17


ALISA'S POV

Nagising ako na nakahiga sa isang kama at balot ang katawan ng puting kumot.Iginala ko ang aking paningin at napansin si Brie at Alia na nasa gilid ng kama ko na mahimbing na natutulog.

Inisip ko kung bakit nasa ganito akong lugar hanggang sa matandaan ko yung nangyari kanina sa akin at sa fiona na iyon. Sinaktan niya nga pala ako kanina at isama mo pa dun yung pagpatid sa akin ng damuhong si alistair.

Bahagya kong ini-angat ang katawan ko kaya nakuha nun ang pansin ng dalawa kaya nagising sila.

"Are you okay? may masakit pa ba sayo?" nag aalalang tanung sa akin ni Brie

"O-okay na ako" sagot ko

"Are you sure? pwede kong tawagin ang nurse para icheck ka." tumingin naman ako kay alia at ngumiti

"Okay na ako , nasaan nga pala ako?" tanung ko sa kanilang dalawa

"Nasa clinic ka at kanina ka pang natutulog" nagulat ako sa sinabi ni brie , ibigsabihin hindi ako naka-attend ng klase ko.

'"It's alright excuse ka naman at hapon na uwian na sadyang hinintay ka lang namin na magising" saad ni alia sabay ngiti sa akin

"Naku thankyou talaga " pasasalamat ko sa kanila

"I'm so sorry about what happen , ako na humihingi ng tawad sa nagawa ng kuya ko." nakayuko at mukhang malungkot na paumanhin ni Alia

Gusto kong sabihin na hindi lang si Alistair ang may gawa kundi pati sina Fiona at ang mga alipores niya pero hindi ko nalang ito sasabihin. Baka kase lalong gumulo ang sitwasyon.

"Wala iyon , ayos na naman ako." hinawakan ni alia ang kamay ko at ngumiti pero hindi nun maitatago na malungkot talaga siya.

"Bago pa man tayo magdrama kailangan na siguro nating umuwi , at ihahatid ka namin sa inyo." ani ni brie at nagsimulang tumayo

"Hindi pwede!" mabilis kong pigil na ikinabigla nila

Hindi nila pwedeng malaman na kina sir Jade ako nakatira kase hanggang ngayon ay ayaw ko parin itong ipaalam sa kanila. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila pero alam ko may tamang oras para dun.

"Bakit hindi pwede?" takang tanung ni alia

"K-kase ano....kase baka may mga lakad kayo diba tsaka kaya ko na ang sarili ko." pagpapalusot ko pero mukhang di naman sila naniniwala.

"Tsk wag ng makulit alam naming nanghihina ka pa." ani ni brie

"Tama siya at mas mabuti nang maihatid ka namin dahil hapon na , mahirap ng sumakay ngayon." sabat naman ni alia

Tsk!anong gagawin ko? paano nalang kapag nalaman nilang sa mansyon ako ng mga villaruel nakatira? Ano nang gagawin ko?

"Ako na maghahatid sa kaniya pauwi"

Sabay sabay kaming tumingin sa lalaking nasa may pinto. Ba't nandito pa siya? tsaka bakit niya naman ako ihahatid ?

"J-jiro?" usal ko pero nginitian niya lang ako

"Do you know him alisa?" nagtatakang tanung ni alia

"Diba isa ka sa mga kaibigan nina jade?" paninigurado naman ni brie

"We both know each other---and yes isa ako sa mga kaibigan nina alistair." sagot ni jiro

Tumingin naman sa akin ang dalawa upang malaman ang magiging sagot ko.

"S-siya nalang ang maghahatid sa akin--at isa pa may kailangan din kaming gawin diba jiro?" napatingin naman sa akin si jiro na mukhang nabigla pero agad siyang tumango.

"Okay fine , We'll go ahead---may dapat kang sabihin sa amin bukas." bulong ni alia at hinalikan ako sa pisngi. Sumunod naman dito si Brie.

"Una na kami----ikaw ha!" inis ko siyang tinignan dahil sa pang-aasar niya.

