Chapter 29
Alisa's POV
Nagising nalang ako na wala na si Alistair sa sarili niyang condo.
Pambihira! Iniwan niya 'ba talaga ako 'rito sa condo niya? Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Baka mamaya may pumasok na tao tapos mapagkamalan pa akong magnanakaw.
"Nasaan na ba 'yung taong 'yun?" bulong ko sa sarili habang nililinga ang paligid.
Nakarating ako sa kusina at bigla naman akong nakaramdam ng uhaw. Bubuksan ko na sana ang refrigerator niya nang may mapansin akong sticky note na nakadikit sa may pinto ng ref.
"I already prepared your breakfast. I can't join you because I have something important to handle. Enjoy your meal and don't leave without my permission. I'll be back soon."
Napatingin naman ako sa may lamesa at may iniwan nga siyang almusal para sa akin. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng gutom kaya agad akong kumain para mabawi ko yung sigla ko kahit papaano.
Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko si Jade. Kamusta na kaya siya? Gising na ba siya? Nag-aaala ako sa kaniya, sana tuloy tuloy na yung paggaling niya.
Tungkol sa mga sinabi ni Kuya Blaise sa akin may punto naman siya. Pero hindi ko kayang isuko yung relasyon namin ni Jade. Nangako ako sa kaniya na mananatili ako sa tabi niya kahit na anong mangyari.
At nangako siya na gagawa siya ng paraan. Kahit na itinago niya sa akin yung tungkol sa kanilang dalawa ni Elytra.
Alam ko na nagmumukha akong tanga, na niloloko na nga ako ng harap harapan mahal ko parin si Jade.
Wala naman akong magagawa dahil iyon ang gusto ng puso ko. Ang manatili sa tabi ni Jade lalo pa ngayon na kailangan niyang magpagaling.
Namumuo na naman ang luha ko pero agad ko itong napigilan.
Ayoko ng umiyak, nakakapagod na.
Nang makatapos sa pag-kain ay agad 'kong niligpit ang mga naging kalat ko. Nilinis ko na'rin yung loob ng condo ni Alistair kase mukhang hindi niya ito nililinis.
At ng matapos ako ay ipinahinga ko muna ang aking sarili sa sofa. Ilang minuto lang ay bigla namang may nag-doorbell mula sa labas ng pinto. Mabilis akong tumayo at agad itong pinagbuksan.
"Alia?"
Ngiting-ngiti sa akin si Alia at bigla nalang niya akong niyakap.
"I'm glad that you're okay." aniya habang nakayakap sa akin.
"Paano mo nalaman na naririto ako?" tanong ko kahit na alam ko na naman ang magiging sagot niya.
"Kuya told me na you're here and he ask me na samahan daw kita habang may inaasikaso siya." paliwanag niya sabay dala sa akin sa loob.
"How's Jade?"
"Okay na 'daw siya sabi ng kuya mo."
Hindi ko lang alam ngayon kung gising na siya. Wala naman kase akong pwedeng tawagan sa ospital. Makikibalita nalang siguro ako kay Alistair mamaya.
"I see. Mabuti naman kung ganun." tumingin ito ng seryoso sa akin na labis kong ipinagtaka.
"B-Bakit?" naiilang 'kong tanong.
"Wala naman, worried lang ako sa'yo." aniya ngunit ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya.
"Hindi ka dapat mag-alala sa aki—"
"I already know the truth." putol sa akin ni Alia.
Alam na niya? Baka sinabi sa kaniya ni Alistair?
"P-Paano mo nalaman? Sinabi ba sayo ni Alistair?" tumango ito.
"Nung una hindi ko maintindihan, pero nung ipinaliwanag niya sa akin yung buong storya, naiintindihan ko na," panimula nito "Natatakot ako sa pwedeng mangyari kahit na alam ko na hindi pababayaan ni kuya yung sarili niya."
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Huwag 'kang matakot, gumagawa na sila ng paraan para tigilan na sila ng mga kaaway nila." sabi ko habang hinahaplos ang likuran niya.
"I'm scared. At nag-aaalala ako sa'yo Alisa." bulong 'pa nito.
"Magiging okay 'din ang lahat." nasabi ko nalang kahit na walang kasiguraduhan kung kailan.
Ilang oras 'pa kaming nagkwentuhan ni Alia hanggang sa magpaalam na siya umuwi. Sabi pa niya ay malapit na 'raw si Alistair kaya inihatid ko na siya sa may parking lot.
"Thank you, Alisa! Mag-iingat ka." ngumiti ito sa akin at kumaway bago sumakay ng sasakyan.
Nang makalayo na sila ay agad naman akong bumalik papasok sa loob. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla nalang may tumawag mula sa cellphone ko.
Unknown number kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sinagot ko nalang ito dahil baka importante.
"Hello?"
[Alisa.] boses iyon ng isang pamilyar na tao.
"S-Sino 'to? Bakit mo ako kilala?" masama talaga ang kutob ko.
[May kailangan 'kang malaman.]
Namatay ang tawag at ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng text message mula sa tumawag kanina.
From: 0906*******
Kailangan natin mag-usap, may kailangan 'kang malaman tungkol sa pamilya mo.
Tungkol sa pamilya 'ko? Sino ba siya? Anong kailangan 'kong malaman tungkol kina nanay?
—
Alistair's POV
Buong maghapon kaming naghintay sa statement ng dalawang nahuling kasamahan ni Janver pero kahit isa wala silang sinabi. Sinayang nila ang oras ko pero hindi kami titigil hangga't hindi sila nagsasalita at hindi nila itinuturo ang kinaroroonan ni Janver.
Napagpasyahan ko na umuwi nalang muna upang makapagpahinga. Isa pa, walang kasama si Alisa sa condo dahil nauna ng umalis si Alia.
Pagkapasok ko palang ay sobrang tahimik sa loob ng condo. Wala sa may salas si Alisa siguro ay nasa loob siya ng kwarto at natutulog.
Ibinaba ko ang binili kong pagkain for our dinner kase sobrang pagod ako para magluto.
"I'm here." sabi ko ngunit hindi nalabas si Alisa, siguro nga ay tulog siya.
Kinatok ko ang pintuan ng kwarto pero walang nasagot. Nagsisimula na akong kabahan kaya mas nilakasan ko ang katok.
"Fvck!" mura ko at mabilis na kinuha ang duplicate key sa may salas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung saan ko ipapasok yung susi sa sobrang frustration.
Nang mabuksan ko ay tumambad sa akin ang malinis na kwarto. Nasa maayos na pwesto ang mga unan. Pero wala si Alisa sa loob.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot.
"This can't be!" sigaw ko at mabilis na tinawagan si Kobe sa phone.
Hindi pwedeng mawala si Alisa ng basta basta nalang! Hindi siya pwedeng makuha ni Janver.
Paikot ikot ako sa loob ng condo at ng sumagot si Kobe ay agad akong nagsalita.
"Alisa is missing!" sigaw ko mula sa kabilang linya.
F*ck you, Janver! Hayop ka!
Siya lang ang pwedeng gumawa nito!
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top