Chapter 3: Ms. Sound
Sa napakaraming pagkakataon na gusto kong makita ako ni Jungkook, ngayon lang ako nanalangin na sana hindi niya natandaan ang mukha ko.
Masyado namang madilim sa parteng 'yon pero hindi ako bilib sa paraan ng pagtitig niya. Hindi naman iyon creepy o kung ano. . .
Kinilig pa nga ako e.
I'm just scared that he might regard me as someone who belongs to this kind of environment. Toxic and alcoholic environment. Ito 'yong dahilan kung bakit ayokong may makaalam na sa ganitong lugar ako nagtatrabaho, lalo na ni Jungkook.
Hindi naman masama ito. Hindi naman ako nakakatapak ng kapwa ko. But the fact that I took this job since my younger years, no one will buy it. It's illegal here in Korea to work with this kind of job. It's considered as child labor.
Pero ako naman kasi ang pumeke ng edad ko. Kaya mas natatakot ako. I told them I was eighteen, although I was just sixteen, a minor. Baka ako pa ang maunang makulong kaysa sa mga nag-hire sa'kin. At ayoko din namang mapahamak ang mga tumulong sa'king magkaroon ng trabaho.
Bumalik ako ng stage kahit lutang parin ang pag-iisip ko. Bukod kasi sa encounter namin ni JK ay narecieve ko na ang email sa isang pinag-apply-an ko. Hindi ako natanggap.
Grabe naman 'yon! Ang tataas ng standards nila dito lalo na sa position na hanap ko. I can't reach the same position I have in the Philippines, here.
Namataan ko pa ang mga kasamahan ni Jungkook sa dati nilang pwesto pero hindi ko na siya nakita ulit doon. I guess he already headed home. Swerte ko nalang na nasaktuhan ko siya kanina. Nasulyapan ko pa kahit lips niya lang.
Noong pauwi na'ko, may sulat akong natanggap. It was a mysterious letter and I was nervous as fudge. Hindi ko alam kung kanino galing pero binasa ko lang 'yon dahil sa sobrang curious ko.
Napakunot ang noo ko sa nabasa. It indicated a complete address and a short message.
'thank you!"
Bakit siya nag-te-thank you? 'ni walang initials na nilagay kaya wala akong ideya kung kanino 'yon galing. Kaya bakit naman siya nagpapasalamat kung hindi ko naman siya makikilala.
Saka medyo weird 'yong adress ah. Why are they giving away their complete address to a complete stranger like me.
Dito lang naman ito sa Seoul. In fact, the address tells me 'rich'. Isang malaking subdivision iyon at masyadong mahal ang renta sa mga condo doon.
Tangina?! Baka naghahanap 'to ng sugar baby? Jusko!
No thanks. Binulsa ko nalang ang sulat at naglakad na.
"Ms. Sound, are you heading home?" paalis na'ko nang magtanong si Ara, one of the girl DJ's. Mukhang kadarating niya lang.
Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko narin inangat ang tingin sakaniya. Sanay naman na sila sa trato ko.
"Can I borrow your hoodie?" pahabol niya. Tumaas ang kilay ko at humigpit ang kapit sa tela ng hoodie ko. Nasa bulsa kasi ang kamay ko.
Tinapunan ko siya ng tingin pero nakataas parin ang kilay. Nginitian ko siya at matigas na umiling.
"Forgive me. I don't lend my things especially clothes."
"Oh," parang nadismaya ang boses niya. "Can I just ask your help?" bigla akong nairita sa presenya niya.
"For what?" I made my voice as soft as possible. Hindi ko pinahalatang naiinis ako. Gusto ko na kasing umuwi.
"I'll borrow that man's. . ." tinuro niya ang pwesto nila Jungkook. Nandito pa siya? I never seen him again after our encounter a while ago. "Hoodie."
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Hihiramin niya ang suot na hoodie ni Jungkook?
At ako ang uutusan niya?
Wala ba siyang hiya?
"I just feel cold. I forgot to bring my own jacket." wala nga siyang hiya.
Marami namang tao dito, bakit si Jungkook pa ang napili niyang hiraman ng hoodie?
Tyaka, alam niyang malamig ang bansang 'to, bakit naman nakasando siya? Maghahating-gabi na.
