Chapter 7: Insomnia
There's something with Jungkook that will attract people around him. Clearly, his overflowing aura and charms are one of the reasons. But, the unpredictable Jungkook is more attractive than his other characteristics.
Jungkook can even do the impossible. And at the unexpected times.
Nagpaalam siya sa'kin na lalabas muna sa veranda para magpahangin. Tumango nalang ako dahil hindi narin magkamayaw ang puso ko. Tila naging karera ang dibdib ko sa lakas ng kabog no'n.
Tumayo ako mula sa pwesto ko saka lumapit sa simpleng vanity mirror ni Jungkook. Hinawi ko ang buhok saka ko nakita ang mahabang sulat sa may batok ko.
Mahina akong natawa dahil hindi siya nagsinungaling noong sinabi niyang may isinulat siya sa leeg ko. Kahit sa batok talaga siya nakalagay.
I took a good glance on the numbers written there. Nahirapan pa akong mabasa lahat 'yon dahil narin mahirap gumalaw sa lagay ko. At ayokong maputulan ng leeg sa gagawin kong pagsilip ng numbers.
I took my phone instead and started to take a mirror shot with my exposed neck. Kitang-kita sa picture ang numbers doon kaya naman hindi ko na muna isinave ang number sa contacts ko.
This is a favor to me. Although, I still have the hesitations, wala naman sigurong mali dito dahil magta-trabaho naman ako para sakaniya. We need the communication.
Hindi ko siya ite-text o kaya ay tatawagan dahil lang magpapamasahae ako katulad ng sinabi niya. Ano ako gold? para magpamasahe sa isang worlwide famous idol?
Naisip kong matulog na para mabawasan kong mag-isip ng kung anu-ano. I should refrain from thinking unwanted thoughts. I should focus on my responsibility right now, my work. My job to be his assistant.
But first, I have to be well and free from sickness.
Nagising na lamang ako bigla nang tumunog ang phone ko. Kaya mula sa masarap na pagkakahiga ay bumangon ako at hinanap iyon.
Madilim ang paligid dahil nakapatay na ang mga ilaw kaya kinapkap ko iyong lamp sa tabi.
Nang lumiwanag ng kaunti ay nakita ko ang phone sa may vanity mirror. Agad ko 'yong dinaluhan at dinampot. Sobrang ingay na no'n at natatakot akong baka magising si Jungkook sa ingay no'n.
Sakto namang namatay ang tunog nang mahawakan ko na ang phone ko. Badtrip. Baka mamaya naistorbo na nito si Jungkook.
Teka, nasan pala ang lalaking 'yon?
Saan siya natulog?
I checked my phone and the missed call were from my friend. Seriously? Ganitong oras tumatawag pa siya? Siguro ay may chika na naman 'yon. Alas dose na ng madaling araw.
Naglakad na lamang ako palabas ng kwarto upang hanapin ang lalaking kasama ko. Ngunit napaigtad ako nang tumunog na naman ang telepono ko.
Kelly, bwiset ka!
Agad kong sinagot ang tawag sa takot na makaistorbo na talaga ako sa tunog no'n.
"What is wrong with you?"
[What took you so long to answer, huh?]
Aba at ako pa talaga ang sinungitan niya?
"I was sleeping, what do you want?" masungit ngunit mahinahon kong sagot.
[You're sleeping? Where?] may bahid ng pagtataka ang boses niya. Para rin siyang nabubulol magsalita.
I rolled my eyes.
"Of course, in my be–" biglang nagising ang diwa ko dahil sa naalala. Wala nga pala ako sa sariling higaan.
[In your bed?] pagtapos niya sa sasabihin ko. [Why aren't you answering me then? Where are you sleeping? In your washroom? Why can't you hear me, Jesus!] sa tono ng kaniyang boses ay parang gusto niyang umiyak at magwala. Anong nangyari?
I sighed nervously.
I heard a clanging of metal. [Now that you are awake, can you please open the gate for me? I'm tired and. . . sleepy.]
Nanlaki ang mga mata ko. "Nasa tapat ka ba ng bahay ko?!" natataranta akong napasigaw. Tinakpan ko rin kaagad ang bibig. I'm so noisy. Jungkook might be sleeping.
[Just pick me up here in front of your gate please?]
Patay. Nasa bahay nga siya.
Paano ko ba sasabihin sakaniya na nasa condominium ako ng sikat na kpop idol?
"K-kelly, I . . . I-I'm not home right now. I'm at–"
[Still at work?!] she exaggeratedly yelled. Sasagot na sana ako ng oo pero nagsalita ulit siya. [Don't lie to me, I've gone there. It's not your shift today!]
