Chapter 16
Alisa's POV
"Happy birthday, Love."
Hindi ako makaimik.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapaniwal na nandito siya sa harapan ko ngayon.
Buong akala ko ay nakalimutan na niya at wala siyang balak na batiin ako ngayong araw.
"J-Jade." mahinang usal ko.
Ngumiti siya ng matamis at inabot ang dala dala niyang bulaklak. Tinanggap ko naman ito at napansin ang hagikhikan ng mga nasa paligid.
"Happy Birthday to you," hinawakan niya ang kamay ko."Happy birthday to the girl I love."
Nahihiya akong tumingin sa kaniya at sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Akala ko nakalimutan mo na." nasabi ko nalang.
"Why would I?"
"Dahil busy ka daw." napatawa ito at mahigpit akong niyakap.
"Nagiging busy lang naman ako pagdating sa'yo." namula ako sa sinabi niya. "Nahirapan ako na magprepare ng suprise para sa'yo."
Ibigsabihin ay siya ang may pakana nito? Kaya ba wala siya kahapon at hindi siya nagpaparamdam sa akin?
"Thanks to them," aniya sabay tingin sa mga tao na nasa paligid."They helped me doing this thing." ngumiti naman ang ilan sa kanila.
"Kung alam mo lang Alisa kung paano ako niyan pinilit at kinulit para tulungan siya." singit ni Brie.
Napatawa naman ako at tumingin kay Jade.
"Salamat, hindi ko inaakala na may sopresa ka para sa akin." Ngumiti siya at hinagkan ang noo ko.
"Anything for my love." matamis siyang ngumiti at mahigpit akong niyakap.
"Sobra mo akong pinasaya Jade, maraming salamat sa'yo dahil kajit papaano nakaranas ako ng ganito." bulong ko sa kaniya.
"No more drama," bulong nito sa akin at kumalas ng yakap. Tumingin ito sa mga tao na nasa paligid at nagtaas ng isang wine glass. "Let's start the party!" sigaw nito.
Nagpalakpakan ng ang mga loko at nagsimula ng kumain. Sobrang daming nakahandang pagkain, karamihan sa mga ito ay sea foods dahil nga nasa resort kami.
Doon ko lang napansin na lahat sila ay nakasoot ng floral na damit.
Nakakatuwa dahil ngayon ko lang naexperience na masurprise sa birthday.
Alistair's POV
Tahimik akong tumutungga ng alak malayo sa kanila.
Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay, I prefer doing homework than this pero dahil birthday ni Alisa napilitan ako.
Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Jade. Handa ako na suportahan silang dalawa kahit na masakit sa kalooban ko.
She means a lot to me, kaso wala naman ako sa kaniya. Di hamak na kaibigan niya lang ako at hanggang doon nalang ang pagtingin niya sa akin.
Ano namang magagawa ko?
I can't force her to love me.
Mahal niya si Jade at mahal siya ni Jade.
Tatanggapin ko nalang siguro yung katotohan na kahit kailan ay hindi siya magiging akin.
Mapait akong ngumiti at muling uminom ng alak.
Sobrang saya nila sa loob ng cottage.
Nagkakantahan sila at puro asaran, at wala akong balak makisali sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napatingin ako kay Jade na may dala din na wine glass. Umupo siya sa tabi ko at bahagyang uminom ng alak.
"Nothing." tipid kong sagot.
"You sure? Kanina pa kitang napapansin na parang may malalim ka na iniisip." aniya.
"It is all about school works." palusot ko ngunit napatawa lang siya.
What a lame excuse.
"Are you still affected?" inis akong tumingin sa kaniya ngunit nasa dagat ang atensyon niya.
"What's with that question!?" inis kong tanong sa kaniya.
"Nevermind it." sagot nito at muling lumagok ng alak.
"Yung problema mo? Ayos na ba?" napatingin siya sa akin at umiling.
"Hindi pa."