"Can you. . . umm help me?" Sa liit ng boses niya ay aakalain mong nagpapacute siya. "I'm just a little shy."
Hindi ko na napigilang magtaray. Agad kong hinubad ang suot kong hoodie at binigay sakaniya. Bigla siyang tumalon-talon na para bang tuwang-tuwa siya sa pagpapahiram ko.
"Take care of it. I don't have a shift tomorrow so. . . I'll take my hoodie on sunday, next week." tumango-tango siya sa paalala ko.
Pumasok na siya ng tuluyan pagkatapos suotin ang hoodie ko. Kumuha naman ako ng facemask para iyon nalang ang humarang sa mukha ko.
Daig ko pa ang artista. Si Jungkook nga kanina, ni walang facemask e. 'yong hoodie at bucket hat lang rin ang humarang sa mukha niya.
Matagal pa akong tumingin sa pwesto nila Jungkook, dahil nakikita ko sila mula dito sa exit. Nagulat ako noong makita ko si Ara na palapit doon.
Ano bang pakulo niya?
Nakita ko ang agad na pagkausap niya sakanila. Ngumiti ang isang member ng Astro– si Cha Eunwo at Got7. Si Jungkook naman, kahit malayo ay nakita kong nakakunot ang noo habang nakatingin sa hoodie ko.
Yeah, he's looking intently at my hoodie not to the person whose wearing it. Ara, on the other hand, is doing her best to shakehands with them.
Natawa ako noong tinitigan ng matagal ni Jungkook ang kamay ni Ara habang nakakunot parin ang noo. Pagkuwa'y, ngumiti rin ito pero halata kong pinilit niya lang.
For all those years I admire this man named Jungkook, I already know what's fake and what's real in his expressions. Especially his smile. In between his dimples, lies how real it is. It depends how deep the dimple is.
Palong-palo na ang tawa ko pero napatigil ako noong dire-diretsong pumihit ang ulo ni Jungkook sa direksyon ko. Nasamid ako ng sariling laway.
Matagal ang naging pagtitig niya. Hanggang sa ako nalang ang umiwas. Mabilis akong nagtago sa pintuang bakal ng exit. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
He looked at me as if asking why is Ara wearing my hoodie? Ganon na ganon ang tingin niya. I wasn't wearing anything except the facemask but I'm still uncomfortable that he looked my way.
Hinayaan ko munang humupa ang lakas ng lagabog ng dibdib ko bago ko naisipang maglakad na.
Pero iilang hakbang palang, palabas na'ko ng gate, pero agad din akong bumalik. I saw him. Again.
Para siyang kabute na basta-basta nalang sumusulpot sa kung saan. Nandoon siya sa labas ng gate. Kitang-kita ko ang bucket hat niyang itim pati ang nangingintab niyang stilletos shoes. Nakapamulsa siya sa hoodie habang ang isang kamay ay may hawak na baso. Nakasandig rin siya sa isang itim na kotse.
Nakatagilid man ay kilalang-kilala ko kung sino siya.
Jungkook, saan ka ba dumadaan? May secret passage ba ditong hindi ko alam?
Nakalimutan niya rin yatang idol siya. Sikat. Habulin. 'Ni wala kasi siyang facemask ngayon at nasisinagan siya ng ilaw mula sa streetlights sa labas.
It was just dim lights but it absolutely gave anyone who sees him an access to his face. Sa gwapo niyang 'yan? Lakas pa ng aura at dating.
Parang nabuhol ang mga bituka sa utak ko. Wala akong maisip na paraan para makalabas ng hindi niya napapansin.
Siguro dadaan nalang ako na parang normal lang. Kunware wala akong pakialam sa paligid.
Diretso lang, Fe! Tama!
Nag-ipon ako ng lakas ng loob at dire-diretsong dumaan sa harap niya. Pigil hininga pa ako. Bahagya akong nakayuko pero 'yong tindig ko ay confident at parang walang sinasanto.
Diretso lang, Fe. Kaunti nalang!
Diretso lang.
Kaunti nalan–
"It's yours, right?" Gusto kong dumiretso lang pero. . .
"Who's the real Ms. Sound, then?" dagdag niya.
Ako 'yon syempre. Ako 'yon, gguk.
But I can't answer him. I just. . . can't.
Why is he even asking that?
"If she is 'Ms. Sound', who are you?" sa tono niya ay parang gulong-gulo rin siya.
