Chapter 22

Happy Valentines Day, Psychos!🥰 I love you all.❤️

Alisa's POV

Iyak parin ako ng iyak habang nakaupo at naghihintay sa labas ng ICU.

Kahit pa sabi ng mga doktor ay hindi naman ganung kalalim yung bala sa balikat ni Jade ay hindi ko mapigilang mag-alala.Maraming nawalang dugo sa kaniya,kailangan niyang masalinan ng dugo para makarecover siya.

"I already called Blaise and Sidney, papunta na daw sila." ani ni Alistair pagkatapos tawagan ang mga kapatid ni Jade.

Tanging ako, si Alistair, Kobe, Yago at Jiro lang ang nanatili dito sa Hospital. Sina Brie at Alia naman ay inihatid na pauwi dahil sobra na silang natatakot. Habang yung ibang kaibigan ni Jade ay hindi ko alam kung saan nagpunta.

"Don't cry, magiging ayos din si Jade." sabi ni Alistair bago umupo sa tabi ko.

Tumango lang ako sa kaniya.

Hindi ako makapagsalita, para akong nawalan ng gana sa mga nangyari. Sana panaginip nalang ang lahat.

Hindi naman kase mangyayari ang lahat nang ito kung sumama na agad ako kina Alistair para tumakas. Siguro kung di na ako nagpumilit pa ay hindi siya mapapahamak.

"Kumikilos na ang mga pulis para mahuli yung mga lalaki na humarang sa atin." si Kobe.

Yung mga lalaking yun, hindi lang sila basta masasamang tao. Alam kong may pakay sila at may dahilan sila para gawin yun kay Jade.

"S-Sino sila?" tanong ko sa apat na ngayo'y nagtatakang tumingin sa akin. "Tauhan ba sila ni Janver?" muli kong tanong, sa pagkakataong iyon ay sabay-sabay silang umiwas ng tingin maliban kay Alistair.

"We're not sure kung sila nga 'yun." seryosong sagot ni Alistair.

"K-Kaya ba nagmamadali tayo kaninang umuwi, k-kaya ba magkahihiwalay tayo ng sasakyan kanina dahil alam niyo na mangyayari 'to?"

"H-Hindi naman namin inaaka—" sabat ni Kobe pero agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.

"A-At pinabayaan niyo lang si Jade!" hindi ko mapigilang mainis sa kanila. "Bakit niyo siya hinayaan na bumaba ng sasakyan? Bakit hindi niyo siya pinigilan!" umiiyak 'kong sumbat sa kanila.

"Sa tingin mo ba ay mapipigilan namin si Jade? Pare-pareho nating hindi ginusto yung nangyari. Kung may dapat sisihin dito ay si Janver yun at ang mga tauhan niya." paliwanag ni Yago.

Si Janver nga.

May kinalaman siya sa nangyayari.

Napatingin ako sa kanila ng manahimik sila. Tila ay nabigla si Yago sa nasabi niya. Pero huli na, alam ko na kung sino yung may pakana ng lahat.

Mabilis akong tumayo na ikinabigla naman nila.

"Where are you going?" mabilis na pigil sa akin ni Alistair.

"Kakausapin ko si Janver!" galit kong sagot. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Hindi pwede! Hindi ka pwedeng umalis!" mariing saad ni Alistair.

"Bitawan mo ako!" galit kong utos sa kaniya ngunit di niya ako binitawan.

Bakit ba ayaw nalang nila akong hayaan?

"Alisa makinig ka naman sa amin, magagalit sa amin si Jade kung hahayaan ka namin na harapin si Janver." singit naman ni Kobe.

"Hindi ako sasaktan ni Janver!"

"Paano ka nakakasiguro? Nagawa niya nga na saktan si Jade, ikaw pa kaya? Ikaw yung pakay niya kanina, gusto ka niyang makuha." natigilan ako sa sinabi ni Alistair.

Tama ba yung narinig ko sa kaniya.

"Anong ibigmongsabihin?"

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Sobrang gulo na ng isip ko.