Tuluyan ng lumabas ang dalawa at naiwan kaming dalawa ni jiro sa loob ng clinic.

"Can we go now?" tanong niya kaya agad akong tumayo , medyo masakit pa yung tiyan ko dahil sa sipa ni fiona kanina.

"Are you okay?" mukhang napansin niya ang bahagya kong pagngiwi sa sakit.

"O-oo nabigla lang siguro ako sa pagtayo " tumango naman siya at inalalayan akong tumayo. Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko upang alalayan sa aking paglalakad.

Hanggang sa may parking lot ay hawak hawak niya ang kamay. Buti nalang at wala ng mga studyanteng naririto sa may parking lot dahil kung meron tiyak akong pagtitinginan nila kami. Nailang na ako kaya agad kong binawi ang kamay ko napatingin pa siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Pinag-buksan niya pa ako ng pinto ng kotse at pinasakay. Napaka-gentleman naman nito ....

"Bakit nga pala nandito ka pa sa university?" tanung ko kay jiro ng makasakay siya sa kotse niya

"May dinaan kase ako dito" sagot nito

"Dinaan? diba pumasok ka naman kanina?" tanung kong muli sa kaniya

"Not really , hindi ako pumasok kanina kase may biglaang emergency sa bahay kaya hindi ko rin nakita kung anong nangyari sayo kanina." saad nito at inumpisahang paandarin ang sasakyan

"Doon mo nalang ako ibaba sa may gate ng village." paalala ko sa kaniya

"I will drive to your home" sagot nito ng hindi tumitingin sa akin

Isa pa to! napaka-kulit niya alam kong alam niya na kina sir jade ako nakatira pero hindi niya dapat gawin ito. Hindi naman na tinutulungan ako pero may parte pa din na nahihiya ako sa mga alok niya.

Hindi na muli akong nagsalita hanggang sa makarating sa mansyon. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko.

"Thankyou jiro mauna na ako" paalam ko pero pinigilan niya ako sa pag-alis.

"B-bakit?" nagtataka kong tanong

"What happen to you?---alam kong si alistair ang may gawa kung bakit ka natumba." naguguluhan ko siyang tinignan.

Tinanong niya kung anong nangyari sa kaniya pero sinabi niya din na alam niya na si Alistair ang pumatid sa akin. Ang gulo niya grabe..

"Alam mo naman pala eh" inirapan niya ako na mukhang sinasabing napaka-pilosopo ko.

"I mean , We both know na may iba pang nangyari sayo bago ka natumba kanina." alam ba niya? alam ba niya yung nangyari sa amin ni fiona?

"Paano mo nasabi--tsaka ano bang mga sinasabi mo?"

"Don't lie to me , bakit ang pula ng pisngi mo?" napahawak naman ako sa pisngi ko at naramdaman na mainit pari ito at nadadama pa din ang mabigat na kamay ni fiona

"Ganito sadya ako" mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko

"Meron man o wala dapat mag-iingat ka padin---sige na." sagot nito

Wala ako sa sariling bumaba ng sasakyan dahil sa huling linyang binitawan ni jiro. Bumusina pa siya bago umalis at iniwan akong tulala. Binura ko ang mga katangahan kong naiisip at pumasok na sa loob ng mansyon.

"Bakit mo kasama si jiro?"

"ay palaka!" sigaw ko sa gulat ng bigla nalang sumulpot si sir jade sa harapan ko. Mukhang nakita niya akong bumaba sa sasakyan ni jiro.

"H-hinatid niya lang po ako." sagot ko at napatingin sa mukhang niyang di maipinta.

"Hindi mo ba kaya ang sarili mo at kailangan mo pang magpahatid?" tanung niya na ikina-kunot ng noo ko

Ano bang nangyayari sa halimaw na ito? naka-droga ba siya?

"Hindi ko naman ginusto na ihatid niya ako---tsaka teka sir? ba't andito pa kayo sa labas?"

