Chapter 8: Lockscreen

"Hoy! San ka galying!" agad na bungad sa akin ng kaibigan ko, matapos makababa sa kotse ni Jungkook.

"Ang tapang ah. Bulol naman." tinawanan ko siya habang binubuhat mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Aba! You laughing at me?!" eksaherada niyang wika. "You don't love me anymore?" parang bata niya pang sabi.

Hay nako. Kaya ayokong nalalasing siya. Nagiging madrama siya. Maya-maya, hindi na ako magtataka kung bigla nalang siya iiyak.

"Bakit ba nandito ka? Napakalamig ng sahig, dyan mo pa naisipang tumambay?" isinukbit ko ang kamay niya sa balikat ko at hirap na hirap pa 'kong itayo siya ng maayos. So heavy.

"Ang tagal mo e! Where have you been?" agad niyang angal.

"You're so madaldal. Pumasok na po tayo. It's so malamig here." bawi ko ng may pagka-conyo. "Ang bigat mo!" reklamo ko kahit pa natatawa ako sa itsura niyang kulang nalang ay sumabog sa sobrang pula.

"Hmm you should call your boyfriend to help you," dahan-dahan niyang inangat ang braso at may itinuro sa likod namin. Sinundan ng mata ko ang galaw ng braso niya at nakita kong nakatingin si Jungkook saamin.

Mukha siyang natatawa na ewan pero parang naaawa rin siya.

"Need help?"

Grabe nang kahihiyan ang natatamo ko ngayon.

Hindi ako magkamayaw kung saan babaling. Kung sa kaibigan ko bang halos half-dead sa sobrang kalasingan o sa gwapong nilalang na nasa likod namin at naghihintay nalang ng permiso ko upang makalapit siya.

I sighed in defeat. Masyadong mabigat 'tong si Kelly at nanginginig na ang tuhod ko sa panghihina. Umihip rin ang malamig na hangin kaya dumagdag iyon sa iniinda ko.

Dahan-dahan akong tumango sa tanong ni JK at nakita ko kung gaano siya kabilis lumapit para tulungan akong magbuhat sa lasing kong kaibigan na nakatulog na yata.

Bukas ka sa'kin, Kelly. Masyado mo akong pinapahiya sa hubby ko.

Inalalayan muna niya ang kaibigan ko habang binubuksan ko ang gate ng apartment. Nanginginig pa ang kamay ko sa lamig at sa sobrang kaba.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil makapapasok si JK sa tinitirhan ko o maiiyak dahil naiwan ko palang makalat sa loob. It's embarassing. Ano nalang ang iisipin niya? Na messy at magulo at dugyot akong babae?

Naiwan ko lang naman na makalat ang higaan ko pati ang mga hinubad ko galing sa trabaho ko sa club ay naiwang nakakalat sa maliit na sofa dahil nga masama ang pakiramdam ko pagdating ko kagabi.

Geez, hindi pa nga nagsisimula ay tapos na kaagad ang laban. Ekis na kaagad ako.

Hirap na hirap naming inihiga ang kaibigan kong blacked-out na yata dahil tila hindi na ito gumagalaw at mahimbing na ang tulog.

Inayos ko ang pwesto niya saka tinanggal ang sapatos. Itinabi ko rin ang maliit na shoulder bag niya sa side table katabi ng kama ko saka ako bumaling kay Jungkook na nakatayo lang doon sa dulo ng kama at sinusundan pala ng tingin ang bawat galaw ko.

"Would you like a coffee? or anything? I'm sorry you have to go through all of this because of me." sunod-sunod kong sabi saka lumapit sa may lamesa kung saan naroon ang mga kape at asukal ko.

"Yeah sure. But I can make my own coffee. You should sleep Ms. Fuiena. you still have a fever, remember?" pagpapaalala niya sa'kin.

Mabilis akong umiling at kumuha na ng tasa upang pagtimplahan siya ng kape. Gusto niya raw ng kape pero siya raw ang magtitimpla? Naku, hindi pwede. Bisita ka JK. Maupo kalang dyan.

"Let me do it." pilit niyang inaabot ang tasa at kutsara mula sa akin pero umiling ako.

"Sit, Mr. Jeon." kunware ay masungit kong turan. Tinuro ko ang sofa sa kanang bahagi ng kwarto. "I am your assistant so please let me do this. Also, I need to make up for the mess you've gone through just now. Sorry."

Narinig ko na lamang siyang huminga ng malalim at parang bata na sumunod sa ipinag-utos ko sakaniya na umupo na lamang.

Good.

Dalawang minuto kaming hindi umimik at tanging tunog ng baso at kutsara lamang ang naririnig sa buong kwarto.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay bigla siyang nagsalita.

"You're not my assistant yet. It will start on Monday. Not today." wika niya habang nakayuko. Nakaposisyon din ang dalawang kamay sa baba niya at nakapalumbaba.

"You used your 'boss card' today so I think we're quits?" unti-onti ay nawala ang kaba at pangamba ko kanina.

Kaba dahil hindi pangkaraniwan na makasama ang isang Jeon Jungkook at pangamba dahil nakita niya kung gaano kakalat ang tinitirhan ko.

