayo o sa kaniya kanina. Kapatid siya nung sumundo sa akin sa terminal." napatingin siya sa akin pero ngumiti lang ako sa kaniya

"Kaya pala ayaw mong ihatid kita dito sa mansyon nila." sambit nito

"Hindi sa ganun ayaw ko lang na maistorbo ka sa mga gagawin mo ngayong araw."

"It's okay , sorry din sa nagawa ko kanina. You know that i easily get irritated to someone sa katulad nung jade na iyon. But i promise that i will control it." sa wakas ay ngumiti na siya , senyales na bumalik na siya sa dati niyang ugali.

"Salamat sa pag-intindi , sige na uuna na ako." paalam ko at nabigla ako sa sumunod na nangyari....niyakap niya ako.

"I miss you alisa.." sambit nito at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"I miss you too." ngumiti ako sa kaniya bago bumaba.

"I'll text you later. Bye." tumango pa ako sa kaniya at pinagmasdan ang pagharurot ng kotse niya.

JADE'S POV

Imbis na sa mansyon dumaretso ay sa bar ako nina yago nagpalamig. Nakakainis talaga ang dalawang iyon , ewan ko ba. Kapag nakikita ko ang mga iyon may isang bagay ang ikinaiinis ko sa kanila.

"You look so irritated Jade." puna sa akin ni yago

Napaka-ingay sa loob ng bar nila buti nalang ay may isang room na laging nakareserved sa aming magbabarkada. Kasama ko si Kobe at Wilbert habang si Alistair at Redge naman ay umuwi na para daw makapagpahinga.

"Lagi naman siyang ganyan." sinamaan ko ng tingin si wilbert at uminom ng beer

"And it's all because of that promdi girl." ani ni kobe

Napangiwi ako sa sinabi nito dahil pinaalala na naman ng lalaking ito ang pangalan ng taong kinaiinisan ko.

"Idagdag mo pa yung bago niyang kaibigan!" inis kong singhal

Naiinis talaga ako sa lalaking iyon. Napaka-yabang niya eh bago lang naman siya dito. I'm sure na hindi pa ako nun kilala kaya matakot na siya kapag nalaman niya kung sino talaga ang binangga niya.

"Kalma lang jade baka maistress ka" biro sa akin ni yago

Muli akong lumagok ng alak at nagsindi ng sigarilyo. I do smoke at hindi yun alam nina kuya. Alam nilang nag-iinom ako pero hindi ko pinapaalam na naninigarilyo ako kase alam kong mapapagalitan nila ako.

"Nag message nga pala sa akin si kreo." napatingin kaming lahat kay kobe

"That bastard! kamusta na ba siya? at anung sinabi niya sayo?" usisa ni wilbert

"Kagagaling niya lang sa isang trip kaya hindi siya nakapasok." sagot ni kobe

"Ano pa bang aasahan mo sa lalaking iyon? puro bakasyon at gala ang nasa isip." komento ni yago at lumagok ng alak

Kreo Imperial , the chickboy traveler. Hindi mabilang ang mga napupuntahan niyang bansa kada araw at syempre di rin mabilang ang mga babaeng nakakasama niya at nalalandi sa isang araw.

His family owned a jewelry tycoon at kalat na sa buong pilipinas ang mga branches nila not only for the country but also from the whole world. Only child siya and just like Warren Trovoksy , He is the heir of imperial from a royal family in south africa but he dislikes obligations kaya hanggang ngayon ay tinatakbuhan niya ang posisyon na dapat sa kaniya.

"Nasabi niya sa akin na kailangan ka daw niyang maka-usap jade, nasa tagaytay siya ngayon." napatingin ako kay kobe. Bakit kailangan pa niya akong kausapin? bakit hindi nalang siya ang pumunta sa akin tutal siya naman ang may kailangan.

"Bakit hindi nalang siya ang pumunta dito?" tanung ko

"You know him , he likes to travel pero tamad siyang makipagkita sa atin. Bihira nga lang na mabakante ang oras niya sa dami ng mga scheduled flights niya." tama si kobe , napaka-baliw ni kreo pero maasahan din naman siya.


Maaasahan si Kreo pagdating sa pera. Galante siya kaya kapag may kailangan bilhin ang grupo namin ay siya na ang sumasagot. Kahit anong materyal na bagay maliit man o malaki tulad ng mga armas na kailangan namin sa pakikipaglaban ay siya na ang bumili. And take note , Mga mamahalin at mga bagong labas na armas ang binibili niya sa amin bagay na malaking advantage sa mga kalaban.

"Tell to him na ayaw ko ng late bukas sa pagkikita namin." saad ko

"I will join you if you wouldn't mind." alok ni wilbert pero sinamaan ko siya ng tingin

"Mang-bababae kalang dun kaya mas mabuti pang dito ka nalang." usal ko kaya napangiwi siya.

"I will tell to him na pupunta ka." kobe said

"Salamat." sagot ko at muling uminom ng beer

"Kamusta naman pala ang grupo nina kuya? nanggugulo pa ba sila?" tanung ko kay kobe

"Hindi sila nagmessage mula pa kanina , so i was expecting na magtuloy-tuloy na ang pananahimik nila." sagot nito

"At kapag hindi?" napatingin kami kay wilbert

"Then we will do our original plan." sabat ni yago

"Matalino sina blair at blaise at hindi sila pangkaraniwang grupo. It's hard to find their personal information at hanggang ngayon ay wala akong mahanap kahit isa." saad ni kobe

"Sana ay gumana ang plano natin." ani ni yago. Sana nga ay gumana pero malaki ang posibilidad na pumalpak. Knowing kuya blaise, hindi siya ordinaryong tao. Misteryoso ang bawat galaw at kilos niya , and he's too dangerous to fight with.


"Sana ay gumagawa na ng hakbang si trovoksy habang nasa paris siya." usal ni kobe habang nakahawak sa sintido niya.

Speaking of that bastard! Hindi ko pa nabubuksan ang envelope na binigay niya. Siguro ay itatabi ko muna iyon, Magkakalap muna ako ng iba pang impormasyon bago buksan iyon.

"Kailan ba uuwi ang isang yun?" tanung ni wilbert

"Naka-usap ko siya sa phone at sinabi niyang malapit na siyang umuwi may tinatapos lang daw siya dun sa paris." paliwananag ni yago

Mukhang kinausap niya din si yago. Sana lang ay gumagawa na siya ng paraan doon sa paris. Pero malabo eh , busy siya sa mga requirements para ganap na siyang maging tagapag-mana ng mga trovoksy.

"I need to go , babalitaan ko nalang kayo sa pagkikita namin bukas ni kreo." hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at nagmadaling umuwi sa mansyon.

Buti nalang at maagang natulog si grand primo at mukhang wala dito ang bruha kaya walang nakapansin sa pagdating ko. Habang nasa kwarto ay naisip kong muli ang promdi slave na iyon at may biglang pumasok sa isip ko ba magandang ideya.

"Pagbabayarin kita bukas promdi slave."

to be continued.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top