Kahit ako ay walang ideya sa tinatanong niya.
"What do people call you, here?" tanong niya ulit dahil nanahimik lang ako.
My back was facing him so I can't even see his reaction. I badly want to look at him and say that I am the Ms. sound he is talking about. But even if I want to, it's not the right time.
Napalunok nalang ako sa kaba. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o mananahimik nalang.
"Aren't you cold?" I heard him scoffed but it sounded uneasy. It's like he's nervous as well.
Bigla akong napatanga noong maalala ang suot ko. Tumingin ako sa suot kong sando. I gave Ara my hoodie so my upper body was a abit exposed to air. Nagtaasan ang mga balahibo ko.
Sa tuwing magsusuot ako ng hoodie ay sando lang talaga ang suot ko sa ilalim para hindi masyadong mainit. Lalo na't malikot ako minsan sa stage.
"Fake Ms. Sound or not, you shouldn't let others wear your hoodie. You need it more. It's cold." mahina niyang sabi sa likod ko. Naramdaman kong may ipinatong siya sa balikat ko.
Agad na pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy galing sa telang nakapatong doon. Napapikit ako.
Narinig ko ang yapak niya palayo kaya minulat ko na ang mata ko. Hinablot ko ang tela mula sa balikat at agad na inembistegahan.
It was his hoodie. The one he's wearing literally just a minute ago.
Anong. . .
I don't even want to question his kindness but did he even know me? Bakit niya ipinapahiram sa estranghero ang gamit niya.
Marami ang baliw na fans. Kapag nalaman nila ito, siguradong lagot kami pareho. Pero mas malala ang magiging consequence sakaniya.
Hindi ko sinuot ang hoodie dahil babalik ako sa loob para isauli 'yon. Gaano ko man kagustong angkinin at isuot 'yon, it feels illegal to even touch Jungkook's thing. Kahit may permission niya. Nakakatakot parin.
Nagdalawang-isip pa ako pero itinuloy ko ang pagsauli. Ibang tao nga lang ang inutusan ko dahil nahihiya na ako. Nilagyan ko nalang ng maikling sulat sa bulsa no'n. I thanked him for his kindness and I also told him about his question. I wrote there that I have no idea what was he talking about. Pero hindi ko sinabi na ako nga ang Ms. Sound na'yon.
Lahat ng hoodie ko ay may initials ni Ms. Sound. Lahat din ng hoodie ko ay pinaghalong itim at purple ang kulay kaya madaling makilala kahit dumaan lang ako. Kaya siguro nakilala niya ang suot ni Ara kanina.
Umuwi na ako pagkatapos makitang nakuha na niya ang hoodie. Sinilip ko ang reaksyon niya. His forehead were deeply creased and he actually looked around to see if I was still there. Siguro ay nagtaka siya kung bakit isinauli 'yon.
I adore him so much for his sweet and kind heart. It compliment his outer beauty.
But sometimes, his kindness is being abused and I don't want to be one of them. I know his intention to help is pure but it can be a reason for others to take advantage of him. He shouldn't give his kindness to everyone. Even to me.
He should give it only who deserves it. Makasarili na kung makasarili. Pero sa mundo niya, marami ang peke. Marami ang mapagpanggap. Marami ang manggagamit. He should be always careful and not trust just anyone. Even if it's me.
Naulanan pa'ko papuntang sakayan pero hindi ko na ininda 'yon. Nanginginig pa akong sumakay sa bus pero wala akong nagawa.
Ito ang nakukuha ng mga nagmamarunong. Hindi sinabi sa weather forecast na uulan ngayon.
Hindi ko rin naman inasahan na magagamit ko 'yong hoodie ni Jungkook kung sakali. Pinangunahan kasi ako ng takot ko. Baka abangan ako ng mga sasaeng, kung mayroon mang nakamasid.
Naramdaman ko kasing may nakatingin kanina. Hindi ko alam, gano'n naman ako palagi. Malakas ang radar ko kaya madali akong matakot.
Sobrang bigat ng katawan ko kaya hindi na ako nakapagbanlaw at nagbihis nalang kaagad nang makarating sa bahay. Nagtalukbong ako ng kumot dahil manginig-nginig pa'ko.
Kasalanan mo talaga 'to. . .
Weather forecast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top