Chapter 5: Bigbang
Pakiramdam ko nasa k-drama ako. Pakiramdam ko isa akong bida sa isang series na gustong-gusto ng mga tao. Pakiramdam ko isa akong importanteng karakter sa tv na inaabangan ng marami dahil sa nangyayari sa'kin ngayon.
Isang ilusyon ba kung iyon ang mga naiisip at nararamdaman ko kahit na ang sama-sama ng pakiramdam ko?
Isang mabangong amoy ang bumungad sa pagmulat ko ng mata. Tila tinatawag ako no'n ngunit kahit ang paggalaw ay hindi ko magawa dahil sa pagkahilo.
Hindi ko inaasahan na ganito kalala ang mangyayari sa'kin dahil lang sa simpleng ulan. Ngayon lamang ito. It didn't happen even once in my life na tumagal ang sakit ko.
I always faint every time I get a fever but other than that, every fever doesn't last long to me. I knew I have a tough resistence but today isn't counted. Nakita ko ang bag sa katabing lamesa kaya inabot ko 'yon habang nakapikit.
Nakapa ko ang cellphone doon saka mabilisang tiningnan ang oras. Muntik pa akong mahulog dahil talagang inilapit ko ang mukha sa screen ng phone ko.
Sino ba namang hindi magugulat kung limang oras kang nakatulog? At sa ibang bahay pa? At kasama ko pa si. . .
Shit, anong gagawin ko?! It's seven in the evening. Already.
Umatake bigla ang hilo sa akin kaya pabagsak kong ibinalik sa pagkakahiga ang ulo ko. Anong nangyayari? Almaryo ba'to?
Napangiwi ako nang parang umiikot ang paningin ko kahit nakapikit naman na ako. Agad namang pumasok sa ilong ko ang masarap na amoy kaya napadilat muli ako.
"Hi!" si maam Chen. What is she doing here? Akala ko ba may aasikasuhin siya.
"Did my delicious cooking wake you?" tumawa siya at umupo sa kaharap na sofa.
Teka. . .nanaginip lang ba ako kanina? Diba si JK ang kasama ko? I remember him insisting on taking me home by his manager. That's the last thing.
Ngumiti nalang ako at pinilit na umupo sa sofa.
"No no. Don't sit yet. Relax." pinigilan niya akong umupo kaya hindi ko narin tinuloy. Humiga nalang ako ng komportable dahil hindi ko maitago ang pagkahilo.
"I'm sorry. I didn't notice you were sick." aniya habang nakabusangot. Ang cute cute ng manager na'to. Napakafriendly at outgoing niya. "I'm just used to seeing people that pale. I thought it was just normal. My artist are always barefaced and almost pale like that when there's nothing going on. In short they don't always wear make-up. Just for special ocations." paliwanag niya pa.
Naiintindihan ko naman. Siguro mas nasanay siyang makitang walang make-up ang mga idols ng company nila. Dahil kung sa 48 oras ay halos kasama niya sila, hindi naman siguro sila nakamake-up kahit nasa bahay lang o kung saan. Siguro pagkatapos ng isang interview o isang event ay kaagad nilang tinatanggal ang make-up ng isang idol.
"Anyway, let's eat. I cooked special for your fever." hindi na ako nag-inarte at kaagad na tumalima. I can feel my stomach churning in hunger. Dahil narin siguro hindi ako nakapag-umagahan at lunch.
Inalalayan niya akong makaupo ng maayos at kulang nalang ay subuan niya ako. Nahahalata niya kasing napapangiwi ako sa tuwing gagalaw ako ng sobra. This is the worst fever I've had.
"Is it okay if you stay here for the night? Do you have someone with you at home?" Hindi agad ako nakasagot.
She already did enough. Inalagaan niya na ako. Pinakain. Nakakahiya na kung matutulog pa'ko rito.
"I know what you are thinking." Tawa niya. "Don't think about it. I'm worried because you might fall and get hurt if you insist on going home."
Nag-isip ako. Should I?
"You're part of Bighit family now. I can't let you go home like that." napangiti ako sa sinabi niya. Hindi dahil nag-aalala siya, dahil sa unang pangungusap.
I appreciate her concern, though.
After series of what ifs and should I? I decided to just stay. Hindi naman siguro ako makakaabala. Isang gabi lang naman.
Hindi lang ako mapakali nang sabihin niyang pauwi na daw si JK. I knew I didn't just imagine. It wasn't a dream. Siya nga ang huli kong kasama noong mawalan ako ng malay.
Umalis lang daw si JK para sa isang interview shooting. Halos apat na oras ang itinagal no'n ngunit pauwi na daw ang lalaki.
