Chapter 9

Alisa's Point of View

"Are you alright?"

Bumalik ako sa katinuan ng may nagsalita mula sa likod. Napalingon ako dito at si Alistair pala na nakangiting nakatingin sa akin.

"A-Ayos lang ako." sagot ko at muling lumingon sa kotse ni Jade ngunit wala na ito.

Saan sila nagpunta?

"Mukha kang balisa may nangyari ba?" muli nitong tanong.

Umiling ako at pilit na ngumiti. Hindi ko nalang siguro iintindihin at iisipin yung nakita ko.

"May naalala lang ako na naiwan ko sa bahay." palusot ko na mukhang nakumbinsi naman siya.

"Hindi pa ako nakakapag-breaf fast, do you want to join?" alok ni Alistair.

Napatingin ako sa wrist ko watch at masyado pa namang maaga at hindi parin ako nakakapag-agahan. Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kaniya.

"Sige." sagot ko at tumango naman ito.

Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad at mukhang sa labas kami ng campus mag aagahan. Dinala niya ako sa Café kung saan niya ako dinala dati. Yung mga panahon na umamin siya na gusto niya ako.

Pasimple akong tumingin kay Alistair na seryosong nakatingin sa Menu. Napaka-amo ng mukha niya, pero kapag wala siya sa mood nakakatakot siya.

Akala ko noon masama yung ugali niya pero simula nung palagi kaming nagkakasama, unti-unti ko siyang nakikilala.

"What's with that stare?" napakurap ako ng magsalita siya. Mabilis akong umiling at umiwas ng tingin.

"I-Isang kape nalang sakin." aniya ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Napansin ko pa ang pagbuntong hininga niya bago tawagin yung waiter para sa order namin.

Habang hinihintay yung order namin ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Nabasag lang yung katahimikan ng magtanong siya.

"Kumusta naman kayo ni Jade?" napatingin ako sa kaniya na ngayo'y abala sa pagbabasa ng magazine.

"O-Okay naman kami bakit mo naitanong?" balik kong tanong.

"Nothing. Gusto ko lang masiguro na hindi ka niya pinapabayaan." ramdam ko ang pait sa kaniyang pananalita.

Hindi ko naman siya masisisi, masasabi ko na swerte parin ako sa kaniya kase kahit na nireject ko siya, nandiyan parin siya sa tabi ko para gabayan ako. At ituring na mabuting kaibigan kahit na papaano.

"Thank you." matamis akong ngumiti sa kaniya na ikinataas ng kilay niya.

"For what?"

"For being you. Napaka-pure ng puso mo, kahit na nasaktan kita hindi mo parin ako iniiwasan. Alam ko na darating din yung time na may dadating sa buhay mo na isang tao na magmamahal sayo." sabi ko na nagpangiti sa kaniya.

"Kung may darating man sana ikaw nalang." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Seryosong seryoso niya iyon sinabi habang nakatitig sa mata ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Just kidding." bawi niya sabay iwas ng tingin. "Maraming dumadating na tao sa buhay, pero hindi lahat ay kagaya mo ang ugali." aniya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. "You're one of a kind, napakaswerte ni Jade sayo." dugtong pa nito.

Sa huling sinabi niya, naramdaman ko yung sakit sa bawat salita niya. Alam kong nakapagsorry na ako pero hindi iyon sapat.

Sasagot pa sana ako ng dumating na yung inorder namin. Kinuha ko yung kape at bahagyang humigop. Sa wakas ay humupa narin yung tensyon sa pagitan naming dalawa. Kahit na medyo awkward, nagpapasalamat ako na natapos yung agahan namin na maayos.

Nagyaya na akong bumalik sa Campus dahil malapit naring mag-time. Nauna na ako sa kaniya dahil nagpaalam pa ito na dadaan sa tambayan nila. Nadatnan ko sa room si Brie na agad akong kinawayan.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nito.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kitang hinihintay." bungad niya sa akin sabay pout.

"Wala kase akong masakyan." palusot ko at tumango naman ito.

Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nagsinungaling sa kaniya. Wala parin akong lakas ng loob na sabihin yung totoo. Kung sino ba ako at saan ako nanggaling.

Na may relasyon kami ni Jade at isa lang akong katulong ng isang mayamang pamilya.

Natatakot ako sasabihin nila, natatakot ako sa magiging reaksyon ng lahat. Sigurado akong pagtatawanan nila ako at mamaliitin dahil sa katayuan ko sa buhay.

Isa iyon sa mga dahilan kaya gusto kong manatiling sikreto yung lahat. Ayokong maramdaman na naman yung feeling na naiiba ka sa kanila. Ayokong maliitin nila ako at pagtawanan.

Jade's Point of View

I'm about to park my car ng bigla namang humarang sa harapan ko si Elytra. Ano na naman bang problema niya ngayong umaga?

Napatingin ako sa dashboard at napansin ang cellphone ni Alisa. Magkakaroon ng gulo kapag nakita iyon ni Elytra kaya mabilis ko itong kinuha at ibinulsa.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at hinarap si Elytra.

"What do you want!?" inis kong singhal sa kaniya.

"Let me in." utos nito na halatang nagpipigil ng galit sa akin.

"You're wasting my time." sagot ko at akmang sasarduhan ang bintana ng pigilan niya ako.

"Just let me in! Or else isusumbong ulit kita sa Kuya mo!" banta nito kaya inis akong tumingin sa kaniya.

"Hindi mo na ako matatakot sa mga ganiyan mo. I don't listen to him anymore, nonsense na kung  magsusumbong ka pa ulit sa kaniya."

Nakakainis na ginagamit niya yung sitwasyon namin para mahirapan ako. Sinunod ko naman ang gusto nila na magsama kami sa iisang condo, pinakikisamahan ko naman siya, pero bakit ayaw parin niya akong tigilan?

"Hindi makakasayahan kung pati ang babae mo ay idamay ko sa mga gagawin ko!" doon na ako naglakas ng loob para haltakin siya papasok ng kotse. Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso at marahas na hinarap sa akin.

"Don't you dare! Baka tuluyan na kitang iwan at masaktan!" bakas sa mukha niya ang takot ngunit mas nanaig ang galit. Mabilis niyang inagaw ang braso niya at hinarap ako.

"I can do whatever I want. Kaya nga dumating tayo sa puntong ito diba? Hindi na magiging mahirap sa akin kung pati ang babaeng iyon ay idamay ko kapag hindi ka tumupad sa pangako mo!" matapang niyang sagot.

Wag niya lang talagang idamay si Alisa. Hindi ko alam kung anong maari kong gawin sa kaniya kapag nangyari yun.

"Are you blackmailing me?" ngumisi ito at marahang hinawakan pisngi ko agad naman akong umiwas dito.

"No, darling. I'm just reminding you na kahit magsama pa kayo ng babaeng iyon ngayon sa akin ka parin babagsak. Nakatakda na magsama tayo at sa ayaw at sa gusto mamahalin mo rin ako."Inalayo ko siya sa akin at matalim na tumingin sa kaniya.

"Ito lang ang masasabi ko sayo, tandaan mo na hindi ko maibibigay ang pagmamahal na gusto mo. You don't deserve my love, your family only needs our money. At hinding-hindi ko ibibigay ang pagmamahal na gusto mo dahil hindi ikaw ang mahal ko at kahit kailan hindi kita mamahalin." pagkasabi ko nun ay mangiyakngiyak niyang humarap sa akin.

Alam kong nasaktan siya sa mga binitawan kong salita.

"Y-You will love me. Binabalaan kita Jade, sa oras na malaman ko na nagsasama parin kayo ng babaeng iyon. Hindi ako magdadalawang isip na gawin ang mga balak ko." banta nito bago lumabas ng kotse ko.

"Fvck!" malakas kong sigaw sabay hampas sa manubela ng kotse.

Hindi ako makakapayag na galawin niya si Alisa. Ako muna ang makakaharap niya bago niya saktan ang babaeng mahal ko.

I won't let her.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top