Chapter 15


Elytra's POV

Nandito kami ngayon sa Batangas para sa meeting namin with the wedding organizer para sa kasal namin ni Jade.

Yes, tuloy na tuloy na ang kasal namin. Wala ng makakapigil dahil everything is already settled.

"Here are the samples of invitations for your wedding." ani ng isang organizer sabay abot sa akin."like what you've said Ma'am, pinili at hinanap na namin ang pinakamahal and magandang quality nito for your wedding." tumango naman ako at hinarap kay Jade ang mga ito.

Walang emosyon siyang nakatingin sa mga ito. Actually kanina pa siyang ganiyan mula ng dumating kami dito. Kanina pa din siyang bagot na bagot at tila hinihintay ang oras na matapos ang lakad namin.

Is he planning something?

"What do you think? Ano mas magandang invitation?" tanong ko sa kaniya.

"Just pick whatever you want." cold niyang sagot sabay tingin sa relo niya.

"C'mon babe, I can't decide on my own." sabi ko sakaniya sabay dantay sa balikat niya ngunit mabilis siyang umiwas.

"I don't care." masungit niyang sagot at akmang tatayo ng hawakan ko ang kamay niya.

"What do you want?" inis kong tanong sa kaniya. Mukhang nakaramdam naman yung kausap namin kaya agad siyang umalis at iwan kami.

"Anong gusto ko?" tumingin siya sa akin at hinaltak ang kamay niya palayo sa akin. "Stop this nonsense plan of yours! Ikaw lang ang nasisiyahan sa mga ginagawa mo!" sigaw niya sa akin.

"Pero magpapakasal na tayo! We should do this kase—"

"I SAID I DON'T CARE!" sigaw niya sa akin na nagpatigil sa akin. "Stop imagining things that won't happen." mariin niyang saad sa akin. "I don't love you and hindi kita kayang pakasalan." dugtong pa nito na dumurog lalo sa puso ko.

"Tanggap ko na di mo ako mahal!"matapang kong sagot sa kaniya. Namumuo narin yung luha ko sa mga mata. "P-pero pwede mo naman akong mahalin diba? You will learn to love me."

"Do you think I'm that stupid para mahalin ka?" mabilis akong tumayo at agad siyang niyakap ngunit marahas niya akong tinulak.

"Stay away from me! I'm not your toy! Hindi ikaw ang mahal ko! Hindi kita mamahalin—"

malakas ko siyang sinampal at umiiyak na tumingin sa kaniya.

"H-Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa mga ginagawa at sinasabi mo sa akin!"galit akong tumingin sa kaniya habang siya ay walang emosyong nakatingin sa akin. "Ang gusto ko lang naman ay mahalin mo ako!G-Gaano ba kahirap na gawin yun!"

"Iyon ang gusto mong mangyari pero paano naman yung sa akin?!" inis niyang sigaw sa akin. "You deserve that pain and you should blame yourself for doing this sh*t things!"

"You know what will happen if you choose that girl instead of me." i smirked at him. "I know all of your secrets and alam kong hindi mo magugustuhan kapag inilabas ko yun lahat."

"Are you threatening me?" malumanay niyang tanong.

"No baby," lumapit ako sa kaniya at akmang hahalikan siya ng mabilis siyang nakaiwas. "I'm just warning you."

"Hindi ako natatakot sayo." mariin niyang saad.

"If you say so, what if idamay ko ang babaeng iyon at isama siya sa pagdurusa mo? Magugustuhan mo ba?"

Mabilis niya akong nilapitan at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. I can feel his anger pero ngumisi lang ako sa kaniya.

"Do it and you'll suffer." banta nito sa akin sabay tulak palayo sa kaniya.

"Kung wala ba ang babaeng iyon ay mamahalin mo ako? Kung hindi ba dumating sa buhay mo si Alisa ay magkakaroon ka ba ng kaunting pagmamahal sa akin!?"

