19


ALISTAIR'S POV

I'm literally shock ng makita ko si Alisa with that Dress. At ang isa ko pang ikinagulat ay ang nakasama siya sa dinner namin with Jade's Family. Pumayag naman si Jade pero bakit mukhang di niya gusto na nandito si Alisa dahil kunot na kunot ang noo niya.




I stop thinking so many things ng maalala ko ang nagawa ko kay alisa kanina at hindi parin pagpansin sa akin ni Alia. Tahimik lang na nakikinig si Alia na bakas sa mukha ang pagkalito kung bakit kasama nina Jade si alisa. Siguro ay hindi nabanggit ni alisa ang tungkol sa kaniya at sa mga Villaruel.


"So she's studying on KU , on what grade?" tanung ni Mom

"G-grade 10 po" sagot ni alisa

Lahat kami ay nakaupo na sa mahabang lamesa sa garden. Sabay-sabay kaming kumakain habang nagkwekwentuhan. Katabi ko si Jade at nasa gilid ko naman si mom. Katabi naman ni Jade ako tas nasa gilid niya si Kuya blaise. Kaharap namin sina Aliatar at ate sidney and Alisa in between of them.


Nasa dalawang dulo ng lamesa naman sina Daddy and Grand Primo.


"Kaklase mo pala ang kapatid ko." pagtatama ni Blair kaya tumango lang sa kaniya si Alisa.

Ano naman kayang nasa-isip ng lalaking ito at nagtanong pa kay alisa?

"At schoolmate ko siya kuya , actually she's my bestfriend." ani ni alia habang nakangiti

"That's great. Masaya ako na may kaibigan ka na anak." sabat naman ni mommy

"How's with my son on a room? nag-uusap ba kayo sa classroom niyo?" tanung ni Daddy kay alisa

Tsk bakit kailangan niya pang sabihin yun? Oo nga pala hindi pa pala nila alam ang nangyari sa amin ni alisa kanina. And i'm too nervous here at my chair dahil baka sabihin iyon ni alisa sa harap nina mom and dad.


"O-okay lang naman po---sa katunayan ay kagrupo ko siya sa English project namin." nakangiti at kaswal na sambit ni alisa kaya napangiti dun si Mom.

Napatingin naman ako kay alia na mukhang di sang-ayon sa pagsisinungaling ni alisa.

"You should stop asking her question , We're eating mas mabuti kung tapusin muna natin ito." napatingin naman kay jade ng magsalita siya. Thanks to him at makakahinga na ako ng maluwag.

"He's right. Let's continue eating." ani naman ni ate sidney

Pinagmasdan ko pa si Alisa habang kumakain. Napaka clingy niya dahil ang amos niyang kumain at nakakatawa yun. Buti nalang at napapansin niya ito kaya agad niyang pinupunasan. Tatawa-tawa ako habang kumakain hanggang sa matapos ang lahat sa pag-kain.

"I've just remembered , kaano-ano niyo nga pala si alisa? " napatingin kami kay Dad ng magtanung siya

Mukhang kinakabahan naman si Alisa dahil siguro ayaw niyang malaman ng iba na maid siya at magiging kahihiyan yon sa kaniya.


"She's our maid" walang ganang sagot ni Jade

"Jade Cyril!" suway sa kaniya ni Grand Primo

"Y-your what?" tanung muli ni Dad

"She's our maid tito " matigas na saad ni jade

"Stop that jade!" pigil sa kaniya ni ate sidney

Nakaramdam ako ng awa kay alisa dahil nakatungo lang siya habang pinapakinggan ang usapan. Mukhang napansin din iyon ng mga katabi niya tulad ni Alia.


"How sweet that you've bought her here. napaka bait niyo talaga Grand Primo" its my mom at nakangiting nakatingin kay Alisa.

"Let's have a toss!" pag-iiba ko sa usapan

I save her to save her from this embarrassing momment , at inis naman akong tinignan ni jade.

Itinaas namin ang mga wine namin at sabay sabay na nagsabing "Cheers" at nilagok ito.


"Before you left Grand Primo gusto sana namin kayo makausap , together with Blaise and Sidney." paalala ni Mom

"Okay then , tara na at para makadami tayo ng pag-uusapan." natatawang sabi ni Grand Primo at niyaya ang ate at kuya ni jade.

Nang makaalis sila ay sumunod dun si kuya blair , Nagpaalam naman sina Alia at Alisa na mag-ccr lang. Kaya naiwan kami ni Jade sa may garden.

"You save her a while ago and i don't like it " ani ni jade at inis na tumingin sa akin

"I didn't." tipid kong sagot at lumagok ng wine

"Dahil guilty ka kaya mo siya niligtas kanina sa kahihiyan." matigas niyang sabi

"I said i don't save her , ano bang kinaiinis mo dun?" inis kong singhal sa kaniya

"Scared? takot ka bang may sabihin si alisa sa harap ng parents mo?" tanung nito sa akin at ngumisi

"scared of what?"

"Na malaman nilang ang pinakamamahal nilang anak ay may ginawa sa babaeng iyon." he's drunk , nakakadami ng siya ng inom kaya kung ano ano nalang pumapasok sa utak niya.


"You're drunk" akusa ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. He's really drunk

"I hope na hindi ka haharang sa mga magiging plano ko sa babaeng iyon." he left me and start to walk away.


What did he mean? is he planning something to alisa?