"You don't care! tsaka kanina ka pang hinihintay ni Manang esme! unahin mo kase yung trabaho mo dito bago makipagharutan kung kani-kanino!" inis niyang singhal at nauna nang pumasok sa mansyon.

Napakasiraulo talaga ng lalaking iyon. Kamot ulo naman akong pumasok ng mansyon dahil sa inaasta ng halimaw kong amo.

Dumaretso na ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Agad kong tinungo ang kinaroroonan ni manang esme para itanong kung anong ipapagawa niya sa akin.

"Mabuti naman at nandito ka na ija , heto ibigay mo ito kay grand primo." utos niya at sabay abot sa akin ng isang kape

"N-nasaan po ba siya?" kinakabahan kong tanung dahil ngayon ko lang makikita si grand primo at natatakot na baka pagalitan niya ako.

"Nandiyan lang siya sa may hardin kasama si sir blaise dalian mo at hinihintay na niya ang kape." tumango ako at agad na dinala ang kape sa may hardin.

BLAISE'S POV

Kanina pa kami dito ni grand primo sa hardin. Gusto niya daw kaseng may kasama siya habang nagpapahinga dito sa hardin. That sounds weird pero hinayaan ko nalang dahil minsan lang naman siyang umuwi.

"I'm happy na wala nang ginagawang kalokohan si jade"

"Ako din man po ay natutuwa sa pag-babago ng kapatid ko." i said then look at him

He chuckled and release a heavy sigh

"Sana ay magpatuloy na ito" bulong nito at muling ninamnam ang mabangong simoy ng hangin dahil sa mga bulaklak

Di kalayuan ay natanawa ko si alisa. She looks like a  turtle with a coffee on her hand. I know it , kinakabahan siya dahil ngayon niya lang makikita at makaka-usap si Grand primo.

"H-heto na po ang kape niyo." kinakabahang sabi ni alisa

Taka naman siyang tinignan ni lolo na mukhang inaaral ang mukha ng bagong kasambahay dito sa mansyon.

"She's alisa grand primo , bago lang siya at siya ang pumalit kay manang lolit. " pakilala ko kay alisa kay lolo

" I see , kaya pala hindi pamilyar ang mukha niya sa akin." sagot nito at tinanggap ang kapeng dala ni Alisa.

"Mauna na po ako." paalam ni alisa pero agad siyang pinigilan ni grand primo bagay na ipinagtaka ko.

"Wait ija " bigla namang tumingin sa kaniya si alisa and i found that cute dahil sa ekpresyon niya.

Wait----did i say that she's cute!?

What the hell!? did i really said it? I'm really crazy now! kung ano-anong iniisip ko!

"A-ano pa pong kailangan niyo sir?"

"No!No!---don't call me sir. Just call me Lolo"

O_O

"H-hindi po pwede , amo ko po kayo dito." nag-aalangan na sagot ni alisa

Is lolo okay? bakit parang ang gaan ng loob niya kay alisa? he even let her to call him lolo without knowing na hindi niya naman ito lubos na kilala...

"It's okay ija " nakangiti niyang sagot kay alisa

"Sige po lolo , uuna na po ako." paalam ni alisa agad namang tumango si lolo at sabay naming pinagmasdan ang paglayo ni alisa.

"She's cute right?" napatingin naman ako kay lolo ng bigla siyang magsalita habang pinagmamasdan ang palayong si alisa

"A-are you okay lolo? may masakit ba sayo? " he's acting weird at nag-aalala ako dahil hindi ako sanay na ganyan siya.

"I'm always fine apo and there's nothing to make me feel upset or else." sagot nito

"Then what comes to you to let her call you lolo?" i ask him but then he only answered me with his smile.

"I just remembered your mom to her" he said while smiling

Hindi na ako nagtanong pa at inisip kung bakit naalala niya si mom kay alisa. Ibang-iba siya kay mom , napakalayo niya at ng estado nila parehas sa isa't-isa.

but i admit it , there is something to that girl at hindi ko magpaliwanag at hindi malamang ng sarili ko.

What it is?...

to be continued.....




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top