If he would come back, does that mean he stays here?
Saan ako matutulog?
Goodness, bakit ba ako namomroblema, dalawang pinto ang nakita ko. Kung isa do'n ang kwarto ni JK, isa sa manager niya. . .
Saan nga ba ako matutulog?
"Don't worry about anything. You can sleep at my room for the meantime. I need to go back to my own home, my children called me and I need to attend our family day, tomorrow." That relieves me, somehow. Na may tutulugan ako.
Ngumiti nalang ako. Para akong manikin dahil hindi ako makagalaw. sa kinauupuan.
Nang maubos ang kinakain ay nagpasya akong humiga ulit. Nakita ko ring panay ang dutdot ni Ms. Chen sa cellphone niya. Parang may tinetext.
Ipinikit ko ang mata dahil mas nahihilo ako sa pabalik-balik niya sa harap ko.
Kitang may nahihilo dito.
Joke.
Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng mga tunog mula sa pintuan. JK's here. Matapos siguro mapindot ang passcode ay isang mahabang tunog naman ang narinig ko, nakapasok na siya.
Mariin kong ipinikit ang mata. I don't know how to face him, after all that fuss?
It's embarassing to even think about him carrying me after fainting. Baka nakanganga pala ako nung nahimatay o kaya baka naglalaway ako habang tulog.
I just can't find another courage to face him. Magtutulog-tulogan nalang siguro ako. This could work. Uuwi naman na ako bukas.
"How's her temperature, noona?" sa sobrang bait at lambing ng boses niya, aakalain mong tunay niyang kapatid ang tinatanong.
"She's still 39 and still dizzy." sagot ni Ms. Chen. Narinig kong nagpaalam na siya kay JK at ang huling narinig ko nalang ay ang tunog ulit ng pinto.
Hindi na nagpaalam ang babae dahil siguro nakitang nakapikit ako.
Ilang segundo lang ang lumipas ay nakaramdam ako ng palad sa noo ko. Dahil sa matinding gulat ay napaigtad ako.
Galingan mo umarte, Fe. Nakasalalay dito ang kahihiyan mo.
Nanatili akong nakapikit. Ayoko talagang tumingin sakaniya. Now that I probably looked like a mess.
I heard him clicked his tongue and his footsteps were echoing in my ear. "Why girls are so stubborn?" mahina lang iyon pero rinig na rinig ko dahil kami lang naman ang nandito.
What is he reffering? Anong girls are stubborn? Marami ka ng experience, Jungkook?
"I should really learn a lot on how to treat a sick person. This is hard. What should I do. Should I bring her to the hospital?"
Biglang nangunot ang noo ko. May kausap ba siya?
Gusto kong magmulat pero dahil sa takot ay 'wag nalang pala.
I'm scared he might see me so helpless. Baka lalo siyang mamroblema sa kalagayan ko. For goodness' sake, pagod siya sa trabaho, dumagdag pa ako sa isipin niya.
Should I just go home?
Inihanda ko na ang sariling magmulat, tumayo at magpaalam pero bigla akong napunta sa ere.
I felt his hand on my back and lower leg, supporting my weight. I can also feel his manly breath and sweet scent. I was being carried in a bridal style.
Carried again by Jungkook of BTS.
Narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto. He is taking me inside his manager's room. I think.
Muli niyang pinasadahan ng kamay ang noo ko at tumunog ulit ang dila niya. "This is bad. You're sweating a lot. You need to change." bulong niya.
Doon ko lang naramdaman ang pagdalusdos ng matatabang butil ng pawis sa noo, likod at maging sa loob ng bra ko.
Init na init narin ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan o dahil sa init ng katawan kong nasa 39 degrees pa raw.
"I need to wake her up to change her clothes. I can't do it. Uhh. . .I should've let noona do it a while ago." Para siyang bata na hindi malaman ang gagawin. I'm also sure he is talking to himself. We have no one here but the two of us. At akong kasama niya ay tulog kunware kaya siguradong sarili ang kausap niya.
Napagdesisyonan kong magmulat na at kunware pa akong humikab para hindi halatang nagpanggap lang akong tulog.
"H-hey. . .uh. . .I think you need to umm. . .change your clothes? You're sweating a lot." awkward niyang wika.
Kung kanina ay mukha siyang cool na mafia boss dahil sa 'boss card' niya, ngayon ay mukha siyang batang nahihiyang magsabi ng gusto.
The duality of this man. Cool turns cute. Only Jungkook can do that.
Pasalamat naman ako at nawala na ng kaunti ang hilo ko.
I told him I can change on my own. But the problem is the clothes I would wear.
