Chapter 17

Alisa's POV

Sobrang saya ko habang pinagmamasdan yung mga taong naging parte ng kaarawan ko.

Kahit na maikling oras pa lang yung nagiging pagsasama namin ay sinamahan nila ako sa isa sa mga importanteng ganapan sa buhay ko.

Nasa harapan nila akong lahat at may hawak na microphone. Lahat sila ay malawak na nakangiti sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan," panimula ko. "Kung paano ko kayo mapapasalamatan isa-isa."

Napatingin ako kay Jade na seryosong nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay ngumiti ito at sinenyasan akong magpatuloy.

"Sa buong buhay ko, hindi ko pa  nararanasan na masorpresa. Kase dun sa amin, hindi uso ang mga ganitong bagay. Kapag birthday mo, kadalasan ay konting salo-salo lang kasama ang pamilya ay mahalaga at ayos na." tahimik silang nakikinig, pinilit ko talaga na hindi maiyak dahil nakakahiya sa kanilang lahat. "Hindi namin afford yung ganitong okasyon. Hindi namin kayang maghain ng masasarap na pagkain katulad nito."

Naalala ko pa noon, napunta kami sa mga kapitbahay namin para makikain dahil wala kaming pagkain. Noong mga panahon na minsan ay pinagtatabuyan kami ng may pahanda dahil mga patay gutom daw kami. Hindi ko makakalimutan yon.

"Usually sina Nanay, Ate at yung kapatid kong bunso yung kasama ko sa pagcecelebrate," huminto ako saglit at huminga ng malalim. "P-Pero ngayon wala sila sa tabi ko." basag na boses kong sabi.

Unti-unti ng namumuo yung mga luha ko pero mas pinili ko na maging matatag. Pilit akong ngumiti sa kanila at nagpatuloy.

"W-Wala sila para batiin ako. Wala sila sa tabi ko sa pinaka-espesyal na birthday ko." doon na tumulo ang mga luha ko. "Iniisip ko nalang na lilipas din yung pangungulila ko sa kanila. N-Na babalik din sila, hindi man ngayon pero maghihintay ako." umiiyak kong sambit.

Tumingin ako sa kanila na ngayo'y  ang iba ay tila nadadala sa mga sinasabi ko. Lalo na sina Ate Sidney, Alia, Brie, Ryah, Venus, Lovely, Manang Esme na pare-parehong umiiyak.

"P-Pero kahit na ganun, hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Nagtatampo lang ako dahil umalis sila ng walang paalam. H-hindi man lang nila ako sinabihan na aalis sila at iiwan ako mag-isa."

Tanda ko nung umuwi ako sa Batangas at wala akong nadatnan. Wala sila sa bahay at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Mabuti nalang nandun si Jade para damayan ako.

Umiiyak akong tumingin kay Jade na ngayo'y nakatingin din sa akin.

"S-Sa kabila nun, nagpapasalamat ako sa mga taong hindi ako iniwan at pinabayaan." pinunasan ko yung mga luha ko at nakangiting tumingin sa kanila. "Salamat sa inyo dahil nandito kayo ngayon kasama ko para magdiwang ng birthday ko."

"Sobra akong nagpapasalamat sa isang tao na hindi ako iniwan, handa akong damayan at nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa." pagkasabi ko nun ay naghiyawan naman ang iba. Napatingin ako kay Jade na nakatingin parin sa akin. "Ikaw yung tumulong sa akin para manatiling matatag. Ikaw yung nasa tabi ko nung mga panahon na wala akong masandalan. Ikaw yung taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko pa nararanasan."


"Aruy! Kinikilig na naman si Jade!"

"Sana All!"

"Namumula na si Jade!"

Pang-aasar ng mga kaibigan ni Jade sa kaniya. Nakangiti akong lumapit sa kaniya habang siya ay nanatiling nakapoker face.

"Thank you for loving me," matamis kong sabi. "Ikaw yung pinaka-precious na regalo na ibinigay sa akin ni lord ngayong birthday ko." pagkasabi ko nun ay agad ko siyang niyakap.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nararamdaman ko yun. Naghiyawan na naman ang iba.

"Kiss!" paulit-ulit at sabay-sabay nilang sigaw. Iniharap ako ni Jade sa kaniya at ngumisi na parang baliw.

"I won't waste this opportunity." bulong niya at mabilis na idinampi ang labi niya sa akin.

Sa pagkakataon na iyon ay parang bumagal ang oras. Literal na nag-slow mo ang paligid at tila kaming dalawa nalang ni Jade yung tao.

Pumikit ako at dinama ang malalambot niyang labi. Niyakap ko siya ng mahigpit yung tipong ayoko ng pakawalan pa siya.

Wala na akong pake kung nasa harap kami ng maraming tao.

Ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya at pinasaya niya ako ngayong gabi.

Kinaumagahan ay napagpasyahan ng ilan na sulitin ang pamamalagi namin dito sa resort.

Kagabi pala ay umalis na sina Manang Esme, Ryah, Venus at Lovely dahil kailangan daw sila sa mansyon. Gayundin ang ilang kaibigan ni Jade na sina Kreo, Warren, Wilbert at Drei.

Habang si Ate Sidney naman ay nagpaalam narin dahil may trabaho siya na dapat tapusin. Syempre bago siya umalis nagpasalamat muna ako sa kaniya dahil naging parte siya ng kaarawan ko. Pinasalamatan ko din sina Manang Esme at yung tatlo dahil maging sila ay pinasaya nila ang birthday ko.

Kasalukuyan na nasa dagat at lumalangoy sina Brie,Yago,Kobe at Alia. Hindi naman ako sumama dahil hindi ako mahilig lumangoy.

Si Alia at naman at si Alistair ay napagpasyahan na mag-ihaw.

Kasama ko ngayon si Jade at parehas kaming nakaupo sa buhanginan. Nakahawak pa ang kanang kamay niya sa akin.

"Are you happy?"tanong nito habang nakatingin sa dagat.

"Oo naman." nakangiti kong sagot.

May kaunting lungkot dahil wala yung mga taong nakasanayan ko na kasama tuwing birthday ko pero pinasaya naman ako ng mga taong nagmamahal sa akin.

"I love you." hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at napatingin naman siya.

"May problema ba?"

"Wala naman," huminga ito ng malalim at bahagyang hinagkan ang palad ko."Gusto ko lang sabihin na mahal kita, at hindi ako magsasawa na mahalin ka." dugtong nito.

May kakaiba talaga sa kaniya.

Actually kagabi ko pa napapansin nung nagkakasiyahan kaming lahat. May kakaiba sa kaniya at kay Alistair. Parang may pinag-uusapan sila na importante.

Hindi din ako pinapansin ni Alistair mula kahapon, hindi niya nga ako nilalapitan.

May problema kaya siya?

"Are you okay? Bakit hindi ka nagsasalita?" bumalik lang ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Jade. Mabilis naman akong tumango at ngumiti.

"Mahal din kita." ngumiti ito at niyakap ako habang parehas kaming nakatingin sa dagat.


"I'm sorry." bulong nito.

Sorry?

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top