"Paano kapag nalaman ni Alisa na nagsisinungaling ka sa kaniya?"
"I don't know." walang gana niyang sagot. "Ayoko munang isipin ang bagay na iyon. Ang gusto ko muna ay makapagpahinga at sulitin ang oras na kasama siya."
"You shouldn't stand there and do nothing." banta ko sa kaniya.
"Gumagawa ako ng paraan." mariin niyang sabi. "Pero hindi sapat yun para pilitin si Elytra na itigil yung kasal."
Naaawa ako kay Alisa dahil siya yung pinaka-masasaktan sa oras na malaman niya yung totoo.
"Hindi lang naman iyon ang problema ko." dugtong nito."Dumagdag pa si Janver, alam kong gagamitin niya si Alisa laban sa akin."
"Sinasabi ko sa'yo Jade, sa oras na masaktan si Alisa at madamay siya sa gulo ay hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng paraan." galit siyang tumingin sa akin.
"Then what will you do?" mapang-asar niyang tanong.
"I will steal her from you." sagot ko at iniwan siyang mag-isa.
Yung tanggapin na masaya na si Alisa sa kaniya ay makakaya ko pa pero yung makitang nasasaktan siya dahil kay Jade ay hindi ko papalagpasin.
I will do anything to protect her.
Napadaan ako sa cottage at patuloy parin ang kasiyahan nila. Saglit akong napatingin kay Alisa na masayang nakikitawa sa iba.
Napangiti ako ng masilayan ang matatamis niyang ngiti.
She's like an Angel from Heaven.
Sobrang gaan niya sa pakiramdam. Yung kapag titignan mo lang siya at yung mga ngiti niya ay mawawala na yung lahat ng problema mo kahit pansamantala lang.
Janver's POV
Kung kailan naman handa na yung kamao ko saka naman nawala ang mga gago.
Nagtatago ba sila dahil natatakot na sila sa akin?
Fck them all! Hindi nila pwedeng takasan ang kapalaran nila.
May nakarating na balita sa akin na nasa isang bakasyon daw ang grupo nina Jade.
"At nagagawa pa talaga nilang magrelax sa kabila ng mga pagbabanta ko?" inis kong singhal.
"Baka naman kase hindi pa sapat yung pagbabanta mo." sabat nung isa kong tauhan.
Napataas ang isang kilay ko.
"You have a point." uminom ako ng alak at nakakalokong ngumiti dahil sa iniisip. "Kung hindi sila nasisindak pwes sa susunod kong gagawin sisiguraduhin ko na kakatakutan na nila ako."
Iniinis nila ako.
Malaki ang atraso sa akin ng magkapatid na iyon, lalong-lalo na si Blaise. He killed my father at hindi ako titigil hangga't hindi siya namamatay.
Buhay ang nawala, buhay din ang kapalit.
Hindi ako makakapayag na matalo na naman nila ako.
Maya-maya lang ay pabagsak na nagbukas ang pintuan at isa-isang pumasok sina Theo, Alyx at Harence.
Inis ko silang tinignan at hinintay ang sasabihin nila.
"We have a problem." panimula ni Harence.
"What is it? Is it important or not?"
Naninigurado na ako, dahil baka mamaya hindi naman ganung kaimportante at kalaki yung problema.
"Your sister is doing something behind our back." sabat ni Alyx.
"What!?"
Anong ginagawa ni Reign?
I ask her to help us gather information about Jade and Blaise but I didn't know that she's doing something without my permission.
"We should stop her bago pa tuluyang masira yung mga plano natin." sabi naman ni Theo.
Ano pa nga ba? Hindi maganda ang kutob ko kay Reign.
Lately napapansin ko na parang out of mind siya palagi, tas biglang maprapraning tapos biglang mananahimik at seseryoso.
Nakakabahala dahil baka may magawa siya na ikakasira ng mga pinaghirapan ko.
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top