Umalis siya saglit pero pagbalik niya ay nagkamot lang siya ng batok. "Noona didn't have anything in her room. No girl's clothes."
Huh? Room nino? Ni Ms. Chen? 'yong pinuntahan niya?
Whose room is this, then?
Agad namang nasagot ang tanong ko noong lumapit siya sa closet sa gilid lang ng malaking kwartong ito. Kumuha siya ng ilang damit doon na nakahanger.
I'm in his room. Bakit dito niya ako dinala?
"Which one do you like? I'm sorry I don't have anything girl's wear." nakabalandra sa harap ko ang mga tshirt niyang malalaki. I looked at them as if they were gold. Mga branded ang mga 'yon. Nakakahiyang suotin.
Umiling ako. "I'll be fine."
"No. Drying sweat is not good. You should. . .change." nag-alangan pa siya sa huling salita.
I sighed and pointed at the black shirt imprinted LV. Tangina, branded na branded. Pareho naman branded 'yon. Fila 'yung isa.
Hinayaan niya akong makapagpalit kaya lumabas muna siya.
Okay lang din naman kahit nasa loob lang siya-
Goodness, Fe ano'ng iniisip mo!
Nang matapos ay naglakad ako palabas kaya gulat na gulat siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot ko o dahil nagulat talaga siya sa bigla kong paglabas.
"Why did you stand up. You could've fall." aniya habang inaalalayan ako pabalik.
Fall na fall na nga, JK. Sa bait mong 'yan? Sinong hindi maiinlove?
Parang napaso pa siya noong humawak ako ng mahigpit sa braso niya. Gano'n din naman ako kaya inalis ko kaagad ang kamay.
But he took it again, to cling back in his elbow. Siya naman ang humigpit ng kapit doon. Naramdaman ko ang marahang paghimas ng hinlalaki niya sa kamay ko.
His naturally sweet habit is endearing. Ang biglaan niyang pagkagat ng labi, lumalabas ang dimples niya. The caressing of his thumb, the poking of his toungue inside his cheeks, he looked like a squirrel. Even the way he ruffle his hair makes me blink a few times to remind myself that I'm not dreaming.
Para kasi siyang lumabas ng tv. He looked like a kpop-idol who came out from my phone screen. Which he totally do.
May make-up pa siya dahil kadarating niya nga lang galing sa shoot nila. 'Ni hindi niya maasikaso ang sarili ng dahil sa'kin.
Nang makaupo sa kama ay lumuhod siya sa harap ko. He looked straight in my eyes. It was full of stars and galaxy. It expresses so much emotion I can't name. Kaya siguro tuwing pinapanood ko siya sa mga videos nila ay nadadala niya ako palagi. Just by looking at him already brings me comfort, ease, and love. He can bring you to euphoria just by peering at his beautiful face and eyes.
"Ms. Fueina," panimula niya. May inilabas siyang medyas at agad niya iyong isinuot sa paa ko.
"Do you believe in bigbang?" kumunot ang noo ko sa biglaang tanong niya.
"Yeah. I know them, they are famous-"
He chuckled. "No, I mean that Bigbang. The scientific story where our world came from."
Ah.
Napatango ako. I thought that bigbang. Namula ako sa kahihiyan.
"I read an article about it. It's amazing how everything started with a dot. With nothing but dark small hole. Nothing but nothingness." saad niya na nakapagpangiti sa'kin.
Dahan-dahan niyang isinusuot ang mga medyas sa akin na para bang nag-slow motion ang lahat saamin.
"It's amazing that, that one dot started everything. This life. Our life."
Nakinig ako sakaniya habang nakayuko siya sa mga paa ko, nagsusuot parin ng medyas.
"I really think that if I do everything I want, that dot would be so happy for me." natigilan ako sa sinabi niya. "I only have one life. If I use this life to make everything happen, that dot would smile and be proud of me. Because I started with nothing but I will continue to live with everything I want. Just like how that small dot became this world. That small dot despite being small and almost nothing, became the biggest."
"Amazing, right?" tumingin siya sa mata ko. Puno ng emosyon iyon at nadadala ako no'n.
Biglang nawala ang agam-agam ko. Naging mas komportable ako sa loob lang ng ilang minuto niyang pagsasalita.
I nodded my head as my agreement.
"You're your own dot." iyon lang ang nasabi ko.
I was overwhelmed by his words that I can't pick up some letters to say and add something to his philosophy. I'm just really grateful that he shared that to me. Even out of the blue.
He smiled and stood in front of me. Binigyan niya ako ng siguradong ngiti at tingin na animoy nagsasabing 'walang imposible'.
"You can be your own dot too. Someday."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top