Chapter 27

Alisa's Point of View

"Bakit ngayon ka lang? Bakit bumalik ka pa?" tanong ko kay Jairus habang pinipigilan ang sarili na maiyak.

Nakakapagod na umiyak.

Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong nandito na siya sa harapan ko.

Buong akala ko ay lumayo na siya, na hindi na siya magpapakita sa akin.

Dapat maging masaya ako kase bumalik siya ngunit tanging inis at sakit lang nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry." tanging nasambit niya na kinainis ko at masama siyang tinignan.

"S-Sorry?" inis kong sabi sa kaniya habang pinipigilan na maiyak. "Sa tingin mo ba mababawi ng sorry ang mga pinagdaanan ko nung mga oras bigla ka nalang nawala?" hindi ko na napigilang maiyak, lalapit pa siya sa akin ngunit mabilis akong umiwas.

"I-Ilang buwan akong naghintay sayo! Ilang buwan akong umasa na babalik ka para ituro kung nasaan ang pamilya ko, pero anong ginawa mo!? Itinago mo sa akin ang katotohanan! Ginawa mo akong tanga, Jairus!"

Nung mga panahong magkasama pa kami, alam na niya na umalis na sina Nanay. Pero palagi niyang sinasabi na okay lang daw sila sa probinsya.

"H-Hindi ko gusto na maglihim sa'yo Alisa, maniwala ka sa akin." pakiusap niya habang tumutulo ang mga luha.

"Pero ginawa mo! Niloko mo ako,alam mo na yung totoo pero niloko mo parin ako!" galit kong sabi sa kaniya. "Kung sinabi mo agad sa akin na aalis sina Nanay, edi sana nakauwi ako...." patuloy ako sa pag-iyak 'ko hanggang sa mapa-upo nalang ako sa sobrang sakit.

"H-Huwag mo akong hawakan!" mabilis kong utos sa kaniya ng magtangka siyang lapitan ako.

"I-I'm sorry Alisa, I'm really—"

Pinatatag ko ang loob ko at seryosong tumingin sa kaniya.

"Umalis ka na." utos ko sa kaniya.

"P-Pero Alisa—" pagmamakulit ni Jairus at kita ko sa kaniyang mga mata ang pagmamakaawa ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Utang na loob umalis ka na!" sigaw ko sa kaniya na nagtigil sa kaniya.

"Sinubukan kitang puntahan sa mansyon ng mga Villaruel." aniya habang umiiyak. "Pero wala ka, gustong-gusto ko na sabihin sa'yo yung totoo pero huli na ako." paliwanag niya.

"Gusto mo ng sabihin sa akin kase nakonsensya ka na!" galit kong sigaw sa kaniya.

"Maniwala ka sa akin Alisa, Please." pagmamakaawa niya at akmang lalapit sa akin ng marahas ko siyang itinulak.

"Umalis ka!" pagtataboy ko sa kaniya.

"May kailangan 'kang malaman." sandali akong natigilan ng muli siyang magsalita.

"Ayoko ng makinig sa'yo." matigas 'kong sabi sabay tayo. "Ayoko na kitang makita." dugtong ko pa bago siya iwan mag-isa.

Hindi ko parin mapigilan na maiyak habang naglalakad. Para akong tanga na pinagtitinginan ng mga tao na nakakasalubong ko.

Sobrang sakit.

Sinabi ko na dati sa sarili ko na hindi ko na sila iiyakan. Hindi na ako ulit magdaramdam sa pagkawala nila. Pero eto na naman ako, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na maiyak.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko at saan ako pupunta.

Sobrang pagod na pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw.

Anumang oras ay babagsak na naman ako. Pero mas pinili ko na tatagan ang loob ko.

"Alisa!" napatigil ako sa paglalakad ng dahil sa isang pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Alisa!" muling tawag nito kaya agad ko itong nilingon.

"A-Alistair.." mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang tumatakbong si Alistair palapit sa akin.

"What happen? Are you okay? Anong nangyari bakit ka umiiyak?" nag-aalang tanong nito sabay yakap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa kandungan niya. Nung mga sandaling iyon ay tuluyan na akong nagpakain sa sakit at hinagpis.