"Hindi ako ang dapat magpaliwanag sa'yo pero kapag pinilit mo yung gusto mo, lalo lang na lalaki ang gulo. Kapag nakuha ka niya, gagamitin ka niya para magtagumpay siya sa mga plano niya." paliwanag ni Alistair.

"A-Anong plano ang sinasabi mo?" tanong ko.

Huminga muna ito ng malalim at seryosong tumingin sa akin.

"Ang patayin kami."

Doon na ako nanlambot.

Para akong nawalan ng buhay sa narinig mula kay Alistair.

Napaupo nalang ako sa takot at muling umiyak. Hindi ko alam, hindi ko alam na iyon pala ang gusto ni Janver.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Alistair sa tabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Kaya pakiusap Alisa, wag mo naman kaming pahirapan." bulong nito at ikinabigla ko ang pagyapos niya sa akin. "Ayaw kitang masaktan, mas lalong ayaw ni Jade na mapahamak ka." dugtong pa nito.

Wala na akong nagawa kundi ang mapayapos sa kaniya. Ilang minuto segundo pa ay bigla nalang nagbukas ang pinto ng ICU. Lumabas mula doon ang doktor na kausap ni Jade. Sabay kaming napatayo ni Alistair at hinarap ito.

"How's Jade?" mabilis na tanong ni Alistair.

"He's okay now, natanggal na namin yung bala at natahi na yung sugat. Yung kailangan nalang gawin ngayon ay masalinan siya ng dugo dahil maraming nawala sa kaniya. And we need do this as soon as possible dahil kung matatagalan pa ay maaaring magkaroon siya ng infection and worst maaari niyang ikamatay." paliwanag ng doktor bago kami lampasan.

Napaupo nalang ako sa upuan dahil sa sinabi ng doktor. Dapat akong makampante dahil okay na siya. Pero paano kapag natagalan yung pagsasalin ng dugo sa kaniya? Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin.

"Stop overthinking, parating na sina Blaise at Sidney. I think naman ay parehas sila ng bloodtype, masasalinan din siya." tumango lang ako kay Kobe.

Sana nga..

"Hindi kami parehas ng bloodtype ni Jade." sabay-sabay kaming napatingin sa pagdating ni Kuya Blaise kasama si Ate Sidney.

"Paano nangyari 'yun? That is impossible." inis na sagot ni Alistair.

Tama siya!

Imposible talaga na magka-iba sila ng bloodtype dahil magkapatid naman sila.

"It's possible." napatingin naman kami kay Ate Sidney na bakas sa mata niya na umiyak siya. "Hindi kami parehas ng bloodtype ni Jade. Alam na namin iyon bata pa lang."

Kung hindi sila pare-pareho ng bloodtype, sino nalang ang tutulong kay Jade?

"Kailangan na siyang masalinan ng dugo, hindi pwedeng patagalin yun bago pa may mangyaring masama kay Jade." sabat ni Kobe.

"That's why tinawagan ko na sina Mommy and Daddy."

"What!?" halos sabay-sabay na sagot nina Alistair, Kobe at Yago kay Kuya Blaise.

"We have no choice buhay ni Jade yung nakasasalay dito. Hindi naman namin pwedeng itago yung katotohanan sa kanila." si Ate Sidney."Sila lang ni Mommy ang parehas yung bloodtype."

T-Teka, ibigsabihin ba nito ay alam na din niya yung sikreto nina Jade?

"Magagalit si Jade kapag nalaman niya ito. Magagalit sa inyo ang parents niyo kapag nagkataon." ani naman ni Yago sabay tingin kay Kuya Blaise.

"Wala na akong pake. Hindi ko isasakripisyo ang buhay ng kapatid ko para lang sa walang kwentang bagay." matigas na saad ni Kuya Blaise bago tumalikod.

Muling tumulo ang mga luha ko.

Buong akala ko ay wala siyang pagmamahal kay Jade, akala ko ay wala siyang pakialam sa kapatid niya pero nagkamali ako.

Matigas lang siya sa labas pero malambot ang puso niya.

Sana lang, sana ay maging ligtas si Jade.

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top