Chapter 20

Alisa's POV

Araw ng linggo, naghahanda na ang lahat pauwi. May pasok na kase bukas at napagpasyahan ng lahat na maagang umuwi upang makapagpahinga ng maayos.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Jade. Oo ngayon ko lang pa sasabihin sa inyo na magkasama kami ni Jade sa iisang silid.

Hindi siya dito natulog kagabi, siguro ay sinunod niya lang talaga yung gusto ko kahapon. Napabuntong hininga nalang ako habang nag-iimpake.

Ano 'bang nangyayari sa akin? Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Nakakainis kase pati si Jade ay nadamay sa mga isipin ko. Nasungitan ko pa siya kahapon bagay na lalong nagpa-guilty sa akin.

Maya maya lang ay pumasok na si Jade sa loob. Hindi niya ako nililingon at deretsong nakatingin sa gamit niya.

Wala ba siyang balak na kausapin ako? Sabagay, marahil ay nagtatampo siya or galit sa inasta ko kahapon.

Hayst.

Mabilis 'kong inalagay ang lahat ng gamit ko sa isang bag at ng matapos ay nilapitan si Jade.

Naupo ako sa kama malapit sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"J-Jade." tawag ko dito.

Malamig niya akong tinignan. Walang ekspresyon na makikita sa mukha niya, galit nga siya.

"Do you have something to say?" cold nitong tanong at ibinaling muli ang tingin sa mga gamit niya.

"S-Sorry." nakayuko 'kong paghingi ng tawad.

Naramdaman ko ang mahina niyang pagbuntong hininga at pag-upo sa katabi 'kong upuan.

"You don't have to say that." panimula niya. "That's okay." aniya sabay hawak sa kamay ko.

"Salamat." tanging nasabi ko nalang habang mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"I won't keep asking you about what exactly happen but please Alisa, don't be like this. Sobra akong nag-aalala kapag ganiyan ka."paalala pa nito kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

Sobrang swerte ko talaga sa kaniya.

"Sorry kung sobra 'kang nag-alala sa akin. Hindi na mauulit."

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napapikit nalang ako ng magdampi ang mga labi ni Jade.

Sa mga oras na yun, nakaramdam ako ng kaginhawaan. Parang nawala yung mga iniisip.

Tama nga ako, hindi ako nagkakamali.

Si Jade talaga yung taong mahal ko.

Ilang saglit pa ay naghiwalay na kaming dalawa, nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin 'yun sa'yo ng paulit-ulit." bulong nito sabay halik sa noo ko.

"Mag-impake na tayo." tumango lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

Ilang minuto lang ay bigla namang may tumawag sa telepono ni Jade. Nagpaalam itong sasagutin ang tawag at agad na lumabas.

Napatingin ako sa mga gamit ni Jade.

"Napakabagal naman niyang mag-impake." bulong ko sa sarili at nagsimulang tulungan si Jade.

Napakadami naman kase ng gamit niya, daig pa niya yung magbabakasyon sa ibang bansa.

Syempre inuna ko muna yung mga damit niya bago yung mga hygiene kit niya. Isasara ko na sana yung maleta ng may mapansin na isang maliit na envelope mula sa may bulsa ng isang bag.

Nilingon ko pa si Jade at busy parin ito sa katawagan niya sa telepono. Out of curiosity ay binuklat ko ang laman nito.

Hindi lang siya basta papel lang,

Wedding Invitation nila ni Elytra.

"Jade and Elytra's Wedding"

Pain.

Bakit ko pa ba kase binuklat 'to.

Ibabalik ko na sana yung invitation ng mapansin yung nakasulat na date sa baba.

February 10?

Sa isang buwan na yung kasal nila? At February 9 yung 18th birthday ni Jade. Bakit hindi sinabi sa akin ni Jade?

Ito ba yung sinasabi niya na gumagawa siya ng paraan para hindi matuloy yung kasal? Ito ba yung pangako niya sa akin?

Hindi ko namalayan na tumulo ng yung luha ko doon mismo sa invitation.

Sobrang sakit.

Pinunasan ko yung luha ko at maingat na ibinalik yung wedding invitation. Napansin ko na mukhang malapit ng matapos si Jade kaya mabilis akong nagtungo sa banyo at inayos ang sarili.

Ayokong malaman ni Jade na alam ko na malapit na yung kasal nilang dalawa.

Gusto 'kong malaman mismo sa kaniya at siya mismo yung magsabi sa akin nun.

Masakit para sa akin pero sino ba naman ako diba? Di hamak na girlfriend niya lang ako.

Umasa ako, umasa ako na gagawa talaga siya ng paraan pero umasa lang pala ako sa wala.

Sakay na kami ng kotse pauwi.

Magkahiwalay kami ng sasakyan ni Jade.

Hindi dahil galit ako sa kaniya pero siya mismo yung may gusto na hindi ako sumabay sa kaniya.

Parang may mali pero hinayaan ko nalang.

Magkakasama kami nina Alia, Brie at Kobe. Habang nasa kabilang sasakyan sina Alistair, Yago, at Jade. Tapos nasa pangatlong kotse naman sina Redge at Jiro.

"What's happening 'ba? Bakit magkahiwalay pa tayo ng car?" tanong ni Alia kay Kobe.

"M-May pupuntahan kase sila, ako nalang maghahatid sa inyo." mabilis na sagot ni Kobe habang nagmamaneho.

"May nangyayari ba na hindi namin alam?" tanong naman ni Brie at hindi na nakasagot si Kobe.

"Umamin ka nga Kobe!" bulyaw ko dito.

Nagsisimula na akong kabahan.

May mali talaga eh, hindi ko malaman kung ano pero may kakaiba sa kanila.

Napatingin naman ako sa kotse nina Jade na nauna na sa amin. Lumihis ito ng daan na mas ipinagtaka ko.

"Bakit nag-iba ng direction sina Kuya?" nagtatakang tanong ni Alia.

"There is nothing to worry about. Just trust us." kita ko sa mga mata ni Kobe ang sinseridad.

Tama nga ako, may nangyayari na hindi namin alam.

Hindi kaya—

"Sundan natin sila!" utos ko kay Kobe.

"Hindi pwede, mapapagalitan ako ni Jade kapag sumuway ako sa kaniya."

Napasinghap nalang ako sa inis at wala ng nagawa.

"Sh*t." mura ni Kobe kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya.

Huminto ang sasakyan dahil may biglang humarang sa aming dadaanan.

"Who are they?" nagtatakang tanong ni Alia.

"I don't feel good about this." bulong ni Brie.

"Stay still." mariing utos ni Kobe.

Ilang segundo pa ay may mga bumaba na armadong lalaki na mas ikinabahala naming lahat.

"Anong gagawin nila sa atin?" takot na sabi ni Alia kaya mabilis ko siyang niyakap.

"P-Papalapit na sila sa atin." ani ni Brie.

"No matter what happen, walang bababa ng sasakyan. " utos ni Kobe.

"Kobe!" pigil ko dito ngunit mabilis itong bumaba ng sasakyan at hinarap ang armadong lalaki.

Sino ba sila? Bakit nila kami hinarang?

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top