"Umiyak ka lang, nandito lang ako para sa'yo." bulong pa nito.

"H-Hindi ko na kaya..." umiiyak kong sabi. "Sobrang sakit Alistair, pagod na pagod na ako." dugtong ko pa.

Nararamdaman ko ang paghimas niya sa likod ko. Pinipilit niya akong pakalmahim at patahanin.

"Ihahatid na kita, take some rest."

"A-Ayokong umuwi sa mansyon nina Jade." nasabi ko nalang kaya mabilis niya akong hinarap sa kaniya.

"What do you mean? Saan ka uuwi?" nag-aalalang tanong niya.

"Hayaan mo muna ako."

"I can't. Hindi kita pwedeng iwan nalang basta dito Alisa." mabilis niyang tutol.

"Kaya ko ang sarili ko." pagmamatigas ko at akmang aalis ng hawakan niya ang braso ko.

"No." tipid niyang sagot at mabilis akong hinila papunta kung saan.

Napagtanto ko na papunta kami sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko nalang siya dahil wala na akong lakas para magmatigas pa ulit.

-

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Alistair ng makababa kami ng sasakyan.

"Condo ko." tipid nitong sagot at nagsimulang maglakad papasok.

"Bakit mo ako dinala dito? Nakakahiya, uuwi nalang ako." pag-angal ko.

"You said you don't want to go home. I can't let you go, hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa'yo lalo pa't gabi and that's my responsibility, " sandali itong tumigil at lumingon sa akin. "To protect you." ngumiti pa ito sa akin bago pumasok sa loob ng isang silid.

Ang ganda ng disensyo ng condo niya. Simple pero halatang pang-mayaman.

"Are you hungry? I can cook for you." tanong nito sa akin ngunit mabilis akong umiling.

"Gusto ko ng magpahinga." sagot ko at ibinagsak ang sarili sa kama.

Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Siguro sa dami ng nangyari ngayong araw. Sa araw na 'to natuklasan ko na malapit ng ikasal si Jade, pero hindi ko magawang magalit dahil wala naman akong karapatan. Isa pa, napahamak na siya, nabaril siya ng mga tauhan ni Janver. Tapos si Jairus, bigla nalang bumalik.

Halo halo na ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, hindi sapat ang isang araw na pahinga para mawala yung bigat na nararamdaman ko.

"Don't think too much. Magiging maayos na ang kalagayan niya, sa mga oras na'to ay sigurado akong nandun na sa Hospital ang mommy at daddy ni Jade." napatingin ako kay Alistair ngunit hindi ko magawang ngumiti.

Sana nga.

"Sa tingin mo ba, kung hindi ako dumating sa buhay ni Jade hindi mangyayari ang lahat ng ito?" tanong ko sa kaniya at agad namang sumeryoso ang mukha niya.

"Don't blame yourself. You know from the start na ganito talaga ang trabaho namin nina Jade. Na kasali kami sa isang gang at nakikipag-laban kami sa iba. Wala 'kang kasalanan sa nangyari." paliwanag niya.

"Paano kung sundin ko yung gusto ni Kuya Blaise? Magiging tahimik na ba ulit buhay niyo? Titigil na ba si Janver? Kung mawawala ako, magiging masaya na ba si Jade?" sunod sunod na tanong ko kasunod 'nun ang pagpatak ng mga luha ko.

"I said don't say that—"

"Hindi ako deserve ni Jade. Siguro tama lang yung ginawa ni Kuya Blaise na ipakasal si Jade kay Elytra."

"Sumusuko ka na ba?" tanong ni Alistair habang seryosong nakatingin sa akin.

Susuko na nga ba talaga ako?

Hindi ako makasagot, hindi ko alam.

"Sa oras na magising si Jade at nasa maayos na siyang kalagayan, mag-usap kayo. Hindi magugustuhan ni Jade kung bigla ka nalang mawawala." lumapit ito sa akin at marahan akong niyakap. "Ikaw ang lakas niya, ikaw ang pahinga niya, sa tingin mo ba kung mawawala ka magiging masaya siya?"

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top