Chapter 23

Alisa's POV

Pinili ko na magpa-iwan at manatili sa hospital para hintayin ang pagmulat ni Jade. Nauna ng umalis sina Yago at Kobe. Habang ang natira nalang na nandito ay Ako, Si Alistair, Ate Sidney at Kuya Blaise.

Hindi parin mawala yung takot ko na baka may mangyaring masama kay Jade. Kahit pa may nalaman ako na itinatago niya sa akin ay hindi ko magawang magalit sa kaniya.

Isasantabi ko muna 'yun dahil hindi naman iyon mahalaga. May tamang oras para pag-usapan ang bagay na iyon.

"I'll buy us foods since hindi pa tayo pare-parehas na kumakain." sabi ni Alistair. "May gusto ba kayong ipabili?" tanong pa nito sabay tingin sa akin ngunit umiling lang ako.

Bakit parang hindi naman ako nakakaramdam ng gutom? Siguro dahil sa sobrang daming isipin ay hindi ko na nararamdaman na magutom.

"I'll go with you," presinta ni Ate Sidney at tumango naman si Alistair."Ikaw kuya? May gusto ka 'bang ipabili?"

"Anything is good for me. I'm not that hungry, just grab me some water." sagot ni Kuya Blaise at tumango naman si Ate.

"Okay then, We'll go now." paalam ng dalawa at agad na umalis upang bumili.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Kuya Blaise. Literal na katahimikan dahil wala masyadong dumaraan dito. Gabi narin kase siguro ang iba ay nagpapahinga na sa mga kwarto nila.

"You do know what's happening right?"

Napatingin ako kay Kuya ng magsalita siya habang nasa ibang direksyon ang tingin niya.

"P-Po? Ano 'pong ibig niyong sabihin?" nagtataka 'kong tanong.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya halos mautal na ako bago makapagsalita.

"Alam ko na alam mo na yung dahilan kung bakit nangyari 'to." aniya sabay tingin sa akin ng deretso.

Mabilis naman akong umiwas ng tingin sa kaniya. Hinuhuli niya ba ako? Inaalam ba niya na may alam ako sa Gang nina Jade? Hanggang ngayon ba ay wala parin—

"I already knew his secrets." doon na ako napatingin kay Kuya Blaise.

"H-Hindi ko po gustong itago sa inyo yun kaso po—"

"That's okay. Hindi naman iyon big deal para sa akin." ngumiti ito at ito yung unang beses na ngumiti siya. "I guess tinakot ka niya na wag sabihin sa akin 'yun, tama ba?" nag-aalinlangan naman akong tumango.

"Ikwinento na sa akin lahat ni Jade yung tungkol sa grupo niya." panimula ni Kuya Blaise habang seryosong nakatingin sa kawalan."Malinaw na sa akin yung dahilan niya at nauunawaan ko naman siya." dugtong pa nito.

"Y-Yung sinabi niyo kanina, yung sinabi niyo na handa kayong isakripisyo yung sikreto niyo para kay Jade. P-Pwede ko po 'bang malaman yung ibig niyong sabihin?"

Tumingin ito sa akin saglit ngunit mabilis din na umiwas.

"That's a long story to tell, but I mean it." aniya kaya napatingin naman ako sa kaniya. "I really mean it." dugtong pa nito.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Nararamdaman ko na seryoso siya sa mga sinabi niya. Alam ko 'din na kahit madalas ay di sila magkasundo ay mahal parin nila ang isa't-isa.

"Marami akong pagkukulang sa kaniya bilang kapatid. Madalas nag-aaway kami, halos kontrolin ko na yung buong buhay niya. At pinagsisihan ko 'yun." litanya niya.

"Alam ko po na ganun din si Jade sa inyo," napatingin siya sa akin at tila di mawari kung anong sinabi ko."Kahit pa maraming nangyari sa inyong dalawa, alam kong itinuring ka parin niyang kapatid."

Ngumiti siya sa akin.

Bakit ganun? Bakit parang sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing ngumingiti siya? Siguro dahil nawala na yung takot ko pansamantala sa kaniya.

"Sana nga." mahinang bulong nito.

Naiintindihan ko ang sitwasyon nila dahil halos ganun din kami ni Ate Alyana. Madalas kaming mag-away pero sa kabila nun ay itinuring ko parin siyang kapatid at hindi kaaway.

"Nagbago siya simula nung dumating ka sa buhay niya."hindi ko inaakala na manggagaling ang mga salitang iyon sa kaniya.

May alam na ba siya tungkol sa aming dalawa ni Jade? Alam kong di malabo iyon kaya di ko maiwasan na kabahan.

"Alam ko na may relasyon kayong dalawa bago pa 'man mangyari yung engagement nila ni Elytra." may alam nga siya. "And I purposely do that to protect You and Jade." dugtong nito na nagpagulo sa isip ko.

Sinadya niya iyon?

"A-Ano 'pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Aware ako sa gulo na pinasok ni Jade, natatakot ako na masaktan siya—pati narin ikaw." seryoso siyang nakatingin sa akin."Binago mo siya na halos hindi ko na makita sa kaniya yung dating Jade na kilala ko. Yung Jade na puro sugat yung mukha, yung Jade na may bisyo at bulakbol. At natatakot ako na baka isang araw, mawala ka tapos bumalik siya sa dati."

"P-Pero Kuya Blaise, hindi niyo po ba naisip na baka masaktan si Jade kapat nalaman niya na plinano niyo ang kasal nila ni Elytra? Kung natatakot kayo na baka bumalik siya sa dati, bakit kayo gumawa ng bagay na masasaktan siya?" hindi ko na napigilan na magtanong sa kaniya dahil sa inis.

Hindi ko maintindihan ang punto niya.

"I want to protect you. Alam mo na maraming kaaway si Jade na hanggang ngayon ay nandito pa. Ayoko na madamay ka dahil lalong gugulo ang sitwasyon kung mapapasali ka—bagay na huli na dahil ikaw na yung puntirya ng kalaban." paliwanag niya.

Hindi ko siya maintindihan.

Kung ganun naman pala ang gusto niya bakiy hindi niya naisip na pwedeng si Elytra naman ang saktan nina Janver?

"Hindi malalapitan ng mga kalaban si Elytra kumpara sa'yo na isa lang pangkaraniwang tao." nabasa ba niya yung nasa isip ko? "Hindi ko lang basta ginawa 'to para isalba yung company namin. Alam ko naman na hindi nila gagawin iyon kay Elytra dahil hindi naman mahal ni Jade si Elytra and that's the logic there." paliwanag niya.

Hindi ko parin maintindihan yung sinabi ni Kuya Blaise.

"Sasaktan nila lahat ng malalapit kay Jade—lalo ka na. So, If wala ka na sa tabi ni Jade safe ka na. Sana maintindihan mo yung gusto kong sabihin. Hindi makakabuti sayo kung pati ikaw ay madamay at masaktan." doon na ako natigilan.

Doon ko lang naintindihan yung gusto niyang mangyari.

"G-Gusto niyong lumayo ako kay Jade?" kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko kaya...

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top