"That's. . ." he clicked his tongue and sighed. "Okay. But next time I won't tolerate the stubborness." hindi ko na narinig ng malinaw ang huling mga sinabi niya. All I know is that his sigh is a sign that he gave up on the topic.

Ayoko narin naman na makipagtalo sakaniya. Kasi palagi siyang tama para sa'kin. Si Jungkook na'yan e. Baka oo nalang ako ng oo kapag tinuloy pa namin ang usapan.

Nang matapos ko na siyang ipagtimpla ng kape ay maagap ko iyong ibinigay sakaniya. Sinigurado kong masarap at hindi niya makakalimutan ang lasa niyon.

Hinaluan ko ng gayuma. . .este pagmamahal.

Narinig ko naman ang paghigop niya sa baso ng kape habang ako ay kinukuha lahat ng kalat na makikita ko. Inayos ko lahat habang abala siya sa paghigop sa masarap na kapeng gawa ko.

Hindi ko na napansin na nakatingin na pala siya sa akin noong tumigil na ako sa paglilinis.

Nakita ko ang magkahalong pagtataka, pag-aalala at pagkadismaya sa mukha niya.

Bakit ho, Mr. Jeon?

"Why are you cleaning your house at 12 midnight?. . . oh it's not even 12 anymore, it's already 1:45 in the morning." sabi niya sabay ipinakita sa akin ang oras gamit ang cellphone niya. Nakita ko tuloy ang lockscreen niya kaya napangiti ako.

"Why are you smiling?" nakataas ang kilay niya pero natatawa na rin siya. "I'm saying you should rest instead of doing these things at dusk because you still have a high fever, right, Ms. Percy?" sa tono niya ay para niya akong pinapagalitan pero mabait at magalang parin ang dating no'n. Napakalambing parin para sa'kin.

Umiling na lamang ako dahil wala akong maisagot. Parang nawala ang lagnat ko dahil sa nakita sa lock screen niya. Ano ba 'yan. Si Bam lang naman 'yon kasama siya pero kinikilig parin ako. Ngayon ko lang kasi nakita 'yon. Ibig sabihin wala no'n online at ako palang ang nakakita ng picture na'yon kaya mas nakakakilig isipin.

Ang babaw ko, alam ko. But that's just how I feel. Fangirl things.

"Ah I need to go back." biglang wika niya at dire-diretsong tinungga ang kape. Pinanood ko lang siyang ilagay ang tasa sa lababo.

Nakita niya akong pinagmamasdan siya sa pagmamadali niya kaya nagsalita ulit siya. "I have a jacket shooting scheduled tomorrow."

Ahh.

"oh, o-okay." tumango-tango ako habang binabalot ang sarili sa makapal na jacket. "Thank you for your help today, Mr. Jeon. I'm sorry. I will make it up to you." nahihiya kong wika dahil inasahan ko na magtatagal siya rito. Ang tanga ko. Bakit naman siya magtatagal rito? Superstar siya. Busy siya.

At isa pa, madaling araw na. Hindi dapat siya abutan ng ganitong oras sa ibang bahay. Bahay pa ng isang stranger sakaniya. I just hope that no sasaeng is on his tale right now.

His lips parted as if he wants to say something but he didn't. Nakita ko nalang ang mabilisang pagpitik ng daliri niya. Nag-bow muna siya bago nagpaalam muli at umalis.

Sinundan ko ng tingin ang bawat yapak niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Nakaupo ako sa dulo ng kama kaya naman ay pabagsak akong humiga roon at huminga ng malalim.

He is so gorgeous!

Ngayon lamang sa akin nagsink-in ang lahat. Sobrang tangkad. Hanggang kili-kili niya lamang ako.

Ang itim na buhok ay tila kumikintab sa tuwing natatamaan ng liwanag mula sa mga ilaw. Ang kabuoan niya ay tila isang panaginip. He is unreal.

Wala na siyang make-up dahil tinanggal na niya siguro iyon noong nakatulog na ako kanina. Sobrang bango rin niya. There's still a faint smell of his perfume in this room and I think I can sleep tight because of it.

Totoong kapag nakita at nakasama mo ang idol mo kahit saglit lamang ay maaadik ka na rito.

Ito pa nga lang ang nangyari ay para na akong dinuduyan sa sobrang sarap sa pakiramdam. Overwhelming yet mezmerizing.

I should've acted more poised and looked more decent pero noong makita ko ang reflection sa salamin kanina ay alam ko nang hindi ako mag-iiwan ng impresyon sakaniya. I look like a wild mushroom that popped up in the middle of the city.

Magkaiba talaga kami ng mundo. Ako, kaunting clumsiness lang ay mukha na akong sinabunutan ng monkey. Samantalang siya, he was busy the whole day. He worked early in the morning until sunset tapos mukha parin siyang ipinanganak palang.

Literal na mukha siyang amoy jhonsons baby powder.

Sana kasama rin sa trabaho ko ang magpunas ng pawis at maglagay ng pulbo sa likod niya. I would love to treat him like a baby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top