ALISA'S POV

"So, this is my room!" ani ni alia

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng silid ni alia. Napakalaki nito at nababalutan ng kulay pulang pintura. Napakalaki din ng kama niya at hindi maipagkakaila na mahilig sa paintings si alia.

"Don't worry mananatiling sikreto yung nalaman ko kanina." napatingin akon kay alia na ngayo'y naka-upo na sa kama niya.

Tumabi ako sa kaniya at ngumiti

"S-salamat." tipid kong sagot

"Naintindihan ko kung bakit ka nila kasama dito , pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lagi kang nasa tambayan nina jade?" tanung nito sa akin

Naglabas muna ako ng malalim na buntong hininga bago magsalita.

"Slave ako ni sir jade ng isang buong taon kaya lahat ng utos niya ay dapat kailangan kong sundin."

"At alam ito nina ate sidney?"

"Hindi , bawal kong ipaalam kahit kanino na slave ako nun. Kaya pakiusap, manatili sanang pribado ang lahat ng nalaman mo ngayon." ngumiti siya sa akin at niyakap ako

"I would keep it. Don't worry walang makakaalam nito." kumalas ito sa pagkakayakap

"Salamat Alia."

"Pero teka? okay ka na ba? " tanung niya sa akin

"Oo, wala ng masakit sa akin." sagot ko kaya tumango lang siya

Madami pa kami napagkwentuhan ni alia bago kami lumisan sa bahay nila. Gabi na ng makauwi kami sa mansyon at tanging kaming dalawa ni Maam Sidney at magkasabay sa kotse.

Nang makarating kami sa mansyon ay nagtungo na agad ako sa aking kwarto at nagbihis. Pumasok naman dun sina Venus , Ryah at Lovely na mukhang mga gising pa at balak mang usisa.

"Swerte mo talag girl! isinama ka ni grand primo sa dinner nila!" bungad sa akin ni venus

"Tama! tapos pinagbihis ka pa ni maam sidney ng magandang damit !" puna naman ni ryah

"Magkwento ka naman! marami ka dapat ikwento sa amin!" ani naman ni lovely

Wala na akong nagawa at kinuwento kung anong nangayari sa mansyon ng mga kelton kanina. Kung ano-anong tinanong nila at napakadami nilang gustong malaman. Sinabi din nila na ako lang daw yung maid na hinayaang isama ng mga villaruel sa isang dinner at napaka swerte ko daw.

Gabi na din kami natapos sa pagkwekwentuhan at napag-pasyahan ng tatlo na bumalik na sa mga silid nila upang matulog...


JADE'S POV

"Hindi mo dapat ipinahiya si alisa sa harap ng mga kelton" mura sa akin ni lolo ng makauwi kami sa mansyon

"Hindi ko siya pinahiya , sinagot ko lang ang tanung ni Tito." depensa ko pero mukhang di siya natuwa dun

"May mas maayos na sagot sa tanung niya!" sabat nito at inis na umupo sa sofa

"What's happening on you lolo? ano bang nakain niyo at napaka-bait niyo sa babaeng iyon? inis kong singhal sa kaniya.


Tama naman ako eh , bakit ba bigla nalang siyang bumait ng ganito. Alam kong natural na sa kaniya ang maging mabait pero hindi sa katulad ni Alisa na isang katulong lang.

"Just go to sleep jade" utos sa akin ni kuya

"No! I won't " matigas kong sambit

"Then don't sleep! " ani ni lolo at nagsimula nang maglakad patungo sa kwarto niya.

Inis ko siyang tinignan at iniwan si kuya mag-isa sa may salas. Dumaretso na ako sa kwarto at naligo upang mawala ang tama ng alak sa akin. Matapos nito ay nagbihis agad ako at pabagsak na humiga sa kama.

Maya-maya ay nagring ang phone ko , tumatawag si trovoksy at hindi ko alam kung bakit.Sinagot ko ito at hinintay siyang magsalita

[ How is it? ] mukhang tinutukoy niya yung laman ng envelope na ibinigay niya

"Hindi ko pa binubuksan" sagot ko

[I'm pertaining to the dinner idiot!] tanginessss hindi niya agad sinabi

"And what's on that dinner?" inis kong tanung sa kaniya

[Masasarap ba ang pagkain?] nagsalita na naman ng tagalog ang bastardong ito at mas kinamusta niya pa ang pagkain

"Whatever Trovoksy! matutulog na ako"

[Just kidding---why don't you open it? aren't you prepared yet?]

"Its not like that , I'm just waiting for a right time to open that."

I don't know why pero sa tingin ko ay mahalagang nakalagay dun sa envelope na ibinigay niya. Natatakot akong buksan yun kahit nagmumukha akong tanga.

[I see.] ibinaba niya ang tawag kaya pabagsak kong binitawan ang phone ko.

Hinimas ko ang sintido ko dahil sa problemang kailangan kong harapin. Alam ko na kahit anumang oras ay pinaiimbestigahan na kami ni kuya. Alam kong anumang oras ay malalaman niya ang totoo and i'm scared of that. Natatakot akong malaman niya dahil alam kong malilintikan ako sa kaniya lalo na kay lolo.

Sa pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako....



To be continued.....


Authors Note:

So ayun sinipag akong mag-update!! mwhehehehe nakadalawa na agad ako ngayong umaga😅 Mamaya na ulit hapon dalawa ulit siguro? ☺️ Thankyou sa mga nagbabasa nito and don't forget to vote ,share and comment guys😛

free for chapter dedications !!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top