Kasalanan 'to lahat ng malanding babae na iyon. Kung hindi niya inahas sa akin si Jade baka magkasama na kami at mahal na niya ako. She ruined everything.

"No." cold niyang sagot bago tuluyang  umalis at iwan ako mag-isa.

Napaupo nalang ako sa sobrang sakit.

I don't deserve this.

Dapat hindi ako ang nasasaktan, dapat si Alisa ang nagdudusa ngayon.

"Inagaw niya lahat ng mayroon ako, she completely ruined my plans. Hindi ako makakapayag na matalo ng isang cheap at malanding babae katulad niya."

Lintik lang ang walang ganti.

At kung hindi parin titigil si Jade sa ginagawa niya, magsimula na silang magdasal dalawa ng babaeng iyon dahil sa oras na mapuno ako, they will suffer from pain.

ALISA'S POV

Papunta kami ngayon sa isang resort sakay sa sasakyan ni Kobe. Nagyaya kase sila na magbeach dahil birthday ko naman daw at para maalis yung stress ng isa't-isa.

Pumabor naman ako dahil sa mga nangyayari at naiisip ko ng mga bagay nung nga nagdaang araw ay masyado akong nastress. Gusto ko muna magrelax para magkaroon ng peace of mind.

Nasa kabilang kotse sina Brie, Yago, Wilbert at Jiro. Habang kaming tatlo naman nina Alia, Kobe at ako ang magkakasama.

Nakakapagtaka lang na kailangan pa nilang humiwalay ng sasakyan. Malaki naman ang kotse ni Kobe at kasiya naman kaming lahat.

Bago umalis ay pinagsoot pa ako ni Alia ng isang white dress. Ganun din siya at Si Brie dahil beach naman daw yung pupuntahan. Sinabi pa nila na kailangan daw talaga iyon para mafeel naman namin yung trip.

Kahit naguguluhan ay sumang-ayon nalang ako. Yung apat na lalaki naman ay nakafloral na polo at nakashort.

Habang nasa biyahe ay hindi mawala yung sinabi sa akin ni Alia tungkol sa kapatid niya. Pati narin yung mga naisip ko pagkatapos naming mag-usap ni Alia.

Siguro kaya lang pumasok ang isiping iyon ay dahil naaawa ako kay Alistair. Naging mabait siya sa akin at ngayon ay nalulungkot ako dahil nasasaktan ko siya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin sa biyahe.

Wala parin akong natatanggap na message mula kay Jade. Mukhang busy parin siya kasama si Elytra. Mukhang di niya na naalala na birthday ko na ngayon.

"We're here." ani ni Kobe.

Nauna na siyang bumaba habang si Alia at pinigilan ako.

"Wait!" nagtataka akong tumingin sa kaniya at ilang segundo lang ay tinakpan pa niya ng panyo ang mga mata ko.

"P-paraa saan ba 'to? May gagawin ba kayo sa akin?" naguguluhan kong tanong.

"Hawakan mo lang ang kamay ko and wag na wag mong tatanggalin yung panyo hangga't di ko sinasabi."

Kahit naguguluhan ay sumunod nalang ako sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad at nararamdaman ko na may kakaiba mula sa paligid ko.

Ilang minuto pa ay huminto kami sa paglakakad. Hindi na ako hawak ni Alia. Sobrang tahimik ng paligid kaya naisipan ko na tanggalin na ang panyo mula sa mga mata ko.

"HAPPY 18TH BIRTHDAY, ALISA!!"

Sigawan naman mga tao ng sandaling tanggalin ko ang panyo. Nagulat ako dahil hindi ko inaakala na nandito silang lahat.

Mula kay Ate Sidney, Ryah, Venus at Lovely.

Sina Manang Esme at ilang driver.

Yung mga kaibigan ni Jade na sina Kobe, Yago, Jiro, Wilbert, Kreo, Warren, Drei, at Redge.

Sina Alia at Brie.

Si Alistair.

At ang taong kanina ko ‘pang hinihintay.

Ang taong mahal na mahal ko,

"Happy Birthday, Love."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top