[Are you telling me, you're not home? Right now? Right at this hour?!] Obvious naman. Kanina pa yata siya sumisigaw sa tapat ng aparment ko.
"umm yes." I can't lie. It's the truth that I'm not home because I'm with my husband's home.
Kidding.
[Where?] parang napapagod na wika niya.
"I'll be home, okay? Just relax there and wait for me. I'm gonna be there after. . ." nag-isip muna ako kung ilang oras ba ang aabutin bago ako makauwi. Lalo't mahirap na makasakay ng ganitong oras. Nasa subdivision pa naman ako.
[How long?]
"1 hour?"
[What?! Where are you, exactly, to make it an hour to get back?]
"I don't know. Just wait for me, missy, I'm on my way." Ibinaba ko agad ang tawag at kahit mainit-init pa ang katawan ay nawalan na ako ng pakialam.
I'm worrying she might catch a cold considering she's outside my apartment, waiting for hours. Bakit ba kasi siya nandoon? Late na, ah?
Hindi ko inisip kung ano ang itsura ko basta't dinampot ko na lamang ang bag kong nasa side table bago inayos ang hinigaan ko.
Malisto akong lumabas ng kwarto habang inaayos narin ang buhok ko. Nakapatay lahat ng ilaw kaya gulat na gulat ako noong biglang lumiwanag ang buong kwarto.
I saw this beautiful man standing near the door way. His hands were still at the light switch.
"You're early. You. . . need something?" aniya habang kumukusot pa ng mata.
"I. . . I should get going. I'm sorry for disturbing you." napapatingin ako sa phone dahil masyado na akong natatagalan. Kelly can't stay outside for too long. It's not safe.
"Wait for me." 'yon lang ang sinabi niya at dumiretso na siya sa kwarto. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin at hintayin ang pagbalik niya.
Baka may ibibilin siya sa akin bago ako umalis. After all, I'm now his assistant. I should prioritize him.
Nagtaka ako noong paglabas niya sa kwarto ay nakasuot na siya ng itim na jacket at may bitbit na susi sa kaliwang kamay.
"Are you going somewhere, too?" lakas-loob kong tanong. Baka kasi ay magpasama rin siya sa akin. Kailangan ko nang umuwi.
Tumango siya habang may inaabot sa akin na hoodie. "Wear that before going out." magalang niyang turan at nilagpasan na ako.
Hindi na ako nag-inarte at mabilis kong sinuot ang hoodie saka dali-dali nang sumunod sakaniya.
Nakarating kami sa parking lot at hanggang ngayon ay takang-taka parin ako kung saan kami pupunta. Saan siya pupunta. He should be sleeping and resting.
"Address?"
"Huh?" Hindi ko parin alam kung bakit ako nakasakay sa kotse niyang maganda. Nasa katabi lang niya ako.
"Your home address. It's late. You can't commute at this hour." paliwanag niya dahil halata sa mukha ko ang buong pagtataka.
I typed my address in my notes and showed it to him. Tumango siya ng isang beses bago pinaandar ang makina.
Now I understand. Ihahatid niya ako. Did he overheard the conversation with my bestfriend?
Malamang, Fe! Sa lakas ng boses ko kanina at sa tunog ng ringtone ko ay baka nga nagising ko siya. Nakakahiya.
Tahimik kami buong byahe at ang tanging nagsasalita ay ang voiceover ng map sa phone niya.
Hindi rin ako makapagfocus dahil sa mabangong amoy ng sasakyan niya. Everything he owns smells like him. And just like him, his car is cool and charming.
"You should be resting. Why do you have to go out this late?" He softly asked in confusion.
Tumingin ako sakaniya habang diretso naman ang mata niya sa kalsada.
"I need to fetch my friend outside my apartment. I'm sorry. I'm sorry for disturbing your sleep. I'm sorry I was noisy."
He chuckled and it's like he pulled some strings in my heart. Napakahinhin at gwapo ng tawang iyon.
"Please stop apologizing. I was awake. You didn't disturb me." he assured but all I felt was guilt.
Hindi na ako nagtanong kung bakit ba siya gising ng ganitong oras pero humingi ulit ako ng paumanhin.
"I can't sleep." I glued my eyes at him from that statement. Why? Why can't he sleep? Is he having his episodes of insomnia?
My poor, kookie.
My heart hammered when the car stopped in green light and he immediately looked at me. His lips parted like he had something to say but he hesitated.
Instead, he looked infront, breaking the eye contact we had. "I was thinking." he said without me, asking. 'Yun ang sinabi niya bago ulit kami umandar.
Pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Binagabag ako noon hanggang sa makarating kami sa address ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top